You are on page 1of 41

Western Mindanao State University

COLLEGE OF TEACHER EDUCATION


Center of Training and Development
Zamboanga City
TALAAN NG NILALAMAN

PAMAGAT: PAHINA:

Kasaysayan ng Kurikulum …………………………………………………………………………… 1

Historikal at Saykolohikal na Pundasyon ng Kurikulum ………………………… 2

Pamamaraan sa Pagbuo ng Kurikulum …………………………………………………… 4

Pagbubuo ng Kurikulum sa Batayang Edukasyon …………………………………… 7

K-12 Basic Education Program: Isang Panimula………………………………………… . 9

Mga Benepisyo ng K-12…………………………………………………………………………………… 11

Seksyon I: Pangkalahatang Kaalaman ………………………………………………………… 12

Mga Makabagong Tunguhin sa Pagkatuto ………………………………………………… 14

Seksyon II: Kindergarten…………………………………………………………………………………..

Mga Gawain sa Kindergarten………………………………………………………………………….

Seksyon III: Reporma sa Edukasyon sa Pangmababang baitang………………

Section V: K to 12 Learning Areas…………………………………………………………………….

Ispesyalisasyon ng Pagkatuto sa Senior High School……………………………………

Seksyon VI: Alternatibong Pamamaraan sa Repormang K to 12…………………

Seksyon VII: Reporma sa Alternative Learning System…………………………………

Seksyon VIII: Repoma sa Sistema ng Pagtataya…………………………………………….

Seksyon IX: Mga Guro sa K to 12 ……………………………………………………………………….


Kasaysayan ng Kurikulum

Noong Unang Panahon


• Natuto sa pamamagitan ng sariling karanasan.
• “Survival”

Bago ang pananakop ng mga Kastila


• Matutong bumasa at higit upangmaging huwaran sa kabutihan.
• Ang nilalaman ay halos tungkol sa katutubong paniniwala.
• Kaalamang pambukasyonal at pantahanan.
• Pagbasa at pagsulat (baybayin), pag-aaral ng mga awitin.

Panahon ng Kastila hanggang matapos ang pananakop


• Panahon ng Amerikano
• Di-gaanong nagtagumpay dahil sa kakulangan ng mga aklat, guro, paaralan at iba
pang gamitsa pagtuturo.

1901-1910
• Bagong kurikulum para sa intermedya.
• Hinati sang baitang sa mababang paaralan.
(3 taonsa Primarya at 3 taon sa intermedya)
• Ingles ang wikang panturo.
• Dagdag ng aralin ang relihiyon.

1910-1919
• Bukasyonal ang diin sa intermedya.
• Pampalakasan
• Apat na taong kurso para sa mga nais magturo.
• Panahon ng Amerikano
1919-1924
• Dumami ang mga mag-aaral na nais magturo.
• Binago ang mga aklat.
• Thirty-milion pesos act,1918.
1924-1936
• Monroe survey commission.
• General Office.

Panahon ng Commonwealth
• Diin ay sa pag-uugali at tungkulin ng mga mamamayan.
• Educational of 1940, Commonwealth Act 586.

Panahon ng Hapon
• Nakatuon sa pagiging makabayan.

1950-1971
• Art. II, Sec.4 ng saligang batas
• Artikulo XIV,Sec. 5.

1
Historikal at Saykolohikal na Pundasyon ng Kurikulum

HISTORIKAL NA PUNDASYON

FRANKLIN BOBBIT (1876-1956)


• Ang nagsimula ng “curriculum development”
• The Curriculum: A Summary of the Development Concerning the Theory of the
Curriculum (1918)
• Kurikulum bilang agham na nagbibigay tuon sa mga pangangailangan ng mga
mag-aaral.
• Ang kurikulum ang naghahanda sa mga mag-aaral para sa kanilang kinabukasan.
• Ang layunin at gawain ay magkasama.

WERRET CHARTERS (1875-1952)


 Ang layunin at ang mga gawain ay tugma sa is’t isa. Ang paksang aralin o nilalaman
ay may kinalaman sa layunin. ( Activity- Analysis Approach)

WILLIAM KILPARTICK (1875-1952)


• Ang kurikula ay may gawain na may layuning nakasentro sa mga mag-aaral.
• Ang layunin nito ay ang pag-unlad at paglaki ng bata. Ang pamamaraan ng
proyekto ay naipakilala ni Kilpartick na kung saan ang guro at mag-aaral ang
nagpaplano sa gawain. (“The Project Method”)
• Pinapaunlad ang pakikikapwa/ pakikihalubilo sa iba.

HAROLD RUGG (1886-1960)


• Ang kurikula ay may gawain na may layuning nakasentro sa mga mag-aaral.
• “The Child- Centered School”- nagpakilala sa ideya ng child-centered pedagogy
• Ang layunin nito ay ang pag-unlad at paglaki ng bata. Ang pamamaraan ng
proyekto ay naipakilala ni Kilpartick na kung saan ang guro at mag-aaral ang
nagpaplano sa gawain.
• Pinapaunlad ang pakikikapwa/ pakikihalubilo sa iba.

HOLLIS CASWELL (1901-1989)


• Nakikita ang kurikulum bilang isang organisadong tema ng pakikilahok,
organisadong kaalaman, at interes ng mag-aaral.
• Kurikulum, panuto at pagkatuto ay magkaugnay.
• kurikulum bilang isang nabuong karanasan.

PETER OLIVA (1992-2012)


• cooperative endeavor
• propesyunal na pumaplano.
• Importanteng pagbabago sa pamamagitan ng pangkatang gawain.

SAYKOLOHIKAL NA PUNDASYON NG KURIKULUM

IVAN PAVLOV (1849-1936)


• Ama ng Conditional Theory, S-R theory
• Ang susi sa pagkatuto ay habang bata pa ay sinasanay o hinuhubog sa propesyong
ninanais.
• S.R. Theory ay ang pundasyon ng pagsasanay sa pagkatuto na tinatawag na
indectrimination

2
EDWARD THORNDIKE (1874-1949)

 The Three Laws of Learning


- Law of Readiness, Exercise at Effect

JEAN PIAGET (1986-1980)


• Inilalarawan ang mga pag-unlad ng kaisipang ( Cognitive Development)
• Susi sa pagkatuto; Assimilation, Accomodation at Equilibrium

LEV VYGOTSKY (1896-1934)


• pakikihalubilo sa kapwa
• Ang pagkatuto ay nagdudulot ng pag-unlad sa sarili
• Ang bata ay aktibong kalahok sa kanyang proseso sa pagkatuto

HOWARD GARDNER
• Multiple Intelligence
- Linguistic, Logical-mathematical, musical, spatial, bodily- kinesthetic, interpersonal,
intrapersonal at naturalistic.

ABRAHAM MASLOW (1908-1970)


• Self- Actualization Theory
• Ang batang di naibigay ang pangangailang ng bata ay siyang hindi
magkakainteres na matuto.
• makahubog ng isang produktibo at masayanag mag-aaral na siyang nakakatamo,
umuunlad at nakikilala ang sariling pagkatao.

CARL ROGERS (1902-1987)


• Ang kurikulum ay nakatuon sa proseso at hindi sa resulta, sa pansariling
pangangailangan at hindi sa paksa, sa saykolohikal na kahulugan at hindi sa puntos

3
Pamamaraan sa Pagbuo ng kurikulum
na nakukuha.

1. Pamamaraang “subject-centered” o batay sa disiplina

2. Kalagayan ng Lipunan

 Ang nilalaman ng kurikulum ay batay sa kapaligiran at


pangangailangan ng kurikulum

 Binubuo ang kurikulum ayon sa pangangailangan at kawilihan ng


mga mag-aaral.

