You are on page 1of 6

DULA

 Winika ni Aristotle, “Ang dula ay isang sining na panggagaya o pag-iimita sa kalikasan


ng buhay”.
 Ayon kay Arrogante (1991), ang dula ay isang pampanitikang panggagaya sa buhay
upang maipamalas sa tanghalan.
 Ayon ka Rubel “ Ang dula ay isa sa maraming paraan ng pagkukwento”.
 Para naman kay Sauco, ang dula ay isang uri ng sining na may layuning magbigay ng
makabuluhang mensahe sa manonood sa pamamagitan ng kilos ng katawan , dayalogo
at iba pang aspekto nito.
 Winika ni Schiller at Madame De Staele, ang dula ay isang uri ng akdang may
malaking bisa sa diwa at ugali ng isang bayan.

KATANGIAN NG DULA

 Ang dula ay kinakatha at itinatanghal upang magsilbing salamin ng buhay.


 Ito ay may mensaheng inihahatid sa mga tagapanood.
 Nakaaantig ng damdamin at napupukaw ng isip.

ANG MGA KASUNDUAN NG DULA

1.Ang kasunduan ng panahon.Naniniwala (o kunway naniniwala)tayo na sa loob


ng dalawang oras ay nabubuhay tayo sa isang araw, isang lingo o kahit isang taon, na
kasama-sama ng mga tauhang pinapanood natin.

2.Ang kasunduan ng ikaapat na palarindigan.Tinatanggap nating parang gayon


nga sa tunay na pangyayari, na ang isang tahanan ay may tatlong palarindigan lamang,
at naririnig at namamalas natin ang lahat ng sinabi’t ginagawa sa silid na ating
kinakaharap.

3.Ang kasunduan ng pananalita o ng wika.Tinatanggap natin ang mga


pananalitang binibigkas ng mga tauhan na parang gayon nga ang gagawin nilang
pagsasalita at ang mga salitang iyon ang kanilang gagamitin kung sila ang masusunod.

4.Ang kasunduan ng pagsasalita sa sarili.Ang pagsasalita na parang sa sarili


lamang ang tauhan ay tinatanggap nating kailangan para malaman natin kung ano ang
iniisip ng isang gumaganap o upang maunawaan ang ilang pangyayaring hindi
maaaring ilahad sa ibang kaparaanan.

MAHALAGANG KAILANGAN SA ISANG DULA

1.Teatro o Tanghalan

 ang anumang pook na pinagpasyahang pagtanghalan ng isang dula.

2. Aktor o Karakter

 ang nagsisilbing tauhan ng isang dula at nagsasabuhay sa mga tauhan sa iskrip.

3. Iskrip

 ito ang pinakakaluluwa ng isang dula, sa iskrip nakikita ang banghay ng isang dula.
4. Direktor o Tagadirehe

 siya ang nagbibigay interpretasyon sa iskrip mula sa pagpapasya sa itsura ng tagpuan,


ng damit ng mga tauhan hanggang sa paraan ng pagganap at pagbigkas ng mga
tauhan.

5. Dayalogo

 ang mga bitaw na linya ng mga actor na siyang sandata upang maipakita at maipadama
ang emosyon.

6. Manonood

 saksi sa isang pagtatanghal.

7. Tema

 ito ang pinakapaksa ng isang dula.

MGA URI NG DULA

1.Komedya

 katawa-tawa, magaan sa loob dalhin ang tema, at ang mga tauhan ay lagging
nagtatagumpay sa wakas.

2. Trahedya

 ang tema nito’y mabigat o nakasasama ng loob kaya nakakaiyak, nakalulunos ang mga
tauhan karaniwang sila ay nasasadlak sa kamalasan, kabiguan, kawalan, at maging sa
kamatayan kaya nagwawakas na malungkot.

3. Melodrama o Soap Opera

 ito’y sadyang namimiga ng luha ng manonood na parang wala ng masayang bahagi sa


buhay ng tahanan kundi pawing problema na lamang ang nangyayari sa araw-araw.
Ito’y karaniwang mapanonood sa mga de seryeng palabas.

4. Tragikomedya

 magkahalo ang katatawanan at kasawian gaya ng mga dula ni Shakespeare na lagging


may mga tauhang katawa-tawa tulad ng payaso para magsilbing tagapagpatawa, subalit
sa huli’y nagiging malungkot dahil nasasawi o namamatay ang bida o ang mga bida.

5. Parsa

 kapag puro tawanan at walang saysay ang kwento, at ang mga aksyon ay puro “
Slapstick” na walang ibang ginawa kundi magpaluan at maghampasan at magbitiw ng
mga kabalbalan.

6. Saynete

 Ang pinapaksa ng uring ito ay mga karaniwang ugali.

7. Parodya

 ginagaya ang kakatwang ayos, kilos, pagsasalita at pag-uugali ng tao bilang isang anyo
ng komentaryo, pamumuna o kaya ay pambabatikos sa katawa-tawa ngunit nakasasakit
ng damdamin na pinauukulan.

