You are on page 1of 8

unawa sa pagbasa at mapahalagahan ang pagbabasa.

DESINYO/ METODOLOHIYA: Disenyong paglalarawan na ginamitan ng

Talatunugan, panayam at performans o antas ng kakayanan sa pagbasa ang

aksyon resirts na ito. Ang mga datus ay binigyang kahulugan gamit ang

frequency counts, bahagdan, weigted arithmetic mean at 5-point likert scale.

KINALABASAN: Antas Batay sa pananaliksik ang mga mag-aaral ng Baitang 8

ng Lopez National Comprehensive High School ay nasa Intermediate Level ng

Pag-unawa. Upang mapataas ang antas ng kasanayan sa pagbasa ng mga

mag-aaral sa pagbasa nagsagawa ng programa sa pagbasa ang guro.

ORIHINALIDAD/ KAHALAGAHAN: Ang mataas na pagsang-ayon at

magandang performans sa pagbasa ng mga mag-aaral ay sapat na basehan sa

pagpapataas ng antas ng pagbasa at pagpapahalaga sa panitikaan ng mga

mag-aaral sa Baitang 8 ng LNCHS, Lopez, Quezon. At dahil dito, naging


batayan ng mga guro sa Filipino ang paraan ng pagtuturo sa pagbasa.

Mga Susuing Salita: Pag-unawa sa Pagbasa, Pagpapahalaga sa Panitikan, 2Panimula

Huwag nating basta turuang magbasa ang mga mag-aaral ng mga kilala at

mahuhusay na akda, turuan din natin silang mahalin ang pagbabasa – B.F. Skinner

Pangkalahatang layunin ng 2013 Kurikulum ng K to 12 ang makalinang ng isang

buo at ganap na Filipinong may kapaki - pakinabang na literasi. Kaugnay nito, layunin ng

pagtuturo ng Filipino na malinang ang (1) kakayahang komunikatibo, (2) replektibo /

mapanuring pag-iisip at, (3) pagpapahalagang pampanitikan ng mga mag-aaral sa

pamamagitan ng mga babasahin at teknolohiya tungo sa pagkakaroon ng pambansang

pagkakakilanlan, kultural na literasi, at patuloy na pagkatuto upang makaagapay sa

mabilis na pagbabagong nagaganap sa daigdig.

Sa ikatatamo ng mithiing ito, kailangan ng mga kagamitang panturo ng mga guro


bilang suporta sa kurikulum na magmumula sa administrasyon, ahensiyang panlipunan,

pribado at publiko, pamahalaang lokal, midya, tahanan at iba pang sektor ng lipunan.

Kaugnay nito, tunguhin ng asignaturang Filipino lalo na sa antas Sekondarya na

malinang ang mga kasanayang MAKRO (Pakikinig, Pagsasalita, Pagsusulat, Panonood

at Pagbabasa) at mabatid ang tiyak na kaalamang panggramatika sa pagtatamo ng

kakayahang komunikatibo sa pagkatuto at paggamit ng wika. Ang paglinang sa literasi

ng mga mag-aaral ang pangunahing layunin ng mga paaralan saanmang panig ng

mundo. At isa sa mahalagang aspekto nito ay ang kakayahang sumulat at bumasa.

Ayon kay Lalunio (2003) at nabanggit ni Lucila (2014), susi sa pagkatuto ng

alinmang larangan ang kakayahang bumasa. Sinasabing ang isang taong nagbabasa ay

mayaman sa kaalaman kaya’t siyay inaasahang may malawak ding pang-unawa.

Gayunpaman,ipinapakita ng mga naunang pananaliksik na may kahinaan sa

pag-unawa ang mga mag-aaral sa kasanayan sa pagbasa. Patunay nito ang ang
resulta ng National Achievement test (2009- 2012) na kung saan natuklasan at

napatunayang may mababang antas sa pagbasa nang may pag-unawa ang mga magaaral ( Lucila, 2014).
Kaya naman pangunahing layunin ng pag-aaral na ito na

matugunan ang suliraning ito upang mapataas ang antas ng kasanayan sa pag-unawa

ng mga mag-aaral sa pagbasa at pagpapahalagang pampanitikan gamit ang mga

akdang panitikang popular.

Sinagot sa pag-aaral na ito ang mga sumusunod na katanungan:

1. Ano ang antas ng kasanayan sa pagbasa at pagpapahalagang pampanitikan ng mga

mag-aaral ng Lopez National Comprehensive High School, Baitang 8 gamit ang mga

akdang Panitikang Popular?