Gabay sa Pagbuo ng Kurikulum

 Kurikulum bilang kabuuan ng karunungan na dapat ibahagi

 Tumutukoy ito sa pagbabahagi sa mga mag-aaral ng mga paksang pag-


aaralan, metodo at konteksto sa epektibong proseso at pamamaraan.

 Kurikulum bilang isang produktibong proseso

 Ang gabay na ito ay nakabase sa apat na katanungan na may kinalaman sa


teorya at praktika ng kurikulum na gamit sa edukasyon.

 Anong layunin ng pang-edukasyon ang gustong makamit?

 Anong mga karanasanng pang-edukasyon ang maibabahagi para makamit


ang mga layunin?
3. Paano maisasaayos ang mga karanasang pang-edukasyon sa pagiging epektibo
nito?
4. Paano madedetermina kung nakamit na ang mga layuning pang-edukasyon?

Proseso sa Pagsasagawa ng Kurikulum


1. Pag-alam sa maaaring nilalaman ng kurikulum
2. Pagbuo ng matibay na layunin ng kurikulum
3. Pagpili ng tiyak na layunin ng kurikulum
4. Pag-oorganisa ng nilalaman ng kurikulum
5. Pagbabatay sa mga karanasan ng pagkatuto sa kurikulum.
6. Pag-oorganisa sa mga karanasan ng pagkatuto sa kurikulum.
4
7. Pagsasagawa ng mga epektibong pamamaraan sa pagkatuto ng nilalaman ng
kurikulum.

 Kurikulum bilang Proseso


 Ipinababatid nito na ang kurikulum ay hindi lamang pisikal na bagay kundi
ito ay interaksyon ng guro at mag-aaral.

 Sa Pagpaplano
 Prinsipyo sa pamimili ng nilalaman
 Prinsipyo sa pagbuo ng mabisang daloy ng pagtuturo at pagkatuto

B. Empirikal na Pag-aaral
 Aalamin at pag-aaralan ang pag-unlad ng mga mag-aaral
 Aalamin at pag-aaralan ang pag-unlad ng guro

C. Relasyong Pagpapatibay

 Iaayon ang kurikulum sa iba’t ibang sitwasyon ng paaralan, mag-


aaral,kapaligiran, at organisasyon.

Kurikulum bilang Praksis o Pagganap

 Isinasaad na ang kurikulum ay mapapaunlad sa pamamagitan ng aksyon


at repleksyon. Hindi lamang simpleng plano ang kurikulum kundi ito’y
nakaugnay na matibay sa aktibong paglulunsad at pagsasagawa na ang
sentro ay ang marapat at mabisang aksyon ng impleksyon.

Apat na Mahahalagang Batayan sa Pagbuo ng Kurikulum


1. Lawak o Saklaw ng Kurikulum

Adhikain ng Edukasyon:

- pagkilala sa sarili.

- pakikipag-ugnayan sa kapwa.

- pananagutang pangsibiko.

- kasapatang pangkabuhayan.

- kakayahang mag-isip.

-kakayahang matuto

5
2. Pagkakasunod-sunod ng nilalaman ng Kurikulum

Prinsipyo sa Pagsasaayos ng mga hakbang sa Pagtuturo:

- pagtuturo sa payak tungo sa hugnayan

- pagganyak muna ng mga pinapayak o pinaliit na bahagi

- pagtuturong kabuuan sa pinapayak o pinaliit na bahagi

- pagsasaalang-alang sa pangangailangan ng mga bata at mga bagay na lubhang


kapaki-pakinabang para sa kanila.

3. Pagpapatuloy ng Pagkatuto
- ang pag-uulit ay isinasagawa sa bawat antas o baitang ng pag-aaral

4. Pag-uugnayan ng mga aralin


- naiuugnay ang mga aralin sa mga imperatibo ng edukasyon

6
Pagbubuo ng Kurikulum sa Batayang edukasyon

1. Pormulasyon at Disenyo

Seksiyon 5 ng Batas
- magbubuo ang DepEd ng disenyo at mga detalye ng kurikulum sa pinabuting
batayang edukasyon

2. Mga Pamantayan at Prinsipyo

a. Ang kurikukum ay kinakailangang nakasentro sa mag-aaral, mapansangkot at


angkop sa antas ng pag-unlad.

b. Ito ay makabuluhan,tumutugon at batay sa pananaliksik.

c. Ang kurikulum ay kinakailangang sensitibo sa kultura.

d. Ang kurikulum ay kinakailangang isakonteksto at pandaigdigan.

e. Ang kurikulum ay kinakailangang gumamit ng mga pagdulog na pedagohikong


mapagbuo batay sa pagsisiyasat, mapagmuni, nakikilahok at mapambuod.

f. Ang kurikulum ay kinakailangang umayon sa mga prinsipyo at balangkas ng


Edukasyong Multilingguwal na batay sa Inang Wika (MTB-MLE)

g. Ang kurikulum ay gagamit ng pagdulog na spiral na pagsulong upang matiyak ang


pagkadalubhasa sa kaalaman at kasanayan matapos ang bawat antas

h. Ang kurikulum ay kinakailangang bukas upang maaaring isalokal, isakatutubo at


pabutihin pa ito ng mga paaralan

3. Produksiyon at Pagbubuo ng Materyales

4. Midyum ng Pagtuturo at Pagkatuto


Seksyon 4 at 5 ng batas
- ipahahatid ang batayang edukasyon sa mga wikang nauunawaan ng mga mag-aaral

5. Pakikilahok ng Stakeholder

7
Seksyon 6 ng Batas
- magbubuo ng komiteng kasangguni sa kurikulum na kung saan:

1. Ang kalihim ng DepEd ang siyang maging tagapangulo.


2. Ang kanyang pinahihintulutang kinatawan at mga kasapi ay binubuo ng:
CHED, DOST, TESDA, DOLE, PRC
3. Isang kinatawan mula sa sangay pangnegosyo:
Samahang Pang-industriya sa Information Technology-Business Process Outsourcing (IT-
BPO)

Mga Kwalipikasyon, Pagsasanay at patuloy na pag-unlad na Propesyonal ng mga


Guro

Seksyon 12. Pagtuturo at Pagsasanay sa mga Guro


- magsasagawa ang DepEd at CHED ng mga programa para sa pagtuturo at
pagsasanay sa mga guro, sa pakikipagtulungan ng mga kaugnay na katuwang sa
pamahalaan, akademya, industriya at mga samahang di-pampamahalaan.

1. Pagsasanay sa Nilalaman at Pedagolohiya na In-service


- sasanayin ang mga guro ng DepEd na magpapatupad ng kurikulum ng pinabuting
batayang edukasyon subalit hindi sumailalim sa edukasyon bago ang paglilingkod na
naaayon sa kurikulum ng pinabuting batayang edukasyon

2. Pagsasanay ng mga Bagong Guro


- ang mga bagong nagsipatapos sa kurikulum ng Edukasyong Pangguro na hindi
naaayon sa kurikulum ng pinabuting batayang edukasyon ay sasailalim sa dagdag na
pagsasanay kapag natanggap na sila sa trabaho.

