You are on page 1of 20

KABANATA III: PANAHON NG KASTILA

Mga Katangiang Pampanitikan ng Panahon:


1. Karaniwang paksain ay tungkol sa relihiyon.
2. Ang lalong nakararami sa mga akda ay huwad, tulad o halaw sa anyo, paska o tradisyong kastila.
3. May sari-saring kaanyuan at pamamaraan. Sa panulaan ang mga palasak ay mga tulang liriko, mga awit at kupido
at ang pasyon. Sa dula, ang pinakaugalian ng marami ay duplo.

Mga Impluwensya ng Kastila sa Panitikang Pilipino:


1. Ang Romanisasyon ng Alibata o Baybayin, ang ibig sabihin ay ang pagpapalit ng mga letra o titik ng alpabetong
Romano sa titik ng dating Alibata ng Pilipinas.
2. Wikang Kastila ang naging wika ng panitikan sa mga unang panahon ng pananakop ng mga Kastila kaya maraming
salitang Kastila ang naging bahagi ng wikang Pilipino.
3. Pumasok ang mga alamat, awit at korido na galing sa Europa kaya likas na nakaating dito ang mga tradisyong
Europeo.
4. Dumating at itinuro ang Doctrina Christiana na siyang pinagmulan ng mga gawaing panrelihiyon dito sa Pilipinas.
5. Naisalin ang matandang panitikang Tagalog sa iba’t ibang wikain.
6. Nalimbag at nalathala ang iba’t ibang aklat na pangwika sa Tagalog, Ilokana, Bisaya at iba pang wikain.
7. Pumasok ang tema o paksang relihiyon sa lahat ng anyo ng panitikang Pilipino noong panahong iyon.

Patula man o tuluyan ang Panitikan sa mga unang panahon ng pananakop ay pumaksa sa tatlong bagay: wika, relihiyon
at kagandahang-asal.

Mga Akdang Pangwika:


1. Pambalarila o panggramatika. Halimbawa: “Arte y Reglas de la Lengua Tagala” ni Francisco Blancas de San Jose
(1610).
2. Diksyunaryo at bokabularyo. Halimbawa: “Arte y Diccionario de Tagala” ni Padre San Juan de Placencia.

Mga Akdang Pangkagandahang-Asal:


Hal.: “Tandang Basiong Macunat” at “Urbana at Felisa” ni Padre Modesto de Castro.

Akdang Pangrelihiyon. Halimabawa. “Doctrina Christiana” - kauna-unahang aklat na nalimbag sa Pilipinas noong 1593.
Nasulat sa wikang Kastila at Tagalog na inakda nina Fr. Dominggo Nieva OP at Fr. Juan de Placencia. Ito’y
naglalaman ng mga unang dasal na dapat matutuhan ng mga Kristiyanong tulad ng: Pater Noster (Ama Namin), El
Ave Maria (Abe Ginoong Maria), El Credo (Ang Pananampalataya), La Salve Regina (Abe Po Santang Mariang Hari),
Los Artikulos de la Fe (Mga Artikulo Ng Pananampalataya), Los Sacramentos de la Santa Madre Iglesia (Pitong
Sacramento Ng Simbahang Katoliko).

A. ANG TULA SA PANAHON NG KASTILA


Page 1 of 20
FILPAN030: PANITIKANG FILIPINO
Dalit - Ito’y patulang dasal sa papuri sa mga santo at santa. Ang dalit kay Maria na naging kaugalian na sa iba’t ibang
lalawigan sa Pilipinas ay siyang pinakalaganap. Ginaganap ito tuwing buwan ng Mayo. Nagaalay ng mga bulaklak
ang mga bata habang dinadalit ang papuri sa Mahal na Birheng Maria. Sa pagpupuri’t sagutan, may namumuno na
siyang dadalit ng mga papuri at sasagot naman ang mga bata. Pagkatapos isa-isang mag-aalay ng kanilang mga
dalang bulaklak sa altar. Narito ang isang bahagi ng kanilang sagutan:

Namumuno:
Matamis na Birheng pinaghandugan
Cami nangangaco naman pong mag-aalay Ng
isang guinaldo bawat isang araw at ang
magdudulot yaring murang camay.

Mga Bata:
Tuhog na bulaclac sadyang salit-salit
Sa mahal mong noo’y aming icacapit Lubos
ang pag-asa’y sa Iyo nananalig Na tanggapin
mo handog na pag-ibig.

Pasyon - Ito’y pasalaysay ng buhay, pasakit at pagdurusa ng Panginoon Hesukristo sa paraang pagtula at inaawit sa
panahong Karesma. Ito ang itinuturing na Bibliya ng mga Pilipino. Sa mga nagsusulat ng pasyon, ang higit na
nauunawaan at binabasa ay ang pagkakasulat ni P. Mariano Pilapil. Narito ang ilang bahagi ng kanyang pasyon:
Adan, ang iyong asawa Nguni at ang palaaway
mahalin mo tuwina magpatalo gabi’t araw
at katawan mo rin siya punong kinapopootan
sundin mo anumang ola tuloy ikinapaparam
tungkol gawang maganda grasyang kamahal-mahalan
at ikaw naman babae ikaw na anak na suwail
sisintahin mong parati walang munti mong
pagtingin
si Adan na iyong kasi sa ama’t inang nag-aangkin
susundin mo araw-gabi kung uutusan kang marahil
tungkol sa gawang mabuti dumadabog, umaangil.

Awit at Kurido (Metrical Romance) - Batay sa anyo ang awit ay binubuo ng labindalawang pantig sa loob ng isang
taludtod. Ang musika ay masigla o andante. Samantala ang kurido ay binubuo naman ng walang pantig sa bawat
taludtod at ang himig ay mapanglagay o malungkot.
Ang salitang kurido ay galing sa salitang Mehikanong “occurido” na sa kanila’y nangangahulugang
“kasalukuyang pangyayari”. Kung gayo’y ang kurido ay batay sa mga tunay na pangyayari sa ibang bansa.
Samantalang ang awit ay bunga lamang ng haraya o imahinasyon ng may-akda.
Sa Pilipinas, ang mga tulang pasalaysay na may sukat na walo o labindalawang pantig sa bawat taludtod at may
paksang kababalaghan o maalamat at karamihan ay hiram o halaw sa paksang Europeo na dala rito ng mga Kastila

Page 2 of 20
FILPAN030: PANITIKANG FILIPINO
ay tinatawag na “kurido”, sapagkat batay na rin sa mga akda noon pinagpapalit-palit nila ang tawag sa awit at
kurido.

Ang paksa ng awit o kurido ay karaniwang, tungkol sa romansa, kabayanihan at Kristiyanismo. Ito’y mga tulang
pasalaysay tungkol sa kagitingan at pakikipagsapalaran ng mga prinsiper at prinsesa na ang layunin ay mapalaganap
ang Kristiyanismo. Pinaksa rin rito ang paglalabanan at pagtatagumpay ng mga Kristiyanong laban sa mga di-
binigyan o di Kristiyano. Ang mga pangyayari ay batay sa mga alamat at epiko ng nakaraang panahon sa Italya,
Espanya, Pransiya, Inglatera atbp.

Mga Bantog na Manunulat ng Awit at Kurido


1. Francisco “Balagtas” Baltazar
2. Jose se la Cruz (Huseng Sisiw)
3. Ananias Zorilla

Mga Ilang Dahilan Kung bakit naging Popular ang mga Kurido sa Panahong
1. Kakaunti ang mga babasahin ng bayan at sa kaunting ito ay halos walang nakalulungod o nakalilibang na basahin.
2. Ang pinahihintulutang malimbag ng sensor ay hinggil sa relihiyon lamang.
3. Ang mga palabas ay itinatanghal kung pista at araw na sadyang may pagdiriwang lamang; ang komedya kung pista
at ang pasyon kung kuwaresma at ang mga ito’y iilang ulit lamang sa isang taon.

