You are on page 1of 13

FILIPINO LESSON PLAN SAMPLE

MASUSING BANGHAY ARALIN SA FILIPINO 2

I. LAYUNIN

Sa loob ng isang oras na talakayan ang mga mag-aaral ay inaasahang:

A. Natutukoy ang dinaramdam o mensaheng ibig ipaalam ng mga hayop

B. Naibibigay ang iba’t ibang huni o ingay na nagagawa ng hayop

C. Nakapagsalita nang maliwanag

II. PAKSANG ARALIN

A. PAKSA: Pagtukoy sa dinaramdam o mensaheng ibig ipaalam ng mga hayop.

B. SANGGUNIAN: Landas sa Wika at Pagbasa pahina 9-12

C. KAGAMITAN: Projector, speaker at laptop

D. PAGPAPAHALAGA: PAg-unawa sa dinaramdam na mensaheng nais iparating ng mga hayop sa tao.

III. Pamamaraan:

A. Panimulang Gawain

Bago tayo magsimula sa ating aralin magsitayo muna tayo para sa isang nakakaaliw na sayaw at kanta.

1. Balik- Aral

Bago tayo magsimula sa ating bagong paksa balikan muna nati an gating paksa kahapon.

Ganito ang gagawin natin, hahatiin ko kayo sa dalwang grupo. Ang unang grupo ay magbibigay ng
pangalan ng hayop at ang pangalawang grupo naman ang magbibigay ng huni o tunog ng hayop.
Nauunawaan ban g lahat?

Unang grupo:

Baka
Manok

Baboy

Kambing

Ibon

Pangalawang grupo:

Maa! Maa!

Tiktilaok!

Oink!oink!

Meeeheeee!meeeheee!

Twit!twit!

Magaling mga bata, talagang alam na alam na ninyo ang mga huni ng iba’t ibang hayop.

2. Pagganyak

Sino-sino ba sa inyo ang may alagang hayop sa bahay?

(hahayaang magbahagi ng kwento ang mga mag-aaral tungkol sa kanilang mga alagang hayop sa bahay.)

B. Panlinang na Gawain

ISang araw, kasama ng kanyang ina si Bisiro. Naghahanap sila ng sariwang damo.

“MAa! Maa! Maa! Inay, maari po bang pumunta ako roon? Nakita kop o kasi na sariwa ang damo roo”,
sabi ni Bisiro.

“O sige Bisiro. Huwag ka lamang lalayo at baka maligawa ka”, sabi nang kanyang ina.

Napunta si Bisiro sa lugar na maeraming damo.

Napalayo siya sa kanyang ina.


Napunta si bisiro s lugar na hindi diya alam at hindi na rin niya alam ang daan pauwi sa kanyang ina.

“Naku! Wala na si Inay. Naligaw na yata ako. Maa! Maa! Maa!” ani ni BIsiro.

Walang sumasagot sa kanya. Sa paglalakad, nasalubong niya si Muning.

“Ngiyaw! Ngiyaw! Ngiyaw! Kamusta ka? Tila nagiisa ka kaibigang Bisiro?

Maa! Maa! Maa! Nawawala ako. Nakita mo ba ang nanay ko?”

Patuloy sa paglalakad si BIsiro. Nasalubong niya si Bantay.

Aw! AW! Aw! Nagiisa ka yata Bisiro? Kamusta na? matagal na tayong hindi nagkita.”

“Maa! MAa! Maa! Naligaw ako. Hindi o na alam ang pauwi sa amin! Tulungan mo ako!”

“Sige, sasamahan kita sa pag-uwi.”

Sa paglalakad ng dalwa, naraanan nila si tsonggo.

“Kra! Kra! Kra! Tila naliligaw kayong dalawa.

“Nakita mo baa g nanay ko?”

“Sinamahan ko si Bisiro pauwi sa kanila”

Maya-maya, narinig nila na may tumatawag kay Bisiro.

“Bisiro! Bisiro! Bisiro! Nasaan ka?