8.Walang tinigang dula(pantomime)

 uri ng dula na ang kwento ay itinatanghal sa aksyon lamang at walang salita.


9.Pangkasaysayang dula(historical play)

 batay sa isang kasaysayan ang dulang itinatanghal.

10.Dulang Papet(puppet play)

 isang dulang itinatanghal sa pamamagitan ng mga manika.

MGA SANGKAP NG ISANG DULA

1.Tauhan- ang gumaganap sa dula

2. Tagpuan – pook na kung saan at kalian naganap ang mga pangyayari.

3. Balangkas- paraan ng pag-aayos sa isang kuwentong isinasalaysay upang lumabas na may


una, panggitna at panghuli.

4. Labanan o Salungatan- ang pagbibigay ng salungatan

5. Kasabikan – ang pagsisimulang maging kapana-oanabik ng dula hanggang ito’y nasa


pagitan ng paglalabanan ng dalawang grupo.

6. Kasukdulan - ang pinakatuktok ng kasabikan na mararating sa pag-unlad ng kahulugan.

7. Kaisa-isang Bunga – ang kwento ng dula ay kailangang makapukaw ng damdamin ng


mambabasa.

8. Paksa- kung saan umiikot ang kwento ng dula

9. Paraan- ang istilo ng pagsulat na siyang ikinaiiba ng manunulat sa kanyang kapwa


manunulat .

MGA UNANG DULA

1.Wayang Orang at Wayang Purwa

 tumatalakay sa isang Sultan at mga piling aliping babae, o parusa ng Bathala sa


kalupitan ng Sultan o Datu sa mga babae.

2. Bayok o Embayoka

 isang pagtatalong patula na karaniwang ganapin ng isang lalaki at isang babae

3. Sayatan

 isang larong panyo na may awitan , tulaan at sayawan.

4. Moro-Moro

 pagtatanghal sa paglalabanan ng mga Kristiyano at mga “Moro” o Muslim.

5. Bilak at Balak

 ang bilak ay maaaring awitin ng dalawang babae o dalawang lalaki.Nagtatalo ang


dalawa at hinahalungkat ang mga kasiraan o kapangitan ng bawat isa.
 ang balak ay pagsusuyuan ng isang dalaga’t binata sa pamamagitan ng awit na
maindayog at matalinghaga.

DULA SA PANAHON NG MGA KATUTUBO

 AWITING BAYAN

1.Soliranin – awit sa paggaod


2. Talindaw- awit sa pamamangka

3. Diona- awit sa panliligaw

4. Uyayi- awit sa pagpapatulog

5. Umbay – awit sa pagkaulila

6. Dung-aw o Tagulaylay – awit sa patay o pagdadalamhati

7. Kumintang o Tikam o Hiliraw o Tagumpay – awit sa pandigma

8. Kundiman – awit sa pag-ibig

9. Ombayi – isang uri ng tula o awit na para sa mga bata, ginagamit din ito sa kanilang mga
anak upang libangin sila at turuan, ginagamit din ito para sa pagpapatulog ng bata.

10. Umiguing – awit ng mananahi

11. Sambitan – awit ng mga kaibigan at kamag-anak

12. Sambotani – awit sa pananagumpay

13. Halohoo – awit pampatulog sa bata

14. Dallot – awit sa pag-ibig

15. Kutang-Kutang- awit panlangsangan

 KATUTUBONG SAYAW

1.BALITAW ( BISAYA) - isinasayaw ng mga lalaki at babaing magkaharap habang umaawit at


nagliligawan.

2. TIKLOS ( LEYTE) – isinasayaw kapag naghahanda sa pagtatanim, paglilinis ng bukid at


gubat.

3. PONDANG- PONDANG (ANTIQUE) – isinasayaw ng bagong kasal.

4. SAYAW SA PALAY AT SAYAW SA SALAKOT – naglalarawan ng mga lalaki at babaeng


nagtatanim ng palay.

5. TINIKLING (BISAYA) – isinasayaw sa pagitan ng dalawang kawayan.

6. KINNOTAN (ILOKANO) – ginagaya ang isang taong kinagat ng langgam at sa pagkamot


ng katawan.

7. DIWATA (SUBANON) – isang pag-aalay ng mga pagkain sa mga espiritu upang


managumpay sa pakikidigmaan.

8. KARATONG (MARANAO) – sayaw bago makidigma.

9. KALIGAUN( BUKIDNON) – ritwal na sayaw

10. BINUA- BUA ( AGUSAN) – sayaw ng mga Manobo , paghingi ng anak ng mga
magkabiyak na hindi magkasupling.
DULA SA PANAHON NG KASTILA

Ang mga uri ng dula na naghari sa daluyong na ito ay mga dulang sekular at
panrelihiyon. Ang mga sekular na dula noon ay karaniwang idinaraos bilang bahagi ng
pagdiriwang sa pista. Ang mga dulang panrelihiyon ay napapanood bilang makulay na
paglalarawan ng mahahalagang kapistahan at liturhiya ng simbahang Katolika.

