You are on page 1of 4

FIL 116 Balitang Pampaaralan

 Layunin ng pampaaralang pahayagan:


1.Magbigay ng pagkakataon sa pagsasanay sa nakawiwiling panunulat.
2. Magpasigla sa mga magaaral na magkaroon ng hilig at panlasa at lugod sa
pagbabasa.
3. Luminang ng kakayahan sa pagmamasid at sa wastong pagpapahalaga sa mga
babasahin.
4. Magpasigla sa lalong maningning at mabungang pag aaral.
5. Magsanay, hindi lamang pangakda at pagsulat kundi sa pamamahala pagtuturo,
paghahanapbuhay, pakikitungo sa kapwa pagsusuri sa kasiningan at kaaghaman ng
mga bagay bagay.
6. Maturuan ng wastong pagbasa ng mga pahayagan at ng mga aklat.
7. Maginang ng mataas na pamantayan ng pagtutulungan, katapatang loob,
pagpapaumanhin pagkamaginoo, pananagutan, pagkukusa at pagpapasunod.
 
Tulong sa paaralan at sa pamayanan.

1. Ipaalam sa bayan ang mga gawain ng paaralan.

2. Maglathala ng balitang pampaaralan at pampamayanan din.

3. Magtaguyod ng pagkakaisa sa tahanan at paaralan.

4. Tumulong sa paglinang ng mabuting pamantayan ng paguugali.

5. Lumikha at magpahayag ng kurukuru ng paaralan.

6. Magbigay daan sa pagkakaisa ng buong paaralan.

7. Magpasigla at magbunsod ng nga gawaing kapakipakinabang.

8. Magukol ng pitak ng mga mungkahi ng mga magaaral at ng kanilang mga


magulang sa lalong ikabubuti ng paaralan.

9. Tumangkilik ng pakikipagunawaan at pakikipag tulungan sa ibat ibang paaralan.

10. Mag alaga at magpasigla sa diwang pampaaralan, gaya ng paglikha ng


matangkilik na pag ibig sa bayan.

11. Magpahayag at magpalaganap ng diwa ng idiyalismo na higit kaysa


matiryalismo.

12. Lumikha ng maagang pagtutulungan ng mga magulang at mga guro.

Tungkulin ng pahayagan (Functions of a newspaper)


1.Maging mata at tainga ng mambabasa (information function)
2. Maging tagapagturo (education function)
3. Pumuna ng balita sa pamamagitan ng mga tadling at pitak (interpretation function)
4. Tagapaglahad ng mga kurokuro (opinion mouder)
5. Maging tagapaglibang o taga aliw (entertainment function)
6. Gumanap bilang tagapag alaga ng karapatan ng mambabasa. (watchdog function)
7. Bilang talaan sa mga mahahalagang pangyayaring naganap (documentation
function)

KATEGORYA NG BALITA

1. Kabaguhan

Ang anumang balita hinggil sa pagtuklas o imbensiyon, ang pinakahuling moda o istilo,
tulad ng pinakabagong tuklas na pamalit na panggatong na kilala bilang “Kero-gas” o
“Kero-tano”

2. “Personal Impact”

Halimbawa: Ang pagtaas ng presyo ng langis ay nagpalala sa pagbagsak ng


kabuhayan sa bansa sapagkat nagkaroon ito ng “chain reaction” tulad ng pagtaas ng
pamasahe at pagtaas ng halaga ng mga pangunahing bilihin.

3. Balitang Panglokal

Binibigyan ng kalapitan ang mga kaganapan sa lokalidad.

4. Pera

Balita hinggil sa kinikita, suweldo, pagtaas ng buwis, implasyon at loteriya.

Halimbawa: Sino ang nanalo sa sweeptakes? Magkano ang tinatanggap ng simbahan


mula sa Philippine Amusements and Gaming Corporation (PAGCOR) para sa mga
kawanggawang mga proyekto?

5. Krimen at Kaparusahan

Halimbawa: Ang tangkang pagpatay ng dalawang beses laban sa dating Pangulo ng


Polytechnic University of the Philippines (PUP) na si Dr. Nemesio Prudente at sa
bantog na si Gobernador Rodolfo Aguinaldo ng Cagayan.

