You are on page 1of 7

Ang Kurikulumsa Filipino: Batayanng Pagtuturo sa Sekondarya 

Lydia B. Liwanag, Ph. D.


Dalawa ang pangunahing dahilan kung bakit itinuturo ang Filipino sa ating mga paaralang
pambansa.
Ang mga dahilang ito ay nakatadhana sa umiiral na patakarang pangwika na ipinatutupad
kaugnay ng gagamiting wikang panturo sa mga paaralan.
Una, ituturo ito bilang isang sabjek o aralin na bahagi ng kurikulum sa elementarya at
sekundarya. Ikalawa, gagamitin ang Filipino bilang wikang panturo sa mga tiyak na sabjek o
aralin na iniatas sa Patakarang Bilinggwal noong 1974 at 1986.
Malinaw ang pagkakaiba ng dalawang layunin subalit magkatuwang ng kaganapan sa
pagkatuto. Kinakailangang matutuhan ang Filipino bilang isang wikang may sariling kakanyahan
upang magamit ito sa pagkatuto ng iba pang sabjek na itinuturo sa Filipino at magiging tulay din
ito sa pagkatuto ng Ingles na pangalawang wika ng mga mag-aaral.

Ang Pagtuturo ng Wika Batay sa DepEd Kurikulumsa Filipino 


Sa ipinatupad na kurikulumng DepEd para sa pagtuturong Filipino may mga pananaw at
simulain sa pagkatuto ng wika na binibigyang pansin. Una ay ang pagkakaroon ng interaksyon
sa pagitan ng mga mag-aaral, ng guro at ng teksto.
Mas mabisa ang pagkatuto kung nabibigyan ng pagkakataon ang mga mag-aaral na mag-
isip, magpalitang-kuro at tumanggap ng ideya mula sa iba. Ikalawa, ang pagkakaroon ng
integrasyon sa mga kasanayan at gawain sa pagtuturo ng wika. Ang apat na makrong kasanayan
sa wika ay nakikita o naituturo sa isang kabuuan at hindi nahiwa-hiwalay na tulad ng ginagawa
dati (Whole Language Approach and Integrative Approach). Ikatlo, mahalaga ang konteksto sa
pag-aaral ng wika. Dito ginagamit ang nilalaman ng ibang aralin o disiplina sa pagtuturo ng wika
(Content-based Instruction / Literature-based Instruction).
Narito ang mga pagdulog at istratehiya sa pagtuturo ng wika na angkop sa mga simulain ng
kurikulumsa Filipino.
Komunikatibong Pagtuturo ng Wika (Communicative Language Teaching)
Inilarawan nina Richards at Rodgers (1986) ang CLT bilang isang lapit (approach) sa halip na
isang pamaraan sa dahilang ito ay nagrerepresenta sa isang pilosopiyang pagtuturo na batay sa
komunikatibong gamit ng wika. Nagsimula ang lapit na ito sa mga naisulat nang literature na
nauukol sa konseptong nosyonal-functional at paglinang ng kasanayang komunikatibo sa halip
na sa gramar o istrukturang wika na katuon ang pagtuturo.
Sa lapit na ito binibigyang pansin ang sumusunod na pananaw o simulain:
Pagbibigay diin sa gamit ng wika sa komunikasyon sa halip na sapag-aaral ng kayarian ng wika.
Pagkakaroon ng katatasan sa pagsasalita sa halip na sa pagiging tama o wasto sa kayarian o
grammar ng wika.
Pagbibigay pansin sa mga gawaing aktwal na ginagamit ang wika sa halip na pagsasanay o drill
sa mga bahagi ng wika.
Pagkakaroon ng kamalayan sa iba’t ibang gamit o tungkulin ng wika ayon sa pagkakataon sa
halip na pagbibigay pansin lamang sa wika.
Sa komunikatibong lapit sa pagtuturo ng wika, nililinang ang mga kasanayang kognitibo tulad ng
kaalaman sa grammar ng wika, pagpili ng angkop na bokabularyo at kasanayang
sosyolinggwistika o angkop na paggamit ng wika sa iba’t ibang sitwasyon. Gayundin nililinang
ang makagawi o behavioral na aspektong mga mag-aaral sa paggamit ng wika sa aktwal na
sitwasyon (Littewood 1984).