FRANCISCO BALAGTAS (Baltazar) - Ama Ng Panulaang Tagalog


Si Francisco Balagtas na kinikilala sa palayaw na Kiko ay isinilang sa Panginay, Bigas, Bulakan noong Abril 2, 1788. ang
Caton at Doctrina Christiana ay natutuhan ng batang si Kiko sa pagtuturo ng estrillo ng kura sa kumbento ng Bigaa.
Nag-aral din siya sa Colegio de San Jose at Colegio ng San Juan de Letran. Naging guro ni Balagtas si Jose de la Cruz
at Mariano Pilapil. Ang sumulat ng pasyon. Si Huseng Sisiw ay naging guro naman ni Balagtas sa pagsusulat ng tula.
Hindi naglaon ay nahigitan pa niya sa kahusayan sa pagsusulat ang kanyang maestro. Sa Pandaoan ay nakilala ni
Balagtas ang dalagang si Ma. Asuncion Rivera na tinawag niyang Selya at pinaghandugan ng kanyang “Florante at
Laura”. Ang kanyang kabiyak ng puso na si Juana. Tiambag ay sa Bataan niya nakilala nang siya’y manirahan doon
at maging huwes auksilyar. Sial’y biniyayaan ng labing-isang anak at tanging ang anak na si Ceferino ang nakamana
ng kanyang hilig sa pagtula.

BUOD NG FLORANTE AT LAURA NI FRANCISCO BALAGTAS AT ILANG PILING IMORTAL NA SAKNONG MULA SA AWIT
NA ITO

Sa isang pangyayari bunga ng kambal na kabuktutan ay nakatagpo sina Florante at Ala din sa madilim na kagubatan. Si
Florante at napaglalangan ni Konde Adolfo at nang madakip ay ipinagapos sa gubat upang ipasila sa mababangis na
hayop. Ito’y dahil sa hangad ng konde sa trono ng Haring Lenceo, ama ni Laura at sa pag-ibig din sa prinsesang
kasintahan ni Florante.

Si Aladin naman ay ipinatapon sa kagubatan ng amang si Sultan Ali Adab dahil sa paghahangad kay Plerida, ang
kasintahan ng prinsipe. Sa halip na masuklam sa ginagawa ng ama ganito na lamang ang nawika ni Aladin:

Page 3 of 20
FILPAN030: PANITIKANG FILIPINO
sampung mag-aama’y itong nasasaklaw bait, katuwira’y ipanganganyaya pag ikaw
ang nasok sa puso ninuman buong katungkula’y wawaling bahala.
hahamaking lahat masusunod ka lamang. sampu ng hinihinga’y ipauubaya.

Nang nakagapos sa puno si Florante at may dumarating na mga leon, naghimutok ang prinsipe ng Albanya nang ganito:

Sa loob at labas ng bayan kong sawi Ang magandang asal ay ipinupukol


kaliluha’y siyang nangyayaring hari sa laong dagat ng kutya’t linggatong
kalinga’t bait ay nalulugami balang magagaling ay ibinaon at ininis sa
hukay ng dusa’t pighati at inililibing nang walang kabaong.

Ngunit ang lilo’t masasamang loob O taksil na pita sa yama’t mataas sa trono ng
hari ay inilulunok O hangad sa puring hanging lumilipas at sa
balang sukab na may asal hayop Ikaw ang dahilan ng kasam-ang lahat
mabangong lisenso ang isinubsob. At niring nasapit ang kahabag-habag.

Nawalan ng malay tao si Florante. Maninila na ang leon. Ngunit hinahadlang si Aladin. Iniligtas si Florante. Nang
magkamalay ang prinsipeng Kristiyano pipiglas sana nang makilala ang may kalong sa kanya ay isang taga-Persya at
dibinigyan. Ngunit pinigilan siya ng prinisipeng Moro at.

Ang girero’y huwag nang manganib Kung nasusuklan kasa aking kandungan Ika’t
mag-aliw ng dibdib lason sa puso mo ang hindi binyagan nagyo’y
ligtas ka na sa lahat ng sakit nakukutya akong di ka saklolohan may kalong
sa iyo ang nagtatangkilik sa iyong nasapit na napakarawal.

Moro ako’y lubos na taong may dibdib at


nasasaklaw rin ng utos ng langit dinig sa puso
ko’y kusang natititik Natural na lang sa aba’y
mahapis

Isinalaysay ni Florante kay Aladin kung paano siya na bugtong na supling nina Duke Briseo at Prinsesa Floresca ay
iniligtas ng kanyang pinsan na si Manalipo nang muntik siyang madagit ng buwitre, ang pagdadala sa kanya ng ama sa
Atenas upang doo’y mag-aaral, ang pagtatangka sa buhay niya ni Adolfo, ang pagbabalik niya sa Albanya kasama ang
matalik na kaibigan na si Menandro at ang pagpatay niya sa heneral ng mga Moro na si Osmalik. Isinalaysay din niya ang
tagumpay niyang natamo sa labimpito pang kahariang hindi binyagan. Tinapos niya ang pagsasalaysay sa pagtataksil na
ginawa ni Adolfo sa kanya.

Nagpakilala ang harap na si Aladin, ang prinsipe ng Persya, mahigpit na kaaway ng bayan at relihiyon ni Florante. Kapwa
raw sila sawi sa pag-ibig. Pinagbalakan siyang ipapatay ng sariling ama upang masarili nito ang kanyang kasintahang si
Flerida. Nagsumamo si Flerida na huwag ipapatay ang kasintahan at nangako itong pakakasal sa sultan. Pumayag ang

Page 4 of 20
FILPAN030: PANITIKANG FILIPINO
sultan kaya ipinatapon na lamang sa gubat si Aladin at pinagbantaang huwag nang babalik sa Persya, kung ayaw nitong
mamatay

Katatapos pa lamang magsalaysay ni Aladin nang makari nig sila ng mga tinig ng nag-uusap sina Laura at Flerida pala.
Isinalaysay ni Flerida na siya’y tumakas sa Persya upang hanapin sa gubat si Aladin. Pumayyag siyang pakasal kay sultan
Ali Adab upang mailigtas ang kasintahan sa kamatayan ngunit tumakas siya bago sumapit ang kasal. Natagpuan niya sa
gubat sina Laura at Adolfo. Pinipilit ni Adolfo na pagsamantalahan si Laura. Pinana ni Flerida si Adolfo at nailigtas niya sa
kamay ng buhog si Laura.
Maligyang-maligaya ang lahat, dumating si Menadro at ibinalita rito na nabawi na niya ang kaharian sa mga
tauhan ni Adolfo. Nagpabinyag sina Aladin at Flerida. Sabay na ikinasal ang dalawang pareha. Naghari sa Albanya sina
Florante at Laura at naghari naman sa Persya sina Aladin at Flerida pagkamatay ni Sultan Ali Adab.
WAKAS

Ang diwang nasyunalismo ay unang sumapanitikang Pilipino nang matitik ni Balagtas ang pagtuturingang magkapatid ng
Muslim at Kristiyano. Noon ang kaisipang ito ay taboo o bawal. Ang mga Muslim ay kaaway na dapat lipulin. Ngunit sa
awit ni Balagtas, Muslim pa ang ____________ kaysa sa pangunahing tauhan. Kung babanatin pang ganap ang
pagpapahalaga sa awit, masasabing ang kaisipan ni Balagtas ay higit pa sa nasyunalismo, isang kaisipang
panginternasyunalismo: ang mabuting pagsasamahan ng mga tao sa daigdig, nang walang pagtatangi sa pananalig, kulay
at kaalwan sa buhay. (Ang parisukat na daigdig nina Florante at Laura, Aladin at Flerida ay nagpapatunay sa
ikapangyayari nito).

Iba pang Imortal na Saknong sa tulang Flroante at Laura:


1. Sa mga magulang na labis mapalayaw sa anak:
Pag-ibig, anaki’y aking nakilala Sapagkat ang mundo’y bayan ng
hinagpis di dapat palakihin ang bata sa saya, Mamaya’y sukat tibayan ang
dibdib, At sa katuwaan kapag namihasa Lumaki sa tuwa’y walang
pagtiis
Kung lumaki’y walang hihinting ginhawa. Anong ilalaban sa dahas ng sakit?

Ang taong magawi sa ligaya’t aliw Sa taguring bunso’t likong pagmamahal


Mahina ang puso’t lubhang maramdamin Ang isinasama ng batang nunukal
Inaakala pa lamang ang hilahil Ang iba’y marahil sa kapabayaan na
daratba’y di matutuhang bathin. ng dapat magturong tamad na
magulang.