3. Pagsasanay sa Pamumunong Pampaaralan


- ang superintendente, mga prinsipal, mga tagapag-ugnay ng aralin, at iba ang pang
mga pinuno ng mga paaralang pampagtuturo ay sasailalim din sa mga pagsasanay
upang mas mapabuti ang kanilang kasanayan, sa kanilang mga papel bilang mga
pinunong akademiko, administratibo at pangkomunidad

4. Pagsasanay sa mga Tagapag-ugnay ng Sistema ng Pagkatutong Alternatibo (ALS),


mga Tagapamahala sa Pagtuturo, mga Gurong Mobile at mga Tagapagdaloy ng
Pagkatuto

8
K-12 Basic Education Program: Isang Panimula

Pagpapabuti sa Sistema ng Edukasyon sa Filipinas sa pamamagitan ng K to 12,


programang pang-edukasyon
 Mithiing Edukasyon para sa lahat, EFA (Education for All)
Ang itineraryong edukasyon para sa lahat 2015 ay isang mapamulang gawain.
“ang pahabain at pagpapalawak ng batayang edukasyon upang gawing 12 taon na
target tunguhin sa taong 2015.”

Ang Departamento ng Edukasyon, kasama ng mga kaanib nitong stakeholders ay


siyang tumutugon sa madalian at mapamulang pangangailangan upang mapabuti ang
kalidad ng batayang edukasyon sa bansa sa pamamagitan ng isang malawakang
reporma (K to 12).
*** kindergarten, (6) elementarya at (6) sekundarya.
• pagpapabuti ng kurikulum ng batayang edukasyon para sa mag-aaral na
magpakasanay sa mga batayang kagalingan.
• pagpapalawak ng batayang edukasyon sa pamamagitan ng pagdaragdag ng
kindergarten at dalawang taon sa sekundarya.
• Certificates of Competency (COCs)
• National Certifications (NCs)
*Technical Skills Development Authority (TESDA)

Country Years of Years of Total Pre- Total Basic and


Primary Secondary Primary university Pre-university
Education Education and Educational
Secondary Duration

Brunei 6 2/3 3 11/12 2/3 13/14/15

Darussalam

Cambodia 6 3 3 12 1 13
(foundation
year)

Indonesia 6 3 3 12 1 13
(foundation
year)

Lao PDR 5 3 3 11 2 13
(foundation
years)

Malaysia 6 3 2 11 2/3 13/14

Myanmar 5 4 2 11 1 12

9
Philippines 6 4 0 10 - 10

Singapore 6 2 2/3 10/11 2/3 12/13/14

Thailand 6 3 3 12 - 12

Timor-Leste 6 3 3 12 - 12

Vietnam 5 4 3 12 2/3 14/15

(junior
college)

Source: SEAMEO INNOTECH, 2012. K to 12 in Southeast Asia: Regional Comparison of the Structure, Content,
Organization , and Adequacy of Basic Education, Philippines

Mahahalagang Katangian ng Pinahusay na K to 12 Kurikulum

• Ang K-12 kurikulum ay maluwag. Ito ay nakatuon sa pag-unawa para sa


kadalubhasaan at pagtanggal ng mga hindi kailangan at paulit-ulit na kasanayan.

• Ang K-12 kurikulum ay walang pinagdatigan/lubos. Mahusay at maayos na


pagbabagong-kalagayan sa pagitan ng bawat antas sa pamamagitan ng spiral
progression upang magkaroon ng mas makabuluhang pagkatuto.

• Ang K-12 kurikulum ay nauugnay at tumutugon.

• Ang K-12 kurikulum ay mapagyaman.

• Ang K-12 kurikulum ay nakasentro sa mga mag-aaral.

10
Mga Benepisyo ng Repormang K-12

Para sa bawat Indibiduwal at mga Pamilya

 Ang mga mag-aaral na may study loads na decongested ay may mas maraming oras
para mas maunawaang lubos ang ninanais na learning competencies. Karagdagan,
sila ay mabibigyang pagkakataong mas matutunan higit pa sa pang-akademiko sa
pamamagitan ng career pathways program, samakatuwid napapahintulot ang
pangkalahatang pag-unlad na may kasanayan sa buhay.
 Certificate of Competencies or National Certification
 Mas makakapaghanda para sa mas mataas na edukasyon
 Mas makakayang tustusan ng pamilya ang pagpapaaral sa pagpapatupad ng
karagdagang dalawang taon sa sekundarya kaysa sa mga kolehiyo o unibersidad
 I yr. Pre-School – R.A. 10157

Para sa Lipunan at sa Ekonomiya

 Pinapakita sa mga pagsusuri na:


 Bawat 1 taong karagdagan ay nagdudulot ng 10% na pagtaas sa sahod
 Mas matagal na paggugol sa edukasyon ay tumataas ang probabilidad sa trabaho
 Ang dagdag na 1 taon ay pinapataas ang karaniwang na 40 yr. growth sa Gross
Domestic Product ng 0.37 persyento puntos.
 Isang taon ng pag-aaral ay karaniwang nagpapakita ng 25-30 percent rate of return

“ A more educated society may lead to higher rate of investment, make everybody
more productive through the ability to introduce new and better production methods and
lead to introduction of new technologies”

- Hanushek, 2005

Para Rehiyonal at Internasyunal na Pagkilala at Kakayahan

 Ang akademikong digri ng mga nakapagtapos na Filipino ay kikilanin sa ibang mga


bansa
 Ang K-12 kurikikulum ay sinisiguro na ang mga pag-aaral, diploma, at ang digri ng
mga Filipino ay kikilalanin panmalawakan
 Ang makabuluhang pagbabago sa pamantayan ng edukasyon ng daigdig ay
nagdala ng pagtaas sa probisyon ng cross-boarder ng globalisasyon at ang patuloy na
paglawak ng edukasyon na nagresulta sa pagtaas ng kasiraduhang kwalidad ng
edukasyon

11
Seksyon 1: Pangkalahatang Kaalaman

1.1. Ang Kahulugan ng K to 12

 Kindergarten at ang 12 taon na edukasyon ng elementarya at sekundarya


 Kindergarten – 5 taong gulang
 Standardized Kindergarten Kurikulum
 Edukasyong Elementarya – 6 na taon na edukasyon ( Gr. 1 – 6 )
 Edukasyong Sekundarya – Junior High na may apat na taon ( Gr. 7- 10) at Senior
High na may 2 taon (Gr. 11-12)

1.2. Vision

Ang Programang K to 12 Basic Education ay naglalayong makalikha ng mga


nakapagtapos na Filipino na holistically—debelop na may 21st century na kakanyahan na
handa para sa mas mataas na edukasyon, gitnang antas ng iskil debelopment, trabaho at
intreprenurship. Pagkakaroon ng isang kwalidad na education bilang pangmatagalang
solusyon sa underemployment, malnutrisiyon, at kahirapan at ay na kalinya kasama sa
adyenda sa administrasiyong Aquino

Ang mga nakapagtapos na Filipino ay inaasahang

• May sapat na angkin na kasanayan sa batayang kakayahan para sa pag-


unlad nila

• Maging emosyunal na debelop at may kakayahang mamuhay na may


kabuluhan

• May kamalayan sa lipunan, pro-active at kasangkot sa pampubliko at


sibikong kapakanan at nagbabahagi sa progresibong pagbabago,
makatarungan at makataong lipunan

• May sapat na kahandaan para sa mundo ng trabaho o negosyo o sa mataas


na edukasiyon

• Legally employable

• Globally competitive

12
Karagdagan, sila ay mailalarawan bilang mga gradwet na:

 Malusog na pangangatawan at isipan


 May matibay na moral at ispiritwal na saligan
 Pinapahalagahan at iniingatan ang sangkatauhan, ang mundo at kapaligiran
 Ipinagmamalaki na sila ay Filipino

