You are on page 1of 11

ILANG PAGLILINAW SA

MGA
JARGON SA PAGTUTURO
ANG PAGKATUTONG INTERAKTIB
Mapapadali ang paggamit ng wika kung ang
pansin ay nakapokus sa pagbibigay at
pagtanggap ng awtentikong mensahe
(mensaheng taglay ang impormasyong kawili-
wili sa nagsasalita at tagapakinig).

“Ang pasalitang-salita ang
siyang pangunahing yunit
ng diskors. .”

— WELLS
ANG PAGKATUTONG INTERAKTIB
Ang interaksyong panlinggwistika ay isang sama-
samang gawain na nangangailangan ng triyadikong
pag-uugnayan ng nagpapadala (sender), tagatanggap
(receiver), at ng konteksto ng sitwasyon sa isang
komunikasyong pasalita o pasulat man.
ANG PAGKATUTONG INTERAKTIB
Kailangan sa interaksyon hindi lamang ang
pagpapahayag ng sariling ideya kundi pag-unawa rin
sa ideya ng iba. Ang mga Kalahok ay gumagawa ng
kahulugan sa pamamagitan ng interaksyon, na lagi
nang nauunawaan sa isang konteksto, kasama ng mga
di-pasalitang pahiwatig na nagdaragdag ng ibang
aspeto ng kahulugan bukod sa pasalita.
ANG PAGKATUTONG INTERAKTIB

Ang mga pagpapakahulugan sa isang diskors ay


karaniwang produkto ng isang negosasyon ng
pagbibigay at pagtanggap habang nagaganap ang
usapan. Karaniwang makikita sa isang klaseng
interaktib ang mga sumusunod:
01. Madalas ang mga 04. Pagsasagawa ng mga
gawaing dalawahan o gawaing pangklasrum
pangkatan. bilang paghahanda para sa
Paggamit ng mga aktwal na paggamit ng
02. awtentikong wika bilang wika sa “labas”.
input sa konteksto ng
tunay na paggamit nito.
 05. Pagpapasulat na totoo ang
target na awdyens.
03. Paglikha ng mga tunay na
wika para sa makabuluhang
komunikasyon.
ANG WHOLE LANGUAGE
EDUCATION
Ang katawagang ito’y bunga ng mga pananaliksik sa
pagbasa at ginagamit upang bigyang-diin ang mga
sumusunod:

a. ang “kabuuan” ng wika laban sa pananaw na nababahagi


ng wika sa maliliit nitong elemento gaya ng ponema,
morpema at sintaks.
ANG WHOLE LANGUAGE
EDUCATION
b. sa interaksyon at pag-uugnayan sa pagitan ng pasalitang
wika (pakikinig at pagsasalita) at wikang pasulat
(pagbasa at pagsulat).

c. ang kahalagahan ng alituntunin sa pagsulat na ito’y


likas at umuunlad na katulad din ang alituntuning
pasalita.
MARAMING
SALAMAT!
Kayo ba ay may mga katanungan?
MA. CARA TANYA B. PRINCILLO
mctprincillo@gmail.com
CREDITS: This presentation template was created by Slidesgo, including icons by Flaticon, and
infographics & images +9165303852
by Freepik and illustrations by Stories

You might also like