2. Payo laban sa mga lihim na kaaway:


Kung ang isalubong sa iyong pagdating Datapwa’t huwag kang magpapahalata
ay masayang mukha’t may pakitang giliw tarok mo ang lalim ng kanyang nasa
lalong paingata’t kaaway na lihim ang sasandatahi’y lihim na ihanda siyang
isaisip na kakabahin. nang may ipagtanggol sa araw ng
digma.

Page 5 of 20
FILPAN030: PANITIKANG FILIPINO
3. Tungkol sa Pananalig sa Diyos:

Datapwa’t sino ang tatarok kaya sa mahal Mong lihim Diyos na dakila?

Walang mangyayari sa balat ng lupa di may kailangan iyong ninanasa.

JOSE DE LA CRUZ o Huseng Sisiw (1740-1829)


Disyembre, 1740. Tinawag siyang Huseng Sisisw sapagkat sisiw ang karaniwang pabuya na ibinibigay ng nagpapagawa
sa kanya ng mga tula ng pag-ibig. Sinasabing si Jose de la Cruz ay hindi nakatapos ng mataas na karunungan, bagama’t
gaya ng sinumang bata ng kanyang panhon ay nag-aral din naman ng Caton, Tartilla at Doctrina Christiana. Sa sarili
niyang pagsisikap ay natuto siya ng wikang Kastila. Ang mga tula ni Huseng Sisiw ay malayog, malambing at
maguniguni. Siya rin ang kumatha ng Ibong Adarna (kurido) at Bernardo Carpio (awit).

Narito ang buod ng Ibong Adarna:


Panimula:
O Birheng kaibig-ibig Ako’y isang hamak lamang Ina
naming nasa langit, Taong lupa ang katawan liwanagan
yaring isip Mahina ang kaisipan
Nang sa payo’y di malihis at maulap ang pananaw

Ang kaharian ng Berbanya’y pinamumunuan ni Haring Fernando. Siya ay bantog sa ibang kaharian at mahal ng
kanyang mga nasasakop dahil sa pagiging makatarungan at maunawain niya. Isang araw ay biglang nagulo ang kaharian
dahil sa pagkakasakit ng hari bunga ng isang masamang panaginip. Pinatingnan ang hari sa mga dalubhasang mediko
na nagsabi na ang tanging lunas sa karamdaman ay ang awit ng Ibong Adarna. Nang malaman yaon ng hari inutusan
kapagdaka si Don Pedro. Dinala naman ni Don Pedro ang mga kakailanganin niya sa paglalakbay. Narating din niya ang
Bundok ng Tebor na tinatahanan ng Ibong Adarna ngunit hindi siya nagtagumpay sa mithiin niya sapagkat sinawing-
palad siyang maging batumbuhay.
Nagulo ang Berbanya sa di-pagbabalik ni Don Pedro. Ang susunod na inutusan ng hari ay si Don Diego. Katulad
din ni Don Pedro ang kanyang kapalaran. Lalong nainip ang Berbanya sa di-pagbalik ng magkapatid samantala ang
karamdaman ng hari ay lalong lumubha. Si Don Juan ay labis na nabahala sa kalagayan ng ama kaya hiningi niya ang
kapahintulutan nito sa gagawing paglalakbay.
Apat na buwan siyang naglakbay at nang marating niya ang ituktok ng bundok ay isang matandang ketongin na
gutom na gutom ang kanyang nakita. Ibinigay ni Don Juan ang isa pang natitirang tinapay at sa tuwa ng matanda ay
halos hagkan si Don Juan. Bilang ganti ng utang na loob ay itinuro ng matanda ang bahay ng ermitanyo na
makapagtuturo sa kinaroroonan ng Ibong Adarna. Madali niya nakita ang tirahan ng ermitanyo at nang makilala siya ay
ibinigay na ang lahat ng mga bagay na kakailanganin sa paghuli ng Ibong Adarna. Tinagubilin siya na sa bawat kanta ng
Ibong Adarna ay kinakailangang sugatan niya ang kanyang mga palad at pigaan ng dayap upang di maparis sa mga
kapatid na naging bato nang mapatakan ng dumi ng ibon. Nasunod lahat ng tagubilin ng ermitanyo kaya nahuli niya
ang Ibong Adarna at agad itong tinalian ng sintas na ginto ay dinala sa matanda. Sa tulong din ng ermitanyo ay
nanumbalik sa dating anyo ang magkapatid na bato.

Page 6 of 20
FILPAN030: PANITIKANG FILIPINO
Dala ng malabis na pagkamainggit at kahihiyang tatamuhin ay nakaisip ng kataksilan si Don Pedro. Binugbog
nila si Don Juan at iniwan sa gubat. Bumalik sa palasyo ang magkapatid na dala ang ibon. Sa tinanggap na balita at sa
nakitang anyo ng ibon na ubod ng pangit at lalong lumubha ang karamdaman ng hari.
Samantala si Don Juan sa natamong pahirap sa magkapatid ay gagapang-gapang na lamang sa damo at gutom na
gutom. Muli siyang nanalangin at tinulungan siya naman ng isang matanda. Muli siyang nagbalik sa palasyo at nang
makita siya nang ibon ay nagbihis ng balahibo at nagsimulang umawit.
Matapos ang awit ang hari ay napabalikwas na para bagang hindi nagkasakit. Isinalaysay na lahat ng ibon ang ginawa
ng magkapatid kay Don Juan at sa galit ng hari ay inilagda ang parusang pagpapatapon. Nakiusap si Don Juan na
patawarin ang dalawa yamang siya naman ay buhay.
Nanauli ang mabuting pagsusunuran ng magkapatid at ang hari sa malabis na pagmamahal sa Adarna ay inutos
sa kanyang tatlong anak na tanuran ito sa gabi. Naisip naman ni Don Pedro na ipahamak si Don Juan. Pinakawalan niya
ang ibon nang siya (si Don Juan) ang nakatanod. Sa pagkabahala ng prinsipe, siya’y naglayas. Sinundan siya ng
magkapatid. May natagpuan sila sa malayong kagubatan ng isang balon. Ang balon ay walang tubig, malinis ang gilid at
may lubid pa sa ibabaw. Nilusog ito ni Don Juan at nakatagpo roon sa ilalim ng isang kaharian. Doo’y natagpuan niya
ang magkapatid na prinsesa: si Donya Juana na bihag ng isang higante at si Donya Leonora na bihag ng isang
serpiyente. Ginapi ni Don Juan ang higante at serpiyente at sila’y umahon sa balon. Sa pagmamadali nila ay naiwan ni
Donya Leonora ang kanyang engkantadang singsing sa ibabaw ng mesa. Si Don Juan ang lumusong sa balon at nang
nasa kalagitnaan na ay pinatid ni Don Pedro ang lubid at sila’y lumisan kasama ang magkapatid na prinsesa. Pagdating
sa palasyo ay naglubid ng kasinungalingan ang dalawa. Si Don Diego at Donya Juana ay napakasal si Donya Leonora ay
humingi ng pitong taong panata sa pag-iisa sa isang bahagi ng palasyo para makaiwas sa pagpapakasal kay Don Pedro;
Saka nag-utos ito sa isang lobo na hanapin at arugain si Don Juan. Napagaling ng lobo ang sugatan at lamog na katawan
ni Don Juan. Sa minsang pagtulong ng prinsipe at dumating ang Ibong Adarna. Umawit ito. Nagising si Don Juan.
Nagsalaysay ang ibon tungkol sa kabuktutan ng magkapatid at sinabing kalimutan na si Donya Leonora sapagkat sa
Reyno de los Cristal ay may lalo pang maganda, si Donya Maria.
Nagbata ng katakut-takot na hirap si Don Juan bago marating ang Reyno de los Cristal. Napag-alaman niya sa
tulong ng isang agila na si Donya Maria kasama ang mga kapatid ay naliligo sa batis tuwing ikaapat na madaling araw.
Samantalang naliligo ang prinsesa ay itinago ni Don Juan ang damit nito at siyang naging daan ng pagkikilala nila at pag-
iibigan. Idinaan ng haring ama ng prinsesa sa pagsubok si Don Juan. Papatayin niya ang isang bundok at tatamnan ng
trigo at kinabukasan ay may tinapay nang buhat sa arina ng ani roon at marami pang iba. Tumulong ang may mahikang
prinsesa kay Don Juan at nagtagumpay ang prinsipe. Ngunit binalak ng hari na ipapaay si Don Juan at ito’y natuklasan
ni Maria kaya naisip nilang magtanan ng prinsipe.
Sa pagtatanan ay nagkamali ang prinsipe sa pagkuha ng kabayo, sa halip ng ikapitong pintuan ay ikawalo ang
nakuha niya kaya sinisi siya ng prinsesa. Natuklasan ng hari ang kanilang pagkakawala kaya pinakuha ang
pinakamatuling kabayo sa ikapitong pintuan. Nang malapit na silang abutan ay naglaglag ng karayom ang prinsesa at
ito’y naging kagubtang matinik. Nang malaman ang tinik ay ipinagpatuloy ng hari ang paghabol at inilaglag naman ng
prinsesa ang dalang sabon. Ito’y naging bundok. Ang sumunod na inilaglag ay ang kohe at ito’y naging dagat. Dahil sa
kahihiyang tinamo sa kagagawan ng anak ay isinumpa niya ito na sana’y itakwil ng kasintahan. Di nagluwat ay namatay
ang hari.
Nang sumapit ang magkasi sa Berbanya ay minarapat ni Don Juan na iwan muna ang prinsesa sa isang nayon.
Bago umalis ang prinsipe ay ipinagbilin ng prinsesa na huwag itong makikitungo sa mga babae sapagkat karaniwan sa
mga lalaki ang mabihag sa babae. Tumalab na lahat ang sumpa ng hari at ang lahat ng bilin ni Donya Maria kay Don
Juan ay nawalang saysay. Natakdang pakasal si Don Juan kay Donya Leonora. Sa tulong ng kanyang mahiya-blanca ni
Page 7 of 20
FILPAN030: PANITIKANG FILIPINO
Donya Maria ang lahat ng pangyayari. Araw ng kasal ni Don Juan at Donya Leonora ay hiniling ni Donya Maria sa
kanyang singsing na ipagkaloob siya ng isang magarang karosa at kasuotang pang-Emperatriz. Natupad ang kahilingan
at nang matapat sa palasyo ang karosang ginto at itinigil ang kasalan upang ang panauhin ay parangalan. Binati ni
Donya Maria ang ikakasal at napansin niyang parang hindi siya kilala n g prinsipe. Hiniling niya sa hari na pahintulutan
siyang magtanghal ng isang palabas. Itinanghal niya sa pamamagitan ng mag-asawang ito ang ginawang pagtulong at
pagpapakasakit alang-alang sa kaligtasan ni Don Juan. Matapos ang pagtatanghal ay hindi pa rin siya nakilala ni Don
Juan. Nang sabihin ni Donya Maria na babasagin niya ang presko ay saka lamang nagliwanag kay Don Juan ang lumipas.
Batay sa paliwanag ng dalawang prinsesa ang hatol ng Arsobispo ay makasal si Don Juan kay Don Leonora. Sa
matinding galit ni Donya Maria ay ibinuhos ang tubig ng presko at bumaha ang buong reyno. Nang makita ni Don Juan
na wala na silang kaligtasan ay pumayag na siyang magpakasal kay Donya Maria. Si Don Pedro ay napakasal naman kay
Donya Leonora ay siyang humalili lamang sa hari. Samantala sina Don Juan at Donya Maria ay umuwi sa kahariang
Cristal at doon namuno. Lumigaya sila habambuhay.

