You are on page 1of 4

FILIPINO Part 3

1. Binasa ng guro ang mga sulatin ng kanyang mga mag-aaral at bumuo siya ng pangkalahatang
impresyon. Pagkatapos ay binigay niya ang mga puna upang mapabuti ng mga mag-aaral ang
kanilang wika. Anong paraan ng ebalwasyon ang ginamit ng guro?
A. Pagmamarkang holistic
B. Pagmamarkang analitik
C. Mapamiling pagmamarka
D. Dalawahang pokus ng pagmamahal

Ans: A. Pagmamarkang holistic


- Ang pagmamarkang holistic sa pagwawasto ng pagbasa ng guro sa sulatin at pagbuo ng
isang pangkalahatang impresyon

2. Anong proseso ng pag-aaral ng panitikan ang isinisaad ng sumusunod na tunguhin?

“Nailalapat ang mga kaisipang nahango s kwento sa mga sitwasyong nagaganap sa pang-araw
araw na buhay.”
A. Pagsusuri
B. Pagtataya
C. Paglalahat
D. Paglikha

Ans: C.Paglalahat
- Ang paglalahat ayisang proseso ng pagtuturo ng panitikan ay dapat na naayon sa
istilo ng pagkatuto ng mag-aaral. Kaya naman, ang panonood ng bahagi o tagpo ng isang
pelikula sa klase ay naayon sa mga mag-aaral na may biswal na istilo ng pagkatuto.

3. Anong estratehiyasa pagtuturo ng panitikan ang naangkop para sa mga mag-aaral na may
biswal na istilo na pagkatuto?
A. Dula-dulaan
B. Pagpapalabas ng pelikula
C. Pagpapatugtog ng musika
D. Pagdaraos ng ulat

Ans: B. Pagpapalabas ng pelikula


- Bawat estratehiya sa pagututro ng panitikan ay dapat na naaayon sa istilo ng pagkatuto
ng mag-aaral. Kaya naman ang panonood ng bahagi o mga tagpo ng isang pelikula sa klase ay
naayon sa mga mag-aaral na may biswal na istilo ng pagkatuto.

4. Uri ng banghay na sumasailalim sa katuparan ng isang nasa, pagtatagumpay ng kabutihan


sa kasamaan nang sagana.
A. Romansa
B. Trahedya
C. Satiriko
D. Komedya

Ans: A. Romansa
- Ang romansa ay uri ng banhay ng anumang kaugnay na anyo ng panitikan sa
repleksyon ng tagumpay, pamumuhay at kasiyahan ng tauhan.

5. Ang katapusan ay simula lamang ng muling pagbangon sa pagkamatay at sa dakong huli


tagumpay sa gitna ng pagkabigo mula sa pagsilang hanggang kamatayan ………. Sa dapithapon
hanggang sa bukang liwayway “ Ito ay imaheng ____________.
A. Arketipo
B. siklikal
C. dayalektal
D. kumbensyunal
Ans: C. dayalektal
- ito ay mga paulit ulit na imaheng matatagpuan sa isang akdang pampanitikan na
naglalahad ng pagsasalungatan.
6. Tukuyin ang mga wastong patnubay sa pagtuturo ng tula
1. pagganyak at pagpukaw ng damdamin
2.pagbibigay ng malikhaing imahenasyon
3. pagkakaroon ng marangal na diwa
4. pagtuon sa mahalagang tayutay
A. Tambilang 1 at 2 lamang
B. Tambilang 3 at 4 lamang
C. Tambilang 1, 2, at 3
D. Tambilang 1,2,3 at 4

Ans: D. Tambilang 1,2,3 at 4


- Ang lahat ng nabanggit ay mga gatnubay sa mabisang pagtuturo ng tula bilang isang
genre ng panitikan. Ito ay kinabibilangan ng (1) pagganyak at pagpukaw ng damdamin; (2)
pagbibigay ng imahenasyon; (3) pagkakaroon ng marangal na diwa (4) pagtuon sa mahahalagang
tayutay.

7. Alin sa mga sumusunod na paksa ang mabisang unsaran sa pagtuturo ng pagsulat isang
sanaysay na may paksang hinggil sa kanilang karanasan?
1. Ang aking karanasan
2. Isang mabisang paglalakbay sa Makulay na Karanasan
3. Isang makulay na paglalakbay tungo sa hiwaga ng Buhay
4. Ang Pasko sa Buhay ko
A. 1-2
B. 2-3
C. 1-3
D. 3-4

Ans: B. 2-3
- Kapwa ang naturang paksa ay higit na kawili-wili at nakapupukaw ng diwa ng mga mag-
aaral sa pagsulat ng isang malikhaing komposisyon. Ito ay mabisang estratehiya sa pagtuturo ng
panitikan sa kasaysayan sa pagsulat ng sanaysay.

