You are on page 1of 5

Evangelin C.

Laguda Istruktura ng Wikang Filipino


BSED Filipino II Mr. Isidoro
18- 13477

KABANATA I
Batayang Kaalaman sa Istraktura at Gramatikang Filipino

TERMINOLOHIYA:

1. Ang gramatika ay isang gabay sa tama at maayos na pagsasama sama ng mga salita sa pagbuo ng isang
pangungusap.
2. Linggwistika makaagham na pag-aaral sa wika
3. dalubwika ang tawag sa dalubhasa sa wika. Ito ay maaring tumutukoy sa mga sumusunod:
 lingguwista (linguist), dalubhasa sa pag-aaral sa wika
 poligloto (polyglot), dalubhasa o nakakapagsalita ng iba't ibang wika
4. monosyllabic salitang nagtataglay ng isang pantig lamang.
5. Etnograpiya makaagham na estratehiya ng pananaliksik
6. Isneg o Isnag ay isang tribo sa Luzon, ang Pilipinas.
7. Kankana-ey, Kankanai, o Kankanay, ay naninirahan sa kanlurang bahagi ng Lalawigang Bulubundukin
o hilagang bahagi ng Benguet sa Pilipinas.
8. Pedagodikal karunungan sa pagtuturo
9. Leksikon mga salita na ginagamit sa isang wika ng mga mananlita nito. Tinatawag din itong
bokabularyo ng isang wika.
Hal. Dulawit- pinagtambal na dula at awit
Siphanay- pinagsamang isip at hanay (pangungusap)
10. Ortograpiya sining ng pagsulat ng pagsulat ng mga salita na may tumpak na titik alinsunod sa wastong
gamit at wastong baybay.
11. Balarila mula sa: bala + (ng) dila. Pag-aaral hinggil sa wika na kinabibilangan ng morpolohiya, sintaks,
ponolohiya, semantika at ng etimolohiya.
Panahon ng Kastila

• Unang nasakop ng mga Kastila ang Pilipinas dahil sa layunin nilang magpalaganap ng Kristiyanismo.
• Sa halip na ituro nila ang wikang Kastila sa mga katutubo ay sila ang nagsagawa ng pag-aaral at natuto
sa wika ng mga katutubo.
• Dahil sa pag-aakala nilang kabilang sa wikang Europeo ang wika ng Pilipinas ginawa nilang modelo ang
Latin at Kastila at sumulat sila ng katesismo, gramatika at bokabularyo gamit ang wikang tagalog.
• Doctrina Cristiana sa wikang tagalog taong 1593 ang naging unang publikasyon.
• Nagkaroong ng imprenta ang mga orden sa mga lugar na nakatalaga sa kanila.
a) Dominican: Pangasinan at Cagayan taong 1593
b) Franciscan: Camarines noong 1606
c) Heswita: kalahati ng Bisaya noong taong 1610
d) Agustinian: kalahati rin ng Bisaya, Ilocos, at Pampanga noon namang 161
• Pinaniniwalaang sa mga katesismong ginawa ni Juan de Plasencia nanggaling ang Doctrina Cristiana na
inihanda naman para sa imprenta ni Padre Juan de Oliver na siya ring sumulat ng Doctrina Cristiana sa
Bikol.

Narito ang ilan sa mga isinagawa ng mga Kastila tungkol sa wikang Tagalog.

1. Arte y Reglas de la Lengua Tagala(1560- 1614) ni Francisco Blancas de San Jose, nilimbag ito ni Tomas
Pinpin, gumamit ang edisyong ito ng katutubong baybayin.
2. Compendio de la Arte de la Lengua Tagala ni Francisco Blancas de San Jose
3. Arte de la Lengua Tagala ni Agustin de la Magdalena, binubuo ito ng 75 pahina
4. Compendio del Arte de la Lengua Tagala (1650- 1724) ni Gaspar de San Agustin, binubuo ng 54 pahina
5. Arte y Reglas de la Lengua Tagala(1668-1742) ni Tomas Ortiz, binubuo ng 136 pahina, ayon kay Tavera
(1903), matatagpuan ang isnag kopya sa Biblioteca saLondres
6. Arte de la Lengua Tagala (1745) ni Sebastian de Totanes
7. Grammatica de la Lengua Tagala (1850) na binubuo ng 171 pahina
8. Nueva Grammatica Tagalog (1872) ni Joaquin de Coria
9. Leciones de Grammatica Hispano- Tagalog (1841- 1904) ni Jose Hevia Campomanes
10. Ensayo de Grammatica Hispano- Tagalog (1878) ni Toribio Minguella