B. ANG DULA SA PANAHON NG KASTILA


Ang mga sumsunod ay mga dula na itinatanghal at napapanood noong panahon ng Kastila kaugnay pa rin ng layuning
mapalaganap ang Kristiyanismo. Ang mga ito ay itinuturing mga dula sapagkat taglay nila ang mga katangian ng isang
dula: may mga tauhang gumaganap, may panggagagad sa tunay na buhay may salitaan bagamat ito’y sa paraang
patula.

MORO-MORO o KOMEDYA - ay isang uri ng dula na puno ng pakikipagsapalaran, pagdanak ng dugo at digmaan. Ang
komedya ay isang tula tungkol sa pakikipagsapalaran at pakikipaglaban ng mga Kastila sa mga Moors na minsang
sumakop sa Espanya at nanirahan sa isang lugar sa Hilaga ng Iverian Peninsula. Nang sakupin ng Espanya ang Pilipinas,
ang dula ay di gaanong popular sa Espanya ngunit nang makatagpo ng mga Kastila ang mga Mahometanong Malay ay
naisip ng mga Kastila na mapalabas sa Pilipinas ang nasabing dula.
Ang unang komedyang ipinalabas sa Pilipinas ay isinulat ni P. Jeronima Perez noong 1937 bilang pagdiriwang sa
pagiging Kristiyano ng mga tao sa Timong Mindanao. Ang pamagat nito ay Guerras Piracticas de Filipinas. Naibigan ng
mga tao ang komedya at naging kawili-wili sa kanila bilang panoorin. Ito’y natanyag sa tawag na moro-moro.
Ang sumunod na komedya ay isinulat ng isa pang pari noong 1750. Ito’y sinulat bilang pagdiriwang sa pagiging
Kristiyano ay ipinagdiwang nang buong dingal. Pagkatapos maisadula sa buong kapuluan ang Comedia ni Ali Mudin,
ang moro-moro ay tinawag na ring comedia o komedya.
Ang buod ng Moro-moro ay isa bagaman iba-iba ang tagpuan at pangyayari. Ito’y tungkol sa paglalabanan ng mga
Kristiyano at Muslim na nagwawakas sa tagumpay ng mga Kristiyano at mga bihag na Muslim ay nagpapabinyag.

Mga Dulang Ginaganap sa Buwan ng Mayo

FLORES DE MAYO - pag-aalay ito ng mga bulaklak at dasal sa Mahal na Birheng Maria na itinatanghal bilang dula ng
mga paring misyunero. Ang mga gumaganap ay mga batang babae at lalaki na nakasuot ng damit na puti. Umaawit sila
ng mga awiting pag-aalay sa Mahal Na Birheng Maria. Ang pag-aalay ng mga bulaklak sa Mahal na Birheng Maria ay
ginagawa tuwing buwan ng Mayo sa panahon ng pamumulaklak ng mga halaman kaya tinawag na “Flores de Mayo”.
Narito ang isang bahagi ng awitin:

Page 8 of 20
FILPAN030: PANITIKANG FILIPINO
Solo: O Mariang sakdal dilag Koro:

Ito ang bulaklak na aming alay dalagang lubhang mapalad


sa aming pagsintang tunay tanging pinili sa lahat
palitan mo o Birheng Mahal ng Diyos Haring mataas
ng tuwa sa kalangitan.

TIBAG - ito’y pumapaksa sa paghahanap sa krus na pinagpakuan at kinamatayan ni Hesukristo. Si Fruto Cruz ang
sumulat ng Tibag. Ito’y nahahati sa dalawang bahagi:
a. Pagtatagumpay ng mga Kristiyano sa mga Muslim. Ito’y karaniwang ginagamit sa entablado. Si Haring Constantino
ang namumuno sa mga Kristiyano.
b. Pagtuklas ni Emperatris Elena kasama ang kanyang anak na si Constantino sa krus ni Hesus at pagsauli nito sa
kalbaryo.

Sa ikalawang bahagi, ang mga tauhan o mga kasali sa pagtatanghal ay kahalu-halo ng taong bayan. Tatlong mumunting
bundok ang itinayo sa plasa at sa isang bundok ibinaon ang krus. Si Santa Elena kasama si Haring Constantino, mga
kawal at iba pa ay magdudukal o magtitibag sa unang bundok at hindi makikita ang krus. Sa ganito, sila ay
napagsasagutan ng loa at mga tulang panrelihiyon. Pagkatapos ay magdudukal naman sa ikalawang bundok at gayon
muli ang mangyayari.
Ngunit naman sa ikalawang bundok ay matatagpuan ang krus at masasayang tula at mga awitin ng maririnig kasama
ang taumbayan. Ang kurus ay dadalhin sa simbahan at habang naglalakad ay nag-aawitan ng mga kantang panrelihiyon
ang lahat.

