You are on page 1of 65

ang Bulalakaw mga

pampaaralang pahayagan
katulong ng
nahirang na patnugot ng The New Horizons

Si Joey Lina Jr., IV CP


Mataas na Paaralang Osmena
Si Joey Lina Jr., IV CP ang nakahirang
na punong patnugot ng The New
Horizons at katulong ng Patnugot ng
Ang Bulalakaw mga pampaaralang
pahayagan ng Mataas na Paaralang
Osmena.
ANG
PAMATNUBAY
(THE LEAD)
Katuturan- ang panimula ng balita ay
tinatawag na pamatnubay. Ito ang
pinakamahalagang bahagi ng balita
sapagkat ito ay unang pinagtutuunan ng
pansin at siyang umaakit sa mambabasa
dahil ito ang buod.
a. Ipinahahayag sa maikling pangungusap
lamang ang buod ng salita

b. Sinasagot kaagad ang gustong malaman


ng mambabasa: Ano ang nangyari? Sino
ang mga nasasangkot? Saan naganap?
Kailan? Bakit? Paano naganap?
c. Hinihikayat ang mambabasa na
ipagpatuloy niya ang kanyang
pagbabasa
mga halimbawa:

WHO LEAD
WHAT LEAD
WHEN LEAD
a. Kombensyonal o Kabuuang Pamatnubay
(Conventional or Summary Lead)

– Ito’y sumasagot sa mga tanong na Sino? Ano?


Kailan? Saan? Bakit? Paano?
1.) Pamatnubay na Sino (Who Lead) – Pangalan ang
itinatampok sapagkat ang tao o mga taong
nasasangkot sa balita ay tanyag at higit na
prominente kaysa aktibidad o gawaing naganap.

Halimbawa:
Si Joey Lina Jr., IV CP ang nahirang na punong
patnugot ng The New Horizons at katulong ng
patnugot ng Ang Bulalakaw mga pampaaralang
pahayagan ng Mataas ng Paaralang Osmeña.
Kabilang sa pamatnubay na Sino ang mga juridical
persons (considered persons for legal purposes)
gaya ng PNU, UP, WHO, RP, atbp.
2.) Pamatnubay na Ano (What Lead) – Ang
pangyayari, aktibidad o gawain na naganap o
magaganap ang itinampok sapagkat higit na
prominente ito kaysa tao o mga taong nasasangkot
sa balita.

Halimbawa:
Ang NSAT ay ibibigay ng BED sa lahat ng
magsisipagtapos sa ika-24 ng buwang kasalukuyan.
3.) Pamatnubay na Kailan (When Lead) – Ginagamit
kung ang mga pangyayari ay naganap o magaganap
sa di-kinaugaliang oras o kung ang oras o panahon
ng kaganapan ay ang lalong mahalaga. Pambihirang
gamitin ang pamatnubay na ito. Subalit ito’y kapaki-
pakinabang gamitin kung ang itatampok ay ang
huling araw ng itinakda (deadline): kapistahan o
holidays.
Mga Halimbawa:

1. Abril 16 ang huling araw ng pagbayad ng


buwis sa BIR.
2. Sa araw na ito, Sabado, Pebrero 21, labin-
limang taon na ang nakakaraan, naganap ang
mapayapang EDSA Revolution.
4.) Pamatnubay na Saan (Where Lead) – Ginagamit
kung ang pangyayari ay naganap o magaganap, sa
hindi karaniwang pook.

Halimbawa:
Sa Pilipinas gaganapin ang susunod na Palarong
Olimpiyada.
5.) Pamatnubay na Bakit (Why Lead) – Sanhi o
dahilan ang itinatampok.

Halimbawa:
Sapagkat hindi pinayagan ng kanyang mga
magulang upang dumalo sa disco party, isang
labing-apat na taong gulang na babaeng mag-aaral
ang uminom ng tabletang pampatulog na naging
sanhi ng kanyang pagkapamatay.
PAMATNUBAY NA PAANO
 o mas kilala sa katawagang, “How Lead” na kung
saan itinatampok ang pamamaraan ng mga
kaganapan.