8. Anong estratehiya sa pagtuturo ng tula ang naangkop sa mga mag-aaral na may mataas na
antas ng kasanayang pampagkatuto?
A. Fishbowl Teknik
B. Ulat-Balitaan
C. ReQuest (Reciprocal Questioning)
D. Pagsasatao o Role Playing

Ans: A. Fishbowl Teknik


- Ang fishbowl teknik ay kadalasan ginagamit sa klaseng may mataas na antas ng
pagkatuto sapagkat malayang nakapagplano, kumakalan impormasyon angmga mag aaral,
nakapahpahayag sumasagot sa tanong nakapagsusuri, at nakapag-aanalisa sila ng mga konsepto.

9. Anong estratehiyang pampagtuturo ang higit naangkop gamitin batay layuning nakasaad
sa ibaba?

“Napaghahambing ang bilang ng mga batang nagpatala sa isang paaralan sa loob ng limang taon
batay sa nakasaad na datos.”
A. Tsart
B. Grap
C. Talaan
D. Klayn

Ans: B. Grap
- Ang grap ay ginagamit sa paglalahad ng isang aralin o konsepto na naglalayong
maghanbing ng mga nakatalang datos bilang bahagi ng pag-aanalisa at interpretasyon.

10. Ano ang gagamitin mo kung nais mong ilahad ang propayl mga mag-aaral hinggil sa
bahagdan ng kanilang antas na kinabibilangan?
A. Bar graph
B. Pie chart
C. Line graph
D. Pictograph
Ans: B. Pie chart
- Ang pie chart ay mainam na gamitin sa paglahahad ng datos bilang aralin kugn nais na
ipakita ang bahagdan ng kanilang propayl.

11. Nagtatanong ang guro upang mapalutang ang diwa ng kwento tinalakay.

“Sa kwentong “ Ang kalupi”, maari bang ilarawan niyo si Aling Marta bilang isang ina asawa,
ordinaryong mamamayan at mamimili?
Anong etratehiya ng higit na mabisa at naangop gamitin upang maiugnay ng mga mag aaral ang
konseptong inilahad ng guro.

A. Story Grammar
B. Venn Diagram
C. Episode Map
D. Habeng Semantika

Ans: D. Habeng Semantika


- Ang habeng semantika ay isang mabisang paraan sa pagbubuo at pagsasama-sama sa mga
kagamitan at konsepto para sa pagtuturo sa paggawa ng mga itinanghal na kaurian ng kanilang
pagkakaugnay. Ito ay kinapapalooban ng mga bahaging core question, web strand, strand support
atstrand ties.

12. Gamit ang klayn teknik sa pagtuturo ng panitikan, iayos ang mga salita ayon sa degri o
antas ng mga konsepto : Galit, ppot, inis, yamot muhi.
A. 1-2-3-4-5
B. 3-4-1-5-2
C. 5-4-3-2-1
D. 4-3-5-2-1

Ans: B. 3-4-1-5-2
- Kung iaayos ang mga sumusunod na salita ayon sa degri o bigat ng konsepto gamit ang
klayn teknik, ito ay (1) inis; (2) yamot (3) galit (4) at (5) poot.

13. Ang aralin ay tungkol a paglaganap ng AIDS sa bansa. Anong estratehiya ang maaring
gamitin upang makabuluhan itong mailahad sa klase?
A. demonstration
B. KWL
C. ReQuest
D. Semantik Web

Ans: B. KWL
-Higit na magiging mabisa ang pagtalakay ng aralin hingil sa AIDS kung gagamitin ng guro
ang KWL teknik (Wat I Know, What I Want To Know,What I Have Learned).

14. Kung nais ipakita sa mga mag-aaral ang sanhi at bunga ng pagputol ng puno sa kagubatan,
anong estratehiya ang higit na mabisang gamitin?
A. Fishbowl teknik
B. Fishbone teknik
C. Semantik web
D. Klayn teknik

Ans: B. Fishbone teknik


- Ang fishbone teknik ay estratehiyang ginagamit sa pagpapakita at pagpapalutag ng
snahi at bunga ng isang sitwasyon.

