You are on page 1of 5

Iterdisiplinaryong pagdulog sa Wika

Written Report

Ipinasa nina:

Gatchalian, Jen

Gomez, Christine

Guevarra, Paula

Lagsa, Erica
Ang Wika at Simbolikong Kapangyarihan

Kahalagahan ng Wika
Sa sarili - (gamit ang wika) nagagawa ng tao na mapaunlad ang kanyang sarili sa
pamamagitan ng pagtatamo ng mga kaalaman sa kanyang paligid . Nagpapahayag ng
damdamin, pagiisip at pagkatao
Sa kapwa / Global interaksyunal - Kinakailangan ng lahat na makipagugnayan at
makisalamuha upang mapatatag ang relasyong sosyal
Sa lipunan - nagagawa ng wika na pagbuklurin ang isang lipunan. Sa sandaling
mapagsama-sama ang mga karanasan ng mga tao, magkakaroon sila ng isang tiyak na
lipunan na tunay na kakaiba.
Kapangyarihan ng Wika
1. Maaaring makapagdulot ng ibang kahulugan
2. Humuhubog ng saloobin - nagagawa ng tao na hayagang alisin ang mga negatibong
paniniwala na hindi makapagdudulot ng mabuti sa kapwa
3. Nagdudulot ng polarisasyon - pagtanaw sa mga bagay sa magkasalungat na paraan.
4. Ang Kapangyarihan ng wika ay kapangyarihan ng kulturang nakapaloob dito -
kakambal ng wika ang kultura.