Halimbawa:
Nagkunwaring mga pari, limang lalaking nakasuot
ng abito ang nakapasok sa isang bangko at ito’y
sapilitang ninakawan.
Halimbawa:
Nagkunwaring naghahanap ng mapapasukan,
isang babae ang tumangay ng malaking halaga
ng salapi at mga alahas ng isang ginang sa
Lungsod ng Baguio, pagkatapos itong tanggapin
bilang katulong.
PANIMULANG PAMBALARILANG
PAMATNUBAY
1. Sugnay na Pasanhi (Causal Clause)- binubuo ng
isang sugnay na di-makapag-iisa na nagsisimula
sa alinmang pangatnig na pananhi tulad ng:
dahil sa. kay., gaya ng, palibhasa, paano,
mangyari, kasi, kundangan, alang-alang sa at
marami pang iba.
Dahil sa maraming reklamo o tungkol sa
nawawalang aklat, pinasara ng punong-guro ang
pintuan ng aklat.
2. Sugnay na Pasubali (Conditional Clause)-
binubuo ng isang sugnay na di makapag-isa na
nagsisimula sa alin man sa mga pangatnig na
panubali tulad ng: kung, kapag, kundi, pagka, disin
sakali, sana, atb.

Kung di payag ang PTA na bumili ng mga bagong


kompyuter para sa patnugutan, mapipilitang
magdaos ang mga mag-aaral ng isang
pambenepisyong sayawan.
3. Sugnay na Paninsay (Concessive Clause)-
binubuo ng isang sugnay na di-makapag-isa na
nagsisimula sa pangatnig na paninsay, tulad ng:
kahit na, bagaman, gayong, atb.

Bagaman lalabing-anim na taon lamang si Rosa


David, siya’y napili, ng paaralan na lalahok sa
paligsahang Binibining Pilipinas.
4. Sugnay na Patakda (Temporal Clause)-
nagsasaad ng takdang panahon; binubuo ng
sugnay na di-makapag-isa na nagsisimula sa
salitang: nang, habang, bago, simula nang, at
samantala.

Samantalang pinaghahandaan pa lamang ng mga


mag-aaral ang nakatakdang pagtatanghal,
binayagan na agad sila ng kanilang
tagapangasiwa.
5. Sugnay na Pangngalan ( Noun Clause)-
binubuo ng sugnay na di-makapag-isa na
ginagamit na simuno o tuwirang layon.

Na dinagsaan ng mga manonood ang


pagtatanghal ng “Malakas at Maganda” sa
PNU Auditorium ay pinatunayan ng maraming
araw na pagpapalabas nito.
6. Pariralang Pawatas (Infinitive
Phrase)
Nagsisimula sa pawatas (nasa anyong
pandiwa ngunit walang panahunan) na
banghay sa um at mag-
Hal:
Ang tumulong sa mga batang
mamamahayag ang pangunahing layunin ni G.
Teodoro (Dory) Valenci, isang tanyag na
mamamahayag at kolumnista,kaya’t ang
Teodoro Valencia Foundation ay nagbibigay
ng iskolarship sa mga nagwawagi sa
pambansang paligsahan (NSPC)
7.PariralangPandiwari
(Participial Phrase)
Nagsisimula sa pandiwari (pandiwang
ginagamit na pang-uri)
Hal:
Handang-handag agawin ang korona,
kaya’t ang mga manlalarong basketball ng
Paaralang Osmena ay araw-araw na ang nag-
iinsayo para sa nalalapit na sagupaan.
8.Pariralang Pang-ukol
(Prepositional Phrase)
Nagsisimula sa pang-ukol tulad ng:
sa, ukol sa, hinggil sa, tungkol sa,
para sa, atbp.
Hal:
Para sa kapakanan ng mamamayang
Pilipino, sinikap ng pangulo ng kapisanan na
mapaunlad ang kalagayang pangkabuhayan
ng pamayanan.
9.Pariralang Pangngalang
Diwa (Gerundial Phrase)
Nagsisimula sa pangngalang diwa
(pandiwang may unlaping pag-)
Hal:
Ang paglilinis at pagpapaganda ng purok
ay tanging layunin ng Punong Guro.
c.Pamatnubay ng Di-Kombensyonal o
Makabagong Pamatnubay (Novelty Lead)