Tuwang-tuwa na hinahanap ni Bisiro ang naghahanap sa kanya. Sumigaw siya ng malakas.

“Maa! Maa! Maa! Narito ako!”

Nakita niya si Lito, ang nagaalaga sa kanya at tumuturing sa kanya ng kaibigan.

“Hay salamat! Nakita rin kita, Bisiro akala ko mawawalan na ako ng matalik na kaibigan. Halka umuwi na
tayo. #

Oh! Naunawaan niyo ba ang ating binasa?

Ngayon naman alamin natin ang kahulugan ng mga sumusunod na salita. At ito ay ipapakita ko sa inyo sa
pamamagitan ng mga larawan o aktwal na sitwaston.

Tumingin at making kayo ng mabuti.

Maliwanag ba?

1. Paglalahad ng Paksa

1. Bisiro

2. Nasalubong

3. Sariwa

4. Naligaw

5. Naraanan

6. damo

1) Sabihin niyo kung ano ang damdaming nais ipahayag ni Bisiro sa kanyang tagapag-alaga.

Magaling! Si Bisiro ay gusting magpasalalamt sa kanyang taga-pagalga hindi siya nito painabayaang
nawal nang tuluyan.

2) Mahalaga ba si Bisiro sa Kanyang tagapag- alaga?


3) Bakit kaya mahalaga si Bisiro kay Lito?

4) Nauunawaan ba ni Lito si Bisiro?

5) Sa papaanong paraan?

Magaling!

" Naligaw si Bisiro"

C. Pangwakas na Gawain

1. Pangkatang Gawain

Hahatiin ko kayo sa dalawa. Ang unang pangkat ay magpapakita sa larawan ng hayop. Ang pangalawang
pangkat naman ang magbibigay ng huni o tunog ng hayop at pahuhulaan sa unang pangkat kung ano
ang nais ipahiwatig ng tunog ng hayop.

Malinaw ba mga bata?

Unang pangkat

1. nauuhaw na pusa

2. Nagugutom na liyon

3. Natutuwa na aso

4. Pagod na pagod na matsing

Pangalawang pangkat.....gagawa ng tunog

Magaling! Nagenjoy ba kayong lahat?

Ngayon naman, ibigay ninyo ang nararamdaman na hayop batay sa huni/tunog na ipanaririnig nila.

Magaling mga bata?


Ano naman ang ibig ipahiwatig ng ibong umaawit?

Magaling!

Ano naman ang ibig ipahiwatig ng kalabaw ng unga-unga?

Eh yong aw! Aw!

Ngayon, alam niyo kung anu-ano ang ibig ipahiwatig ng mga huni o tunog ng mga

...

2. Paglalahat

Anu-ano ang mga iba’t ibang huni o tunog na nagagawa ng iba’t ibang hayop?

Sagot ng mga bata:

Maaring siya po ay nagugutom, natatakot o nagbibgay po ng babala na mayroong tao sa labas ng bahay.

Anu-ano naman ang kadalasang mensahe o nararamdaman ng mga hayop?

Sagot ng mga bata:

Maaring slap o ay gutom at pagod sa maghapong araro sa bukid o kaya naman po ay uhaw na uhaw.

Magaling ,ga bata!

3. Paglalapat
Hahatiin ko kayo ulit sa dalawang pangkat. Ang isang pangkat ay magbibigay ng pangalan ng hayop na
nais nilang pabigyan ng huni o tunog sa ikalawang pangkat. At ang ikalawang pangkat ang magbibigay ng
tunog o huni ng hayop na ibibigay ng unang pangkat.

Maliwanag ba?

Magaling!