6. Kasarian (Sex)

Ito'y nagbibigay ng kawilihan na karaniwang natutunghayan sa romansa, pag- aasawa,


paghihiwalay at pagdidiborsiyo. Nailalarawan rin ang mga kasarian, halimbawa kung
ang isang babae ang pinuno ng mga bandido o kung ang naihalal na pangulo ng isang
bansa ay babae gaya ni Gloria M. Arroyo.

7. Tunggalian

Ang mga balitang tungkol sa giyera at rebolusyon “coup d’etat” o magulong


demonstrasyon, kasama rin ang panloob na tunggalian ng tao sa hindi makataong
pakikitungo, pakikibaka sa pagitan ng masama at mabuti, ang agwat ng mahirap at
mayaman ay pawang pagtutunggalian.

8. Relihiyon
Halimbawa: Paggunita sa mahal na araw, ang preperensiya sa pagboto ng mga
tagasunod ng Iglesya ni Kristo, ang paghalal ng bagong Santo Papa, mga himala ng
mga Santo at ng Birheng Maria.

9. Sakuna at Trahedya

Halimbawa: Ang mga namatay sa bagyo o baha, ang pagsabog ng Philipppine Airlines
Jetliner malapit sa Ninoy Aquino International Airport, ang paglubog ng barkong Doña
Paz ay ilan sa mga maaaring ihanay sa uring ito.

10. Pagpapatawa

Balita hinggil sa emosyon ng tao, matandang anekdota at mga kartoon na nagpapasigla


sa pahayagan.

11. Pantaong Interes

Balita hinggil sa mga damdamin ng tao: kabutihan, kalupitan at tagumpay.

12. Sikat na Tao

Halimbawa: Ang dating Pangulong Corazon Aquino ay laman ng lokal at internasyonal


na mga babasahin dahil sa pangyayari na naibalik ang demokrasya sa Pilipinas sa
paraang mapayapa, na naging huwaran sa buong mundo.

13. Taya ng Panahon

Sa buong mundo, ang mga tao ay interesado sa kalagayan ng panahon. Ang mga tao
sa Pilipinas, tinatanggap ang taya ng panahon na may kalakip na puna. Kung minsan
ang ulat ng PAGASA hinggil sa taya ng panahon ay hindi kapani-paniwala.

14. Pagkain at Inumin

Ilan sa mga bagong alak ay nakapagpapasigla sa araw ng mga mayayaman at kilalang


tao. Subalit ang kakulanagan sa pagkain sa mga lugar na dinaanan ng lindol ay lalong
nakatatawag ng pansin sa mga mambabasa.

15. Grupo ng Balita

Ito’y hinggil smga katutubo, tulad ng mga Mangyan ng Mindoro o mga Manobo sa
Mindanao ay isang halimbawa.

PAMAMARAAN SA PAGSULAT NG BALITA

1. Itala ang kaugnayan

2. Pag-ugnayin sa pamamagitan ng: a. Paggamit ng salitang nag-uugnay tulad ng:


gaya, sa kabilang dako, samantala, ito, iba pa, tulad atbp b. pag-uulit sa nakaraang
paksa.

3. Gumamit ng paghahambing sa mga maikling talata subalit may pagkakaiba sa


haba.

4. Bawat talata ay tumatalakay sa iisang paksa lamang. Buuin ang mga talata
upang maiwasan o magpalit ng hindi nagbabago ang pagtalakay, maliban sa paggamit
ng parirala.
5. Iwasan ang nakasasawang paggamit ng tuwiran at di-tuwirang sipi ng mga
sinasabi. Pantay na paggamit ng buod, tuwiran at di-tuwirang sipi ng mga sinabi.
Iwasan din ang paggamit ng tuwirang sipi nang higit sa dalawang magkasunod na
talata.

6. Ang balita ay kinakailangan tumalakay nang wasto upang magbigay ng malinaw


na kaisipan, makatawag pansin at tiyak subalit hindi magulo ang mga detalye.

You might also like