13
Mga Makabagong Tunguhin sa Pagkatuto

LAYUNIN NG K TO 12 KURIKULUM

1. Kasanayan sa Pagkatuto at Pagbubuo

- pagiging malikhain at pagkamausisa

- mapanuring pag-iisip, matalinong pagharap sa mga dilema at pakikipagsapalaran

- kakayahang makiangkop at nakakapag-isip ng sariling desisyon para sa sarili

2. Impormasyon, Midya at kasanayang Panteknolohiya

- nagbibigay ng impormasyon patungkol sa batayang kaalaman sa agham, ekonomiya at


teknolohiya

- kaalamang pangkultural at pandaigdigang kamalayan

3. Mga Kasanayan tungo sa isang Epektibong Komunikasyon

- pagpapangkat, pakikipagtulungan at kasanayan sa pakikipaghalubilo sa kapwa -


pansarili, panlipunan at pampamayanang tungkulin

- interaktibong komunikasyon

4. Kasanayan sa Pagharap sa Realidad ng Buhay at Napiling Karera

- kakayahang makibagay at makihalubilo

- pagkukusa at kakayahang mag-isip ng tama para sa ikabubuti ng sarili

- panlipunan at pangkultural na kasanayan

- kakayahang mamuno, at pagkakaroon ng responsibilidad

Pagkakaiba ng K to 12 sa BEC at SEC

BEC (2002)

- bunga ng muling pagbuo ng NESC (1983) at NSEC (1989) na naglalayong mapausbong ang
dami ng mga de-kalidad na mga Pilipinong mag-aaral na nagsipagtapos taglay ang
pangmatagalan at panghabambuhay na pagkatuto.

14
SEC (2010)

- bunga ng pagwawasto na isinagawa sa BEC na kung saan kasama nito ang Ubd sa
layuning magkaroon ng isang kapaki-pakinabang na kaalaman para sa lahat at pag-unlad
sa mga kasanayang nakapaloob sa pandalawampu't isang siglo na mga kasanayan na
kailangan para sa pandaigdigang pakikipagkompitensya.

K to 12 (2012)

- nakatuon sa pangkabuuang pag-unlad ng mga Pilipinong mag-aaral na may mga


kasanayang nakapaloob sa pandalawampu't isang siglo na mga kasanayan na may
kahandaan sa pagpasok sa buhay na may trabaho, pagnenegosyo at paghahanda sa pag-
apak sa mundo ng kolehiyo.

15
Seksyon II: Reporma sa Kindergarten

Ang Republic Act No. 10157 o ang tinatawag na "The Kindergarten Education
Law" ang siyang lumikha sa Kindergarten bilang pangunahing baitang o yugto sa
elementarya. Ang Seksyon 2 ng batas na ito ang nagtakda na lahat ng mga batang nasa
limang (5) taong gulang ay bibigyan ng pantay na oportunidad sa Kindergarten Education
upang epektibong maitaguyod ang pisikal, sosyal, emosyonal, at intelektwal na pag-unlad
ng mga bata, kasama na ang pagtatag ng kagandahang asal upang sila’y maging handa sa
pagtuntong sa paaralan.

Kahalagahan ng Kindergarten

• Ang edukasyon para sa mga bata sa mga unang taon ang nagsisilbing
pundasyon sa pangmatagalang pagkatuto at kabuuang pag-unlad bata. Ang mga
unang taon mula 0-6 ang pinakakritikal na yugto kung saan ang utak ay lumalaki
ng hanggang 60-70% ng sukat ng matatanda.

 Ang Education for All (EFA) 2015 na ipinaiiral ng Pilipinas, ay nagbigay-diin sa


mahalagang gampanin ng Early Childhood Education (ECE) sa mental na kaunlaran
ng bata. Layunin ng ECE na mapalawak at mapagbuti ang komprehensibong
edukasyon ng mga bata lalo na ang mga batang may mas matinding
pangangailangan at kapansanan.

 Ang DepEd ay may kapangyarihang pangasiwaan ang mga operasyon sa lahat ng


pampubliko at pampribadong programa ng kindergarten. Ito ay upang mapaunlad
ang kurikulum na nakaangkla sa unibersal na pamantayanat upang mapagbuti ang
mga estratehiya sa pagtuturo at magpakilala ng mga inobatibong programa para sa
kagalingan ng mga guro sa kindergarten.

Pangunahing layunin ng Kindergarten

 Kurikulum na maihanda ang bata sa

 realidad ng buhay. Ito ay nakaankla sa

 mga mabisa at epektibong prinsipyo at

 estratehiya.

• Walang pormal na asignatura sa Kindergarten, bagkus ay mayroong 6 na dominyo:

1. Pag-unlad ng Asal

2. Pisikal na Kalusugan at Motor na Paunlad


3. Sosyal ay Emosyonal na Pag-unlad

4. Pag-unlad ng Pagkamalikhain

5. Intelektwal na Pag-unlad

6. Pag-unlad ng Karunungan sa Wika

Base sa 6 na dominyong ito, nagkakaroon ng malinaw na transisyon mula sa


Kindergarten patungo sa elementarya at sekundarya.

Ang tema ng kurikulum ang nagtataguyod ng pagkatuto at pag-unlad na dominyo.


Mayroong anim na tema ng kurikulum:

1. Sarili- Konsepto at mga ideyana tutulong sa bata na mas makilala ang kanyang sarili
upang siya ay umunlad bilang isang tao

2. Pamilya- Konsepto at Ideya na gagabay sa bata upang maging responsable sa pamilya at


maging kapaki-pakinabang.

3. Paaralan-Konsepto at Ideya na tutulong sa bata kung paano makihalubilo sa iba lalo na


sa mga guro, kamag-aral at iba pang kasapi ng paaralan.

4. Lipunan- Konsepto at Ideya na gagabay sa bata upang paging produktibong kasapi ng


komunidad.

6. Iba pang mga bagay- iba pang mga konsepto, kasanayan, at mga sitwasyon na hindi
saklaw ng apat na tema na may kaugnayan sa kutura at interes ng bata.
Mga Gawain sa Kindergarten

Ang mga gawain sa pagtuturo at pagkatuto sa lebel na ito ay nababase sa


mga laro sa kadahilanang isinaalang-alang nito ang kakayahan o antas ng pag-unlad ng
mga batang nabibilang dito.

Ang mga halimbawa nito ay ang mga sumusunod:

Two-track method

 pagkukuwento at pagbabasa, pakikinig sa mga kuwento at gawaing pasalita.

Interaktibong Gawain

Mga larong minamanipula


Ang pagtataya sa Kindergarten

 Ang kindergarten ay may sinusunod na mga gabay na simulain sa pagtataya ng pag-


unlad:

 Ang pagtataya ay isinasagawa upang masubaybayan ang pag-unlad ng


bawat mag-aaral nang sa gayo’y maipaalam o maibalita ito sa kanilang mga
magulang.

 Mahalaga ang pagtataya sa pagtukoy ng pangangailangan ng bawat mag-


aaral sa pagtamo ng kabuuang pagkatuto. Ito’y hindi lamang upang masukat
ang pang-akademikong pag-unlad nila.

 Mahigpit na pinagbabawal ang pagsasapubliko ng ano mang kinalabasan ng


pagtataya ng mga mag-aaral.

 Ang pagbibigay ng marka ay dapat na maging kwalitatibo o deskriptibo at hindi


lamang sa bilang.

 Upang higit pang mahikayat ang bawat pamilya at ang komunidad, maaaring
magbigay-alam ang paaaralan sa mga pangkalahatang resulta ng kanilang unang
mga taon.

School Readiness Assessment Examination

 upang masukat ang kahandaan ng mga batang kindergarten para sa unang


baitang, ang DepEd ay nagsasagawa ng School Readiness Assessment Examination
(SReA). Ang SReA ay naka-angkla sa mga pamantayan at competencies na para sa
limang taong gulang na bata. Ito ay isang pagtataya bago pumasok ang isang bata
sa unang baitang ng Basic Education at ang wikang ginagamit rito ay ang kanilang
unang wika.

