✴️ Sumibol nang lubos ang panitikan ng bansa sa panahong ito dahil ipinagbawal ng namumunong Hapon ang paggamit ng wikang Ingles at itinaguyod ang pagpapayaman sa panitikan gamit ang mga katutubong wika sa bansa.
✴️ Sinunog din ang mga aklat na nasusulat sa Ingles
upang masigurong hindi mababahiran ng kanluraning ideya ang panitikang nililikha. • Sa pagpasok ng mga Hapones ay unti-unting nanlamig ang pagsulat ng kahit anong uri ng akda.
• Nagkaroon ng kalayaan sa pagsulat ngunit ang
lahat ng akda ay dadaan muna sa “Manila Shimbun-sha”. Manila Shimbun-sha
Marami nang sumulat ng kani-kanilang akda ngunit
ang Manila Shimbun-sha ang nagsilbing sensor ng mga Hapones upang maharangan ang mga akdang hindi nila nais. Ang kadalasang inaapruba nilang mga akda ay ang mga akdang nagbibigay-puri at kumikilala sa mga Hapones. Muling Pagbubukas ng Liwayway
• Ang lingguhang “Liwayway” na nagmula sa
Panahon ng mga Amerikano ay muling nabuksan sa Panahon ng Hapon ngunit ang naging tagapangasiwa nito ay isang Hapones. Siya ay si Kim Ichi Ishikawa. Kinilala ang mga manunulat na babaeng Pilipino sa pangalan nina Liwayway A. Arceo, at Genoveva Edroza- Matute dahil sa mga makintal na maka- feministang maikling kwento. Mga manunulat ng maikling kwento
🔘 Dahil sa kakapusan ng papel, lumabas sa panahong
ito ang napakaiksing tulang ito na tinatawag na “haiku”.
🔘 Isa pang uri ng tulang lumabas noon ay ang
“tanaga”. Gintong Panahon ng Maikling Kwento Gintong Panahon ng Maikling Kwento
Pansamantalang napinid ang mga palimbagan sa
panahon ng mga Hapones ngunit pagkaraan ng ilang buwan ay muli itong nabuksan. Pinahintulutan makapaglathalaang liwayway kaya’t biglang nakapasok dito ang mga akda na dati ay hindi tinatanggap ng naturang babasahin. ◼️ Dahil dito ang mga manunulat na dating nagsusulat sa Ingles ay nangagtangkang magsulat sa Tagalog.
◼️ Nagdaos ng timpalak ang Liwayway at pinili ang
mga pangunahing kwento noon na tinipon sa isang aklat “Ang 25 Pinakamabubuting Maikling Kathang Pilipino ng 1943” Nanguna sa Timpalak ang sumusunod na apat na kwento: Pangunahin- “Lupang Tinubuan” Narciso Reyes Pangalawa- “Uhaw ang Tigang na Lupa” Liwayway A. Arceo Pangatlo- “Nayon at Dagat-Dagatan” NVM Gonzales Pang-apat- “Suyuan sa Tubigan” Macario Pineda Maraming Salamat!!!