You are on page 1of 8

Introduksyon sa Pagsasaling-wika

Mga Takdang-Aralin sa Panahon ng Enhanced Community Quarantine (ECQ)

Mga Gawain:

Kabanata III
Pagtalakay sa Nilalaman:

1. Naniniwala ka ba sa sinabi ni Savory na ang gawain ng tagapagsalin ay higit na


mahirap kaysa gawain ng manunulat? Pangatwiran ang iyong sagot.
 Oo, dahil ang manunulat ay may kalayaang pumili ng salitang kanyang

m
er as
gagamitin sa kanyang pagpapahayag ng nais niyang iparating sa kanyang
mga mambabasa. Samantala, ang tagasaling-wika ay nakatali sa

co
eH w
kahulugan ng bawat salitang napili ng awtor. Tungkulin ng tagapagsalin na
ihatid niya sa mambabasa ang diwang ibig ipahayag ng awtor sa

o.
pamamagitan ng paggamit ng angkop na mga salita at estilo o paraan ng
pagpapahayag. rs e
ou urc
o

2. Kung ikaw ang tatanungin, ano sa inyong palagay ang pagsasaling-wika – isa ba
aC s

itong sining o isang agham? Pangatwiran ang iyong sagot.


vi y re

Kung ako ang tatanungin ang pagsasaling wika ay maaaring agham at


maaari ring sining dahil ito ay parehong nangangailangan ng skills o
kasanayan. Ang sining ay nakatuon sa mga bagay na estetiko, sa
kagandahan na resulta ng malikhaing imahinasyon, samantalang ang
ed d

agham ay nakatuon sa sistematisasyon o pagaayos ng karunungan, ng


ar stu

prinsipyo o pamamaraan na resulta ng sistematikong proseso ng


pagmamasid, pag-aaral at eksperimentasyon.
is
Th

Kabanata IV
Pagtalakay sa Nilalaman:

1. Ayon kay Wilamowitz, “Ang pagsasaling-wika ay tulad ng paglilipat ng kaluluwa


sh

ng isang nilalang sa katawan ng isang patay”. Sang-ayon ka ba sa pahayag na


ito? Bakit?
Oo, sangayon ako dahil sa pagsasaling-wika ay isang proseso kung saan
ang isang pahayag, pasalita man o pasulat, ay nagaganap sa isang wika
at ipinapalagay na may katulad ding kahulugan sa isang dati nang umiiral

This study source was downloaded by 100000827678963 from CourseHero.com on 10-27-2021 10:59:54 GMT -05:00

https://www.coursehero.com/file/72206179/Introduksyon-sa-Pagsasaling-wikasagot-at-tanongdocx/
na pahayag sa ibang wika. Kung may sampung tagapagsalin at bibigyan
sila ng isang pyesa ng literatura upang isalin. halimbawa ay isang tula,
mapapatunayang ang resulta ay sampu ring iba't ibang estilo ng salin-
nagkakaiba-iba sa mga salitang ginamit, sa paraan ng pagsasabi ng isang
kaisipan, sa balangkas ng mga taludtod at pangungusap, at iba pa, bukod
sa pangyayaring sa bawat salin ay tiyak na may nabawas. nabago. o
nadagdag na diwa. At dahil sa ganitong katotohanan, patuloy ang mga
teorista at praktisyuner sa pagsasaling-wika sa pagtuklas at pagpapabuti
ng mga simulaing makababawas kundi man Iubusang makalulutas sa
halos waIang kalutasang mga problema sa pagsasaling-wika. Subalit
nakalulungkot isipin na habang dumarami ang natutuklasang mga
simulain sa pagsasaling-wika, lalo namang umiigting ang pagtatalu-talo ng
nasabing mga eksperto tungkol sa ganito at ganoong simulain.
Masasalamin ang katotohanan nito sa sinabi ni Savory na halos
imposibleng a magbigay ng isang simulain sa pagsasaling-wika na hindi
sasalungatin ng iba.