15. Splasssshhhh….. Sa bawat pagsalpok ng alon sa may batuhan, sa bawat paghampas nito sa isang
dalampasigan. Anong tayutay ang ginamit sa pahayag?
A. Transferred epithets
B. Anithesis
C. Onomatopia
D. Alliteration

Ans: C. Onomatopia
- Ang onomatopia o paghihimig ay isang tayutay na kung saan binibigkas ang mga salita
na may katulad na ibig sabihin at kadalasan ay nilalapatan ito ng tunog ng isang bagay upang
mapalutang anf himig at diwa nito.

16. Sa pagtuturo ng isang kabanata ng NoliMe Tangere, pinang ng guro ang tatlo bilang (1) Pangkat
Performer na tagapagtanghal ng tagpo mula sa kabanta; (2) Pangkat Photographer na sumagot sa
mga nakalaang tanong; at (3) Pangkat Developer na pumuna sa mga sagot sa tanong ng ikalawang
pangkat. Anong estratehiya ang binabanggit sa naturang halimbawa?
A. Kamera Plas Pokus Teknik
B. Group Mapping Activity
C. Dayorama
D. Sosyorama
Ans: A. Kamera Plas Pokus Teknik

- Ang kamera plus teknik ay isinasagawa s pamamagitan ng paghahati ng klase sa


tatlong pangkat na tinawag na performers, photographers at developers. Ang unang pangkat ay
ang Pangkat Performer o ang tagapagtanghal n atgpo sa kabanata; samanatala ang ikalawang
pangkat naman ay Photographer na sumasagot sa mga nakalaang tanong at () ang ikatlong
pangkat naman ay Pangkat Developer na pumupuna at nagsusuri sa mga sagot sa tanong ng
ikalawang pangkat sa pamamagitan ng pagpangkat nabibigyan ng kani-kaniyang task ng bawat
mag- aaral nang naaayon sa pangangailangan tungo sa kasanayang pampagkatuto sa wika.

17. Ang paglalahad ng mga salita tulad ng kapit-tuko, dapithapon at sinagtala ay halimbawa ng
anong estrahiya sa pagtuturo ng talasalitaan.
A. Collocation
B. Contextual Clue
C. Clustering
D. Word Association
Ans: A. Collocation
- Ang collocation ay pagsasama-sama ng angkop na m,ga salita upang makakabuo ng ibang
kahulugan.

18. Alin sa mga sumusunod na pangkat ng salita ang halimbawa ng hayponim?


A. Kabutihan – kasamaan
B. Tunguhin – layunin
C. Loob- kalooba, kusang-loob, utang na loob
D. Muwebes- kama, silya, mesa tokador

Ans: D. Muwebes- kama, silya, mesa tokador


- Ang hayponim ay mga salitang magkakaugnay sa kahulugan kaya’t ang kahulugan ng
isang salita ay maaaring sumaklaw sa kahulugan ng iba pang salita.

19. Ang kahulugan ng mga mag-aaral sa maramihan nilang kakayahan na siyang tinutukoy ng
multiple intelligence approach ay matutugunanng guro sa pamamagitan ng kanyang ______________ .
A. masteri ng aralin
B. Husay sa pamamahala ng klase
C. iba’t ibang mabisang estratehiya
D. Taas ng antas ng pagtataya

Ans : C. iba’t ibang mabisang estratehiya


- Itinuturnigng na ang multiple intelligence approach ay maitataguyod ng gurong
gumagamit ng iban’t ibang mabisang estratehiya sa pagtuturo.

20. Ang mga sumusunod ay panuntunan sa pagbuo ng pagsusulit na dapat isaalang alang ng guro.
Alin ang hindo kasali?
A. Gumamit sa iba’t ibang uri ng pasusulit na pamilyar na sa mga mag-aaral
B. Gawaing malinaw at tiyak ang panuto kabilang na ang paraan ng pagsagot.
C. Tiyaking mas nakararami ang mahirap na aytem upang mahasa ang kakayahang mag-isip
ng mag-aaral.
D. Huwag gagamit ng mga magkakaugnay na salita sa bawat aytem

Ans: C. Tiyaking mas nakararami ang mahirap na aytem upang mahasa ang kakayahang mag-isip
ng mag-aaral.
- Sa pagbuo ng mga aytem para sa isang pasususlit nararapat na higit na nakararami ang
aytem na may katamtamang hirap lamang sa kauban ng pagsusulit bagaman maglaan din ng
ilang aytem na madali at mahirap.

You might also like