You are on page 1of 24

Ulat ni:

Ronalee M. Timbang
Kaayusan ng Balita

Pamatnubay (News Summary)

Pangalawang Pamatnubay
(Most Important Details)

Kasunod na mahahalagang Datos


(Other Important Details)

Di-gaanong mahalagang datos


(Least Important Details)
Bahagi ng Balita

1.Lead (Pamatnubay)

2.Body (Teksto)

3.Conclusion (Katapusan)
PAMATNUBAY (LEAD)
- ay ang panimulang talata o pangungusap na
naglalaman ng pinakamahahalagang bahagi ng balita.

- nagsisilbi itong pang-akit sa mga mambabasa


dahil ito ang pinakabuod ng balita. Sa akdang lathalain
o pabalitang lathalain, ito ay maaaring isang salita,
parirala, pangungusap o isang talata.
Uri ng Pamatnubay

a. Kombensyonal o Kabuuang Pamatnubay


-sinasagot nito ang mga tanong na Sino? Ano?
Kailan? Saan? Bakit? At Paano?.

1. Pamatnubay na Sino (Who Lead)- pangalan


ang itinatampok sapagkat ang tao o mga taong
nasasangkot sa balita ay tanyag at higit na
prominente kaysa aktibidad o gawaing naganap.
Hal. Ng Pamatnubay na Sino?

Si Joey Lina Jr., IV CP ang nahirang na punong


patnugot ng The New Horizons at katulong ng patnugot
ng Ang Bulalakaw, mga pampaaralang pahayagan ng
Mataas na Paaralang Osmeña.
a. Kombensyonal o Kabuuang Pamatnubay

2. Pamatnubay na Ano (What Lead)- ang


pangyayari, aktibidad o gawain na naganap o
magaganap ang itinatampok sapagkat higit na
prominente ito kaysa sa tao o mga taong
nasasangkot sa balita.

Hal. ng Pamatnubay na Ano?

Ang NSAT ay ibibigay ng BED sa lahat ng


magsisipagtapos sa ika-24 ng buwang kasalukuyan.
a. Kombensyonal o Kabuuang Pamatnubay

3. Pamatnubay na Kailan (When Lead)


-kung ang oras o panahon ng kaganapan ay ang
lalong mahalaga.
-bihirang gamitin subalit ito’y kapaki-pakinabang
gamitin kung ang itatampok ay ang huling araw ng
itinakda at kapistahan.

Hal. Ng Pamatnubay na Kailan?

Abril 16 ang huling araw ng pagbayad ng buwis sa


BIR.
a. Kombensyonal o Kabuuang Pamatnubay

4. Pamatnubay na Saan (Where Lead) – ginagamit


kung ang pangyayari ay naganap o magaganap sa di-
karaniwang pook.

Hal. ng Pamatnubay na Saan?

Sa Pilipinas gaganapin ang susunod na


Palarong Olimpiyada.
a. Kombensyonal o Kabuuang Pamatnubay

5. Pamatnubay na Bakit (Why Lead)- sanhi o dahilan


ang itinatampok.

Hal. Ng Pamatnubay na Bakit?

Sapagkat hindi pinayagan ng kaniyang mga


magulang upang dumalo sa disco party, isang
labing-apat na taong gulang na babaeng mag-
aaral ang uminom ng tabletang pampatulog na
naging sanhi ng kaniyang pagkamatay.
a. Kombensyonal o Kabuuang Pamatnubay

6. Pamatnubay na Paano (How Lead)- pamamaraan


ang itinatampok.

Hal. ng Pamatnubay na Paano?

Nagkunwang mga pari, limang lalaking


nakasuot abito ang nakapasok sa isang bangko at
ito’y sapilitang ninakawan.
Uri ng Pamatnubay

b. Novelty o Makabagong Pamatnubay


- mapangganyak na panimula upang pukawin ang
interes ng mambabasa.

1. Panggulat (Startler or Astonisher Lead)-


kalimitang ito’y isang pangungusap na maikli, hiwalay
sa talata na sinusundan ng buod ng ibang
impormasyon.

Hal. Kampeon ng NSPC!


Nagwaging muli ang Bulalakaw sa
pambansang paligsahang ginanap sa Lungsod ng
Olongapo noong Pebrero 20 nang ito ay naging
pinakamagaling ng pampaaralang pahayagan sa
b. Novelty o Makabagong Pamatnubay
2. Pinangyarihan o Sanligan (Background Lead)
-ito’y mga pangungusap na naglalarawan ng
pangyayari, at ang pook na pinagyarihan ay higit na
nakakatawag ng pansin kaysa sa mga taong
kasangkot.

