You are on page 1of 8

Panahon ng Republika

Ang katatapos na digmaan ay nagdulo ng di-mahihinagap na


kapinsalaan sa buong kapuluan. Ang nangawasak na gusali,
mga bahay- paaralan, mga lansangang bayan, at mga tulay
ay kailangang maisaayos sa lalong madaling panahon.Ang
pagsasaka, paghahayupan, pag-aasukal at iba pang
industriya ay kailangang magbagong –tatag.

Kaalinsabay ng pagbabagong- tatag ng bansa ang paglilimbag


ng mga lingguhang pinangungunahan ng Liwayway, Ilang-
ilang, Bulaklak, Malaya at i. Gaya ng dapat asahan, ang
naging pinakakaraniwang saligan ng lumabas na mga
maikling kuwento, nobela at mga tula ay ang paghihirap ng
bayan sa panahong katatapos, ang kabayanihan ng mga
gerily, ang pagtataksil ng ilang kababayang natakot
magdanas ng hirap, ang “hanggang piyer” na pag-iibigan ng
mga kawal- Amerikano at Pilipina na nagbunga ng mga “G.I.
babies”
 Maiklng Katha

 Satuluyan, namayani ang maikling kuwento


dahil sa mga praktikal na kadahilanan.
Unan, Malaki ang pang-akit sa mambabasa
upang bumili ng mga babasahing mai ilang
kuwentong tapos sapagkat hindi ito
nabibigay ng pangangailangang bumili ng
susunod na labas ng magasin di tulad kung
may nobelang dugtungang sinusubaybayan.
Ikalawa, sa mga taong abala, ang mga
pagbabasa ay kailangang panandalian
lamang.
 Sa uri, ang lumalabas na mga maikling katha noon ay
nahahati sa dalawa: Iyong komersyal at iyong
pampanitikan. Ang komersiyal ay iyong may mababaw na
pangyayayring naganap at halatang- halatng isinulat
upang maihabol sa paglilimbag at mabayaran naman
agad. Ang kathang pampanitikan naman ay kakikitaan ng
maayos na pagkakabalangkas ng mga pangyayari, may
tiyak na tunguhin ang bawat insidente rito at maging ang
mga tauhan ay may kani-kaniyang papel na
ginagampanan, sa ikabubuo ng kuwento.

 Sa mga nagsisulat ng maikling kuwento sa panahong ito


ay kinabibilangan nina Genoveva Edroza- Matute, Serafin
Guinigundo, Macario Pineda, Elpidio P. Kapulong, Hilario
Coronel, Pablo N. Bautista at Pedro S. Dandan.
 Ang Nobela

 Saalinmang panahon, ang panitikan ay


nagagamit na mabisang kasangkapan sa
paghubog sa damdamin ng mga tao. Maaari
itong gamitin upang gisingin ang hangaring
lumaya o magtaguyod ng kilusan sa
pagbabago. Maaari din naming ito ang
mgaing tagapaghimlay ng mga mamamayan
sa kawalang malasakit na kumilos at
pagtanggap na lamang ng kanilang walang
pagbabagong kalagayan.
 Ang Dula

 Sa panunumbalik ng kapayapaan sa Pilipinas noong 1946


ay muling nagpanibagong sigla ang panitikan. Nakaroon
ng pagsisikap na buhaying muli ang sarsuwela. Sa
kasamaang palad, ay naging malamig ang bayan sa
pagtangkilik.

 Mabuti na lamang at sa kabila ng wari’y panlulupaypay


na ito sa dula ay may mga kapisanan pa rin at kilusang
sumuhay sa magugupong sining na ito. Nariyan ang Carlos
Palanca Mermorial Awards na nagbibigay ng taunang
gantimpala para sa pinakamahusay na akda kasama na
rito ang mga dula.
Ang Tula

Kaalinsabay ng minsan pang pagkakaroon


ng laya ang pag-imbulog ng mga makata
sa daigdig ng tulain. Mangyari pa ang
mga unang tulang nalathala sa unang
dekada pagkaraan ng Digmaang
Pandaigdig II ay nasa tradisyon ng
romantisis mo at nagpupuri sa inang
bayan, sa kalayaan at sa mga bayani.
 Ang Dula at Dulaan

 Bunga ng impluwensya ng wikang Ingles, namutiktik sa bansa lalo


na sa mga eksklusibong paaralan ang mga dula sa wikang Ingles na
sa mga nagbigay- daan sa mga pangkat pandulaan na nakabatay sa
mga paaralan, kolehiyo at unibersidad.

 Sa panahon ding ito, nauso ang mga dulang proletaryo, dulang


political at dulang lansangan.

 Ang mga dulang proletaryo ay mga produksyong itinatanghal ng


mga manggagawang mandudula at ng mga pangkat
pangkalinangan. Ito ay binubuo ng mga awit, iskit, myural at mga
improbisasyon upang mangganyak ng mga political at
pangkulturang kamalayan. Nagpatuloy ito hanggang dekada ’80
hanggang sa kasalukuyan.
 Samantalaang dulang political naman ay mga
pagtatanghal ng mga dulang anglayunin ay
magpabago o magpaunlad ng mga sistemang
pampamahalaan sa paraang hayagan o di-
hayagan.

 Ang dulansangan naman ay mga dulang namalasak


noong namutiktik ang aktibismo noong dekada ’60
at ’70 at lalo pa itong umigting noong unang
bahagi ng dekadang ’80 bago nagtapo ang
rehimeng Marcos. Layon ng mga dulang ito na
magbigay- kabatiran sa mga karapatan ng tao.
Gayundin, layunin nito na magbigay- kasiyahan.

You might also like