m
er as
co
eH w
2. May mga nagsasabi na kung ang likha ng awtor ay itinuturing likhang-sining, ang
salin ng tagapagsalin ay hindi sapagkat isinalin lamang niya ang likhang-sining

o.
ng awtor. Sang-ayon ka ba rito? Bakit?
rs e
Hindi, dahil ang totoo, kung maganda ang salin, ang karaniwang
ou urc
napagtutuunan ng pansin ng mambabasa ay ang nilalaman ng teksto at
ang tumatanggap ng papuri ay ang awtor; kung hindi naman maayos ang
salin, mangyari pa’y apektado ang nilalaman ng teksto, kaya tang
o

pinupulaan ay ang tagapagsalin.


aC s
vi y re

3. Sabihin kung sang-ayon ka o hindi sa sumusunod na pahayag at kung bakit:


“Ang lahat ng wika ay may sariling bisa at kakayahan bilang kasangkapan sa
pagpapahayag ng sariling kulturang kinabubuhulan nito.”
ed d

Sang-ayon lalo na dito sa bansa natin iba’t iba ang mga ginagamit nating
ar stu

salita para ipahayag ang mga nais natin iparating sa ating kapwa ng
malaya. Dahil sa mga wikang ating ginagamit yumayaman an gang ating
kultura at ito’y ating napapangalagaan.
is
Th

4. Ipaliwanag ang sumusunod na depinisyon, lalo na ang bahaging may


salungguhit: “Ang pagsasaling-wika ay ang paglilipat sa pinagsasalinang wika ng
pinakamalapit na katumbas na diwa at estilong nasa wikang isinasalin.”
Para sakanila ng nais lamang ipahayag ng may salungguhit ay ang
sh

pagsasaling-wika ay ang pagsasalin sa pinakamalapit na kaparehong


mensahe ng tekstong isinalin sa wika o diyalektong pinagsasalinan. Sa
paraang mas mauunawaan ng mga mambabasa. Maisasalin ang diwa o
mensahe mula sa teksto.

This study source was downloaded by 100000827678963 from CourseHero.com on 10-27-2021 10:59:54 GMT -05:00

https://www.coursehero.com/file/72206179/Introduksyon-sa-Pagsasaling-wikasagot-at-tanongdocx/
5. Magbigay ng ilang dahilan kung bakit ginagamit pa rin hanggang sa ngayon ang
mga Pasyon na sinulat maraming taon na ang nakakaraan.
Sapagkat kapag binago raw at iniangkop sa kasalukuyang Filipino ay
mawawala ang himig ng kabanalang hatid ng mga sinaunang salita at
estilo ng pagpapahahayag dito. Kaya nga't hanggang ngayon ay wala
pang lumalabas na bagong bersyon ng Pasyon sa kabila ng katotohanang
maraming mga salita rito ang hindi na maunawaan ng kasalukuyang
henerasyon. Anupat sa isyu tungkol sa "panahon" ang sagot marahil ay
depende sa uri ng babasahin at kung anong "panahon" ang higit na
maiibigan ng mambabasang pinag-uukulan ng tagapagsalin ng kanyang
salin.

6. Ipaliwanag ang sumusunod na pahayag at magbigay ng kinakailangang mga


halimbawa: “Ang Filipino ay mayaman sa paglalapi, samantalang ang Ingles

m
er as
naman ay higit na mayaman sa mga ekspresyong idyomatiko.”
Bawat wika ay may sariling paraan ng pagbubuo ng mga salita;

co
eH w
pagsusunud-sunod ng mga salita upang bumuo ng parirala o kaya'y
pangungusap. May mga wikang higit na mayaman sa sistema ng

o.
paglalapi; may mga wika naman higit na mayaman sa mga idyoma o
rs e
ekspresyong idyomatiko.
ou urc
Sinasabing ang Filipino ay mayaman sa paglalapi, samantalang ang
Ingles naman ay higit na mayaman sa mga ekspresyong idyomatiko.
Tingnan natin kung gaano katibay ang mga obserbasyong ito. Simulan
o

natin sa sistema ng paglalapi. Ang Filipino ay may gitlapi (infix)


aC s

samantalang ang Ingles ay wala. Ito ang dahilan kung bakit kailangang
vi y re

maging konsistent ang sistema ng pagbaybay sa Filipino sapagkat ang


isang salitang hindi konsistent ang ispeling ay hindi basta magigitlapian.
Halimbawa: Kapag nanatili ang orihinal na baybay ng salitang Kastilang
"circo", hindi ito magigitlapian o mahuhulapian. (c/um/irco? circ/ero/)?
ed d