Ginagamit ng mga manunulat sa pamamaraang


inaakala niyang madaling makatawag o makapukaw
ng pansin o kawilihan at pananabik.
c. Pamatnubay ng Di-Kombensyonal o
Makabagong Pamatnubay (Novelty Lead)

Hindi nagsasaad ng buod kundi nagsisilbing


panimula lamang. Hindi ginagamit sa tuwirang
balita (straight news) kundi sa balitang lathalain
(news features)
MGA URI NG
MAKABAGONG
PAMATNUBAY
1. Panggulat (Starter or Astonisher Lead)

Kalimitang ito’y isang pangungusap na maikli,


hiwalay sa talata na sinusundan ng buod ng ibang
impormasyon. Ginagamit ito kung ang tala ay
lubhang mahalaga, nakakagulat,
nakakagulantang o nakakasindak.
1. Panggulat (Starter or Astonisher Lead)

Kalimitang ito’y isang pangungusap na maikli,


hiwalay sa talata na sinusundan ng buod ng ibang
impormasyon. Ginagamit ito kung ang tala ay
lubhang mahalaga, nakakagulat,
nakakagulantang o nakakasindak.
Kampeon ng NSPC!

Nagwaging muli ang Bulalakaw sa


pambansang paligsahang ginanap sa Lungsod ng
Olongapo noong Pebrero 20 nang ito ay naging
pinakamagaling ng pampaaralang pahayagan sa
bansa.
Kampeon ng NSPC!

Nagwaging muli ang Bulalakaw sa


pambansang paligsahang ginanap sa Lungsod ng
Olongapo noong Pebrero 20 nang ito ay naging
pinakamagaling ng pampaaralang pahayagan sa
bansa.
2. Pinangyarihan o Sanligan
(Background Lead)
Ito’y mga pangungusap na naglalarawan ng
pangyayari, at ang pook na pinangyarihan ay higit
na nakakatawag ng pansin kaysa sa mga taong
kasangkot. Ito’y karaniwang ginagamit sa mga
salaysay tungkol sa karnabal, sayawan, eksibisyon,
pistahan, atbp.
2. Pinangyarihan o Sanligan
(Background Lead)
Ito’y mga pangungusap na naglalarawan ng
pangyayari, at ang pook na pinangyarihan ay higit
na nakakatawag ng pansin kaysa sa mga taong
kasangkot. Ito’y karaniwang ginagamit sa mga
salaysay tungkol sa karnabal, sayawan, eksibisyon,
pistahan, atbp.
Ang Pamantasang Normal ay mistulang
naging munting karnibal noong Sabado nang
ito ay nagdiwang ng kanyang isang daang
taong pagkatatag.
3. Tanging Sabi (Direct Quotation)

Ito’y makabuluhang pangungusap ng


tagapagsalitatalumpati. o kaya, ito’y hango
sa isang aklat na sinipi at ginamit na panimula
sa isang balita. Ginagamit ito kung ang sinabi
o sinipi ay higit na nakatawag ng pansin o
mas mahalaga kaysa taong nagsabi.
Karaniwang ginagamit ito sa mga balitang
tungkol sa talumpati (speech story).
“Malaki ang magagawa ng pagkakaisa.’’
Binigyan diin ito ni Gng. Alegria Flora, punong-
guro ng PNU Laboratory School sa pulong ng
mga guro at mga magulang tungkol sa
pagsugpo ng “dope addiction”.
4. Tanong (Question Lead)

Ito’y ginagamit kung ang tanong ay may


malaking bahagi sa salaysay at kung ang
tanong ay wala pang kasagutan.
Sino ang magiging Bb. Pambansang Normal
na darating na kapistahan? Ito’y malalaman
bukas pagkatapos ng bilangan ng mga
balota.
Puting-puti ang kasuotan, tangan-tangan ang
mga diploma, ang 597 na nagsipagtapos ay
masasayang nagmartsang pababa ng
entablado habang tinutugtog ng rondalya
ang “Aida March.”
5. Paglalarawan (Descriptive o Picture Lead)

Ito’y paglalarawan ng tao, lunan o pangyayari.


