You are on page 1of 18

Ang Epektibong

Guro
at Malikhaing
Pagtuturo
Ang GURO ay ang pinakamahalagang
baryabol sa loob ng silid-aralan na
nakapagsasagawa ng matagumpay
at epektibong pagtuturo.
 Kailan ba natin masasabing epektibo at matagumpay ang

dapatisaalang-
pagtuturo?

 Ano-ano ba ang mga katangiang dapat taglayin ng guro

aroonng isangepe
para magkaroon ng epektibong pagtuturo?

 Ano-ano ang mga dapat isaalang-alang upang


magkaroon ng isang epektibong pagtuturo?

?
GKATAN
PATTAGL
AYON SA PAGSUSURI NINA WAYNE
AT YOUNGS NOONG
2003, MAY LABINDALAWANG
KATANGIANG DAPAT TAGLAYIN
ANG ISANG EPEKTIBONG GURO

ISANGEP
1. Walang itinatangi
Hindi malilimutan ng mga mag-aaral kung ang guro'y
may paborito sa klase o ang kanyang di
pagkakapantay-pantay na pagtrato sa kanyang mga
mag-aaral. Sa loob ng klase, dapat na siya'y walang
kinikilingan at mahalagang maging pantay ang
kanyang pagtingin sa lahat ng mga mag-aaral.
2. May positibong ugali.
Nasisiyahan ang mga mag-aaral kung sila'y
nabibigyan ng papuri at pagkakilala o
rekognisyon. Malaki ang impak nito sa kanilang
tiwala sa sarili at direksyon. Naniniwala at
nasisiyahan siya sa tagumpay ang kanilang mga
mag-aaral.
3. May kahandaan

 Ang kahusayan (competence) at kaalaman sa


saklaw ng nilalaman ng mga paksang itinuturo
ay kinikilala ng mga mag-aaral. Madaling
makilala ng mga mag-aaral ang gurong
organisado at handa nang magturo.
4. May haplos-personal. 
Pinahahalagahan ng mga mag-aaral ang gurong may
ugnayan sa kanila, yaong tumatawag sa kanilang
pangalan, palangiti, nagtatanong tungkol sa kanilang
nadarama at opinyon, tinutuklas ang kanilang interes at
tinatanggap ang tunay nilang pagkatao. Ang
pagkukwento ng guro ng mga kwentong may
kinalaman sa aralin ay higit na nagugustuhan ng mga
mag-aaral.
5. Masayahin
 Naaalala ng mga mag-aaral ang gurong masayahin sa
klase. Ang dagling pagbibiro at pagpapatawa sa mga
sitwasyong nahihirapan at napapahiya ang mga mag-
aaral ay nakababawas sa paghihirap o kahihiyang
dinaranas ng mga mag-aaral.
6. Malikhain
Nagugunita ng mga mag-aaral ang kanilang gurong
malikhain sa mga gawaing pangklasrum, lalo na sa
oras na ginaganyak sila para sa isasagawang aralin,
pati na ang pag-aayos sa klasrum ng kanilang guro.
7. Marunong tumanggap ng kamalian

Nababatid ng mga mag-aaral kung nagkakamali ang


kanilang guro lalo't sila ang labis na naaapektuhan bunga
ng pagkakamaling ito. Nagiging modelo ang isang guro
kung tinatanggap niya ang kanyang pagkakamali at buong
pagpapakumbabang humingi siya ng kapatawaran sa
pagkakamaling kanyang nagawa.
8. Mapagpatawad
Kinalulugdan ng mga mag-aaral ang gurong marunong
magpatawad sa kasalanang kanilang nagawa, lalo't yaong
nauukol sa kanilang maling gawi at ikinilos. Ang guro ang
tagabuo ng anumang tunggaliang nagaganap sa klase kaya't
mahalagang maiwasan din niyang magbigay ng di-magandang
puno ukol dito.
9. May respeto
Ang kinalulugdang guro ay yaong marunong maglihim ng
markang kanyang ibinigay sa kanyang mga mag-aaral o
yaong kinakausap ang mag-aaral na may nagawang
pagkakamali o kasalanan nang walang nakaririnig o
nakakaalam, o yaong nagpapakita ng sensitibiti sa
nadarama ng kanyang mga mag-aaral, nagiging marubdob
ang mga mag-aaral na matupad ang kanyang mga
tunguhin.
10. May mataas na ekspektasyon
Ang di-malilimutang guro ay yaong nagpapakita ng
napakataas na pamantayan lalo't hinahamon ang kanyang
mga mag-aaral na gawin nang napakahusay ang kanyang
ipinag-uutos. Madalas na nawawalan ng tiwala sa sarili ang
mga mag-aaral. Kung maniniwala ang guro na may mga
kakayahan ang kanyang mga mag-aaral, nagiging
marubdob ang mga mag-aaral na matupad ang kanyang
mga tunguhin.
11. Mapagmahal

Kung aalamin ng guro kung bakit naalis sa isang


laro, ang kanyang mag-aaral at kikilos siya upang
makagawa ng paraan halimbawa para malutas ang
suliranin nito ay naglalarawan ng pag-aalala at
pagmamahal.
12. Ipinadaramang kabilang ang bawat
mag-aaral
Laging nasa isip ng mga mag-aaral na sila'y kabilang sa klase.
Nadarama nilang kapamilya ang kanilang guro. Ang pagtatanong at
pagpapakita ng kasiyahan sa ipinakikitang mga gawad,
pampamilyang album at iba pa ng mag-aaral ay nakabubuo ng
pagkakaisa at mabuting pagsasamahan. Ang mahusay at epektibong
guro ay yaong nakaiisip agad ng paraan upang hindi magkaroon ng
hinanakitan ang kanyang mga mag-aaral.

You might also like