Samantala, kung ito'y babaybayin nang ayon sa ating sistema ng pagbaybay,


ar stu

"sirko", wala itong magiging problema sa paglalapi. Hindi problemang Ingles


ang ganito sapagkat wala itong gitlapi.
Subukin natin kung totoong higit na mayaman ang wikang Filipino kaysa
is

Ingles sa sistema ng paglalapi. Kunin nating halimbawa ang salitang "ganda"


na binubuo lamang ng uri at sistema ng paglalapi ay mabubuo natin ang
Th

mahabang salitang "ipinakikipagpagandahan" na kakikitaan ng mga


panlaping magkasunod, nakapaloob sa isa pang panlapi, o di-magkarugtong,
na karaniwang-karaniwan sa Filipino ngunit hindi sa Ingles.
sh

7. Ilarawan ang uri ng Filipinong iyong gagamitin kung ikaw ay magsasalin ng


isang pormal na sanaysay mula sa Ingles.
Isaalang-alang ang kaisahan ng mga magkakaugnay na salitang
hinihiram sa lngles kung isasalin,

This study source was downloaded by 100000827678963 from CourseHero.com on 10-27-2021 10:59:54 GMT -05:00

https://www.coursehero.com/file/72206179/Introduksyon-sa-Pagsasaling-wikasagot-at-tanongdocx/
Halimbawa, ang mga salitang "solid" at "liquid", kapag tinumbasan ng
"solido" ang "solid", magandang itumbas naman sa "liquid" ay "likido".
Hindi maganda ang pormang "solid" at "likido" o kaya'y "solido" at "likwid".
Ang sariling kakanyahan ng wikang isinasalin ay hindi dapat malipat sa
pinagsasalinang wika bawat wika ay may kanya-kanyang paraan ng
pagsasama-sama ng mga salita upang bumuo ng pangungusap. Sa
Ingles,
Halimbawa:
ang pangungusap na "John bought a candy for Mary" ay maaaring isaayos
nang ganito: "A candy was bought by John for Mary" o kaya'y "John bought Mary
a candy."
Sa Filipino, ang pangungusap na nabanggit ay masasabi sa iba't ibang
paraan, tulad ng:
Bumili si Juan ng kendi para kay Maria.
Bumill ng kendi si Juan para kay Maria.

m
Bumil ng kendi para kay Maria si Juan.

er as
Bumili si Juan para kay Maria ng kendi.

co
Bumili para kay Maria ng kendi si Juan.

eH w
Bumili para kay Maria si Juan ng kendi.

o.
și Juan ay bumili ng kendi para kay Maria.
rs e
Si Juan ay bumili para kay Maria ng kendi.
ou urc
o

8. Sang-ayon ka ba na ang mga daglat at akronim, gayundin ang mga pormula, na


aC s

establisado o unibersal na ang gamit ay hindi na kailangang baguhin pa upang


vi y re

umayon sa baybay ng katumbas sa Filipino? (Halimbawa: UNO sa halip na SBN


(Samahan ng mga Bansang Nagkakaisa), USA sa halip na EUA (Estados Unidos
ng America), DECS sa halip na KEKI (Kagawaran ng Edukasyon, Kultura at
Isports), GSIS sa halip na PNP (Paseguruhan ng mga Naglilingkod sa
ed d

Pamahalaan), cm. sa halip na sm (sentimetro), H2O sa halip na Tu (Tubig) atb.?


ar stu

Bakit?
Oo ako ay sang ayon dahil may kanya kanya tayong orihinal na paraan ng
pagpapaikli ng isang salita basta’t kapag ikaw ay gumawa ng akronim ay
mauunawaan ng iyong mambabasa o ng iyong kausap.
is
Th

Kabanata V
Pagtalakay sa Nilalaman:
sh

1. Naniniwala ka ba na totoong nakamit nga ng bansang Pilipinas ang palayang


pisikal o pulitikal mula sa America ngunit hindi pa tayo nakalaya kung paglayang
pangkaisipan ang pag-uusapan? Pangatwiranan.
Oo dahil sadyang napakalawak at napakalalim ang naging impluwensya
sa Pilipinas hidi lamang sa larangan ng wika kundi gayundin sa pag-iisip
at kultura nating mga Filipino. Sa katotohanan, ang pagkakaroon ng