May mga mungkahing hakbang na magagamit ng guro sa pagtuturo ng wika na sinusunod ang
mga simulain ng pagdulog na komunikatibo. Narito ang mga hakbang at ang paliwanag sa
bawat isa.
Pagtiyak sa Layunin. Isa sa mga simulain ng pagdulog na komunikatibo ay ang pagkakaroon ng
kamalayan ng mga mag-aaral sa ginagawa nila saklase at sa kahalagahan nito sa kanilang pang-
araw-araw na buhay. Magiging makahulugan ang aralin kung malinaw sa bawat mag-aaral ang
layunin nito. Sa hakbang na ito ipinaaalam sa mga mag-aaral kung ano ang nilalayon ng aralin.
Halimbawa: Ang tatalakayin nating aralin ay tungkol sa paghingi at pagbibigay ng payo. Maaari
ring ipakitaang mga larawan na nauukol sa mga sitwasyon nanagpapakita ng mga gawaing
pangwika o kayanaman ay dayalogo na maglalaman ng aktwal na nangyayari sa pag-uusap.
Paglalahad. Dito ipinakikita o ilalahad ang mga kayarian ng wika na gagamitin sa isang sitwasyon
o konteksto na ang tuon ay sa gamit o tungkulin ng wika. Pag-uusapan dito ang layunin ng nag-
uusap, mga paraan na ginagamit upang magkaunawaan tulad ng kilos o mga pahiwatig na salita.
Pagsasanay. Pagkatapos na matutuhan ng mgamag-aaral ang mga kayarian na angkop gamitin
sa sitwasyon, bibigyang laya ang mga mag-aaral na gamitin ang mga ito sa iba’t ibang
sitwasyon. Dito, iba’t ibang gawain ang ibibigay ng guro tulad ng pag-uusap tungkol sa
napapanahong paksa, paglutas ng suliranin, mga role-play na isasakilos o mga larong pangwika.
Paglilipat. Paggamit ng mga natutuhang kayarian at kasanayan sa makatotohanang sitwasyon.
Ang mga mag-aaral ay iisip o pipiling mga sitwasyon sa tunay na buhay na ipinakikita ang aktwal
na paggamit ng wika. Halimbawa: Pagdedebate tungkol sa isang paksa, paghingi ng payo, at
pagpapaturo sa pagsasagawa ng isang bagay.
Mga Gawaing Maaring Ihanda ng Guro ayon sa mga Simulain ng Pagdulog na Komunikatibo
Paghahanda ng mga sitwasyon o cuecards, nagagamitin sa role-play ng mga mag-aaral.
Halimbawa:
Paksa: Pagsalisa club o samahan
Gamit ng Wika: Paghikayat, pagtanggi
Kayariang gagamitin: Pandiwa, pang-abay
Sitwasyon: Dalawang mag-aaral ang nag-usap. Isang mag-aaral ang nanghihikayat sa kaklase o
kaibigan na sumali sa club. Sasabihin niya ang kahalagahan ng pagsali sa club, kung kailan at
saan sila magmimiting, at mga ginagawa. Ang kaklase naman ay tatanggi at ipaliliwanag kung
bakit ayaw niyang sumali.
Sa pagbibigay ng mga sitwasyon naisasagawa ng mga mag-aaral, maaring dalawang paraan ang
gawin.
1. Una, sitwasyon na may cue na ilalagay na cue cards ng mga mag-aaral ang sasabihin nila.
Halimbawa: Paksa: Panonood ng sine Gamit ng wika: Pagtatanong, pagpili, paghikayat Kayarian
ng wika: Mga pananong na Sino, Ano, Alin, Bakit Sitwasyon: Magkamag-aral na nasa lugar ng
mga sinehan. Nais nila ng manood ng sine. Bawat isa ay may gusting panoorin.
Mag-aaral A Itanong kung aling sine ang gusting panoorin. Magmumungkahi ng gusting
panoorin. Hihikayatin ang kausap na gusting panoorin. Itatanong kung anong pagkain ang
dadalhin sa loob ng sinehan. Sasang-ayon sa kausap.
Mag-aaral B Sasabihing hindi pa alam kung ano. Hindi sasayong-ayon sa sinabing kausap at
sasabihin ang dahilan. Sasang-ayon din sa kausap. Pipiling pagkain at itatanong sa kausap kung
gusto rinito.
