You are on page 1of 3

Jesus Balmori

- Kilalang kilala siya sa sagisag na “Batikuling”. Naging kalaban niya si Manuel Bernabe sa
balagtasan sa kastila sa paksang “El Recuerdo y el Olvido”. Nahirang siyang poeta laureado sa
wikang kastila dahil natalo niya si Manuel Bernabe.

- Itinuturing na isa sa pangunahing makata ng Filipinas sa wikang Español, halos buong búhay ni
Je- sus Balmori (He·sús Bal·mó·ri) ay nagugol sa pagsusulat. Kilala din siyá sa alyas na “Batikuling”
na ginamit sa pagsulat ng kolum na “Vida Manileña” sa La Vanguardia na nagtatanghal sa buhay
Filipino sa nakatatawang paraan bago magkadigma. Tugatog ng tagumpay niya bilang makata ang
pagwawagi ng kaniyang koleksiyong Mi Casa de Nipa ng unang gantimpala sa timpalak
pampanitikan ng Komonwelt noong 1938.

- Isinilang si Balmori noong 10 Enero 1887 sa Ermita, Maynila at nag-aral sa Colegio de San Juan
de Letran at sa Unibersidad ng Santo Tomas. Sa paaralan pa lámang ay umani na ng papuri ang
kaniyang talinong pampanitikan. Napangasawa niya si Dolores Rodriguez. Noong 1904, sa gulang
na 17 taón, inilathala niya ang kaniyang unang aklat ng tula, ang Rimas Malayas. Sa isang
timpalak sa pagdiriwang ng Araw ni Rizal, ang kaniyang tatlong lahok na may magkakaibang
sagisag ay nagwagi ng una, ikalawa, at ikatlong gantimpala. Noong 1908, ang kaniyang tulang
“Gloria” ay nagtamo ng unang gantimpala sa timpalak ng El Renacimiento.

- Sumulat din siyá ng mga nobela, ang Bancarrota de Almas, Se Deshojo la Flor, at Pajaros de
Fuego. Natapos ang ikatlong nabanggit sa panahon ng pananakop na Hapones. Sa panahon ding
ito itinanghal ang ilang dula niya sa Es- pañol.

- Ipinadalá siyá sa ibang bansa bilang embahador ng pagkakaibigan at nakarating siyá sa España,
Mexico, Timog America, at Japan. Nása Mexico siyá nang magkasakít at bahagyang naging
paralisado. Namatay siyá noong 23 Mayo 1948 sa kanser sa lalamunan. Sinasabing namatay siyá
ilang sandalî pagkatapos idikta ang kaniyang tulang “A Cristo” sa kaniyang asawa. Tula pa rin ang
nilalamán ng kaniyang hulíng hininga.

Manuel Bernabe

- ay isang makatang liriko at ang sigla ng kanyang damdaming makabayan ay hindi nagbabago sa
alin mang paksang kaniyang sinulat.

- Si Manuel Bernabe ay isinilang sa Parañaque, Rizal noong ika-17 ng Pebrero, 1890. Siya ay
mamamahayag, pulitiko, makata at mambibigkas sa Kastila at Latin. Nagsimulang siyang mag-aral
sa Ateneo de Manila at nagtapos sa Pamantasan ng Santo Tomas. Sa gulang na siyam na taon
nagsusulat na siya ng berso sa Kastila at sa gulang na labin-apat ay bumeberso na sa Latin. Si
Bernabe ay isang makatang liriko at ang karaniwang paksa niya’y mga pista at pagdiriwang,
maging pambayan o pangkaibigan. Ang totoo ay kahi’t anong paksa ay ginagawan niya ng tula.
Ganyan siya kahilig sa pagtula.
-
- Sa labanan nina Balmori at Bernabe sa isang Balagtasan noong 1920 sa paksang “ El
Recuerdo y el Olvido” walang nahayag na nanalo sapagkat kapwa sila magaling pero ayon sa
ugong ng palakpakan pagkatapos ng balagtasan lumabas na si Bernabe ang mas maraming
tagahanga. Ang panig ng “ Gunita” ay ipinagtanggol ni Balmori at “Limot” naman kay Bernabe.
-
- Noong 1928, nahirang siyang kinatawan ng unang purok ng Rizal sa Kapulungang
Pambansa. Naging propesor siya sa Kastila sa Pamantasan ng Pilipinas at naging kasama-sama ni
Balmori sa pagsusulat sa “ La Vanguardia.”

