You are on page 1of 6

MGA MANUNULAT SA REHIYON 9

DESCALLAR, Antonio

 Isinilang sa Sindangan, Zamboanga. Ipinanganak noongika – 15 ng Hunyo 1925. Nag-aral


sa isang pampublikong paaralan at nagtapos ng kanyang pag-aaral sa Misamis
Occidental Institute at sa Arellano University.
 Nagwagi siya ng unang gantimpala sa patimpalak ng pagsulat ng tula na ginanap noong
1949. Kauna-unahan niyang tula na naipalimbag sa isang magazine ay ang “Now before
the Conqueror”. Ang iba pang mga tula na kanyang nailimbag ay ang “Testamental”,
“Prelude”, “The fallen God” at marami pa.

ENRIQUEZ, Antonio

 Ipinanganak siya sa Barangay Labuan, lungsod ng Zamboanga noong 1936. Nag-aral siya
sa isang lokal na paaralang Jesuit sa Zamboanga.
 Nang maglaon, gumawa si Enriquez ng iba't ibang trabaho tulad ng pagsusulat ng balita
at iba pang feature para sa iba't ibang news paper at magazine.
 Sumali rin siya sa isang surveying company sa Cotabato kung saan ang kanyang
karanasan ay nagbigay sa kanya ng mga setting at karakter para sa kanyang nobelang
Surveyors of the Liguasan Marsh.
 Nanalo si Antonio Enriquez ng writing fellowship award na nagdala sa kanya sa Siliman
University kung saan nagtapos siya ng liberal na degree sa creative writing.
 Noong 1996, kinilala si Antonio Enriquez ng Pambansang Alagad ni Balagtas Award for
Fiction in English ng Unyon ng mga Manunulat sa Pilipinas (UMPIL) o Writer’s Union of
the Philippines.
 Siya ay sumulat ng mga maikling kwento tungkol sa mga Kristiyano at mga Muslim sa
Timog nanakatagpo at nakasalamuha niya sa buhay, tungkol sa probinsya, bayan at mga
baryong tinirhan at binisita ang tungkol sa mga obserbasyon at mga karanasan.
 Lumabas sa mga pambansang limbagan ang kanyang tatlumpong maikling kwento at
isang akdang isinalin niya sa ibang wika at lumabas sa Korean Magazine Playmate.
 Pinalimbag ng writers Association of Dumaguete City ang kanyang unang aklat ang “Spot
on their wings”.

ENRIQUEZ, Emigdio Alvarez

 Siya ay isang Pilipino mula pagkapanganak noong taong 1925 at nagsimula siyang
magsulat sa edad na 20. Nagtapos siya ng AB Degree sa Unibersidad ng Arellano.
 Nag-aral siya upang makakuha ng isang Master of Fine Arts Degree in Creative Writing.
Ang kanyang mga sikat na akdang “Blood on the Moon”, “A tale of two houses” at
“Cachil Kudarat” ay nagwagi ng Palangka Awards.
 Ilan sa kaniyang mga sikat na akda ay ang maikling kwento, “Ang puting kabayo ni Alih”
at nobela, “The Devil Flower”, “The Other Maria Clara”. Nobela, “House of Images”,
“Two Liberation Plays Fourth of July”.
 Lam-Ang, Labaw Donggon, Bantugan

JUBAIRA, Ibrahim A.

 Ipinanganak noong 1920, nagsimulang magsulat si Jubaira sa mataas na paaralan.


Naging editor siya ng Cresent Review Magazine at ng Zamboanga Collegian, gayundin
bilang kolumnista para sa Zamboanga City Inquirer at Muslim Times.
 Siya ang kauna-unahang fictionist sa Zamboanga na ginamtimplaan ng Presidential
Certificate of Merit in Literature for Teaching the Filipino- Muslim sa kanyang panahon.
 Bukod sa pagiging manunulat ng tula at mamahayag, si Jubair ay isang kolumnista sa
isang pahayag sa Zamboanga City at editor ng Cresent Review.
 Ang aklat ni Jubair ay ipinalimbag hindi lang ng Free Press Pacific Quarterly (South
Korea) at ng The Times of Ceylon.
 Blue Blood of the Big Astana, Mirror of ancient heritage, The Moslem heritage and A
canto of summer

VILLA, Gonzalo

 Isang manunulat ng maikling kwento at mananalaysay,ipinanganak sa Zamboanga City


ng isang maykayang pamilya .
 Naging news editor siya ng Atenean ,isang pampaaralang pahayagan na siyang
pinaglathalaan ng ilang mga akda niya.Una niyang kwento ang “When Death Struck”.
 Nagwagi siya sa Pambansang Paligsahan sa pagsulat ng sanaysay noong 1946,ito’y
pinamagatang “The Role of America in the Rehabilitation of the Philippines”.
 Kabilang sa mga sinulat niyang nagwagi ng gantimpala ay ang Footnoteof America at
pinalitan niya ng “Death of Illusion”, “Barrio Miracle”, “A Voice of Rama”.
 Itinigil niya ang pagsusulat upang tapusin ang kursong abogasya.

