You are on page 1of 3

FIL 3 – PAGPAPAHALAGANG PAMPANITIKAN

ARALIN 1: Ang Kontekstong Depinisyon ng Tula


KAHULUGAN NG TULA

 Isang anyo ng sining o panitikan na naglalayong maipahayag ang damdamin sa malayang pagsusulat.
 Ayon naman kay Amado V. Hernandez, "Ang tula ay hindi pulos na pangarap at salamisim, di pawang
halimuyak, silahis, aliw-iw, at taginting.
 Binubuo ito ng mga mahahalagang element na makatutulong para paunlarin ang pananalita.

KATANGIAN NG TULA

 Matimpi ang paksa.


 Madula ngunit di maligoy ang mga pangyayari.
 Walang balangkas ang mga kuwento.
 Iba - iba ang mga paksa.
 Iba - iba ang pamamaraang ginagamit ng mga manunulat.
 Bakas - bakas ang pagkakaroon ng malawak ng paningin.
 Payak ang mga pangungusap na ginamit.
 May himig -Ingles ang mga pangungusap.
ELEMENTO o MAHAHALAGANG KONSEPTO NG TULA
 Tugma
 Sukat
 Kariktan
 Talinhaga
Persona
Tayutay
Tono / indayog
Paksa
 Denotasyon
 Diksyon
 Dramatikong monologo
 Konotasyon
 Paraprase
 Poetic License
 Saknong
 Taludtod
 Untol o Sesura
TUGMA
- Nagpapaganda sa diwa ng tula ang alin mang paraan ng pagtutugma.
SUKAT
- Tumutukoy sa bilang ng pantig sa bawat taludtod.
- Ito ay tumutukoy sa bilang ng pantig ng bawat taludtod na bumubuo sa isang saknong. Ang pantig
ay tumutukoy sa paraan ng pagbasa.

HALIMBAWA NG SUKAT NG PANTIG

1. WAWALUHIN
Halimbawa: Isda ko sa Mariveles
Nasa loob ang kaliskis.
2. LALABINDALAWAHIN
Halimbawa: Ang laki sa layaw karaniwa’y hubad
Sa bait at muni, sa hatol ay salat
3. LALABING-ANIMIN
REXSON D. TAGUBA, LPT
GURO SA FILIPINO
FIL 3 – PAGPAPAHALAGANG PAMPANITIKAN

Halimbawa: Sari-saring bungangkahoy, hinog na at matatamis


Ang naroon sa loobang may bakod pa sa pagilid.
4. LALABINGWALUHIN
Halimbawa: Tumutubong mga palay, gulay at maraming mga bagay
Naroon din sa loobang may bakod pang kahoy na malabay.
PAKSA
- maraming maaaring maging paksa ang isang tula
TAYUTAY
- paggamit ng pagwawangis (simile) pagtutulad (metaphor) pagtatao (personification) ay ilang paraan
upang ilantad ang talinghaga sa tula
TONO/INDAYOG
- tumutukoy sa pagbaba at pagtaas ng tono o pagbigkas
- dapat isaalang-alang ang diwa ng tula
PERSONA
- tinutukoy nito ang nagsasalita sa tula
- una, ikalawa o ikatlong panauhan
KARIKTAN
- Kailangang magtaglay ang tula ng maririkit na salita upang masiyahan ang mambabasa gayon din mapukaw
ang damdamin at kawilihan.
TALINGHAGA
- Tumutukoy ito sa paggamit ng matatalinhagang salita at tayutay.
DENOTASYON
- Ito ay tunay na kahulugan ng salita sa karaniwang makikita sa talatinigan o diksyunaryo.
DIKSYON
- Ang mga salitang pinipiling gamitin ng makata o kahit sinong manunulat.
DRAMATIKONG MONOLOGO
- Ito ang pagsasalita ng persona sa mga manonood (tahimik at hindi makikita) upang ipahayag ang
kanyang damdamin o kaisipan o kaya ay isang madulang bahagi ng kanyang buhay.
KONOTASYON
- Ito ay pag-uugnay ng damdamin, kaasalan, at imahen sa isang salita. Maaari ito positibo o negatibo.
PARAPRASE
- Ito ay ang paglilipat ng tula sa tuluyan sa pamamagitan ng pagbibigay ng linaw sa mga salita, sa mga
bahagi nito, o maging sa kabuuan ng tula.
POETIC LICENSE
- Ito ay ang karapatan ng makatang umiwas sa talata ng mga pamantayan at/o mga tuntunin upang
magkaroon ng ibang bias o epekto.
SAKNONG
- Ito ang talata ng tula o kalipunan ng mga taludtod na karaniwang magkakatugma at nagpapahayag
ng kaisipan o bahagi ng paksang tinataglay ng tula.
- 2 – KOPLA; 3 – TERSETO; 4 – KWARTETO; 5 – KINTETO; at 6 – SESTETO
TALUDTOD
- Ang tawag sa mga hanay ng tula.
UNTOL o SESURA

REXSON D. TAGUBA, LPT


GURO SA FILIPINO
FIL 3 – PAGPAPAHALAGANG PAMPANITIKAN

- Ito ang katutubong tigil sa pagbigkas sa dulong pantig ng isang pangkat ng mga salitang may iba’t
ibang pantig sa loob ng isang taludtod.

REXSON D. TAGUBA, LPT


GURO SA FILIPINO

You might also like