You are on page 1of 3

Mga Saligam sa Panunuring Pampanitikan

PANUNURING PAMPANITIKAN
Ang Panunuring Pampanitikan ay isang malalim na paghimay sa mga akdangpampanitikan sa
pamamagitan ng paglalapat ng ibat’t ibang dulog ngkritisismo para sa mabisang pag-unawa sa
mga malikhaing manunulat at katha.

Pangangailangan ng Panunuri at Kahalagahan ng Pagsusuri


1. Magkaroon ng likas na kuru-kuro. Hindi nagpapadala sa kabantugan ng may-akda. Kailangan
din na bukod sa pagiging matatag ay maging tiyak din sa ginagawang pagpapahalaga o
pamumuna.
2. Ang pinagdadaanan at kasalukuyang buhay ng may-akda ay kailangang maliwanag sa
manunuri upang lubos niyang maabot ang mensahe, pangyayari at mga damdaming taglay ng
katha.
3. Ang manunuri ay kailangan maging tapat, nagtataglay siya ng obhektibong pananaw-walang
kinakatigan.

Kahalagahan ng Pagsusuri
1. Ang bunga ng pagsusuri ay pantay na paghuhusga sa akda na kung saan ang mambabasa ay
nakalilikom ng higit na kaalaman tungkol sa likhang sining.
2. Naipaliliwanag ang mga mensahe at layuning napapaloob sa akda.
3. Ang makatarungang pagsusuri ay magiging sandigan ng higit pang pagpapalawak at
pagsulong ng manunulat at ng panitikan.
4. Maging ang istilo ng manunulat ay natutuklasan sa pamamagitan ng pagsusuri.

Kahulugan ng Mapanuring Pagbabasa ayon sa ilang mga manunulat


– Lapp at Flood (1978)- paraan ng pagkilala ng nakalimbag na sagisag at pagbibigay-kahulugan
nito.
– Dr. Lydia P. Lalunio (1985)- isang proseso na nangangailangan ng pag-iisip,pagpapahalaga,
pagpapasya, pagwawangis at paglutas ng suliranin.
– Lorenzana, et. Al (1997)- tiyak at madaliang pagkilala ng ayos at pagkasunud-sunod ng mga
salita, pagsasama-sama ng mga salita para makabuo ng ideya at kahulugan.
– Dr. Paquito B. Badayos (1999)- isang proseso ng pag-iisip at ito’y prosesong interaktibo.

Kaugnayan ng Mapanuring Pagbabasa sa Panunuri


1. Habang nagbabasa ang isang tao, siya’y nag-iisip, nagsusuri, nagpapahalaga, angiging kritikal
na palatandaang siya’y gumagawa ng mapanuring pagbabasa.
2. Pagbabasa ng mga artikulo o mga akdang pampanitikan na kung saan pinaglilimi mabuti ang
binabasa. Pinag-iisipan ang nilalaman at mensahe na nais ipaabot ng manunulat.
3. Maaaring ilahad ng mambabasa ang kanyang pagsang-ayon o patutol sa punto ng may-akda.
4. Nagiging kanais-nais at katanggap-tanggap ang isang katha kung ang mapanuring mambabasa
at maglalahad ng maganda at kapaki-pakinabang na reaksyon.

Katangian ng Matalinong Pamumuna


1. Pagbibigay ng mahusay na komento, opinyon o reaksyon sa nabasa at ginagamitan ng talas ng
pag-iisp.
2. Pagsusuri o pag-aaral ng bawat detalyeng binabasa.
3. Pagbibigay ng balanse at makatuwirang pamumuna sa pamamagitan ng pagbanggit ng mga
positibo at negatibong punto sa binabasa.
4. Walang kinikilingan; kung nararapat na sumang-ayon ay ipinapahayag ang pagsang-ayon at
kung nararapat tumutuol ay ipinapahiwatig ang pagtutol.
5. Pagtutuon ng pansin sa nais ipabatid ng manunulat. 6. Pagpapahalaga sa kalakasan ng isang
akda.
7. Pagtukoy sa kahinaan ng isang akda at pagbibigay mungkahi para sa ikaliliwanag at
ikagaganda nito.
8. Sining sa paggawa ng mga pagpapasya o paghatol at pagtuturo o pagsasabi ngm ga kanais-nais
na katangian, kapintasan, kamalian o pagkukulang.
“Ang Matalinong Pamumuna ay iang magandang hakbang tungo sa ikaliliwanag ng mga
akdang pampanitikan”

(Karagdagang Detalye)
 Sa pagsusuri, kinakailangan ang lubos na kaalaman sa kathangsinusuri tulad ng buong
nilalaman ng akda, paraan ng pagkakabuo nitoat ang ginamit ng awtor na pamamaraan o
istilo.
 Kinakailangan ding ang manunuri ay may opinyong bunga ngobhektibong pananaw laban
man o katig sa katha, kaya mahalagangsiya ay maging matapat.
 Ang pagpapaliwanag o panunuligsa sa isang akda upang ihatid angkahalagahan nito ay
pamumuna.
 Isa sa mga aspektong lumilikha ng mga akdang pampanitikan kasamaang iba’t ibang
sangkap ng kalikasan at mga kaugnay ay kapaligiran.
 Dalawa ang layunin ng panitikan: magbigay aliw at magbigay-aralkaya mahalaga din sa
mga akda ang magkaroon ng bias sa Kaasalan.
 Mula rito, maraming napupulot na pangyayari, sitwasyon at banghayna maaaring
gamiting paksa sapagkat batay ito sa sarilingpagmamasid o Karanasan.
 Ang kalipunan ng mga pinagyamang sinulat o nilimbag sa isangtanging wika ng tao ay
Panitikan.
 Ang pinakamahalagang salik na nagturo sa atin kung paano lumikhang mahuhusay na
panitikan ay Karanasan.
 Pinakamahalagang bisang taglay ng panitikan; hindi malikhain angakda kung walang bias
sa Kaasalan.
 Nag-uudyok ito na umunlad at yumaman ang diwa ng mga mambabasa kaya tinawag
itong bisa sa kaisipan.

You might also like