- Ang kanyang mga tula ay tinipon at ipinaaklat at pinamagatang “Castos del Tropico” (mga
awit ng tropic).Ito ay may 350 pahina at naglalaman ng iba’t-ibang paksa tulad ng handog sa
Espanya, mga panrelihiyo, pampilosopiya, pambayan at pag-ibig. Isa pang aklat na may pamagat
na “Perfil de la Cresta” ay naglalaman ng salin niya sa “Rubaiyat ni Omar Khayyam at prologo ng
yumaong Claro M. Recto.
-
- Ito ang mga mahuhusay at kilalang mga tula niya ay ang mga sumusunod: “El Imposible”, !
Canta Poeta!, “Soldado-Poeta”, “Blason”, Mi Adios a Iloilo”, “Cantidad”, “España en Filipinas”,
“Escelsitudes”, “No Mas Armor Que El Tuyo” at sa kanya natagpuan ni de la Camara ang isang
karangalan ng pinakamagaling na makata sa Kastila. Ang mga sumusunod ay halimbawa ng
kanyang tula sa Kastila na may salin sa Tagalog

“No Mas Amor Que El Tuyo”


No mas amor que el tuyo
O Corazon Divino
El pueblo Filipino
Te da su Corazon
En templos y en hogares
Te invoque nuestra lengua:
Tu reinaras sin mengua
De Aparri hasta Jolo.

“Walang Pag-ibig na Tulad ng sa Iyo”

Walang pag-ibig na tulad ng sa iyo


O pusong Bathala
Ang baying Pilipino’y
Puso sa iyo inihandog
Sa mga templo at tahanan
Sa iyo’y humihibik:
Maghahari kang walang-maliw
Claro M. Recto

- Sa katayuan at kadakilaan ng pananalita at pamamakas, hindi siya nagpahuli sa iba pang


manunulat sa kastila. Tinipon niya ang kaniyang mga tula sa aklat na pinamagatan niyang “Bajo
Los Cocoteros” (Sa Lilim ng Niyugan).

- Mabansang estadista, manunulat sa Español at Ingles, at itinuturing na “Ama ng


Konstitusyong1935.” Siyá rin ang hulíng mahistrado ng Korte Suprema na hinirang ng presidente
ng Estados Unidos.
- Isinilang siyá noong 8 Pebrero 1890 sa Tiaong, Tayabas(ngayon ay lalawigan ng Quezon) kina
Claro Recto at Micaela Mayo, kapuwa mula sa maykáyang pamilya. Batà pa siyá nang lumíkas
patungong Lipa, Batangas ang kaniyang pamilya. Nagtapos siyá ng batsilyer sa sining sa Ateneo
de Manila noong 1909 at ng abogasya sa Unibersidad ng Santo Tomas noong 1913.

- Pumasok siyá sa politika noong 1919 nang mahalal na kinatawan ng Batangas sa Lehislatura ng
Filipinas. Dalawang beses pa siyáng muling nahalal at naging lider ng minorya sa Mababang
Kapulungan noong 1922 at1925. Naging senador siyá noong 1931 at nahalal na delegado sa
Kumbensiyong Konstitusyonal ng 1934. Naging pangulo siyá ng kumbensiyong ito hanggang
matapos ang Konstitusyong 1935. Noong 1935, hinirang siyang katulong na mahistrado ng Korte
Suprema ng Filipinas pero nagretiro pagkaraan ng dalawang taon. Dalawang beses muli siyáng
naging senador, noong 1949 at 1953, at noon siyá nagsimulang tumanyag bilang masigasig at
makabansang oposisyonista na tumuligsa sa patakarang panlabas ng Filipinas. Noong1957 din
siyá kumandidato bilang pangulo ng bansa ngunit hindi nagwagi.

- Isa siyáng mahusay na makata. Kinilala ang kaniyang malikhaing talino nang manalo sa isang
paligsahang pampanitikan ang kaniyang dulang may isang yugto na La Ruta de Damasco (1914).
Isa pa niyáng dula ang nagwagi ng premyo, ang Solo Entre Las Sombras (1917). Bukod dito,
maraming naging mahahalagang talumpati at sanaysay sa Español at Ingles si Recto na
naglalarawan ng kaniyang mga makabansang pananaw sa politika at kabuhayan. Ilan sa mga ito
ang lumabas sa My Crusade (1955). Namatay siyá sa sakit sa puso noong 2 Oktubre 1960 hábang
nása Roma, Italia. Inilibing siyá sa Cementerio del Norte sa Maynila.
- Bilang pagpapahalaga sa kaniya, ang daang Azcarraga sa Maynila ay pinangalanang Abenida
Claro M. Recto.

You might also like