2. Ikalawa, maaring sitwasyon na may impormasyon sa mga mag-aaral ng unit Malaya sila sa
pagbuo ng usapan ayon sa hinihingi sa sitwasyon. Halimbawa: Paksa: Pagpapaalam para
sumama sa field trip Gamit ng wika: Pamamaalam, panghihikayat, pagpapaalala Kayariang
gagamitin: Mga pangungusap na nakikiusap, nagpapaliwanag, mga magagaling na ekspresyon
tulad ng maari po ba, si genapo, at mag-ingat ka.
Kard ng Mag-aaral A Galing ka sa eskwela. Sinalubong ka ng nanay mo. Nagmano ka. Sinabi mo na may
field trip kayo sa darating na Sabado. Nagpapaalam ka sa kanya. Hihikayatin mo siya na payagan kang
sumama at magbigay ka ng dahilan. Magpapasalamat ka sa pagpayag ng ina at hihingi ka rin ng pera
pambayad sa bus at pambili ng baon.

Kard ng Mag-aaral B Tatanungin mo angdahilan kung bakit may field trip, saan, sino, ang mga
kasama, gaano katagal ito gagawin. Papayagan ang anak matapos marinig ang paliwanag.
Magpapaalam sa anak. Bibigyan ng pera ang anak para sa field trip.
B. Paghahanda ng mga gawaing aktwal na ginagawa sa loob at labas ng paaralan (simulation) Ito
ay masasabing simplikasyon ng mga tunay na sitwasyon sa buhay. Ang mga halimbawa ng
ganitong gawain ay ang sumusunod:
1. Pagsasagawa ng eleksyon ng pamunuan ng klase.
2. Pagpupulongng club o samahan
3. Pagpupulong ng klase tungkol sa field trip 
• Pakikipanayam sa bisita sa klase.
• Pagtatalo ng mga paksang nauukol sa kasalukuyang mga isyu sa bansa.
• Pagsasagawa ng pag-aaral sa paaralan tungkol sa pagkaing binibili ng mg amag-aaral at
tungkol sa mga gawi sa pag-aaral (study habits).
Paghahanda ng mga sitwasyon na isasadula ng mga mag-aaral nang daglian o unscripted play
Maari namang mula sa mga kuwento na binasa sa aklat sa pagbasa o panitikan ay makabuong
script ang mga mag-aaral na isasadula sa klase.
Pagtitipon ng mga biswal tulad ng mga poster, anunsyo, mapa, tsart, grap, karikatura, movie
page, at TV programs na pagkukunan ng impormasyon at pag-uusapan sa klase. Ang halimbawa
ng ganitong biswal ay ang karikatura tungkol sa pagputol ng mga kahoy sa kagubatan. Maaring
pag-usapan sa klase ang mga epekto nito, ang mga paraan na dapat gawin upang maiwasan ang
pagkakalbo ng kagubatan, atbp.
E. Paghahanda ng mga larong pang wika Iba’t ibang larong pangwika ang maihanda ng guro na
magsasanay sa mga mag-aaral upang mahasa sa pagpapahayag. Ang ilan sa mga ito ay ang
sumusunod:
1. Dugtungan Mo Ito ay isang dugtung ang pagkukuwento. Sisimulan ng guro o isang mag-aaral
ang kuwento at ito ay durugtungan ng iba pang mag-aaralsa bawat pangkat.
Ihatid Mo Sa larong ito, papangkatin ng guro ang mag-aaral. Bibigyan ng guro ng mensahe ang
lider ng bawat pangkat at sasabihin naman ng lider ang mensahe nang pabulong sa isa sa
kanyang kapangkat hanggang makarating ito sa kahuli-hulihang kasapi. Ang huling mag-aaral ay
siyang mag-uulat ng mensahe sa klase. Ang pangkat na makapag-ulat ng buo at malinaw na
mensahe ay may puntos.
Magbugtungan Tayo: Ilalarawan ng mga mag-aaral ang mga bagay, tao, hayo o lugar at
pahuhulaan ito sa mga kaklase.