IV. Pagtataya

Panuto: Piliinang titik ng tamang sagot

1. Tuwing umaga, naririnig mo ang tilaok ng alaga mong tandang. Ano ang dapat mong gawin?

a. Bubugawin ang tandang

b. Maghahanda sa pagpasok sa paaralan

c. Kukunin at hihimasin

2. E-e-e-e-k! E-e-e-e-k! ang sabi nang baboy, ito ay:

a. Inaantik

b. Nagugutom

c. nasisyahan

3. Hoy! Baka! Bakit ka ng moo ng moo? Ito ay _____.

a. Nasisiyahan

b. Natutuwa

c. nauuhaw

4. Hiii! Hiii! Ang huni ng kabayo na nasa loob ng kwadra. Ito ay ____.

a. Nagagalit

b. Nagugutom

c. nauuhaw
5. Meehee! Meehee! Kambing na nasa gitna ng gubat na malayo sa ilog, ito ay?

a. Natatakot

b. Nauuhaw

c. Nagagalit

V. Takdang aralin

1. Manok na nagingitlog

2. Baboy na gutom na gutom

3. Mga palakang busog sa ulan at tubig

4. Huni ng ibong masayang umaawit

5. Unggoy na nagugutom

Gagayahin ang huni ng mga sumusunod na hayop at ipakita sa sunod na araw.

Inihanda ni:

