Professional Documents
Culture Documents
PANAHON NG KASTILA
MITZIE ANN G. JAVIER
PANULAAN SA PANAON NG MGA KASTILA
• Ang kurido at awit ay mga patulang salaysay na paawit kung sabihin. Taglay nito ang
mga paksang may pagkamaginoo at pakikipagsapalaran ng mga tauhang tulad ng hari,
prinsipe, duke, reyna, prinsesa (Rivera 1982)
• Talindao- berso na inaawit ng isang namumuno sa isang seremonya
• Pabinian- paawit na sagot ng isang pangkat at dinarasal ng namumuno
• Talindao:
“Aba anak ng Diyos Am sa langit bunying • Pabinian:
prinsesa” “Kasana-santahang Maria Sa amin po’y maawa ka”
• Pabinian: • Talindao
“Kasana-santahang Maria Sa amin po’y maawa ka” “Lumilitaw ka rin naman
• Talindao Busilak sa kalinisan
“Mula nang ikaw aay sumilang At dili ka na narungisan
Sa kay Santa Anang Iyan Sa salang mana-Manahan
Ay lubos mong nalupigan Tangi ka ngang napaisa
Ang langit ng kasalanan” Sa tanang Anak ni Eva”
ANG KURIDO AT AWIT
• Ang Florante at Laura ay akdang nagpabantog, kay Francisco Balagtas. Ang kariktan ng
pananalita, ang katayugan ng mga kaisipang nakasabog na parang hiyas na palamuti sa
buong hinaba-haba ng tula, ang matapar datapwat binalatkayong pagkakalarawan ng mga
pangyavari sa bayan at kapanahunan ng makata
• Bihirang suliranin sa buhay ang di may katugong aral sa Florante at Laura. Ang tumpak na
pag-aaruga sa anak, ang wastong pagmamagulang, ang pag-iingat sa may lasong ngiti ng
kaaway, ang panganib na idinudulot sa bayan ng pagkakaroon ng isang masakim na puno,
ang kapangyarihan ng pag-ibig, ang pagkilala sa di matingkalang karunungan ng Diyos, ang
tapat na pakikipagkaibigan, ang tunay na pag-ibig sa kapwa
BUOD NG FLORANTE AT LAURA
• Ang tagpuan ay sa loob ng isang madilim at mapang-law na gubat sa may dakong labas ng bayang Albanya. Isang baguntao
ang nakagapos sa isang puno ng higera. Ang kakisigan niya' y maihahambing kay Adonis. Inusig siya ng masamang kapalaran
at lipos ng paghihinagpis na nagunita niya ang kanyang mapagmahal na ama na pinatay nang pataksil ni Adolfo. Si Laura ay
ang kanyang kasintahang inakala niyang nagtaksil sa kanya at nagunita rin niya ang kalagayan ng mahal niyang bayang
Albanya, na pinaghaharian ng kasamaan. Ang Kahariang Albanya'y inagaw ni Adolfo at ipinapatay pa nito ang I faring Linceo.
• Sa naturang gubat ay nagkataong naglalakad si Aladin, prinsipe ng Persya. Narinig niya ang paghihimutok. ni Florante.
Hinanap niya ang pinagmulan ng tinig. Natagpuan niva si Florante na sisilain na ng dalawang mababangis na leon. Pinatay
ni Aladin ang mga leon at sinaklolohan ang walang malay-taong binata. Pinagyaman niya ang kahabag-habag hanggang
pagbalikan ng ulirat. Nagitla si Florante nang makilalang isang moro ang may kalong sa kanya. Sinabi ni Aladin na
ipanatag niya ang kanyang kalooban sapagkat sa ganoong pagkakataon ay hindi na pinag-ausapan ang sekta. Ang dapat
bigyang-halaga y ang damdaming makatao. Hindi dapat pamayanihin sa puso ang alitan at pagiging magkalaban ng mga
kaharian.