Linggwistikong Pagdulog sa Wika

PAGDULOG - ang pagdulog o lapit ay set ng mga paniniwala o simulaing hango sa mga
teoryang pangwika. Sa bawat pagdulog ay may set ng mga istratehiyang magagamit upang
makapagturo
Grammar Translation - Nililinang sa mga mag-aaral ang bokabularyo at tuntunin ng wika sa
tulong ng pagsasalin. Ayon sa mga kritiko, labis itong nagbibigay-diin sa istruktura o gramar ng
wikang pinag-aaralan.
Tuwiran o Direct Method - Karaniwang binubuo ng tanungan at sagutan na kadalasan ay ukol
sa kaganapan sa silid-aralan. Isinagawa ng Pranses na si Gouin (Finocchiaro, 1986) ang
paggamit ng wika sa kaukulang kilos na isinasagawa.
Community Language Learning - Isinanib ang pagtuturo ng wika sa aspekto ng kultura.
Binigyang-halaga ang nadarama ng mag-aaral, na kabilang sa isang komunidad ng mga mag-
aaral. Walang elemento ng tensyon sa silid aralan dahil ang bawat isa ay itinuturing na
mahalagang indibidwal na maaaring magturo at matuto mula sa iba
Silent Way - Halos ugnay sa teoryang Innative o Likas, batay sa dulog na ito, ipinauubaya sa
mga mag-aaral ang pagkatuto ng wika. Pinaniniwalaan ng mga tagapagtaguyod ng dulog na ito
na sa pagiging tahimik ng guro, nagiging higit na mabilis ang pagkatuto ng mga mag-aaral ng
wika. Nagsasagawa ang mga mag-aaral ng iba’t ibang proyekto upang makipagtalastasan sa
kapwa at sa proseso ay makatuklas ng mga katotohanang pangwika.
Dulog na Pagbasa - Ang paggamit nito ay pinangunahan ng isang propesor na nagngangalang
Coleman noong 1929. Ang istratehiyang ito ay pagsalungat sa labis na pagbibigay diin sa
pasalitang pag-aaral ng wika. Ginamit ang pagpapabasa bilang paraan upang matuto ng wika ang
mga mag-aaral, kasabay ng pag-aaral ng mga istrukturang gramatikal na matatagpuan sa mga
teksto ng babasahin.
Dulog Istruktural - Kaugnay ng istratehiyang ito ang pananaw na ang pagkatuto ng wika ay
may kinalaman sa paglinang ng ugali o gawi. Samakatuwid, inalam ang mga istruktura ng wika
at batay dito ay sinanay ang mga mag-aaral sa pamamagitan ng pag-uulit at pagsasaulo.
Dulog Audio-Lingual - Sa mga silid aralan ay nauso ang pagsasaulo at paggagad ng mga
huwarang pangungusap. Nagsimula ang lapit na Audio Lingual kung saan gumamit ng mga tape
recorder, larawan, pelikula, slides at iba pang biswal upang mapadali ang pagkatuto ng wika.
Dulog Sitwasyonal - Malapit sa paniniwala ni Gouin, sa paggamit ng istratehiyang ito ay
binigyan ng mga kwentong angkop sa iba’t ibang pagkakataon ang mga mag-aaral. Kabilang sa
mga istratehiya ng Dulog Sitwasyonal ang paggamit ng aksyon o kilos at paggamit ng mga
larawan at tugtugin upang maipaliwanag ang ipinahahayag
Dulog Total Physical Response - Ibinatay ito sa “trace theory” ng mga sikologo. Higit na
nagiging madali ang pagkatuto kung ang mga mag-aaral ay gumagamit ng kilos kasabay ng
pagsasalita.
Dulog Suggestopedia - Batay sa paniniwala ni George Lozanov (Morrow, 1993) nagiging mas
madali ang proseso ng pagkatuto kapag nasa payapang kapaligiran ang mag-aaral.
Dulog Natural - May malaking pagpapahalaga sa payapang damdamin ng mag-aaral. Nalilinang
ang batayang komunikasyon sa mga pang-araw-araw na sitwasyon ng mga mag-aaral. Guro ang
hanguan ng mga nauunawaang input na pagmumulan ng pagkatuto ng mga mag-aaral
Ekonomiya ng Wika
SIMULA AT PAG-UNLAD NG WIKANG PAMBANSA
PANAHON NG KATUTUBO
ALIBATA
-Ang tawag sa katutubong paraan/ sistema ng pagsulat
-Ito ay binubuo ng 17 titik 3 ang patinig, 14 katinig Ang kanilang panitikan ay nakasulat
sa mga balat ng puno, kawayan o dahon. Gumamit sila ng anumang matulis na bagay
bilang pang-ukit o pagsulat ng mga simbolo.
PANAHON NG KASTILA
-Sa pagdating ng mga kastila pinalitan nila ang alibata ng Alpabetong Romano na siya
naman ang pinagbatayan ng ABAKADANG Tagalog.
-Nagsagawa ng maraming pag-aaral sa wika
-Ang mga prayle ang unang nagsulat ng diksyunaryo at gramatika tungkol
PANAHON NG PROPAGANDA AT HIMAGSIKAN
-Wikang Kastila ang ginamit ng mga propagandista sa pagpapahayag ng damdamin at
mga hinaing laban sa mga Kastila
-Tagalog naman ang ginamit ng mga manghihimagsik sa pahlikha ng tula , sanaysay ,
liham at talumapati
PANAHON NG AMERIKANO
-Wikang Ingles ang ginamit na midyum sa pagtuturo at ang mga aklat sa pagtuturo ay
nasa wikang Ingles din.
-Nagpahayag ng sariling pananaw ang marami hinggil sa kung anong wika ang midyum
ng pagtuturo. Subalit sa kabila ng lahat, wikang Ingles pa rin ang nanatiling wikang
panturo, at pantulong naman ang mga wikang rehiyunal
PANAHON NG KOMONWELT/MALASARILING PAMAHALAAN
-Itinatag noong 1936 ang Suriian ng Wikang Pambansa at ang pamunuan nito sa
pamamagitan ng Batas Komonwelt Blg. 184 Nagsimula nang gumawa ng pag- aaral
ng mga wika sa Pilipinas upang makapili ng wikang pambansa.
PANAHON NG HAPON
-Sapilitang pinaturo ang wikang Hapon at inalis ang wikang Ingles
-Pinagamit ang mga katutubong wika lalo na ang Tagalog.
-Naging masigla ang mga Pilipino at umunlad nang malaki ang mga panitikang
rehiyunal gayundin ang sirkulasyon ng mga lokal publikasyon tulad ng pahayagan at
magasin.
PANAHON NG REPUBLIKA
-Pinagtibay ng Kongreso ang Batas Komonwelt Blg.570 na nagtatadhana na ang
wikang pambansa ay maging isa sa mga wikang opisyal ng Pilipinas.
-Marami ang pag-aaral na isinagawa sa wika upang magamit itong panturo. Blg. 7, na
nagsasaad na kailanma’t tutukuyin ang wikang pambansa , ang salitang Pilipino ang
siyang gagamitin
PANAHON NG BAGONG LIPUNAN
-Noong Hunyo 19, 1940 , nilagdaan ng Kalihim Juan L. Manuel ng Edukasyon at
Kultura ang Kautusang Pangkagawaran Blg.25na nagtatadhana ng mga panuntunan sa
pagpapatupad ng Patakarang Edukasyon Bilinggwal sa mga paaraln na magsisimula sa
taong aralan 1974-1975. Ang Kautusang ito ay alinsunod sa mga tadhana ng Saligang-
Batas ng 1972
-Sa panahoang ito sumusulong at umuunlad nang malaki ang wikang pambansa
PANAHON NG DEMOKRASYA

 Itinadhana ng Konstitusyon ng 1987 ang Probisyong Pangwika ARTIKULO XIV

 Seksyon 6

 Seksyon 7

You might also like