 Sa pamamagitan ng SReA, ang mga guro sa unang baitang ay magkakaroon ng


tumpak at masasaligang basehan sa kaalaman at kasanayan ng mga bata bago sila
papasok sa unang baitang sa paaralan.

 Ito’y makatutulong sa pagpaplano ng angkop na mga aralin, gawain at mga


kagamitang pampagtuturo. Ang SReA ay binubuo ng dalawang bahagi:

Unang bahagi:

 Ito’y binubuo ng limampung aytem na susukat sa basic competencies ng bawat bata.

Ikalawang bahagi:

 Binubuo ng mga katanungan para sa mga magulang upang matukoy ang


kakayahan ng kanilang anak sa pag-unlad ng kanilang kasanayan sa larang ng
socio-emotional at self-help domains.
Kindergarten Unang Baitang (Grade 1)

Dominyo Asignatura Core Learning Areas

Pisikal na Edukasyong
kalusugan, well- pampalakasan at
being at motor pangkalusugan
development Edukasyong
pampalakasan,
Kalusugan, Musika at
Sining
Malikhain at Musika at Sining
aestetikong pag-
unlad

Edukasyong
Socio-Emotional na Pagpapakatao
pag-unlad Edukasyong sa
Pagpapahalaga at
Araling Panlipunan

Araling Panlipunan
Karakter at Moral
na pag-unlad

Matematika
Matematika
Intelektwal na
pag-unlad
Agham

Ingles, Filipino at Unang


wika
Paglinang sa wika Wika

Wikang pampagtuturo sa Kindergarten

 Ang kindergarten hanggang ikatlong baitang ay gumagamit ng mother tongue based


multilingual education (MTB MLE).

 Ang unang wika ng mga bata ay ang magiging pangunahing wikang gagamitin sa
pagtuturo sa kindergarten hanggang ikatlong baitang.
Seksyon III: Reporma ng Edukasyon sa Pangmababang
Baitang

Mga Pangunahing Pagbabago sa kurikulum

• Wikang Pampagtuturo

Paggamit ng unang wika bilang midyum sa pagtuturo sa Una hanggang Ikatlong baitang sa
Elementarya.

• Learning Areas

Ang Unang wika bilang magiging karagdagang asignatura mula Una hanggang Ikatlong
baitang. Ang MAPEH ay ituturo na sa Unang baitang.

• Assessment

Ang Grade-6 NAT ay pinalitan ng End-of-Grade-6 Assessment at magsisilbing pagsusulit


bilang pagtataya sa pagtatapos ng ika-anim na baitang gayundin bilang paghahanda sa
pagpasok sa ika-pitong baitang.

Mother Tongue-Based Multilingual


(MTB MLE)

• Ang Unang wika ng bata ay gagamitin bilangpangunahing wikang pampagtuturo


(Preschool-ikatlong baitang).

• Ang unang wika ang siyang gagamitin sa pagtuturo upang magkaroon ng ganap na
pag-unawa sa konsepto at kadalubhasaan lahat ng asignatura.

Wikang Pampagtuturo sa Elementarya


Section V: K to 12 Learning Areas

5.1 Lawak ng Sukat o Lagay ng Pagkatuto

Nagkaroon ng isang malawakang pagbabago sa sistema ng edukasyon sa ilalim ng


programang

K-12 ng pamahalaan kaakibat ang DepEd, mula grade 1 hanggang sa pagpasok ng grade 12.

(Learning Areas)

Wika: Mother Tongue, Filipino at Ingles.

Sining at Humanidades: musika, sining, edukasyong pampisikal at kalusugan (MAPEH),


Edukasyon sa Pagpapahalaga at Araling Panlipunan.

Agham at Matematika

Teknolohiya at Edukasyong Pangkabuhayan

Nagkaroon ng mga pagbabago sa katawagan ng ilang mga asignatura.

Edukasyong Pagpapahalaga Sekundarya

Edukasyon sa Pagpapakatao Elementarya

Science and Health Science Health (MAPEH)

MAKABAYAN (Araling Panlipunan, Edukasyong Pagpapahalaga, MAPEH at TLE)

Ang mga Co-curricular programs ay naging ekstensyon ng mga Core Subject Areas
bilang kabuuang bahagi ng proseso ng pagtuturo’t pagkatuto.

5.1.1 Integrasyon ng mga Wika

Ito ay naglalayong mapa-unlad ang kagalingan sa pakikipag-ugnayan gamit ang


tatlong wika: Mother Tongue, Filipino at Ingles.

Ang konteksto ng integrasyong ito ay naka-angkla sa konsepto ng multilingualism.

Grade 1-3 (Mother Tongue)

Grade 4- … (Filipino at Ingles)

[pasalita at pasulat– Filipino (1st semester)]

[pasalita– Ingles (2nd semester)]


Spiral progression

Sekundarya– binibigyang tuon ang pagbasa tungo sa pag-unawa ng iba’t ibang teksto,
pagsulat at komposisyon, pag-aaral at estratehiya sa pag-iisip (pag-unlad ng kritikal at
masining na pag-iisip).

Panonood ay dagdag na makrong kasanayan (pakikinig, pagsasalita, pagbasa at pagsulat)

Nilalaman ( print and electronic texts) na naaayon sa edad, konteksto at kultura.

5.1.2 Matematika

Pagpapatuloy ng mga natutunan mula K-10.

Ang pag-usad ng mga paksa sa sekundarya ay spiral.

Ang dagdag na 11 at 12 ay dagdag na oras upang malinang pa ng husto ang kaalaman at


kasanayan ng mga mag-aaral sa iba’t ibang konsepto na napapaloob sa asignaturang
matematika.

Oportunidad para sa mga mag-aaral na pumili ng advance mathematics bilang elektibo


(engineering and sciences, business and entrepreneurship, technical or applied mathematics).

5 Content Areas (mathematics)

Numbers and number sense


Geometry
Patterns and algebra
Measurement
Statistics and probability

Specific Skills and Processes

Knowing and Understanding


Estimating, computing and solving
Visualizing and modelling
Representing and communicating
Conjecturing, reasoning proving and decision-making
Applying and connecting
AGHAM

Ang kurikulum sa Agham ay naglalayong mahubog ang kabatirang


pansiyensya sa paggamit at paglapat ng mga kaalamang ito tungo sa pansosyal,
pangkalusugan at pangkapaligirang pagtatamo.

Ang kurikulum ay may matibay na koneksyon sa agham at teknolohiya


kabilang na rito ang mga katutubong teknolohiya upang maipreserba ang mga natatanging
kultura ng bansa.

Gr. 1 at 2

- nilalaman ng agham at kakayahang pagproproseso

Gr. 3 at 6

- spiral progression approach

- Konsepto ng agham at paglalapat sa lahat ng asignatura.

Ang K-12 kurikulum sa agham ay “isang learner-centered” at “inquiring based” , na


binibigyang-diin ang paggamit ng mga ebidensya sa pagbuo ng mga paliwanag.

Konsepto at kakayahan sa buhay, Agham, Pisika, Kimika, Earth Science ay inilahad ayon sa
pagtaas ng lebel ng pagkakumplikado mula Gr. 1 patungo sa ibang Gr., kung sa gayoon ito
ay isang daang tungo para sa mas malalimang pagkaunawa sa susi ng konsepto.

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO
(VALUES EDUKASYON)

ELEMENTARYA

“Character Education” ay pinaltan ng Edukasyon sa Pagpapakatao na nakatuon sa


paghasa sa kapabilidad ng bawat indibidwal na makagawa ng isang moral at etnikal na
desisyon at aksyon.
Pagkakaltas sa “Learning Competencies” at may mas maraming oras na nakalaan sa
asignaturang ito.