This study source was downloaded by 100000827678963 from CourseHero.com on 10-27-2021 10:59:54 GMT -05:00

https://www.coursehero.com/file/72206179/Introduksyon-sa-Pagsasaling-wikasagot-at-tanongdocx/
colonial mentality o ang panganganino sa anumang may tatak-dayuhan ay
litaw na litaw pa hanggang ngayon sa di-iilang Filipino. Marami ang
naniniwala na makamit nga natin kalayaan sa bansang America, kung ang
pag-uusapan ay ang paglayang pisikal, ngunit ang pag-iisip ng karamihan
sa ating mga kalahi ay nananatiling bihag pa rin ng bansang ito. Ang isang
matibay na patunay dito ay ang patuloy na paggamit ng wikang Ingles
bilang prinsipal na wikang panturo sa paaralan.

2. Ipaliwanag kung bakit mahirap asimilahin nang pasulat sa wikang Filipino ang
mga salitang Ingles na di-konsistent ang ispeling.
Kung sinasabi mang ponemiko o konsistent ang palabaybayang Filipino,
ang Ingles naman ay ang kabaligtaran nito di-konsistent. Masasabi ring
ang ortograpiya ng Ingles ay historikal sapagkat ang hinihiram na mga
salita, kalimitan, ay hindi nagkakaroon ng pagbabago sa baybay, o kung
may pagbabago man ay kaunting-kaunti lamang. Kaya nga't sa
pamamagitan ng anyo ng salita o balangkas ng mga pantig nito, madaling

m
er as
masasabi ng isang iskolar ng wika kung sa anong angkan, kundi man
partikular na wika, ito nagmula. Ang salitang "coup d'etat", halimbawa,

co
eH w
dahil sa anyo at ispeling, ay malalaman ng nakapag-aral na Pilipino na
ito'y hiram ng wikang Ingles sa wikang Pranses. Nakapasok sa Ingles ang

o.
di-konsistent na ispeling ng "coup d'etat" sa orihinal na anyo nito sapagkat
rs e
hindi rin konsistent ang sistema ng pagbaybay ng Ingles. Samantala, sa
ou urc
Filipino, ang salitang ito ay naging "kudeta" dahil ang ating sistema ng
pagbaybay ay konsistent. Sa ganitong anyo, mahirap nang matunton ng
isang karaniwang tagagamit ng wika kung saan ito nagmula. Sa bahaging
o

ito'y unti-unti na nating matatanto kung bakit napakahirap manghiram ng


aC s

mga salita sa wikang Ingles hindi madaling asimilahin sa Filipino ang mga
vi y re

salitang di konsistent ang ispeling.

3. Sa kasalukuyang patakarang edukasyong bilinggwal ang mga asignaturang


ed d

agham at matematika na hindi kargado ng kulturang Pilipino ay ibinigay sa


ar stu

Ingles, samantalang ang mga asignaturang kargado ng kulturang Pilipino ay


ibinigay sa Filipino. Ipaliwanag ang tinalakay ng awtor na ang ganitong ayos sa
isang dako, ay pabor sa Filipino ngunit sa kabilan dako ay masasabing hindi
is

pabor. Kung ikaw ang tatanungin ano ang maibibigay mong kuru-kuro?
Sa aking opinion, nararapat lamang na sa Ingles ang asignaturang agham
Th

at matematika dahil may mga terminolohiyang ginagamit sa mga


asignaturang ito na walang pang pagsasalin sa wikang Filipino.
sh

4. Talakayin ang pagkakaiba ng panghihiram ng isang salita at panghihiram ng


isang bagay na tulad ng Barong Tagalog.
Ang panghihiram ng salita ay may malaking pagkakaiba sa panghihiram
ng isang bagay na tulad ng Barong Tagalog, halimbawa. Kapag

