You are on page 1of 2

Mga Gawain Bago ang Pagtatanghal

Ang pagtatanghal ng dula ang magbibigay ng tunay na kahulugan ng bawat


salitang galing sa kahit ano pa mang wika na nakaukit sa kanilang isip.

At kahit sino ay maaring gumanap o maging bahagi ng isang dula.

Paano tayo makapagsisimula sa pagtatanghal ng isang dula? Ano ang paraan


nating gagamitin upang mahikayat natin ang magtanghal ng dula.

Alisin natin ang tensyon, inhibisyon, at pangamba. Dapat rin nating alamin
ang kanilang natatanging talento.
Ipadama natin na ang tao ring katulad nila
humahalakhak, lumuluha, nagagalit at marami pa. At hindi likas na nagsasalita ng wikang ginamit
sa dula, malaking tulong para sa
kanila na magsanay sa pagasasalita ng malinaw, malakas, at walang
pangamba o alinlangan. Kung ang mag-aaral ay matutong magsalita nang
malinaw at walang pangamba at alinlangan sa loob ng klase, magkakaroon siya
ng magandang personalidad. Ito ay magiging simula ng pagiging panatag ang
loob ng mag-aaral sa pagharap niya sa mga bagay-bagay.

Sa pagpili ng dulang itatanghal sa silid-aralan, tiyakin natin na ito ay malapit


sa puso ng ating grupo at may kaugnayan sa paksa o tema na dapat talakayin
sa silid-aralan.
Ang diyalogo dapat ay simple at makahulugan sa bawat buhay ng
gaganap at manonood na mag-aaral. Maaring pumili tayo ng isang simple,
malungkot o masayang dula na angkop sa pang araw-araw na buhay ng magaaral. Makabubuting
magtanghal tayo ng isang dula na may isang tagpo. Sa
simula ay hayaan nating basahin ng mag-aaral ang dula. Alamin nila ang
kahulugan ng mga salita, ayon sa sitwasyong ibinibigay ng dula.
Bilang tulong
sa paghahanda ng dula, magbibigay tayong sapat na panahon sa pagtalakay nito. Bale, eto yung
mga iilan na katanungan bago gawin ang pagtatanghal.
1. Bakit isinulat ang dula?
2. Ano ang ibig iparating ng may-akda?
3. Nais ba lamang ng may-akda na maglarawan ng buhay-buhay sa isang
lugar?
4. Sinu-sino ang mga tauhan?
5. May kilala ba tayong tulad nila sa tunay na buhay?
6. Kailan at saan nangyari ang dula?

Ang lahat ng ito ay dapat munang talakayin ng mga mag-aaral bago magsanay
ng kanilang bahagi o gagampanan sa dula.
Sa pagsasanay ay napakahalaga ng paraang pagsasalita at pakikinig. Ito ay
isang paraang magbigay kahulugan sa mag-aaral ng bawat salita sa dula.
Narito ang proseso ng Pagsasalita at Pakikinig. Ang aktor na magsasalita ay
siya lamang titingin sa iskrip. Babasahin niya ang iskrip nang tahimik at
pagkatapos ay titingin siya sa kanyang kausap. Lahat ng kanyang matatandaan
ay sasabihin niya sa kanyang kausap. Ang nag-uusap ay kinakailangang
magtinginan at hindi nagbabasa ng iskrip. Dahil kung ang isang aktor ay
nagbabasa, mas naririnig niya ang kanyang sarili kaysa sa kanyang kausap.
Ang aktor ay kinakailangang makinig upang maintindihan niya ang nilalaman ng
diyalogo ng kanyang kausap. Sa ganitong paraan ay magkakaroon siya ng
ideya kung paano siya sasagot. Ang lahat ng gumaganap sa iba pang tauhan
ng dula ay dapat makinig sa nagsasalita at hindi nagbabasa ng iskrip. Maaari
lamang tumingin sa iskrip kung tapos na ang nagsasalita. Kung hindi tayo
makikinig, hindi natin matatanto kung ano ang ating isasagot.

You might also like