SEKUNDARYA

Nakabase sa etikal at paggabay sa tatahaking karera


Sumasaklaw ito sa mga konseptong pansarili at pansangkatauhan, pagpapahalagang
moral, mga pipiliing karera sa buhay at responsibilidad
Ang Edukasyon sa Pagpapakatao ay inaasahang maidebelop ang etika ng mga kabataan
upang makagaa ng isang responsableng pagdedesisyon at aksyon na ikakabuti ng
nakakarami.

Kinapapaligiran ng 5 Makro-Kasanayan

1. Pagkakaunawaan
2. Pagsasalamin/ Repleksyon
3. Pagkonsulta
4. Paggawa ng Desisyon
5. Pagganap
May 4 na tema mula Kindergarten hanggang Grade 10

Pansarili at Pampamilyang Responsibildad


Pakikipagkapwa
Kontribusyon sa Pambansang Pag-unlad at Pandaigdigang Pagkakaisa
God-centered at Pagkiling sa Kabutihan.

Musika, Sining, Edukasyong Pangkatawan at Pangkahulugan

Musika- ang natatanging asignatura sa paaralan na nagtataglay ng lahat, nagbibigay ng


direktang pagtuturo sa pagbabasa, kasanayan ng memorya, kasanayan ng mga kaalaman
at pati na rin sa edukasyong pampisikal.

Sining – Ekspresyon o aplikasyon ng malikhaing gawain at imahinasyon ng tao sa iba’t-


ibang anyo , musika, sayaw, pintura, eskultura, na pinapahalagahan sa kagandahan o
estetika at epektong emosyonal nito.

Ang musika at sining na kurikulum ay nakatuon sa mag-aaral na kapwa tumatanggap at


bumubuo ng kaalaman, kasanayan at pagpapakatao na kinakailangan para sa malikhaing
pagpapahayag at kaalamang pangkultura.

Ang disenyo ng kurikulum ay nakasentro sa mag-aaral, na nakabase sa spiral progression


at sa performance-based learning.

Upang maging epektibong magkaugnay ang musika at sining sa pagpapaunlad ng kanyang


sariling pagkakakilanlan ng kultura at pagpapalawig ng kanyang paningin sa mundo.

Ang musika at sining ay performance-based disciplines

Mangyayari lamang ang epektibong pag-aaral sa pamamagitan ng

Aktibong karanasan

pakikilahok at pagganap
malikhaing ekspresyon
estetikong balwasyon
kritikal na pagtugon at interpretasyon

Kakayahang nabuo

Pagbabasa
pag-iintindi
Pakikinig
pag-oobserba.

Gumaganap

Pagkanta
paggamit ng mga instrument
pagkilos
pag-akting at paglalaro
Pagtugon

Pag-aakda at Paglikha

Ang edukasyong pangkalusugan mula Kindergarten hanggang Grade 10 ay nakatuon sa


pisikal, mental, emosyonal, sosyal, moral at sukatang ispiritwal ng holistic health at upang
magtamo ang mga mag-aaral ng mga mahahalagang kaalaman, pag-uugali at
mahalagang kakayahan upang mitaguyod ang tamang nutrisyon at pagpigil at pagkontrol
ng karamdaman, maling paggamit at pag-aabuso ng mga sangkap, pagpapababa ng
health-related risk behaviors upang pigilan at kontrolin ang kapamahakan na may
tunguhing panatilihin at pagbutuhin ang personal, pamilya, komunidad at ukol sa
kapaligirang kalusugan.

Edukasyong Panteknolohiya at Pangkabuhayan (T.L.E.)

- nakatuon tungo sa pag-unlad ng kahusayang panteknolohiya .

- binuo sa pamamagitan ng sapat na kahusayan sa pagkakaroon ng angkop na kaalaman


at impormasyon, kasanayan at pagpoproseso at ang pagtatamo ng angkop na
pagpapahalaga sa aspektong pangkabuhayan at panghabambuhay na kasanayan.

- isang asignaturang pangkasanayan ngunit ito rin ay nangangailangan ng pagganyak.

- pagkatuto sa pamamagitan ng pagsasagawa.

- gumagamit ng pamamaraang integratibo.

Daluyan ng Edukasyong Panteknolohiya at Pangkabuhayan

1. Training Regulations Based T.L.E.

2. Entrepreneur Based T.L.E.

- ang bawat paaralan ay binibigyan ng pagkakataong mamili kung anong uri ng daluyan
ang kanilang ihahandog.

- parehong nakabatay sa Training Regulations.

Ispesyalisyon ng Edukasyong Panteknolohiya at Pangkabuhayan

Agri- Fishery arts


Home Economics
Industrial Arts
Information and Communication Technology

Balangkas ng Edukasyong Panteknolohiya at Pangkabuhayan

Nakabatay sa konteksto
Integratibo
Nakabatay sa karanasan
Mapagbuo
Awtentikong pagkatuto
Kaalaman sa Pagnenegosyo
Ispesyalisasyon ng Pagkatuto sa Senior High School

- binubuo ng Grade 11 (core subjects)at 12 (internship o immersion)

- ang mga programang inihahandog ay binubuo ng mga pagpapahalaga ng mga kurikulum

- ang mga nilalaman ng iba't ibang ispesyalisasyon ng pagkatuto ay nakabatay sa College


Readiness Standard ng CHED

- English, Filipino, Math, Science (core subjects)

- Panitikan ng Filipinas, Panitikan ng buong Daigdig at Pilosopiya ng isang indibidwal na


katauhan

Mga Asignaturang inihahandog sa Senior High School:


Seksyon VI: Altenatibong Pamamaraan sa Repormang K to 12

Alternatibong Pamamaraan sa Pagtuturo: Gabay sa Edukasyon

Ang pagpapalawig ng sakop ng edukasyon ay nangangahulugan ng karagdagang


bilang ng mga guro, silid-aralan, kagamitang pampagtuturo atbp. Dahil dito, ang
Departamento ng Edukasyon ay naghanap ng alternatibong pamamaraan (Alternative
Delivery Modes or ADM) na napatunayang epektibo sa paglutas ng mga problemang may
kaugnayan sa edukasyon.

Ang ADM ay isang di-kumbensyonal na paraan kung saan natututo ang mga mag-
aaral sa pormal na edukasyon. Sinisiguro ng ADM na kahit na may kakulangan sa mga guro
at silid-aralan, ang mga Pilipino’y may akses pa rin sa edukasyon.

ADM para sa mga Mag-aral sa Elementarya

1. Multigrade Instruction

-alternatibong kaparaanan sa pormal na edukasyon kung saan may iisang guro


lamang para sa dalawa o higit pang magkakaibang baitang sa iisang silid-aralan. Ito’y
kadalasang nangyayari sa mga malalayong lugar na may mababang bilang ng mga mag-
aaral. Halimbawa, ang mga una at ikalawang baitang ay ipinagsasama, ikatlo at ikaapat
na baitang, gayundin ang ikalima at ikaanim na baitang.

Para masiguro ang kalidad ng edukasyon, madaming mga magkakaibang


estratehiya ang ginagamit sa multigrade na klase. Maaaring gumamit ang guro ng iba’t
ibang teknik upang matugunan ang pangangailangan ng mga mag-aaral. Maaari ring
pangkatin ng guro ang mga mag-aaral sa pamamagitan ng kanilang kakayahan, depende
sa layunin na nais matamo ng guro. Ang paghahati-hati ng kurikulum ayon sa layunin sa
paraang modyul ay maaari ring magamit.

2. Modified in-school off-school Approach (MISOSA)


Ito’y isang paraan ng pagkatuto na hindi lamang nakasentro sa apat na sulok ng
klasrum kundi maging pati sa tahanan at sa komunidad.