Ituloy Mo Bubunot o kukuha sa kahon ang mga mag-aaral ng kapirasong papel na may
nakasulat na pahayag na hindi tapos. Itutuloy nila ang mga pahayag ayon sa kanilang palagay o
pananaw. Halimbawa: Nababahala ako sa mga… Marami na ngayong nangyayari…
Paghahanda ng mga gawaing transcoding Ito ay isang paraan ng pagsasalin mula sa isang
anyong pagpapahayag tungo sa iba pang anyo. Ang mga halimbawa ng ganiton ggawain ay ang
mga sumusunod:
1. Isang patalastas o anunsyo na isasalin sa anyong tuluyan.
2. Isang pagpapahayag na gagawing anyong telegrama
3. Isang tala o impormasyong nabasa na gagawing balita
4. Kuwento na gagawing dula-dulaan
5. Mapang isang lugar na ilalahad sa isang talata
Sa pagsasaayos ng kurikulum inilapat ang Understanding by Design (UBD) na modelo nina Jay
Mctighe at Grant Wiggins. Narito ang mga elemento ng kurikulum ng Edukasyong Sekondari ng
2010.
Antas 1: Resulta/Inaasahang Bunga 
• Tinitiyak kung ano ang dapat matutuhan at maisagawa ng mag-aaral sa loob ng isang
markahan, yunit o kurso; makikita sa bahaging ito ng Gabay sa Kurikulum ang mga
pamantayang pangnilalaman, pamantayan sa pagganap, mga kakailanganing pag-unawa at
mahalagang tanong.
A.1. Ang Pamantayang Pangnilalaman ay ang mahahalagang paksa o konsepto na dapat
maunawaan ng mag-aaral sa bawat asignatura. Sinasagot ng bahaging ito ang tanong na, “Ano
ang nais nating matutuhan at maisagawa ng mag-aaral pagkatapos ng isang markahan o yunit?”
A.2. Ang Pamantayan sa Pagganap ay ang tiyak na produkto o pagganap at ang antas o lebel na
inaasahang maisagawa ng mag- aaral pagkatapos ng isang markahan o yunit. Sinasagot ng
bahaging ito ang tanong na: “Paano isasagawa ng mag-aaral ang inaasahang produkto o
pagganap? Anong antas o lebel ng pagganap ang dapat magawa ng mag-aaral upang makapasa
siya sa pamantayan?”
B. Ang Mga Kakailanganing Pag- unawa ay ang mahahalagang konsepto na dapat matutuhan ng
mag-aaral sa bawat asignatura. Mga konseptong hindi makakalimutan at magagamit ng mag-
aaral sa kanyang pamumuhay.
C. Ang Mahahalagang Tanong ay mga tanong na nasa mataas na lebel at inaasahang masasagot
ng mag-aaral pagkatapos ng isang markahan o yunit. Kinakailangang ang mga ito ay nasasagot
ng Mga Kakailanganing Pag-unawa.
Antas 2: Pagtataya 
• Ito ang mga inaasahang produkto o pagganap; inaasahang antas ng pag-unawa at pagganap
ng mag-aaral; at mga kraytirya o panukat na gagamitin sa pagtatay ng inaasahang produkto o
pagganap.
A. Ang Produkto o Pagganap ay ang inaasahang maisasagawa pagkatapos ng isang paksa o
markahan. Ito ang magpapatunay na natutuhan niya ang mahahalagang konseptong
nakapaloob sa isang markahan/asignatura.
B. Ang Antas ng Pag-unawa ang susukat sa iba’t ibang aspekto ng pag-unawa ng mag-aaral sa
mahalagang konseptong dapat niyang matutuhan. Masasabing may pag-unawa na ang mag-
aaral kung siya’y may kakayahan nang magpaliwanag, magbigay ng sariling kahulugan, makabuo
ng sariling pananaw, makadama at makaunawa sa damdamin ng iba, makapaglapat, at makilala
ang kanyang sarili.
C. Ang Antas ng Pagganap ay ang inaasahang produkto o pagganap na maisasagawa ng mag-
aaral. Makikita rin sa bahaging ito ang kraytirya sa pagtataya ng nasabing produkto o pagganap.
Antas 3: Mga Plano ng Pagkatuto 
• Mga gawaing instruksyunal at mga kagamitan na gagamitin ng guro at mag-aaral sa loob ng
klasrum na makatutulong upang matamo ang mga pamantayan. Inaasahan ang pagiging
malikhain ng guro sa pagpapatupad ng antas na ito dahil nakasalalay ang ikapagtatagumpay ng
pagtuturo-pagkatuto.