Panahon ng Amerikano

• Dito nagsimula ang siyentipikong pag-aaral ng wika ng mga dayuhang linggwista:


• Herman Costenoble- gumawa ng anim na artikulo sa salitang ugat na binubuo ng isang pantig.
• Otto Scheerer- nagsulat ng aklat at babasahin sa hilagang Luzon noong 1909- 1932
• Morice Vanoverbergh- sumulat ng gramatika at diksyonaryong Iloko, at mga etnograpiyang pag-aaral
sa mga Isneg at Kankanay
• Carlos Everett Conant- gumawa ng sampung pag-aaral sa wika ng Pilipinas mula 1908- 1916
a) Pag-aaral sa ponolohiya ng Tirurui
b) Ebolusyon ng ‘pepet vowel’ sa 30 wika ng Pilipinas
c) Ang mga tunog ng ‘f’ at ‘v’ sa iilang wika ng Pilipinas
d) Correspondence ng mga tunog sa R- G- H- Y- NULL at R- L- D
e) Pag-aaral sa grammatika ng wikang Isinai at mga salitang ugat sa Kapampangan na naging
monosyllabic
• Frank Blake- gumawa ng 15 artikulo sa wika ng Pilipinas at 7 tungkol sa Wikang Tagalog
• Leonard Bloomfield- tinaguriang may pinakamagaling na naisagawang pagsusuri sa wika ng Pilipinas
(morpolohiya at sintaks sa Tagalog, sinuri rin niya ang sintaks ng Ilokano)
• John U. Wolf- gumawa ng pag-aaral tungkol sa morpolohiya at sintaks ng Cebuano at pedagodikal na
libro, gumawa rin siya ng diksyonaryo ng Cebuano Visayan
• David Zorc- gumawa ng klasipikasyon sa wikang Bisaya at gumawa ng rekonstruksyon sa mga ito

Mga Pag-aaral na isinagawa ng mga Pilipino sa Panahon ng Amerikano:

• Cecilio Lopez -kauna-unahang nakatapos ng Doktorado sa larangan ng Linggwistika


– ’Ama ng Linggwistika sa Pilipinas’
– mayroong humigit kumulang 30 na pag-aaral na naisagawa tungkol sa ponolohiya,
morpolohiya at sintaks
– tinalakay rin niya ang mga leksikon sa Tagalog at Malay
• Ernesto Constantino
– mayroong 11 arikulong naisulat mula 1959- 1970 kabilang na dito ang ss:
a. ‘Sentence patterns of the ten major Philippine Languages’
(naghahambing sa istruktura ng mga pangungusap sa iba’t-ibang dayalekto)
b. ‘The sentence patterns of 26 Philippine Languages’
(tinalakay ang uri ng pangungusap batay sa mga istrukturang bumubuo nito at ang mga kaukulang
transpormasyon)
c. ‘Tagalog and other major languages of the Philippines’
(naglahad ng deskripsyon sa mga naisagawang pag-aaral sa linggwistika ng Pilipinas
– At marami pang ibang artikulo at publikasyon hinggil sa mga diksyunaryo ng English- Filipino
atbp.
 Consuelo J. Paz- mahalagang kontribusyon nya ang ‘A Reconstruction of Proto- Philippine Phonemes
and Morphemes (1981)’
– sumulat siya ng mga deskripsyon at ebalwasyon sa mga naunang pag-aaral sa wika ng Pilipinas
 Fe Otanes- katuwang ni Paul Schacter sa pagsulat ng Gramatika ng Wikang Tagalog (1972)
 Teodoro Llamzon- gumawa ng pag-aaral at ponolohiya sa sintaks ng Tagalog
– gumawa rin siya ng mga klasipikasyon sa mga wika ng Pilipinas at pinagtuunan niya ng pansin
ang pagbabago ng pambansang wika at pagpaplano nito

Gramatikang Tagalog/ Pilipino (1893- 1977)

• Ito ay isang mahalagang aklat na isinulat ni Lydia Gonzales- Garcia hinggil sa usapin ng gramatika
• Nilayon ng aklat na ito na suriin ang mga pag-aaral na isinagawa ng mga Pilipino tungkol sa wikang
Tagalog/ Pilipino mula 1893- 1977

A. Mga Pag-aaral na Molde sa Wikang Kastila

• Pinili niya ang mga naturang awtor at pamagat sa paniniwalang sila ang higit na kakikitaan ng
pagbabago sa wika.