BUOD NG FLORANTE AT LAURA
• Isinalaysay ni Florante kay Aladin kung paanong siya na bugtong na supling nina Duke Briseo at Prinsesa
Floresca ay iniligtas ng kanyang pinsang si Menalipo nang muntik na siyang madagit ng buwitre; ang
pagsambilat ng isang arkon sa kupidong dyamante sa kanyang dibdib; ang pagpapadala sa kanya ng ama sa
Atenas, ang pagtatangka sa buhay niya ni Adolfo (si Adolfo' y isang kababayan niyang dinatnan niya sa
Atenas na may lihim na inggit sa kanya); ang pagliligtas sa kanya ni Menandrong pamangkin ng kanyang
gurong si Antenor nang pagtatagain siya ni Adolfo nang magpalabas sila ng dula; ang malungkot na
balitang tinanggap niya sa Albanya na kasama ang kaibigang matalik na si Menandro; ang pagkapatay niya
sa heneral ng mga Morong si Osmalik. Isinalaysay rin niya ang mga tagumpay niyang tinamo sa labimpito
pang kahariang di-binyagan matapos niyang iligtas ang Albanya sa hukbo ni Aladin na umagaw rito nang
kasalukuyan siyang nakikibaka sa ibang bayan at ang pagkagapi niya kay Miramolin ng Hukbong
BUOD NG FLORANTE AT LAURA
• Turko, na lumusob sa Albanya. Tinapos niya ang kanyang pagsasalaysay sa pandarayang ginawa ni
Adolfo sa kanya; pag-agaw nito sa trono ng Albanya at pag-agaw sa kasintahan nivang si Laura
• Nagpakilala ang kaharap niya na si Aladin,ang prinsipe ng Persya, mahigpit na kaaway ng bayan
at relihyon ni Florante, Tisa raw ang kanilang kapalaran. Kapwa sila sawi sa pag-ibig. Ang
kanyang kasintahang si Flerida' y inagaw ng kanyang amang sultan na si Sultan Ali-Adab.
Pinagbalakan siyang ipapatay ng sariling ama upang masarili nito ang kanyang kasintahan. Kung
hindi marahil sa pakiusap ni Flerida na huwag na siyang ipapatay ay wala na siya sa gubat na
yaon. Pinagbigyan ng sultan ang pagsusumamo ni Flerida sa pangako nitong pakakasal sa sultan.
Kaya sa halip na ipapatay si Aladin, ay ipinatapon na lamang siya sa gubat at pinagbantaang
huwag nang babalik sa Persya kung ayaw nitong mamatay.
BUOD NG FLORANTE AT LAURA
• Katatapos pa lamang magsalaysay ni Aladin nang makarinig sila ng mga tinig na nag-uusap.
Sina Laura at Flerida pala. Nagkita-kita silang apat at ang mapanglaw na gubat ay naging
paraiso sa kanila. Isinalaysay ni Flerida na siya' y tumakas sa Persya upang hanapin sa gubat si
Aladin. Pumayag siyang pakasal kay Sultan Ali-Adab upang mailigtas sa kamatayan si Aladin
ngunit tumakas siya bago sumapit ang kasal. Natagpuan niya sa gubat sina Laura at Adolfo.
Pinipilit ni Adolfo na pagsamantalahan si Laura. Pinana ni Flerida si Adolfo at nailigtas niya si
Laura sa kamay ng buhong.
• Maligayang-maligaya ang apat at samantalang sila'y nag-uusap ay dumating si Menandro. Ibinalita
nito na nabawi niya ang kaharian sa mga tauhan ni Adolfo. Si Menandro pala ang nakatanggap ng
liham na ipinadala ni Laura kay Florante. Masaya ang wakas. Nagpabinyag sina Aladin at Flerida.
Sabay na ikinasal ang dalawang pareha. Naghari sa Albanya
BAHAGI NG AWIT NA "FLORANTE AT LAURA"
• Kung kailan nawala ang "karagatan" upang mapalitan ng "duplo" ay mahirap nang matunton
ngayon, ngunit pinaniniwalaang ang duplo ay isang pagpapalawak ng paligsahan sa
pagbigkas ng tula. Sa Kastila ang salitang, "duplo" ay nangangahulugang DOBLE o IBAYO.
• awit at kurido, salawikain, kasabihan at iba pang babasahing pangkasalukuyan.
• ng laro ay pinangungunahan ng isang hari na tinatawag ng "punong halamanan." Ang mga
kasali ay mga bilyako (lalaki) at bilyaka (babae). Nagsisimula ang laro sa pagdarasal ng
isang "Ama Namin" at isang " Aba Ginoong Maria" at isang "Rekyemeternam"'na patungkol
sa namatay.
ISINAAYOS NI EMILIO MAR ANTONIO