This study source was downloaded by 100000827678963 from CourseHero.com on 10-27-2021 10:59:54 GMT -05:00

https://www.coursehero.com/file/72206179/Introduksyon-sa-Pagsasaling-wikasagot-at-tanongdocx/
nanghiram tayo ng Barong, una, ay tungkulin nating ito'y isauli sa ating
pinanghiraman; ikalawa, hindi natin ito maaaring baguhin. Kung ito'y
maluwag o mahaba hindi natin ito maaaring iklian; ikatlo, kung ito'y nasira
o nawala, dapat nating palitan o bayaran; at ikaapat, habang nasa atin
ang Barong, hindi muna ito magagamit ng may-ari sapagkat ginagamit
natin. Samantala, kung “salita" ang ating hiniram, hindi natin tungkulin
pang ito'y isauli sapagkat ang nasabing salita ay nagagamit din ng ating
pinanghiraman. Isa pa, ang tunog at baybay ng salitang ating hiniram ay
maaari nating baguhin o palitan nang wala tayong pananagutan sa ating
pinanghiraman. Kung hiniram natin, halimbawa, ang salitang "electricity"
ay hindi natin tungkuling papanatilihin ang gayong bigkas at ispelling.
Maaari natin itong gawing "elektrisidad" o "elektrisiti" nang dapat
alalahanin sa ating pinanghiramang wika. Anupat kung susuriin nating
mabuti ay hindi naman tunay na panghihiram ang ating ginagawa kundi
pangongopya, panggagaya o panggagagad lamang. Kaya nga't wala
naman tayong dapat bayaran sapagkat sa katotohanan ay wala naman

m
er as
tayong inutang o hiniram. Gagamitin natin, samakatwid, sa aklat na ito
ang salitang "panghihiram" sa ganitong kahulugan.

co
eH w
o.
5. Ipaliwanag ang sumusunod na tatlong uri ng panghihiram: dyalektal, kultural at
rs e
pulitikal. Magbigay ng angkop na mga halimbawa sa bawat uri.
ou urc
Panghihiram na Dyalektal
-Ang ganitong panghihiram ay nagaganap lamang sa iba't ibang dyalekto ng
isang wika.
o

-Pagkakaiba ng kultura ng dalawang wika.


aC s

-tuwirang hinihiram ng walang pagbabago.


vi y re

-maaaring magdagdag ng talababa


May maraming klase may Tagalog-Laguna, Tagalog-Cavite, Tagalog-
Batangas, Tagalog-Bataan, Tagalog-Maynila, atbp. Bukod dito, mayroong
pang Tagalog-Ilocano, Tagalog-Cebuano, atbp. Bawat uri ng Tagalog ay alam
ed d

nating may kakanyahan maaaring sa sistema ng paglalapi, sa balangkas ng


ar stu

mga pangungusap, sa kahulugan ng mga salita, atb. Gayunpaman, sa iba't


ibang uri ng Tagalog ay may isang higit na tinatanggap ng nakararami, kayat
siyang maituturing na pinakaistandard. At ito ay ang uring ginagamit sa
is

pinakasentro ng sibilisasyon. Ang Tagalog-Maynila ang pinakaistandard.


Halimbawa:
Th

Ika’y nakapanirahan sa Maynila nang matagal-tagal at


naiimpluwensyahan ng Tagalog-Maynila nang hindi niya namamalayan.
Pagbalik niya sa lalawigan sa kanilang probinsya ay mapapansing siya'y
meron nang puntong-Maynila. Ang gayon ay lihim niyang ikinatutuwa. Sa
sh

kabilang dako, hindi ikatutuwa nang lihim ng isang tagalalawigan kung siya'y
maluwas ng Maynila at sabihing siya'y puntong probinsyano.
Panghihiram na Kultural
Ang ganitong panghihiram ay laganap sa iba't ibang wika ng isang bansa o sa
mga wika ng mga bansang nagkakaroon ng ugnayan.

This study source was downloaded by 100000827678963 from CourseHero.com on 10-27-2021 10:59:54 GMT -05:00

https://www.coursehero.com/file/72206179/Introduksyon-sa-Pagsasaling-wikasagot-at-tanongdocx/
Halimbawa:
panghihiram ng Filipino ng mga salita sa iba't ibang wika sa kapuluan na
kargado ng kultura, tulad ng “pinakbet, saluyot, dinengdeng" sa Ilocano.