1. Jose Rizal- Estudios Sobre la Lengua Tagala (1893)


-mainam ang paglalarawan ni Rizal sa mga bigkas ng mga titik sa Tagalog dahil naihambing ni Rizal ang
titik na katutubo at iba pang banyagang titik
2. Pedro Serrano- Laktaw- Estudios Gramaticales Sobre la Lengua Tagala (1928)
-ipinakilala niya ang makabagong Ortograpiya na siyang gamit ngayon, nakasama na rin dito ang mga
dayuhang titik
3. Rosendo Ignacio- Nueva Gramatica Tagala (1921)
-nagpakilalan ng iba’t-ibang uri ng pangungusap at komplimento (panaguri o predicate)
B. Mga Tagapanguna sa Pananaw Pilipino

• Sa pamamagitan ng kanilang mga akda, makikitang maaring sulatin ang pagsusuri ng wikang Tagalog sa
paggamit mismo ng Tagalog at maaaring makabuo rin ng terminolohiyang Tagalog.

1. Mamerto Paglinawan- pinili siya dahil sa kanyang ‘Balarilang Tagalog’

– Sa kanya rin nagmula ang katawagang ‘pang-ukol’


– Ang kanyang paliwanag sa ‘verbo’ o pandiwa:
• Pasiva - passive voice - palipat
• Activo - active voice - katawanin

2. Ignacio Evangelista- dahil nais niyang patunayang naiiba ang balarilang tagalog, pinagsikapan niyang suriin
ang ang mga inaakala niyang mahalagang sangkap tulad ng:

– Ngalan - nombre - noun - pangngalan


– Pamagat adjetivo - adjective - pang-uri
– Wika verbo - verb - pandiwa
– Samakatuwid, sa panahong ito ay naipasok na ang terminolohiyang balarila at hindi ito unang
ginamit ni Lope K. Santos.

C. Gramatikang Pang-edukasyon

• Sinikap ni Gonzales na suriin ang mga gramatikang ginamit sa pagtuturo sa mga paaralan.

1. Lope K. Santos- Panauhan ng Pandiwa

-’Balarila ng Wikang Pambansa’

-nagpahayag ng wastong gamit ng gitling

-naglinaw ng paggamit ng panlapi bilang activo at pasivo batay sa kung ano ang simuno ng
pangungusap.

2. Cecilio Lopez- ang akda niya ay pagtatangkang ipaliwanag ang wika sa puntong
panlinggwistika

-hindi lubos na naunawaan ng mga mag-aaral ang mga terminolohiyang kanyang ginamit

-ipinakilala niya ang tunog ng wika kaalinsabay ng pagsusuring panlinggwistika

-pag-uulit ng mga pantig at pagpapahaba ng mga pangungusap sa iba’t-ibang paraan

3. Jose N. Sevilla- mas simple ang kanyang pagpapaliwanag na mayroong mga pagsasanay at larawan ng
mga bayani bilang paghahati

-humabi siya ng mga salita batay sa lapi, tulad ng siphanay na mula sa isip at hanay na
nangangahulugang pangungusap.
D. Kontemporaryong Gramatika

• Ito ang mga makabagong gramatika na tinangkang gawin ng mga kontemporaryong awtor at mga
mananaliksik sa wika

1. Teodoro Llamzon- gumawa ng Modern Tagalog (1976)

-pang-akademya’t hindi para sa mga mag-aaral

-Kailangan muna na makabasa ka ng akd ni Martinet at ng iba pang linggwista upang maunawaan ang
akda

-Ibang-iba ang terminolohiyang gamit at lubhang marami siyang pormularyo (formula) na dapat isaulo
upang makasunod sa pattern o makabuo ng salita, parirala o pangungusap

2. Teresita Ramos- Tagalog Structure


3. Alfonso Santiago- Makabagong Balarilang Pilipino 1977

 Ang akda nina Ramos at Santiago ang higit na nauunawaan sa Pilipinas kaysa kay Llamzon.

You might also like