Johnmar G. Tobias BEED 2-C

Banghay Aralin sa Pagtuturo ng Filipino sa Ikatlong Baitang (Wika-Unang Araw) Marnelli C. Lastimoso
Ika-20 ng Setyembre, 2011 (Gurong Nagsasanay) (Petsa) I. Mga Layunin Sa tulong ng mga kasanayan,
kwentong bayan at kagamitang pampagtuturo ang mga mag-aaral na may 80% tagumpay ay inaasahang:
A. Nakapagbibgay sa wastong pandiwang gagamitin; B. Nakasasagot sa mga tanong na ibibigay; at C.
Nakagagawa ng pangungusap gamit ang pandiwa. II. Paksa: Pandiwa Mga Sanggunian: 1. Pluma 3 ni
Alma Dayag 186-188 2. Tanglaw 3 nina Lemi D. at Lemi L. 3. Bagong Pilipino sa Salita at Gawa 3 nina
Aragon A. at Valenzuela A. Mga Kagamitan: istrapa ng mga salita, ginupit na titik, mga larawan, tsart
Konsepto: Wastong paggamit ng Pandiwa III. Estratehiya/Pamamaraan: A. Baybay – Supervised Study
Ang guro ay magpapalit ng tsart na napasallob ditto ang mga pangungusap na ginagamitan ng mga
pandiwang angkop na gagamitin. B. Bagong Aralin: 1. Panimulang Gawain: 1.1. Paghahanda/Pangganyak
Magpapakita ang guro ng mga larawan at itatanong sa mga mag-aaral kung ano ang pandiwang ginamit.
Hal: Umaawit nagwawalis sumasayaw Mga Katanungan: 1. Ano ang ipinakita sa mga larawan? 2. Ano
ang pandiwang isinasaad? 1.2. Paglalahad ng Aralin Ilalahad ng guro ang aralin sa tulong ng isang
pangyayari o pasalaysay na kwento. Pamilyang Kayganda Nakaupo sa isang silid ang aking ama habang
siya ay nagbabasa. Ang aking ina na nagluluto ng ulam sa kusina. Ang aking kuya na nanonood ng
telebisyon sa sala at ang aking ate na gumagawa sa kanyang mga proyekto, samantalang ako ay
nakatayo sa may bintana. Nakita ko sa bintana ang mga batang naglalaro ns sipa. Tuwing lingo ay sabay-
sabay kaming dadalo sa simbahan upang magdasal. Dito nabigyan namin ang kinakailangan ng isat-isa.
Nasabi ko sa sarili ko na ako ang pinakamaswerte na bata sapagkat ang aking pamilya ay napakaganda.
Mga Katanungan: 1. Ano ang kilos na binabadya sa unang pangungusap? 2. Ano ang tawag sa mga
salitang kilos? 3. Masaya ba ang persona sa kanyang buhay? 1.3. Panlinang na Gawain: 2.1. Pagtatalaky
ng Aralin: Ipabasa ng guro sa mga mag-aaral ang mga sinalungguhutang salita. Nakaupo nakatayo
nagsasaing Nagbabasa nakita nasabi Nagluluto naglalaro nanonood Gumagawa dadalo Magdaragdag din
ang guro ng iba pang mga salita na wala sa tekstong nabasa. Kumakanta kumakain nagsasaing
Nagsisipilyo nakahiga tinikman Naglalaba nagwawalis nagdudura Mga katanungan: 1. Ano ang tawag ng
salitang nasa ibabaw? 2. Ano ang isinasaad nito? 3. Ano ang kahalagahan nito? Habang ibinibigay ang
sagot sa bawat katanungan ay ibibigay ng guro ang mga dapat tandaan ng mga mag-aaral. 2.2 Mga
Pagsasanay A. Bilugan ang pandiwang ginamit sa mga pangungusap. 1. Tuwing lingo ay sumisimba ang
pamilya namin. 2. Maraming pamilya ang nakakasabay rin namin sa pagsisimba. 3. Makikita rito ang
matibay na pananampalataya ng mga Pilipino sa Diyos. 4. Nagpupunta kami sa bahay ng lolo
pagkasimba. B. Anong pandiwa ang magaganap sa mga sumusunod? Isulat ang sagot sa patlang. 1. May
hawak na mikropono si Estella. Isinalang ang CD ng paboritong awitin. Si Estella ay ________. 2. Kumuha
naman ng aklat ang kapatid niyang si Henrey. Binuklat niya ito. Si Henrey ay _________. 3. Naglabas ng
mga plato, kutsara, tinidor, at baso si ate. Inilabas ni ate ang pagkain. Tinawag niya ang lahat. Sila ay
_______. 4. Bago naupo ay tumahimik muna ang lahat. Yumuko at nag-aatanda. Sila ay ________ bago
kumain. IV. Takdang Aralin Salungguhitan ang pandiwang ginamit sa pangungusap at isulat sa kalahatang
papel. 1. Si Dave ay naglalaro ng chess. 2. Sumasayaw ang mga dahon. 3. Ang mga paru-paro ay
lumilipad. 4. Naglalakad ang mga bituin. 5. Kumakanta ang mga ibon. Banghay Aralin sa Pagtuturo ng
Filipino sa Ikatlong Baitang (Wika-Ikalawang Araw) Marnelli C. Lastimoso Ika-20 ng Setyembre, 2011
(Gurong Nagsasanay) (Petsa) I. Mga Layunin: Pagkatapos ng pagtatalakay at pagbabahagi ng mga
kasagutan tungkol sa paksa, 80% ng mga mag-aaral ay inaasahang: A. Nakasasagot sa takdang aralin; B.
Nakapagbibigay sa tamang kasagutan sa mga katanungan; C. Nakagagawa ng pangungusap gamit ang
pandiwa; at D. Nagagamit sa pangungusap ang pandiwa. II. Paksa: Pandiwa Mga Sanggunian: 1. Pluma 3
ni Alma Dayag 186-188 2. Tanglaw 3 nina Lemi D. at Lemi L. 3. Bagong Pilipino sa Salita at Gawa 3 nina
Aragon A. at Valenzuela A. Mga Kagamitan: istrapa ng mga salita, ginupit na titik, mga larawan, tsart
Konsepto: Wastong Paggamit ng Pandiwa III. Estratehiya/ Pamamaraan: A. Balik-aral: Nagkaroon ng
pagtatalakay tungkol sa pandiwa.. binigyang bahagya ang paggamit nito sa pangungusap. Tungo sa mga
halimbawa ay mabibihasa ito. B. Bagong Aralin 3.1 Ipasagot ang takdang aralin: Salungguhitan ang
pandiwang ginamit sa pangungusap at isulat sa kalahatang papel. 1. Si Dave ay naglalaro ng chess. 2.
Sumasayaw ang mga dahon. 3. Ang mga paru-paro ay lumilipad. 4. Naglalakad ang mga bituin. 5.
Kumakanta ang mga ibon. 3.2 Pagbibgay tuntunin sa wika: Ang paggamit ng pandiwa sa isang
pangungusap. 3.3 Pagbibigay Halimbawa Magbigay ng halimbawa ng mga pangungusap na ginagamitan
ng pandiwa. 3.4 Pakikipagtalastasan Hahatiin ang klase sa apat na grupo. Gumawa ng isang dialogo na
ginagamitan ng pandiwa. 3.5 Pagtataya a. Sa isang buong papel, gumawa o sumulat ng halimbawa ng
mga pangungusap na ginagamitan ng pandiwa. b. Ang guro ay maghahanda ng mga pangungusap na
ginagamitan ng pandiwa at sagutan ang mga katanungang tinatanong ng guro. IV. Takdang Aralin:
Bumuo ng isang patalastas o dialogo na ginagamitan ito ng pandiwa. Isulat ito sa ians kapat ng
illustration board.
Ang Tatlong Maliliit na Baboy