A. Ang Mga Gawaing Instruksyunal ay binubuo ng mga gawaing isasagawa ng guro at mag-aaral
sa loob ng klasrum upang matamo ang mga pamantayan, matutuhan ang mga kakailanganing
pag-unawa at masagot ang mahahalagang tanong.
B. Ang Mga Kagamitan ay gamit ng mga guro at mag-aaral upang maisakatuparan ang mga
gawaing instruksyunal.
Mga Gabay na Tanong sa Pagsasaayos ng Kurikulum ng Edukasyong Sekondari ng 2010
Pamantayang Pangnilalaman 
• Masasalamin ba sa Pamantayang Pangnilalaman ang resulta o inaasahang bunga? Ang
mahalagang ideya, isyu, prinsipyo o konsepto na dapat matutuhan ng mag-aaral sa bawat
asignatura na magagamit niya maging sa labas ng paaralan?
• Masusukat at matatamo ba ng mag-aaral ang mga binuong pamantayan?
Pamantayang Pagganap 
• Masasalamin ba sa Pamantayan sa Pagganap ang mga kraytirya kung paano tatayain ang
produkto o pagganap ng mag-aaral?
• Masasagot ba nito ang tanong na: Ano ang inaasahang magagawa ng mag-aaral?
Pamantayang Pag-unawa 
• Ito ba ang malalaki at mahahalagang konsepto na nais maipaunawa sa mag-aaral?
• Masasailalim ba dito ang mga manginahing suliranin, isyu na dapat malaman ng mag-aaral?
Mahahalagang Tanong 
Nakatuon ba ang mga tanong sa mahahalagang isyu o suliranin?
Ang mga tanong ba ay masasagot ng Kakailanganing Pag-unawa?
Ang mga tanong ba ay may kabuluhan sa buhay ng mag-aaral? Sa lipunan?
Ang mga tanong ba ay kaagad na masasagot ng mag-aaral?
Akma ba ang tanong sa kawilihan, edad at kakayahan ng mag-aaral?
Narito ang mga Katangian ng Kurikulum ng Edukasyong Sekondari ng 2010
• nakatuon sa mahahalagang konsepto at kakailanganing pag-unawa
• mataas ang inaasahan (batay sa mga pamantayan) – tinitiyak kung ano ang dapat matutuhan
at ang antas ng pagganap ng mag-aaral
• mapanghamon- gumagamit ng mga angkop na istratehiya upang malinang ang kaalaman at
kakayahan ng mag-aaral
• inihahanda ang mag-aaraltungo sa paghahanapbuhay kung di man makapagpapatuloy sa
kolehiyo
• tinitiyak na ang matututuhan ng mag-aaral ay magagamit sa buhay.
Batayang Konseptwal ng Filipino (Deskripsyon) 
Tunguhin ng Kurikulum ng Edukasyong Sekondari ng 2010 (Secondary Education Curriculum)
ang Kapakipakinabang ng Lietrasi para sa lahat (Functional Literacy For All) na ibinatay sa
mithiing Edukasyon para sa Lahat 2015 (Education For All 2015).
Kaugnay nito, layunin ng pagtuturo ng Filipino na malinang ang (1) kakayahang komunikatibo,
at (2) kahusayan sa pag-unawa at pagpapahalagang literasi ng mga mag-aaral sa lebel
sekondari. Lilinangin ang limang kasanayan – pakikinig, pagbasa, panonood, pagsasalita at
pagsulat sa tulong ng iba’t ibang dulog at pamamaraan tulad ng Komunikatibong Pagtuturo ng
Wika (KPW), Pagtuturong Batay sa Nilalaman (PBN) ng iba’t ibang tekstong literari (rehiyunal,
pambansa, saling-tekstong Asyano at pandaigdig), at Pagsasanib ng Gramatika at Retorika sa
tulong ng iba’t ibang Teksto (PGRT).
Isinasaalang-alang din ang pagsasanib ng mga pagpapahalagang pangkatauhan (Values
Integration) sa pag-aaral at pagsusuri ng iba’t ibang tekstong literari. Sa pamamagitan nito at
matapos mapag-aralan, masuri at magamit ang iba’t-ibang teorya sa pagkatuto at paggamit ng
wika, at pagsusuring literasi, inaasahang matatamo ng mga guro ng Filipino ang mga layuning
nabanggit batay sa inilarawan sa batayang konseptwal.
Maraming Salamat po!

You might also like