Ang misosa ay kombinasyon ng pormal at di-pormal na edukasyon upang makamit


ang pangangailangan sa guro, klasrum at kagamitang pampagtuturo. Sa ilalim ng MISOSA,
ang isang klase ay papangkatin sa dalawa.

Ang unang pangkat sa loob ng itinakdang oras ay pupunta sa paaralan samatalang


ang ikalawang pangkat naman ay matututo sa kanilang mga tahanan o iba pang lugar
gaya ng Brgy. Hall. Ang kanilang pagkatuto’y sa pamamagitan ng modyul o pagsasagawa
ng iba pang mga gawain. Pagkatapos ng itinakdang oras ay magpapalitan na naman ang
dalawang grupo.

3. Instructional Management by Parents, the community and Teachers (IMPACT)


Ang sakop ng serbisyo ng edukasyon na hindi abot ng pormal na edukasyon ay
maaari ring ibigay ng IMPACT. Ang IMPACT ay nadebelop ng SEAMEO INNOTECH upang
matugunan ang labis na bilang ng mag-aaral sa paaralan at pagtaas ng porsyento ng drop-
outs. Ito’y isang sistema kung saan ang mga magulang, guro at ang komunidad ang
nagtutulungan upang mabigyan ng dekalidad na edukasyon ang mga mag-aaral.

Ang mga kagamitang pampapagtuturo ay nakabase sa rasyunal na istandard ng


Departamento ng Edukasyon. Ito’y gumagamit ng audio at video tapes sa pagtuturo ng
Ingles, Siyensya, Matematika, Filipino atbp.

Ito’y may tatlong bahagi

1. Programang pagtuturo kung saan ang mga matatalinong mag-aaral ang nagsisilbing guro
na gumagamit ng espesipikong hakbang.

2. Pangkatang pagkatuto na may 6-8 na mag-aaral na may magkakaibang kakayahan


ngunit magkakatulad sa core module

3. Sariling Pagkatuto

ADM para sa Mag-aaral sa Sekundarya

Isa sa mga ADM sa sekundarya ang Effective and Affordable Secodary Education
(EASE) Program ay dinisenyo at inimplemeta upang umagapay sa pormal na sistema ng
edukasyon. Ito ay upang matugunan ang problema ng mga Pilipinong hindi nakapasok sa
paaralan dahil sa iba’t ibang dahilan.

Layunin ng EASE Program na matugunan ang pangangailangan ng mga mag-aaral


na hindi napunan ng kumbensyonal na sistema ng pagkatuto. Ginagawang posible ng EASE
Program ang pagkatuto sa labas ng paaralan at sukatin ang kanyang kaalaman pagbalik
niya sa paaralan.

Open High School System


Ito’y para sa mga taong walang sapat na oras para sa pagpasok sa pormal na
edukasyon.

Ang asignatura at sistema ng paggagrado ay katulad sa regular na mga hayskul.

Ang EASE at OHSP ay parehong bahagi ng DepEd Bureau of Seconady Education’s


Drop-out Reduction Program (DORP) upang matugunan ang pangangailangan ng mga
mag-aaral.

Sa ilalim ng DORP, ang mga SARDOs (Students at risk of dropping-out) ay binibigyan


ng 3 paraan upang matuto:

1. Modular System

2. Internet-based Learning

3. Blended Technology
Seksyon VII: Reporma sa Alternative Learning System

7.1 EDUKASYON PARA SA LAHAT SA PAMAMAGITAN NG ALTERNATIVE LEARNING


SYSTEM.

 tinutumbasan ng ALS ang mga gawain o programa ng pormal na sistema ng


edukasyon sa pagtugon ng mga batayang pangangailangan sa pagkatuto ng bawat
Filipino, partikular na ang mga taong nasa mababang antas ng lipunan.

 Ang ALS ay kaagapay na sistema ng pagkatuto kung saan ito ay nagbibigay ng


alternatibong pamamaraan para sa kasalukuyang kalakaran ng pagtuturo sa
pormal na edukasyon.

 Kapwa nito saklaw ang di-pormal at impormal na pinagkukunan ng kaalaman at


kasanayan.

 nakapaloob sa AlS kurikulum ang 5 strands nakabase sa “operational definition of


functional literacy”. Ang mga kasanayang ito ay:

 Komunikasyon

 Pagtugon sa suliranin at mapanuring pag-iisip

 Wastong paggamit ng pinagkukunang yaman at pagiging produktibo

 Pansariling pag-unlad at kamalayang panlipunan

 Pagpapalawak sa hangarin ng isang indibidwal

 sa ALS, mahalaga ang ginagampanang papel ng unang wika sa pagtamo ng


kasanayan sa batayang literasi ( pagbasa at pagsulat). Ang unang wika o ang
linggua franca ng isang lugar ay ang siyang gagamitin bilang midyum ng pagtuturo
at sa mga kagamitang pampagtuturo tulad ng modyuls.

 sa ALS, mahalaga ang ginagampanang papel ng unang wika sa pagtamo ng


kasanayan sa batayang literasi ( pagbasa at pagsulat). Ang unang wika o ang
linggua franca ng isang lugar ay ang siyang gagamitin bilang midyum ng pagtuturo
at sa mga kagamitang pampagtuturo tulad ng modyuls.

7.2 MGA PROGRAMA NG ALS

 sa kasalukuyan, ang DepEd ay nagbibigay ng mga programa sa ALS sa


pamamagitan ng Bureau of Alternative Learning. Ang mga programang ito ay ang
mga sumusunod:

Basic Literacy Program

 Tumutugon sa mga hindi nakapag-aral o hindi nakatanggap ng batayang


edukasyon.

 Community-based Educational Program for out-of- schools children, youth and adult.
Accreditation and Equivalency (A&E) Progam

 Inaalok sa mga hindi umabot ng 10 taon ang pag-aaral sa batayang edukasyon.

 Ang (A&E) ay isang sertipikasyon ng pagkatuto para sa mga kabataan at


matatandang 15 taong gulang pataas na hindi nakapag-aral at hindi nakatanggap
ng pormal na edukasyon o ang mga “dropped outs” mula sa elementarya at
sekundarya.

 Matapos maipasa ang pagtatayang (A&E), ang nakapasa ay makapagtatamo ng


sumusunod na oportunidad:

 Muling makapagtrabaho

 Muling makapasok sa pormal na pag-aaral

 Matuto ng mga mahahalagang kasanayan sa buhay upang ganap at aktibong


makalahok sa politikal, sosyal at pang-ekonomiyang pamumuhay sa komunidad.

 Makapasok ng kolehiyo o unibersidad

 Makapasok sa ibang di pormal na programa na nag-aalok ng pagsasanay

 Makapasok sa ibang pormal na programa na nag-aalok ng pagsasanay

Indigenous peoples (IP) Education

 ito’y isang programa na naglalayong bumuo ng isang kurikulum na sensitibo sa


kultura ng mga katutubong tao, kagamitang pampagtuturo at imstrumento sa
pagtataya.

 Para sa IP Education ang mga nakapaloob na core areas sa kurikulum ay:

a. Buhay pamilya

b. Sibikong kamalayan

c. Kapaligiran

d. Kalusugan, Kalinisan at Nutrisyon.

e. Ekonomiya at Kita

Informal Education Program

 Nagbibigay oportunidad para sa kabataan, magulang at mga batang lansangan na


makapagtamo ng kaalaman, kasanayan, tamang pag-uugali at asal mula sa pang
araw-araw na karanasan sa bahay, trabaho, paglalaro at maging sa buhay mismo.

 upang mas maraming matulungang mag-aaral ang ALS ay gumagamit ng iba’t


ibang paraan ng pagtuturo tulad ng:

1. Face to face instruction

2. Radio based instruction


3. Computer based instruction

4. Independent Learning

7.3 MGA PAGBABAGO SA ALS SA ILALIM NG PROGRAMANG K TO 12.

 partikular na mga taong makakabenepisyo sa programa ng ALS.