SANTACRUZAN - halos nakalimutan na ang Tibag at napalitan ng santacruzan, ang paghatid ng kurus sa simbahan. Ito’y
isang marangyang parada ng mga sagala at mga konsorte na lumilibot sa kalye. Ang mga sagala ay nagrereprisinta ng
iba’t ibang tauhan sa Bibliya. Nariyan si Maria Magdalena at ang konsorteng Boanerges; si Reyna Sentensyada, reynang
itinakwil at nakaposas ang mga kamay: si Reyna Esther: “Femme Fatale” ng reyna; Infatha Judith, hawak ang pugot na
ulo ni Holufunes; ang kaaway ng kapitan; Reyna de las Flores, ang marikit na reyna ng Mayo at kasinrangya ng
panahon; Babaing Bandera ang may hawak ng bandera ng Pilipinas at ang Reyna Elena at ang konsorte ay si
Constantino, ang pangunahing atraksyon ng okasyon. Sa pagkakataong ito’y dapat maunawaan na ang Santa Cruzan ay
naging tradisyon na lamang at hindi na umunlad bilang isang anyo ng dula.

Mga Dulang Ginaganap Tuwing Mahal na Linggo

SENAKULO - ito’y isang dulang pagsasalaysay ng buhay at kamatayan ni Hesus at masasabing parang “pasyon”
itinatanghal sa entablado. May dalawang uri ng pagtatanghal; hablada (sinasalita) at cantada (inaawit). Ang mga
salitaan ay hinango sa taludtod ng pasyon. Ito ay itinatanghal nang sunod-sunod mula Lunes hanggang Sabado de
Glorya.

Page 9 of 20
FILPAN030: PANITIKANG FILIPINO
PENETENCIA - ito’y tinatawag nawalang labis-walang kulang na panggagaya kay Hesus. Tuwing semana santa, ang mga
penitentes ay nakatabon ang mga mukha, nakahubad ang kalahating katawan, may koronang tinik sa ulo at
maglalakad sa kalye na pasan-pasan ang krus habang pinapalo at hinahampas ang sarili sa ilalim ng matinding init
ng araw. May pagkakataon na may isang penitente ay tunay na nakapako sa krus. Pagkatapos, ang mga penitentes
ay lulusong sa dagat o ilog na ayon sa kanila ay tanging gamot sa mga sugat na natamo.

MORIONES - sa Marinduque ginaganap ang Moriones. Makulay ito. Dinarayo ito ng mga turista tuwing Mahal na Araw.
Ang mga kasali sa dula ay nag-aanyong mga sundalong Romano, may mga maskarang anyong Romano. Ipinakita
rito ang pagkaulos ni Longinos sa tadyang ni Hesus habang ito’y nakabayubay sa krus. Natuluan ng dugo ang bulag
niyang mata kaya siay’y nakakita. Pagkalibing kay Hesus ay pinabantayan sa kanila ang bangkay ni Hesus ngunit
nakita niya itong nabuhay muli. Hindi na siya ipinapigil ng mga escribas at paraseo sa pagsasabi ng kanyang nakita.
Pinugutan siya ng ulo. Ang pugot na ulo’y dadalhin sa simbahan at ang mga tao’y manananghoy at maghihinagpis.

Dulang Ginanap Tuwing Pasko ng Pagkabuhay

SALUBONG - tuwing Pako ng Pagkabuhay ay ginaganap ang seremonya ng Salubong sa pamamagitan ng pagsasalubong
ng dalawang prusisyon: ang Prusisyon ng Resurrection na nagbubuhat sa bahay ng may-ari ng Poong Hesukristo at
ang ikalawa ay ang prusisyon ng Mahal na Birheng Maria na nanggaling sa simbahan. Pagkatapos magkasalubong
ay magsasama ang dalawang prusisyon ng imahen sa iisang prusisyon at magtutungo sa isang entablado na kung
tawaging ay Galilea. Ito’y napalalamutian ng mga dahon at bandera at sa gitna ay nakabitin na parang malaking
puso na itinataas at ibinababa sa pamamagitan ng kalo. Nasa loob ng pusong ito na hindi nakikita ng madla ang
isang batang suot anghel.
Pagdating sa Galilea, ang binibining tinatawag na Tenyenta ay nagsasayaw na ang tiyempo ay mabagal at
digaanong masigla. Pagkatapos nito, ay siya’y tutula ng tinatawag na dicho at sa bahagi ng tula na bumabanggit
ang mga ibong papel na tumutulay sa lubid na nakatali sa puno at sa pagbubukas ng pinto ng puso, lalabas ang
isang batang anghel. Ang batang suot anghel ay aawit ng Regina Coile sa saliw ng banda at ang apat na batang
angelita na nakatayo sa apat ba sulok ng Galilea ay sasabay sa pag-awit. Kukunin ng isang angelita ang balabal na
itim ng Mahal na Birhen bilang tanda ng pagkakaisa at pagkakaalis ng hapis ng santinakpan at pagkabuhay ng muli
ng Dakilang Manunubos. Ang susunod na sasayaw sa tiyempong mabilis, masigla at masaya at may himig na
tagumpay ay ang binibining tinatawag na Kapitana. Ang kanyang sayaw ay sinasabing pagbati sa muling
pagkabuhay ni Hesus.

Dulang Ginaganap sa Araw ng Kaluluwa


PANGANGALULUWA - ibinibilang din itong dulang panrelihiyon, na ibinabatay sa isang kaugaliang pauli-ulit na
isinagawa dahil sa paniniwala na ikinintal sa kaisipan noong panahon ng pananakop. Sa pagdiriwang ng araw ng
patay, sa gabi ng Oktubre 31, ay nagbabalik di-umano ang mga kaluluwa ng mga namatay sa piling nating buhay
na kamag-anak nila. Naggagala raw ang mga kaluluwa sa bahay-bahay upang dumalaw sa kanilang mga kamag-
anak na nabubuhay. Ang paggagala ay ginaganap ng mga kabataang nagkukunwaring mga kaluluwa at tumatapat
sa mga bahay-bahay at umaawit ng ganito :

Page 10 of 20
FILPAN030: PANITIKANG FILIPINO
Gising, gising natutulog Kung kami po’y lilimusan
kaluluwa’y lumilibot dali-daliin po lamang kami’y
pinapanaog ng Diyos at baka kami’y pagsarhan upang
manghingi ng limos ng pinto sa kalangitan.

Dulang Ginaganap Tuwing Pasko

PANUNULUYAN - isang anyo ng dulang makarelihiyon at ginaganap tuwing oras ng Pasko. Ipinapakita rito ang
magasawang Birheng Maria at San Jose sa paghahanap ng kanilang matutuluyan. Walang sinumang magpapatuloy
sa kanila kaya sa isang sabsaban sila humantong. Ang huling tagpo ay ang pagsamba ng tatlong hari na nagsipag
handog ng kanikanilang regalo.

NINOS INOCENTES - ang dulang ito ay kaugnay din sa pagsilang ni Hesus. Sadyang kakila-kilabot ang diwa ng dulang ito
sapagkat ito ay nagpapakita sa pagpatay sa mga bagong silang na sanggol sa utos ng Haring Herodes na nagkaroon
ng sobrang panibugho sa pagsilang ni Hesus na sinasabing magiging Hari ng mga hari. Nabigo rin si Herodes sa
hindi pagtupad ng tatlong hari na sina Melchor, Gaspar at Baltazar sa pakikipagsundo sa kanya na sa oras na
matagpuan ng tatlo ang kinaroroonan ng sanggol ay ipagbigay-alam ng tatlo sa kanya. Bunga noon ay ipinag-utos
ni Herodes na ipapatay ang lahat ng mga batang bagong silang upang makasiguro na siya lamang ang hari ng mga
hari.