Hal.
Ang Pamantasang Normal ay mistulang
naging munting karnabal noong Sabado nang ito ay
nagdiwang ng kanyang isang daang taong
pagkakatatag.
b. Novelty o Makabagong Pamatnubay
3. Tahasang Sabi (Direct Quotation )
- ito’y makabuluhang pangungusap ng tagapagsalita
o kaya ito’y hango sa isang aklat na sinipi at ginamit
na panimula sa isang balita.
Hal.
“Malaki ang magagawa ng pagkakaisa.”
Binigyan diin ito ni Gng. Alegria Flora, punong-guro
ng PNU Laboratory School sa pulong ng mga guro
at mga magulang tungkol sa pagsugpo ng “dope
addiction…”
b. Novelty o Makabagong Pamatnubay
4. Tanong (Question Lead)
- ginagamit kung ang tanong ay may malaking
bahagi sa salaysay at kung ang tanong ay wala
pang kasagutan.
Hal.
Sino ang magiging Bb. Pamantasang Normal
sa darating na kapistahan? Ito’y malalaman bukas
pagkatapos ng bilangan ng mga balota.
b. Novelty o Makabagong Pamatnubay
5. Paglalarawan (Descriptive or Picture Lead)
-ito’y paglalarawan ng tao, lunan o pangyayari.

Hal.
Puting-puti ang kasuotan, tangan-tangan ang
mga diploma, ang 597 na nagsipagtapos ay
masasayang nagmartsang pababa ng entablado
habang tinutugtog ng rondalya ang “Aida March.”
b. Novelty o Makabagong Pamatnubay
6. Pagkakaiba (Contrast Lead)- ginagamit ito upang
maipakita o mapalitaw ang pagkakaiba ng dalawang
bagay sa unang pangungusap ng balita.

Hal.
Higit na marami ang nakapasa ngayon sa
NAT kaysa noong isang taon.
b. Novelty o Makabagong Pamatnubay
7. Parodya o Nakatatawang Panulad (Parody Lead)
- karaniwang hango sa tanyag na awit, tula, sipi,
aklat o pamagat ng pelikula

Hal.
“Tubig, tubig sa lahat ng dako, ngunit wala ng
isang patak na maiinom.” Ito ay naranasan ng mga
naninirahan sa Tondo nang binaha ang buong
Maynila at nawalan ng tubig ang MWSS.
(The Rime of the Ancient Mariner)
b. Novelty o Makabagong Pamatnubay
8. Pontse (Punch Lead)- isang napakaikli ngunit
mabisang pamatnubay.

Hal.
Araw ng tagumpay!
Katangian ng Isang Mabisang Pamatnubay

a. Ipinahahayag sa maikling pangungusap lamang


ang buod ng balita.

b. Sinasagot kaagad ang gustong malaman ng


mambabasa.

c. Hinihikayat ang mambabasa na ipagpatuloy niya


ang kanyang pagbabasa.
Ang balita ay inilalahad sa baligtad na piramide
kung saan ang mga mahahalagang datos ay nasa una at
pangalawang talata.
Karaniwang ginagamit sa tuwirang balita.

Ang kaayusang baligtad na piramide ay


nakatutulong sa mga sumusunod na dahilan:

1.Napapadali ang pagbabasa.

2.Napapadali ang pag-aayos ng ispasyo.

3.Napapadali ang pagsulat ng ulo ng balita.


Mga Tuntunin sa Pagtatalata ng Balita
1.Ang talata ay hindi sumusobra sa 75 na salita.

2.Ilagay ang mahahalagang datos sa unahan ng talata.

3.Iwasan ang paggamit ng mga magkatulad na mga


salita o mga sugnay sa simula ng magkasunod na
talata.

4.Huwag ilagay ang tahasang sabi at buod nito sa isang


talata.
Mga Tuntunin sa Pagtatalata ng Balita

5.Ang isang pangungusap na talata ang


pinakagamitin sa balita ngunit kung hindi maiiwasan
ang paggamit ng mahigit sa isang pangungusap hindi
ito dapat na sumobra sa 3 pangungusap.

6.Isaayos ang mga talata ayon sa pababang


kahalagahan upang kung kukulangin sa ispasyo ay
maaaring putulin ang mga huling talata na hindi
naaapektuhan ang nilalaman nito.

You might also like