URI NG DULA

1. DULANG PANLANSANGAN
a. Pangangaluluwa- ang mga kabataan ay pangkat-pangkat na nagbabahay-bahay
sa pag-awit hinggil sa mga karaingan ng kaluluwa ng mga namatay.

b. Panunuluyan – pagtatanghal ito ng paghahanap ni Jose at ng Birheng Maria ng


matutulugan sa gabi ng bisperas ng Pasko.

c. Salubong – ito’y isang prusisyon na ginaganap sa madaling-araw ng Linggo ng


Pagkabuhay. Ang imahen ng Kristong nabuhay na mag-uli at ang namimighating
Birheng Maria ay nasa kani –kanyang karosa at nagmumula sa magkabilang lugar.

d. Alay - Tinatawag din na Flores de Mayo, ang alay ay isang prusisyon ng mga
kadalagahan mula sa isang lugar patungo sa altar ng Birheng Maria sa simbahan
upang mag-alay ng mapuputing bulaklak.

e. Tibag – pagsasadula ito ng tungkol sa paghahanap ni Reyna Elena sa nawawalang


krus na pinagpakuan kay Jesus.

2. DULANG PANTAHANAN
a. Pamamanhikan – Ang isang binata kasama ang kanyang kamag-anakan ay
papanhik sa tahanan ng dalagang kanyang napupusuan.
Bahagi ng Pamamanhikan
i. Bulong- ito’y isinasagawa ng pangkat na piniling kakatawan sa binatang
umiibig.
ii. Paninilbihan- ang binata ay maninilbihan sa bahay ng dalagang iniibig.
iii. Kayari – ang pagkakasundo ng mga magulang ng bawat pamilya at ang
pagpaplano ng kasalang Gawain.

iv. Dulog – ang pagkuha ng pahintulot sa kasal.


v. Desposoryo – ang mga magulang at kamag-anakan ng lalaki ay dadalaw sa
bahay ng dalaga dala-dala ang mga gagamitin sa araw ng kasal.
vi. Kasalan- araw ng pag-iisang dibdib ng binata at lalaki.
vii.Uling Bahay- ang paghahatid ng bagong kasal sa bahay ng lalaki.
b. Duplo- isang larong may kaugnayan sa kamatayan ng isang tao at may layuning
aliwin ang mga nauulila.
c. Karagatan – isang larong may paligsahan sa tula na batay sa alamat tungkol sa
singsing ng isang dalagang nahulog sa gitna ng dagat.

3. DULANG PANTANGHALAN
a. Karilyo - ito’y nanalasak noong panahon ng Kastila bilang epekto ng Wayang Purwa at
Wayang Kulit noong panahon ng katutubo.
Tagalog; Carillo, Ilokos; Titires, Kapampangan; Gagalo, Bataan at Zambales; Titira , La
Union ; Aliala
b. Sinakulo – ito’y itinatanghal tuwing mahal na araw at nauukol sa buhay at kamatayan
ni Hesus. May dalawang uri ang sinakulo. Ang abla(sinasalita) at kantada(inaawit).
Karamihan ng mga sinakulo noon ay nasusulat sa Tagalog,Iloko,Kapangpangan,Bikol at
Bisaya.
c. Komedya o Moro-Moro – karamihan ng mga moro-moro ay mga paring Kastila ang
sumulat. Kung ang mga ito’y nasulat din sa wikang Kastila. Ang unang komedya ay
isinulat ni Fr. Jeronimo Perez noong 1637 na pinamagatang “Guerras Pinaticos de
Filipinas”. Ito ay isinadula bilang pagdiriwang ng pagiging Kristiyano ng hilagang
Mindanao. Ang ikalawang moro-moro ay itinanghal bilang selebrasyon sa pagiging
Kristiyano ni Ali Mudin ng Holo. May ilang mga Pilipinong sumulat ng moro-moro. Sina
Huseng Sisiw at Balagtas ang ilan sa mga sumulat nito.

d .Pasyon – ito ay tula at inaawit sa panahon ng kuwaresma. Kadalasan itinatanghal sa loob


ng dalawa hanggang ikaapat na araw at gabi. Apat na pasyon ang sumikat noon:

1784 – pasyon ni Gaspar Aquino de Belen

1750 – pasyon ni Don Luis Guia


1814 – pasyon ni Fr. Mariano Pilapil
1856 – pasyon ni Aniceto de la Merced

SANGGUNIAN:

Marquez, Servillano T.et. al. , “ Panitikang Pilipino”. Barangka Drive Mandaluyong City,
Books Atbp. Publishing Corp, 2013

Casanova, Arthur P.,Kasaysayan at Pag-unlad ng Dulaang Pilipino, Manila City, Rex Book
Store, 1984

You might also like