Mga Dula-Tulang Ginaganap Tuwing may Paglalamay sa Patay


KARAGATAN - ito’y paglalarong birong katotohanan sa pagliligawan. Ayon naman kay JC Balmaceda, ito’y isang larong
may paligsahan sa tula. Ang pangalang karagatan ay galing sa alamat ng singsing ng prinsesa na may katipang
mahirap na mangingisda. Inihulog ng nasabing prinsesa ang singsing sa gitna ng karagatan at sinumang makasisid
sa singsing ay magtatamong-palad sa kamay ng dalaga. Ang kanyang lihim na kasintahan ang nagwagi sa pagsubok
an ito kaya sila’y ikinasal ng haring ama.
May isang magpapasimuno upang masimulan ang laro. Patula niya sasabihin ang dahilan ng pagtatanghal ng dula.
Isang tabong may guhit na puti ang paiikutin ay sinumang matatapatan ng guhit na puti ay mauunang “lumusong
sa dagat upang humanap sa singsing ng dalaga.”

Narito ang isang bahagi ng dulang “karagatan”:


Neneng: Ikaw nga ang unang pinili ng Diyos
sumisid sa singsing na aking hinulog
subalit di upang maging siyang irog kung
idaan lang muna sa pagsubok. Kaya’t
sisirin mo ang tanong na ito at nang
singing kong ito ay nang maangkin mo
ang singsing na ibong linso’t walang
bato turan mo ang simula at ang wakas
Page 11 of 20
FILPAN030: PANITIKANG FILIPINO
nito.
Berting: Tila ang bugtong mo’y sinlalim
ng dagat na di-matarok sa isip
kong pahat kaya’t iyong singsing
nais kong makuha isa pang
pagsubok ay hiling kong sinta.

Kulas: Ang pagkakatao’y isalin sa iba


Nang di masabing ikaw ay buwaya
Akong nakabunot nang pang-ikalawa
Inaangkin hirang, aking karapatan
Sumisid sa dagat ng singsing mong
bugtong.

Neneng: Kung gayon Kulas, iyo nang


sisirin ang lalim ng puno’t dulo
ng singing.

Kulas: Karagatan ito’y kahit malalim


pangahasan kong aking
lulusungin sapagkat taglay ko’y
tapat na paggiliw na inaasahang
sasagip sa akin. Singsing, aking
Neneng, walang puno’t walang
dulo
Ngunit ma’y simula at may wakas ito
Ang simula’y bilog nito na panloob
At ang katapusa’y panlabas na bilog.
Ganyan kung gawin; singsing ng
pag-ibig Pinanday sa sinta sa suyo
hinihiling at nang mayari na’y sa
ginto tinubog haya’t nasisid ko
singsing mong nahulog.

Neneng: Iya’y tanong ko diyan kay Lamberto,


Kaya heto naman sa iyo;
Nang ikaw ay parito, pamula sa kanto
Ilang bahay Kulas ang naraanan mo
May ilaw ay ilan? Iyo sanang turan
Tingnan ko ang tibay pang-alaala mo.

Kulas: Salamat Neneng ko’t iyang katanungan


kaydaling sagutin kaya aking
Page 12 of 20
FILPAN030: PANITIKANG FILIPINO
masasabing ako’y tangi’t mahal. Heto
ang tugon ko: Bahay ay walo lamang at
sa mga ito’y aking buong tanda apat
ang may ilaw Ito’y patotoong isip ko’y
malinaw.
Neneng: Kulas, Ikaw ay mali sa ‘yong kasagutan
kaya isasalin itong aking tanong sa
sinong ikatlong sa tubig lulusong at
siyang sisisid sa singsing kong bugtong.

Nando: Ako ang ikatlong dapat nang subukin


mo kaya iyong dinggin ang tugon ko’y
ito: Pamula sa kanto at hanggang sa
rito wala bahay ni ilaw akong
natatandaan kundi itong ponda ni
Neneng kong mahal.

DUPLO - ang salitang duplo sa kastila’y nangangahulugang doble o ibayo. Sa larong ito ang lalong mahalaga ay
pagtatalo sa pamamagitan ng tula. Pagandahan ng bigkas ng berso, patayugan ng nilalaman. Karaniwang hango sa
mga awit, korido, salawikain, kasabihan at iba’t ibang babasahin ang ipinanlalaban ng duplero. Sa paglalaro nito,
nahahati ang manlalaro sa dalawang pangkat. Dalawang hanay ng mahabang bangko ang nasa magkabilang panig
ng isang lamesang pinangunguluhan ng isang tinatawag na “Hari” o “Punong Halaman”. Nasa dakong kanan ang
mga belyaka at nasa kaliwa naman ang mga belyako. Nasa hapag naman ang bendaha ng hitso at sigarilyo. Ang
laro’y maaaring panimulan ng hari sa pagbibintag sa isang belyaka. Pagbibintagan niya ang dalaga na pumatay sa
kanya loro o nagnakaw sa kanyang kulasisi. Maaari namang ang ibinintang ng hari sa dalag ang pagpitas nito ng
bulaklak sa hardin. Ang pinagbintangan ay magtatanggol sa sarili ngunit may isang belyako na magpapatunay na
siya nga ang belyakong nagkasala. Isang belyakong umiibig sa naturang belyaka ang patayo at magtatanggol sa
dalaga. Dito na ngayon magsisimula ang pagtatalong patula. Kung sino ang mapatunayang nagkasala ay papaluin
sa kamay ng sinelas ng hari. Maaari namang igawad na parusa ay pagdarasal o pag-awit ng dalit para sa kaluluwa
ng namatay. Narito ang isang bahagi ng duplo: Sa pagsisimula ng laro, hahawakan ng hari ang palmatoryo
(tsinelas) at magwika ng:

Hari: Tribulacion! Lahat:


Tribulacion!
Hari: Estamos en buena composicion!
Lahat: Composicion!
Hari: Atin ngayong sisimulan ang paglalarong mahusay, ang magulo ay mahalay pakinggan ng kapitbahay.

Page 13 of 20
FILPAN030: PANITIKANG FILIPINO
Ito’y dudugtungan ng pagdarasal ng Ama Namin, Aba Ginoong Maria, Requiem Eternam para sa kaluluwa ng namatay.
Pagkatapos…

Maria: Mga binibini at mga ginoo


Matatanda’t batang ngayong naririto
Malugod na bati ang tanging handog ko, Sa pagsisimula
nitong larong duplo.

Ang duplo ay laro ng mga magkakapatid


Patama ng dila ay huwag ikakagagalit Ang lakas at diin
na taglay ng tindig
Ay simbuyo lamang ng pagmamatuwid.

Itong kaharia’y may rosas sa hardin sa umaga’t hapon


dinidilig mandin, ng agua bendita’t tubig na mining-
mining,
sa maysakit bango ay nakagagaling…

Ang hardin ay kubkob ng rehas na bakal asero ang


pinto’t patalim ang urang rosas na nagsabi’y nawala
pagkuwan ang mga belayko ang nuha’t nagnakaw.

Belayko: Hindi kami ang nagnakaw!


Hari: Sino ang nagnakaw?
Belayko: Mahal na hari po!
Hari: Ang hari ay hindi ninitas ng rosas na
sa
ganang kanya’y kapilas ng palad ang
ibon kong loro ang siayng maysabi
ang
unang belayko ang nitas kagabi.

Unang Belayko: Haring mahal namin, O dwenyo dehato na


lungod at aliw ng mga tao pakinggan mo muna ang aking
diskurso bago maniwalang ang nitas ay ako.