Panghihiram na Pulitikal
-Nagaganap ito kapag ang dalawang wika ay umiiral sa isang pamayanan o
sa isang bansa. Ang agos ng panghihiram na pulitikal ay isang direksyon
lamang mula sa wika ng sumakop patungo sa wika ng nasakop.
-bunsod ng pagiging makapangyarihan ng orihinal na wika sa tumatanggap
ng wika.
Halimbawa:
Filipino at Kastila

6. Tinalakay sa kabanata ang anim na obserbasyon tungkol sa panghihiraman ng


mga wika. Ipaliwanag sa pamamagitan ng mga halimbawa sa bawat

m
er as
obserbasyon. Hangga’t maaari ay gamiting halimbawa ang panghihiram ng
Filipino sa Ingles.

co
eH w
Ang bansang pinanghihiraman ng mga salita ay karaniwang higit na
maunlad at makapangyarihan sa bansang nanghihiram.

o.
Halimbawa: hinding hindi gagawin ng Ingles ang panghihiram sa atin tulad
rs e
ng ginawa natin sa kanila.
ou urc
Kapag ang isang bansa ay matagal na panahong nahantad sa kultura at
buhay-intelektuwal ng ibang bansa, ang wika ng bansang ito’y nahahaluan
nang labis-labis ng mga salitang hiram sa bansang nakaiimpluwensya.
o

Kapag ang isang lahi ay nakihati o namihasa sa panghihiram ng mga


aC s

salita buhat sa wika ng bansang nakaiimpluwensya rito, nanghihiram ito


vi y re

kahit may mga salita sa sariling wika na kakahulugang-kakahulugan ng


mga hinihiram.
Ang isang karunungan ay higit na mabisang naipahahayag ng isang tao
sa pamamagitan ng wikang ginamit niya sa pagdukal ng nasabing
ed d

karunungan.
ar stu

Sa palasak na panghihiram, ang set ng tunog at Sistema ng paglalapi ng


wikang nanghihiram ay karaniwang nadaragdagan ng mga tunog at mga
panlaping buhat sa wikang pinaghihiraman.
is

Kung ang palabaybayan ng wikang Ingles ay konsistent o penemiko na


tulad ng sa Filipino, walang magiging problema sa panghihiram ng mga
Th

salita.
7. Naniniwala ka ba na ang mga panlapi ang “pinakamoog” ng wikang Filipino? Na
wala tayong dapat ipangambang mawawasak ang ating wika kahit lansakan ang
nagiging panghihiram sa Ingles sapagkat ni isang panlaping Ingles ay wala pa
sh

tayong hinihiram at ikinakabit sa mga katutubong salita? Pangatwiranan.


Oo, dahil ang mga panlaping ng wikang Filipino ay ang k

This study source was downloaded by 100000827678963 from CourseHero.com on 10-27-2021 10:59:54 GMT -05:00

https://www.coursehero.com/file/72206179/Introduksyon-sa-Pagsasaling-wikasagot-at-tanongdocx/
8. Ipaliwanag ang sumusunod na pahayag: “Ang panghihiram ng mga salita buhat
sa iba’t ibang katutubong wika ay kailangang maging natural at hindi sa paraang
arbitraryo o artipisyal.”
Ang mga katawagang hinango ng NSDB sa iba't ibang wika sa Pilipinas,
tulad ng "danum, siksin, dagsin, tilaw, malak", ay kasama sa mga salitang
pinakadi-naibigan ng mga Tagasagot. Nangangahulugan lamang na ang
pagpapayaman sa talasalitaang Filipino ay hindi maidaraan sa arbitraryo o
artipisyal na pamamaraan. Hindi maaari ang tulad ng ginawa ng NSDB na
basta kukuha ang isang tagapagsalin ng salita sa ibang wikang Pilipinas
upang ipanumbas sa isang katawagang pang-agham na walang maibigay
na katumbas sa Filipino. Magandang pakinggan, kung sabagay, ang
panghihiram sa mga wikang katutubo kaysa mga wikang dayuhan. Ang
gayon ay ikatutuwa ng mga di-Tagalog. Subalit, gaya ng nabanggit na,
ang panghihiram ng mga salita buhat sa iba't ibang katutubong wika ay
kailangang maging natural at hindi sa paraang arbitraryo.

m
er as
co
eH w
o.
rs e
ou urc
o
aC s
vi y re
ed d
ar stu
is
Th
sh

This study source was downloaded by 100000827678963 from CourseHero.com on 10-27-2021 10:59:54 GMT -05:00

https://www.coursehero.com/file/72206179/Introduksyon-sa-Pagsasaling-wikasagot-at-tanongdocx/
Powered by TCPDF (www.tcpdf.org)

You might also like