 Mga katutubong tao


 Drop outs galing sa mahihirap na pamilya
 Komunidad ng mga Muslim
 Biktima ng krisis (giyera)
 Child and youth laborers
 Mga taong may kapansanan
 Preso/ taong nasa piitan
 Mga taong walang tirahan, taong lansangan at single parents.

 Upang magkaroon ng pantay na pagkilala sa mga nakapagtapos sa ALS at sa mga


nakapagtapos sa pormal na sistema ng edukasyon, ang ALS ay nagbigay diin sa
parehong pamantayan ng pagtatamo ng kasanayan sa pormal na edukasyon.

 Graded and non-graded modules

 Accreditation and Equivalency test para sa akademiko at teknikal na kasanayan


Seksiyon VIII : Reporma sa Sistema ng Pagtataya

Mga Katangian ng Pagtataya sa K-12

 Ang K-12 ay magkakaroon ng tiyak na pagtataya, Patatahas at disenyo sa dalawang


pamamaraan ng pagtuturo.

 Edukasyong Pormal

 Alternatibong Edukasyon

 Nakasentro sa mga Mag-aaral.

o Kasanayang pang-ika dalawampu't isang siglo

 Pananaliksik

 Analitikal/kritikal

 Praktikal

 Malikhain

 Cognitive (kaalaman) at Non-cognitive skills (kasanayan)

 Pagpapahalaga

 Motibasyon

 Pag-uugali

 Pagkilos

 Pakikisalamuha

Pagtatayang Pangklasrum sa ilalim ng Programang K-12

 Formative Assessment (Pagtataya sa Kaalaman)

 Summative assessment (Pagtataya ng Kaalaman)

Ang proseso ng pagtataya sa ilalim ng K-12 kurikulum ay kinabibilangan ng paggamit


ng iba't ibang lunsaran tulad ng tradisyunal at awtentikong pagtataya't pamamaraan.

 Mapaniniwalaan

 Mapananaligan

 Makatotohanan

Pagmamarka ng kalalabasan

ng kabuuang Pagkatuto

 Estandardisasyon sa proseso ng pagtuturo at pagtataya (Standard-based).


 Kaalaman

 Proseso

 Pag-unawa

 Pagsasakatuparan

(Produkto/resulta)

Sa katapusan ng quarter,ang pagbibigay ng marka sa bawat mag-aaral ay


nakabatay sa iniatas na lebel ng kahusayan na makabuluhang tinutumbasan sa gamit ang
kwalitatibong pamamaraan.

 Simula

 Pag-unlad

 Patungo sa kahusayan

 Ganap na kahusayan

 Lubos na kahusayan

Pambansang Sistema ng Pagtataya sa Ilalim ng Programang K-12

Ang mga pagtataya sa ilalim ng programang ito ay naglalaying masukat ang


kalagayan at naabot na kahusayan ng naturang programa at upang magsilbing pagtataya
sq kahandaan sa mas mataas na edukasyon.

Basic Education Curriculum (BEC 2002)

 NAT (National Achievement Test)

K-12 Curriculum

 End of Grade-6 Examination

 End of Grade-10 Examination

 End of Grade-12 Examination

 End of Grade 3- Summative Assessment

 EGRA

-Early Grade Reading Assessment

 EGMA

-Early Grade Math Assessment


Seksyon IX: Mga Guro ng K-12

Ang repormang pang-edukasyon ng K-12 ay papataasin ang sistema ng edukasyon ng


ating bansa at kahany nito ang mga kakailanganin para sa 21st century. Kinakailangan
dito na ang mga guro ng K-12 ay debelop ang mahalagang kaalaman, kakayahan, pag-
uugali at pagpapahalaga ng mga mag-aaral upang magawa nilang makibagay sa
pababagong nagaganap.

Katangian ng mga Guro ng K-12

Multi-literate- Habang ang 21st century ay pinapalawak ang ating pagkatuto, ang literacy o
“abilidad na makilala, makaintindi, makabigay-kahulugan, makalikha,
makipagkomunikasyon at mataya ang mga nakaimprenta at nakasulat na mga materyal”
ay kinakailangan ring mapalawak ang pagiging literato sa midya at mga digital na
kagamitan.

Multispecialist- ang mga guro ay kinakailangang maalam hindi lamang sa kanilang


paksang-aralin na itinuturo kundi pati na rin sa iba pang paraan na makakatulong sa kanila
na magamit ng mga mag-aaral ang kanilang mga natutunan hindi lamang sa loob ng
paaralan pati na rin sa labas.

Multiskilled- Upang makasabay sa lumalawak na pangangailangan ng oportunidad sa


pagkatuto, ang mga guro ay dapat maging mahusay hindi lamang sa pagtuturo kundi pati
na rin sa paggabay at pagsasagawa ng maramihang gawain.

Self-directed- Ang mga guro ay marunong simulan ang aksyon at upang magdulot ito ng
bunga sa nais makamit na pagkatuto ng mga nag-aaral at layuning pang-edikasyon ng
bansa.

Life-long Learner- Ang mga guro ng K-12 ay hindi tumitigil o natatapos matuto.

Flexible- Ang mga guro ay sapat marunong makiangkop o makibagay sa iba’t ibang estilo
ng pagkatuto, pagtututo at mga pangangailangan ng mga mag-aaral.

Creative Problem Solver- Ang mga guro ay dapat maparaan, marunong gumawa ng
solusyon sa bawat problemang kakaharapin.

Critical Thinker- Ang mga guro ay dapat mapanuri upang mas mapagalaw ang nga isipan
ng mga mag-aaral.

Has Passion for Excellent Teaching- Ang ordinaryong guro ang sadyang nagsasalita lang at
nagbibigay ng mga panuto sa mga mag-aaral, ngnuit ang mga guro ng K-12 ay may
pagsinta sa kanyang pagtuturo na ginaganyak ang mga mag-aaral na matuto at
magtagumpay sa buhay.

High Emotional Quotient (EQ)- Para maging isang matagumpay na guro ng K-12, ang isa
ang hindi lamang kinakailangan ng utak kundi may puso rin sa pagtuturo. Ang pagtuturo
ay pandamdaming pagbubuwis at maimpluwensyal na trabaho na sinasangkutan ng
pakikipag-interaksyon o pakikihalubilo sa iba’t ibang tao.
Gampanin ng mga Guro sa Programang Pang-Edukasyon ng K-12

 Ang K-12 edukasyon ay hindi nangangahulugan na ang mga guro ay magkakaroon


ng mas madaming gawaing pasan.
 May decongestion sa kurikulum na matutulungan ang mga guro na magpokus sa
pagsasanay sa kanyang kakayahan.
 May pre-service at inservice na pagsasanay upang maihanda ang mga guro sa pag-
implementa ng programng K-12.

Mga Tagubilin sa mga Guro ng K-12

 Maunawaan ang makatwirang paliwanag ng K-12 at implikasyon na idudulot nito.


 Makamit ang mga katangian at kakayahan ng mga guro ng K-12.
 Maging handa sa implementasyon ng programang pang-edukasyon ng K-12 sa
pamamagitan ng pakikilahok sa mga oryentasyon at pagsasanay na hinahandog ng
K-12.
 May kakayahang maipaliwanag ang programa pang-edukasyon ng K-12 sa mga
stakeholders gaya ng mga mag-aaral, magulang, at iba pang miyembro ng
komunidad.

You might also like