Sa malayong bukid na nayon ng Tigbi


may nagkatuwaang apat na pulubi nagsawa ang lumpo’t
nakinig ang bingi nanood ang bulag, kumanta ang pipi. Pipi
ang nagsabi nakita ng bulag
ang lumpong nagnakaw ng mahal mong rosas…

Page 14 of 20
FILPAN030: PANITIKANG FILIPINO
HUWEGO DE PRENDA - hindi lahat ng mga Pilipino ay marunong magtula. Kaya’t ang malikhaing Pilipino ay yumari ng isa
pang pang-aliw sa mga lamayan. Ito’y ay huwego de prenda. Sa larong ito nagkahalu-halo ang mga makata at di-
makata, babai’t lalaki, matanda at bati. Lalong marami ang kalahok, lalong nakalulugod-lugod. Ang ngalan ng larong
ito ay buhat sa prenda o sangla na inilalagay ng bawat kasali sa hapag ng ahri. Ito’y maaaring abaniko, kuwintas,
pulseras o anumang mahalagang bagay na tatanggapin ng hari. Kapag may manlalarong hindi tumalima sa utos o
parusa, iniliit ng hari ang kanyang prenda. Kailangan ito’y tubusin ng pera sa halagang tawaran. Ang perang
matitipon sa prendahan ay isahuloy sa namatayan. Dito’y lumilitaw kadalasan ang pagkamaginoo ng mga kalahok at
pagpapaungusan ng mga kalalakihan sa pagpapatubos sa prenda ng isang babae. Karapatan din ng babae ang di-
pagtanggap ng parusa upang matiyak kung mayroong tutubos ng kanyang prenda sa mga kalalakihang nagkatipun-
tipon. Sa larong ito ang mga kasali ay nagbabansag ng mga kalalakihan. Ipahayag ng hari na siya ay may alagang
paru-paro at ito’y lumipad at dumapo sa isang pruta o bulaklak. Hanggang ang pinagbibintangan ay sasagot at
sasabihing “ito’y lumipad at dumapo sa puno ng prutas.” Ang pagsagot ay pasahan at dapat na maging mabilis. Ang
mahuling pabagal-bagal sa pagsagot ay parurusahan. Siya’y magbibigay ng anumang bagay sa hari. Ang laro’y
magpapatuloy hanggang sa dumami ang pangako at matubos ito ng hari.

Iba pang dula:

KARILYO - ito’y pagpapagalaw ng mga anino ng mga pira-pirasong kartong hugis-tao sa likod ng isang kumot na puti na
may ilaw. Habang pinagagalaw ay sinasabayan ng mga salita. Ang mga karton ay hinuhugisan na ayon sa mga
tauhan ng isang salaysay, gaya ng kurido, awit dulang panrelihiyon o alamat na kilala ng marami.

SARSUWELA - ito ay isang komedya o melodramang may kasamang awit at tugtog, may tatlong yugto at nahihinggil sa
mga damdamin ng mga tao: pag-ibig, kapootan, paghihiganti, kasakiman, kalupitan atbp. o hinggil sa mga suliraning
panlipunan o pampulitika noong panahong iyon. Ang bahaging musikal ng sarsuwela ay totoong naibigan ng mga
manonood.

Ang Tuluyang Anyo sa Panahon ng Kastila


Tinatawag na mga akdang tuluyan ang mga anyo ng panitikang nakasulat sa karaniwang pangungusap. Ang kabuuan nito
ay nahahati sa mga salita.Ang mga tuluyan sa panahong ito ay nabasa sa anyo ng mga sanaysay, anekdota, platikas,
maikling kuwento, nobela at mga dula. Katulad din ng tula, naging pangunahing paksa ng tuluyan ang relihiyon o
Kristiyanismo at kagandahang-asal.

ANEKDOTA - ang anekdota noong panahong iyon ay mga maiikling salaysay ng buhay na punung-puno ng mga aral na
karaniwang ginagamit ni pari sa kanilang sermon.

PLATIKAS - ang mga paltikas ay mga sermon na humuhubog sa kagandahang-asal. Ang katipunan ng mahuhusay na
sermon ni Padre Modesto de Castro ay tinawag niyang “Platikas Doctrinales”. Ito ay binubuo ng 25 mahuhusay na
sermon ni P. Modesto de Castro samantalang siya ay kura paroko ng Kawit, Cavite.

Page 15 of 20
FILPAN030: PANITIKANG FILIPINO
SANAYSAY - ang mga sanaysay sa panahong ito ay sa anyo ng mga anekdota at liham. Ang liham ay isang uring akdang
tuluyan na nagiging daan ng pag-uunawaan ng dalawang taong magkalayo. Isang magandang halimbawa ng
sanaysay sa anyo ng liham na nasulat sa panahong ito ay ang “Pagsusulatan ng Dalawang Binibini na sina Urbana at
Feliza” ni P. Modesto de Castro.

Sinulat ni Modesto de Castro na ang layunin ay mangaral sa mga kabataan tungkol sa mga pag-uugali at kilos sa
iba’t ibang pagkakataon. Ito ay katipunan ng mga liham nina Urbana at Feliza sa isa’t isa. Si Urbana ay nasa Maynila at
nag-aaral samantalang si Feliza ay nasa lalawigan.
Sina Urbana, Feliza at Honesto ay magkakapatid na isinilang at lumaki sa lalawigan. Nang magsilaki ang magkakapatid, si
Urbana ay nagtungo sa Maynila upang mag-aral samantalang sina Feliza at Honesto ay naiwan sa lalawigan. Sina Urbana
at Feliza ay laging nagsusulatan at sa kanilang pagsusulatan ay nagpapaalalahanan sila tungkol sa mga ginintuang aral
gaya ng pakikipagkapwatao, mga tungkulin ng tao sa diyos, pag-iibigan, kalinisan ng kalooban at mga dakilang aral ng
mga magulang sa anak o ng mga anak sa magulang. Isa sa mga aral na nakapaloob sa akda ay ang sinabi ni P. Modesto
de Castro kay Urbana: “Pakatantuin ng ina na ang kalinisan ng isang dalaga ay parang bubog na kahit di-magkalamat,
kahit di-mabasag, mahingan lamang ay nadudungisan.”
Sa pakikipagkapwa-tao naman ay binanggit ni Feliza kay Urbana, sa isa sa kanyang mga liham na “ang kabaitang
di-hamak na ipinakita mo sa eskwela na tinitipid mo ang gawa ng kabataang kalaro sa kapwa’y bata, ang kahinhinan ng
iyong asal na di-makitaan ng kagaalawa’t katalipandasang magpahanggang ngayon ay di malilimutan - ay nagagalak ang
loob ko’t nagnanasang mahuwaran ang magandang kaasalan mo.
Sa pagsusulatan ng magkapatid ay nabanggit din ang tungkulin ng mga magulang sa pagtuturo ng kagandahang-
asal, mga dasal, karunungan sa pagkilala sa Diyos. Dito ay nasabi ni Urbana, na mapalad ang mga anak na may mga
magulang na marunong magturo ng mga tungkulin ng isang anak ng Diyos. Nabanggit din niya sa kanyang liham na kung
magbibinata si Honesto at magkakaroon ng pagkakataong alukin ng katungkulan sa bayan ay di dapat niya tanggapin ang
katungkulan kung ang karangalan lamang ang nasa. Ngunit kung ang panunungkulan ay bunga ng pagkakaisa ng bayan at
dapat niyang tanggapin sapagkat iyon ay kaloob ng Diyos. Sinabi rin niyang maraming mga hanunungkulan sa bayan ay
dapat siyang maging matapat at di dapat na maging palala upang di maparusahan ng Diyos.
Ang pangalang “Urbana” ay sagisag ng urbanidad o kabutihang-asal (good manners). Ang pangalang “Feliza” ay
galing sa kastilang “feliz” (maligaya) at ang sinasagisag ay kaligayahang matatamo dahil sa kalinisang-budhi at
karangalan.
Si P. Modesto de Castro ay ipinanganak sa Binan, Laguna noong unang hati ng ika-19 na dantaon. Sa pamamagitan ng
kanyang akdang “Urbana at Feliza”, siya ay nataguriang Ama Ng Tuluyang Klasikang Tagalog.

MAIKLING KUWENTO - nakilala ang mga kuwento sa anyo ng mga lathalaing ang paksa ay buhay ng mga santo at santa
na ipinakakalat ng mga misyunerong Kastila. Ginawa nilang halimbawa ang buhay ng mga santo at santa na
nagpapakita ng labis na pagpapakasakit upang huwag mahulog sa kasalanan at nang hindi mapunta sa impiyerno.

NOBELA - ang nobela o kathambuhay ay tinawag ding mahabang kasaysayang tuluyan sa panahon ng Kastila ay
nagsimulang malinang pagkatapos sumipot ang pasyon sa kasaysayan ng panitikan noong 1704. Sang-ayon kay
Agoncillo, ang pasyon sa kasaysayan ng panitikan noong 1704. Sang-ayon kay Agoncillo,ang unang napatalang
mahabang kasaysayang panrelihiyon ay ang sinulat ni P. Antonio de Borja na may pamagat na “Aral na Tunay Na
Totoong Pag-aacay Sa Tauo Nang Mga Maloualhating Santos na si Barlaan at Josaphat” na hinahango mula sa
wikang Griyego ni San Juan Damasceno. Mula sa wikang Griyego ay isinalin naman sa wikang Latin ni Jacobo Biblio.
Page 16 of 20
FILPAN030: PANITIKANG FILIPINO
Ang salin sa Latin ay isinalin naman ni P. Antonio de Borja sa wikang tagalog. Kilala na lamang ito ngayon sa
pamagat na Barlaan at Josaphat. Ito ay ipinalalagay ng mga mananaliksik na kasama unahang nobelang Tagalog
kahit na saling-wika lamang. Ang aklat ay naipalimbag noong 1708 at 1712 at binubuo ng 40 kabanata.