Ginagamit kung sa pamamagitan ng ilang salita ay
makakabuo ng malinaw na larawan sa isipan ng
bumabasa.
6. Pagkakaiba (Contrast Lead)

Ginagamit ito upang maipakita o


maipalitaw ang pagkakaiba ng dalawang
bagay sa unang pangungusap ng balita.

Higit na marami ang nakapasa ngayon sa


NEAT kaysa noong isang taon.
7. Parodya o Nakatatawang Panulad (Parody Lead)
- Karaniwang hango sa tanyag na awit, tula, sipi, aklat
o pamagat ng pelikula. Ginagamit lamang ito kung
angkop, madaling makilala, ngunit hindi lubhang palasak.
“Tubig, tubig sa lahat ng dako, ngunit wala ni isang
patak na maiinom.” Ito ang naranasan ng mga
naninirahan sa Tondo nang binaha ang buong
Maynila at nawalan ng tubig ang MWSS.
(Ang siniping linya ay hango sa tulang “The Rime of
the Ancient Mariner” ni Samuel Coleridge)
“Tubig, tubig sa lahat ng dako, ngunit wala ni isang
patak na maiinom.” Ito ang naranasan ng mga
naninirahan sa Tondo nang binaha ang buong
Maynila at nawalan ng tubig ang MWSS.
(Ang siniping linya ay hango sa tulang “The Rime of
the Ancient Mariner” ni Samuel Coleridge)
8. Pontse (Punch Lead)
- Isang napakaikli ngunit mabisang
pamatnubay.
Hal.
-- Araw ng tagumpay!
Ipagdiriwang sa Oktubre 18 ng PNU Laboratory
School ang kanilang panalo sa panglungsod na
CAT competition.
9. Kasabihan o Kawikaan (Epigram Lead)
- Sinisimulan ang pamatnubay ng mga kilalang
kasabihan o taludtod.
Hal.
Kung gaano ang ama, ay ganoon din ang
anak (Like father like son). Si Warren Cruz, isang
binatang katatapos lamang sa pag-aaral ng
abogasya, ay nanguna sa pagsusulit sa batas gaya
rin ng kanyang ama na nagkamit ng pinakamataas
na marka noong 1997 bar examination.
10. Isang Salita (One-word Lead)
-- Sugod! Ito ang utos ni G. Rene Romero sa
mga batang iskawt nang tinangka nilang akyatin
ang Bundok Arayat.
11. Kapaligiran (Atmosphere Lead)
- Lipon ng mga salita o parirala na naghahatid
sa bumabasa ng lagay ng kalooban sa mga
nagaganap.
-- Sa pamamagitan ng awitan, sayawan at
tugtugan, maligayang ipinagdiwang ng mga guro,
magulang at mag-aaral ang ika-20 taong
pagkakatatag ng kanilang paaralan.
12. Tukoy mula sa Mitolohiya, Panitikan o
Kasaysayan
- Ginagamit lamang kung ang pagbanggit ay
natural o angkop.
Hal.
-- Kagandahang Venus, katalinuhang Athena,
at pang-akit ni Cleopatra ang mga pambihirang
katangiang taglay ni Jessa-Celine Cruz, IV B.S.E
kaya’t napili siyang Binibining Intramurals ng Physical
Education Department.
13. Maikli’t Hiwa-hiwalay na parirala o mga salita
(Staccato Lead)

-- Krimen, demonstrasyon, adiksyon, polusyon!


Pagsama-samahin ang mga ito ay mababatid mo
kung anong uring lungsod ang Maynila.
MARAMING SALAMAT
SA PAKIKINIG! 

You might also like