Noong unang panahon may tatlong maliliit na baboy na nagngangalang Pedro, Juan at Luna. Isang
arawnagdesisyon ang tatlong maliliit na baboy na humiwalay na sa kanilang inahing baboy. Malayo ang
nilakbay ngtatlong maliliit na baboy. Napag-usapan nilang tatlo na kapag nakakita sila ng maayos na
lugar para sakanilang sarili ay sisimulan na nilang magtayo ng bahay. Si Luna, ang bunso sa tatlo, ang
unang nakakita nglugar para sa kanyang bahay. May pagkatamad si Luna kung kaya’t nagtayo siya ng
sarili niyang bahay nagawa sa mga dayami. Sa kabilang dako, Si Juan naman ang ikalawang nakakita ng
lugar para sa kanyangbahay. ais naman si Juan kung kaya’t nagtayo siya ng kanyang bahay na gawa sa
kahot at pawid. !t ang huliay si Pedro, siya ang panganay sa tatlong maliliit na baboy. Si Pedro ay
masipag at matalino. Nagtayo siya ngbagay na gawa sa bato. Masaya ang tatlong mga maliliit na baboy
sa kanilang mga bagong tirahan ngunit,Isang araw dumating ang isang malaking lobo sa bahay ni Luna na
gawa sa dayami, sa isang malakas na pag-ihip lamang ay napatumba nito ang bahay na ginawa ng unang
biik. Sa takot na makain ng lobo tumakbo angunang biik na si Luna patungo sa bahay ng ikalawang biik
na si Juan. Ngunit dumating nanaman ang malakinglobo, natulad lamang ang bahay ni Juan sa bahay ng
naunang biik na si Luna. Sa takot ng dalawang biik aytumakbo naman sila patungo sa bahay ng ikatlong
biik na si Pedro. !t hindi nga nagtagal ay dumating na angmalaking lobo. "inipan nito ng paulit-ulit ang
bahay ni Pedro, ngunit hindi siya nagtagumpay. Naisip ng lobona dumaan sa #himineya upang
makapasok sa loob. $ahil sa nangyari sa naunang dalawang bahay ng mgabiik. $ahil sa nangyari sa
naunang dalawang bahay ng mga biik. Naglagay sila ng apoy at nagsalang doon ngmainit na tubig upang
sa gano%n ay mapaso at masunog ang lobo kung sakali mang dumaan ito sa #himineya.!t ganoon nga
ang nangyari, nagdaan sa #himineya ang lobo at doon tuluyang napaso. Nagtatakbo ang lobosa sakit at
hindi na muling nagbalik.

Ang bayan kong Pilipinas


Lupain ng ginto't bulaklak
Pag-ibig ang sa kanyang palad
Nag-alay ng ganda't dilag.
At sa kanyang yumi at ganda
Dayuhan ay nahalina
Bayan ko, binihag ka
Nasadlak sa dusa.
Ibon mang may layang lumipad
Kulungin mo at umiiyak
Bayan pa kayang sakdal dilag
Ang di magnasang makaalpas!
Pilipinas kong minumutya
Pugad ng luha ko't dalita
Aking adhika,
Makita kang sakdal laya!