2. Batay sa pananaliksik, paano makakatulong ang pagbabasa ng mga akdang

pampanitikang popular sa antas ng kasanayan sa pagbasa at Pagpapahalagang

pampanitikan ng mga mag-aaral sa baitang 8 ng Lopez National Comprehensive High


School?

3. Anong programa sa kasanayang pagbasa ang maaaring isagawa upang madagdagan

ang kaalaman ng mga mag-aaral at mapataas ang antas sa pag-unawa sa pagbasa at 5mapahalagahan
ang panitikan lalo na sa pagbabasa gamit ang mga akdang panitikang

popular?

4. Batay sa resulta ano ang kaibahan ng panimulang pagtataya sa antas ng kasanayan

sa pagbasa at pagpapahalaga sa panitikan sa pangwakas na pagtataya matapos ang

programa sa pagbasa?

II. KAUGNAY NA LITERATURA

Hindi mahalaga kung anong uri ng teksto ang binabasa ng kabataan ang

mahalaga nahikayat silang magbasa - Maya Angelu

Ang pagbasa ay isa sa limang macro skills sa pagtuturo ng wika. Ito ay makikita

sa interaksyon ng mambabasa at ng teksto na mag-uugnay sa tatas sa pagbasa. Bilang

proseso, ang mambabasa ay nakikipag-ugnayan sa teksto upang matamo ang


kahulugan at iba’t ibang kaalaman na ginamit: linguwistika o sistimatikong kaalaman, (

bottom-up) at iskema ( top-down).

Ang dating kaalaman (iskema) ang unang kailangan sa pag-unawa sa binasa upang

maunawaan ang binasang teksto. Ang iskema ay nararagdagan, nalilinang, nababago at

napauunlad.

Ayon kay Alyousef (2005), nabanggit ni Cadavedo (2015), na ang kasanayan sa

pagbabasa ay isang aktibong proseso ng pag-unawa kung saan ang mga mag-aaral ay

nangangailangang turuan ng mga estratehiya upang maging mahusay magbasa.

Carrel and Eisterhold (n.d) , nabanggit ni Cadavedo (2015), binalangkas nila ang

proseso ng bottom-up at prosesong top-down nang sabay sabay sa lahat ng antas. Ang

mga datus na kinakailangan upang mapunuan ang iskema ay makukuha sa prosesong

bottom-up. Ang prosesong top-down ay upang mapadali ang pag-unawa. Ang


prosesong bottom-up ay tinitiyak na ang mambabasa ay maging sensitibo sa mga ideya

na hindi akma sa matalinong haka tungkol sa nilalaman ng teksto o istruktura ng teksto;

ang top-down ay tumutulong upang maresolba ang mga mahihirap na kahulugan o

pumili sa dalawang posibleng alternatibong interpretasyon ng datus.

Mahalaga ang dating kaalaman o iskimang mambabasa tungkol sa teksto.§Kung

kulang sa angkop na konseptongkaugnay ng teksto, magiging suliranin

angkomprehensyon. Mahalaga bago bumasa ang paglinang ng mga dating konseptong

nalalaman ngmambabasa na kaugnay ng tekstongbabasahin.

Sinasabing kung walang pag-unawa ay walang pagbasang nagaganap. Ayon

kayGoodman, ang pagbasa ay nagigingmakahulugan kung may interaksyon

angmambabasa at ang teksto.Nagagamit ng bumabasa ang mga dati naniyang

kaalaman at karanasan upang iugnaysa binabasa at sa ganitong paraannauunawaan

niya at nasusuri ang binabasa.


Ang lahat ng dating nararanasan at natutuhan ay nakalagak sa isipan at maayos

nanakalahad ayon sa kategorya. Ang mga iskimang ito ay nadaragdagan,

nililinang,nababago at napapaunlad (Pearson at Spiro,1982). Sa kasalukuyang

pananaw, ang mambabasa bago pa man niya basahin ang teksto ay may ideya na siya

sa nilalaman nito batay sa dati niyang iskima sa paksa.

Binabasa niya ang teksto upang patunayan kung ang mga hinuha/ ekspektasyon

niya ay wasto, may kulang o dapat baguhin. Ang teksto ay lunsaran lamang o resors sa 8

You might also like