ENRIQUE, Ignacio Alvarez

 Pinanganak sa Zamboanga City kung saan din niya tinapos ang kanyang pre-college
education.
 Bilang iskolar narating niya ang Uiversity of Madrid.
 Mula noon sinimulan niyang sulatin ang kanyang nobelang “The House Juan” na hindi
naipalimbag.
 Dalawa sa kanyang maikling kuwento ay nagwagi sa Philippine Free Short Story Contest.
“Death of a House”,Ikatlong gantimpala.
 Noong Pebrero 20,1971 ay ipinalabas sa UE sa Auditorium ang dulang “As between two
mirrors” na kanyang isinula at hinango sa kanyang nobela.
 Ang iba pang aklat niya na naipalimbag ay ang “Three Philippine Epic, Plays at House of
Images”(1953), at ang The White House of Ali at Other Stories”(1985).

ACAS, Olivia

 Baguhan pa lamang sa larangan ng pagsulat ng tula ngunit ang kanyang mga nasulat ay
naipalimbag sa pambansang palimbagan.

VICENTE, Oredain

 Sumulat ng tula gamit ang kastila. Siya ang pangunahing mamamahayag sa kastila

RODIL, Saturnina

 Sumulat ng tulang “datu matu” na nag lalarawan sa paghihimagsik ng mga muslim sa


sulu, lanao at cotabato mula 1903-1930 laban sa mga amerikano.

TUBAN, Rita

 Sumulat ng “The conquest of North Borneo”. Siya a tinaguriang prinsesa ng tausug dahil
sa kanyang tesis.
Awiting Bayan

DORI – DORI SINGKIL

Dori-dori Singkil

Mang Manuel dagil

Mang Iskong Koliroy

At Mang Juan Bambo

INAKU DURINGDING

(Awiting Bayan mula sa Zamboanga)

Inaku duringding

Umaga na yata

Nagtitilaukan na

Ang manok sa lupa

Kaya’t ang sabi ko

Sa matanda’t bata

Matulog na ngayon

Bukas ay gawa

Bugtong

Kahuykahuy baubid Isang pirasong kahoy na maliit

Kahuy batang baubid Na halaman na mayroong maliit na sanga

Di’ magtubu ha bid Hindi tumutubo sa burol

Subay ha gi’tung tawid Subalit sa gitna ng dagat

Sagot: Karbahal o Itim na koral


Tubig ha liyung-liyung Tubig sa loob ng butas, walang

dahon di’kapakpakan dahon pwedeng mahulog ditto

Sagot: Butung/Niyog

Ha lawn pa sin iklug Habang ang itlog ay nasa loob

Asal na taga iklug Mayroon na itong buntot

Sagot: Bawang

Kwentong Bayan

MANIK BUANGSI - Hitik sa pakikipagsapalaran at hiwaga ang bumabalot sa kwentong ito. Puno
rin ito ng damdaming makamandag, pagkainggit, kawalan ng tiwala sa kapwa, at kahinaan ng
tao.

SI-AMO AGO SI BOWAYA

Sayaw

SUA-SUA - Sayaw sa pag-iisang dibdib

SINGKIL - Sayaw ng isang prinsesa na pinapayungan habang madamdaming humahakbang sa


apat na kawayan

KOPARANGKAMANIS - Sayaw panghukuman

Alamat

IN DUWA BUD ( Ang Dalawang Bundok) - Alamat ng dalawang bundok na nakatayo sa karagatan
sa pagitan ng Zamboanga at Jolo.

ANGHEL SA KALANGITAN (Alamat kung bakit umuulan)

Noong unang panahon ang mga tao sa mundo ay nagtataka kung bakit umuulan.Umaga
hanggang gabi ay nag-iisip sila, subalit wala ni isa sa kanila ang makapagsabi. Ngunit isang araw,
ang kanilang katanungan ay umabot sa Diyos. Sabi ng Bathala.” Gabriyel, magtungo kasa mundo
at sabihin mo sa mga tao na umuulan dahil ang mgaanghel ay naliligo. Dahil dito pumunta si
Gabriyel, sa mundo ng mga tao at sinabi sa mgatao na umuulan dahil naliligo ang mga anghel.
At pagkatapos noon ay bumalik na si Gabriel sa langit.
Epiko

TULALANGAN - Ito ay tumatalakay sa kababalaghan at isang ritwal na isinasalaysay na


maituturing na sagradong pagdiriwang.

DARANGAN - Ito ang pinatanyag na epiko ng Mindanao. Tinatawag rin na “Ang kuwentong
Ibatungan” Binubuo ng 26 na aklat na may 8 tono na inilimbag sa Unibersidad ng Mindanao

You might also like