Panimula

 Ang pandiwa ay bahagi ng pananalita na nagsasaad ng kilos o galaw.

 Nakakabuo ng mga pandiwa sa pananagutan ng paglalapi. Ang mga panlaping ginagamit upang
makabuo ng pandiwa ay mga panlaping makadiwa

 May limang paraan ng paglalapi upang makabuo ng pandiwa

1. Unlapi – ikinakabit ang panlapi sa unahan ng salita.


Halimbawa: umasa, uminom, magbili, pag-iisip
2. Gitlapi – kung ang panlapi’y sa loob ng salita nagsisingit.
Halimbawa: lumipat, binili, tumangkilik, sinabi
3. Hulapi – ang panlapi’y nasa hulihan ng salita ikinakabit
Halimbawa: samahan, awitin, hulihin, bayaran
4. Kabilaan – may unlapi at hulapi; ang salita’y nagigitnaan ng mga panlapi.
Halimbawa: matulungan, pag-aralan, mag-awitan
5. Laguhan – may unlapi, gitlapi, hulapi; ang panlapi ay nsa una, gitna at hulihan ng salita.
Halimbawa: pagsumikapan, magdinuguan
2 URI NG PANDIWA
Katawanin - Ito ay mga pandiwang nagpapahayag na ganap ang kilos na ginagawa ng simuno. Hindi
na ito nangangailangang ng tuwirang layong.

Halimbawa:
Ang mag-anak ay kumakain ng sabay-sabay.
SP

Ang salitang kumakain ay ang salitang nagsasaad ng kilos (pandiwa). Ang gumaganap ng kilos ay ang
mag-anak na siyang simuno ng pangungusap.

Nagkukuwentuhan pa sila pagkapos.

Alin ang simuno?


Ano ang salitang nagsasaad ng kilos?

Mga Sagot:
ang kaibigan
nagkukuwentuhan

Pagbabalik (by Asin)


1
Sa gitna ng dilim ako ay nakatanaw
Ng ilaw na kay panglaw halos 'di ko makita
tulungan mo ako ituro ang daan sapagka't ako'y sabik
sa aking pinag mulan

chorus
bayan ko nasan ka ako ngayo'y nag iisa
nais kong mag balik sa iyo bayan ko
patawarin mo ako kung ako'y nag kamali
sa landas na aking tinahak
11
sa pag lipas ng araw hangga't dapithapon
malamig na hangin ang aking kayakap
huwag sanang hadlangan
ang aking nilalandas sapagka't *******

chorus

Kapaligiran

Ikaw ba'y nalulungkot, ikaw ba'y nag-iisa?


Walang kaibigan, walang kasama
Ikaw ba'y nalilito, pag-iisip mo'y nagugulo?
Sa buhay ng tao, sa takbo ng buhay mo?
Ikaw ba'y isang mayaman, o ika'y isang mahirap lang
Sino sa inyong dalawa ang mas nahihirapan?

Refrain 1:

Masdan mo ang mga bata


Masdan mo ang mga bata
Ikaw ba'y walang nakikita
Sa takbo ng buhay nila
Masdan mo ang mga bata
Ang buhay ay hawak nila
Masdan mo ang mga bata
Ang sagot ay 'yong makikita

Ikaw ba'y ang taong walang pakialam sa mundo


Ngunit ang katotohanan, ikaw ma'y naguguluhan
Tayo ay naglalakbay, habol natin ang buhay
Ngunit ang maging bata ba'y tulay
Tungo sa hanap nating buhay?
Masdan mo ang mga bata
Ang aral sa kanila makukuha
Ano nga ba ang gagawin
Sa buhay na hindi naman sa atin?

Refrain 2:

Itanong mo sa mga bata


Itanong mo sa mga bata
Ano ang kanilang nakikita
Sa buhay na hawak nila
Masdan mo ang mga bata
Sila ang tunay na pinagpala
Kaya dapat nating pahalagahan
Dapat din kayang kainggitan?

You might also like