Buod ng nobelang Barlaan at Josaphat:

Ipinag-uusig ni Haring Abenir ng Indiya ang mga Kristiyano sa kanyang kaharian, sapagkat siya’y sumasamba sa
mga diyus-diyusan. Ang mga pari ay ipinakulong niya at pinahirapan ngunit ang mga iyon ay patuloy pa rin sa kanilang
pangangaral. Hindi naglaon ang Haring Abenir ay nagkaanak ng isang lalaki at ito’y pinangalanan niyang Josaphat.
Pinatanurang mahigpit ng hari ang anak. Ipinagtayo ito ng isang palasyo sa isang malayong pook at ipinagbawal ang
pagbanggit ng anumang bagay hinggil sa Kristiyanismo. Pinaalis ng hari ang ilang natitirang pari sa kaharian sapagkat
may humulang ang prinsipe ay magiging Kristiyano pagsapit nito sa sapat na gulang.
Isang matandang paring nangangalang Barlaan ang naninirahan sa isang malayong bayan sa Indiya. Ipinarating sa
kanya ng Diyos ang mabuting kalooban ni Josaphat kaya ipinasya ni Barlaan na paroonan si Josaphat. Nakapasok siya sa
palasyo ni Josaphat sa pamamagitan ng pagbabalatkayong mangangalakal.
Itinuro ni Barlaan kay Josaphat ang mga aral ng Kristiyanismo ay iyon ay naging Kristiyano. Ang madalas na pagdalaw ni
Barlaan ay napansin ni Zardan, isang kabalyerong kabilang sa mga bantay na itinalaga ng hari. Ipinagunita ni Zardan sa
prinsipe ang mahigpit na bilin ng hari subalit siya’y pinakiusapan ng prinsipe na huwag ibubunyag ang lahat sa hari.
Naligalig nang gayon na lamang si Zardan, kaya’t siya’y nagsakit-sakitan. Umuwi siya sa kanyang bahay at ipinagtapat ang
buong katotohanan kay Haring Abenir. Galit na galit ang hari. Pinayuan siya ni Araques, ang pinakamatapat niyang
tagapayo - na ipadakip si Barlaan at hiyain sa isang pakikipagtalo sa mga pantas ng kanilang kaharian. Kapag natalo si
Barlaan ay mawawala ang pananalig dito ni Josaphat. Ipinahanap si Barlaan ngunit si siya matagpuan. Kaya si Nacor, ang
bantog na astrologo ang ipinadakip niya upang magkunwaring si Barlaan. Gayon na lamang ang kalungkutan ni Josaphat
nang marating sa kanya ang balitang nadakip si Barlaan.
Dumalaw ang hari sa anak at ipinabando niya na siya ang Haring Abenir at ang buong kaharian ay
magpapabinyag kapag nanalo si Barlaan. Tinanggap ni Josaphat ang hamon sapagkat hindi niya nalalamang hindi tunay
na Barlaan ang makikipagtagisan ng talino kundi si Nacor. Nang dumating ang araw ng pagtatalo ay kataka-takang bagay
ang naganap. Sumagot sa mga tanong si Nacor na tila siya’y pinagkalooban ng langit ng hiwagang karunungan.
Ipinahintong pansamantala ang debate upang ipagpatuloy kinabukasan. Humingi ng pahintulot si Josaphat sa hari na
maisama niya si Nacor. Pumayag ang hari.
Ipinagtapat ni Josaphat kay Nacor na alam niya ang katotohanang ito’y nagpanggap lamang na si Barlaan. Itinuro
niya kay Nacor ang mga aral ng Kristiyanismo at ito’y naging Kris-tiyano. Poot na poot si Haring Abenir sapagkat nawalan
siya ng pagkakataong talunin si Barlaan. Pinarusahan niya ang mga paham at nawalan na rin siya ng pagsampalataya sa
mga diyus-diyusan. Sa kabila ng mga pangyayari, ay ayaw pa rin niyang yumakap sa Kristiyanismo.
Nakaisip naman si Theudas ng ikalawang paraan upang mapagbago ang isip ni Josaphat. Ipinayo niya sa hari na ang lahat
ng mga utusan sa palasyo ay palitan ng magagandang babaing tutukso kay Josaphat. Pinaglabanan ni Josaphat ang mga
tukso at nananalangin nang taimtim.
Dinalaw ni Haring Abenir ang anak at sinabi ni Josaphat ang kanyang malabis na pagtataka sa ginawa ng kanyang
ama sa pagbubulid sa anak ng kasamaan. Hiniling niya rito na payagan siyang lumabas at hanapin si Barlaan at mamuhay
sa piling nito. Humiling muli ng payo si Haring Abenir kay Theudas at sinabi nito na hatiin ang kaharian at ibigay ang
kalahati kay Josaphat. Pumayag naman si Haring Abenir at ipinahayag niya sa nasa-sakupan na maaaring sumama kay
Josaphat ang lahat ng may ibig nang hindi magtatamong parusa. Sa simula ng kanyang paghahari, ang unang ginawa ni
Page 17 of 20
FILPAN030: PANITIKANG FILIPINO
Josaphat ay magpatayo ng simbahan. Maligaya ang taong-bayan sapagkat sagana ang pamumuhay. Ang ibang
nasasakupan ni Haring Abenir ay nagsilapitan sa kaharian ni Josaphat kaya’t kakaunting natirang mga tauhan ng hari.
Nakilala ng hari ang kanyang pagkakamali kaya’t siya’y nagpabinyag sa Kristiyanismo at si Josaphat pa ang naging inaama
niya. Pagkaraan ng apat na taong pagpapakasakit at pagsisisi sa kanyang mga kasalanan ay namatay si Haring Abenir.
Matapos maibigay ang kaukulang parangal sa kamatayan ng ama ay tinipon ni Josaphat ang mga nasasakupan. Sinabi
niyang balak niyang lumigpit sa malayong pook at iiwan niya ang kaharian kay Barachias, ang kaisa-isang Kristiyanong
dumalo at pumanig kay Nacor na nagpanggap sa Barlaan sa pakikipagtalo sa mga paham ni Haring Abenir.
Hinanap ni Josaphat si Barlaan at maraming hirap ang dinanas niya bago natagpuan ang kanyang maestro. Sila’y
nagsamang mamuhay at ang panahon ay inukol sa pananalangin at pagpapasakit. Namatay si Barlaan. Nag-alay ng misa
at mga panalangin si Josaphat at ang mga mongheng nagsipanirahan malapit sa kanilang pook. Namuhay sa pagtitiis si
Josaphat. Nang siya ay namatay, ang kanyang bangkay ay inilibing sa pinaglibingan kay Barlaan.
Isang mongheng ang nagpakita sa pangitain kay Barachias at isinalaysay niya ang buong buhay ni Josaphat haggang sa
kamatayan nito sa mga bulubundukin ng Sanaar.

Ipinag-utos ni Barachias na hanapin ang bangkay ni Josaphat. Ang dalawang bangkay ay natagpuan ng mga tao
at ngayon na lamang ang kanilang pagtataka sapagkat hindi nabulok ang mga ito. Ang mga bangkay ay dinala nila sa
kauna-unahang simbahang ipinatayo ni Josaphat. Doon inilagak ang dalawang bangkay at maraming himala ang
nasaksihan ng mga tao kaya’t nangagsibalik-loob sa Diyos.

Page 18 of 20
FILPAN030: PANITIKANG FILIPINO
Page 19 of 20
FILPAN030: PANITIKANG FILIPINO
Page 20 of 20
FILPAN030: PANITIKANG FILIPINO

You might also like