You are on page 1of 5

BUWAN NG WKA 2021

TEMA:

“Filipino at mga Katutubong Wika sa Dekolonisasyon ng Pag-


iisip ng mga Pilipino”

MGA GAWAIN:

1. VLOG-TASAN
2. TEKS-TOK
3. POSTER MAKING

VLOG-TASAN MEKANIKS at KRAYTERYA

Ayon sa blogtasan.blogspot.com, ang Vlog-Tasan ay hinago sa


salitang Vlog at sa Balagtasan. Ang layunin ng Vlog-Tasan ay
himayin at suriin sa sangkalan ng katwiran ang bawat isyu’t
suliranin ng ating lipunan at bansa sa pamamagitan ng patulang
pagtatagisan ng talino sa tagni-tagning kalawakan ng world wide
web (http:blogtasan.blogspot.com/)

MEKANIKS SA PAGLAHOK:

1. Ang kalahok o mga kalahok ay magmumula sa bawat


departamento.
2. Ang paksa ng paligsahan ay MALAYA. Ibig sabihin, malayang
pumili ng paksa ang kalahok.
3. Ang entri ay kinakailangang:
 Binubuo ng tatlong (3) kalahok; na may dalawang (2) magtatalo
na magkasalungat an pananaw at isang tagapamagitan na
tinatawag na lakandiwa (lalaki) o lakambini (babae).
 Orihinal at hindi pa naisumite sa ibang kompetisyon. Walang
bahagi ng iskrip ang kinopya mula sa ibang piyesa, o labag sa
anumang umiiral na copyright at atbp karapatan sa
intelektuwal na pag-aari.
 Hindi bababa sa 1000 salita at hindi rin lalagpas sa 3000 salita
ang iskrip.
 Ginagamitan ng element ng tula (sukat, tugma. Saknong,
kariktan at talinghaga).
4. Ang vlog ay maaaring gamitan ng mga disenyo. Ang mga kalahok
ay malaya sa kanilang disenyong gagamitin.
5. Ang wikang gagamitin ay WIKANG FILIPINO.
6. Naaayon sa kasalukuyang ortograpiya (sumangguni sa bagong
edisyong inilathala ng KWF).
7. Ang entering lalabag sa mekaniks ay imbalido at diskwalipikado.
8. Ang lahok ay maisusumite bago dumating ang Agosto 27, 2021,
ganap na 5:00 ng hapon.
9. Panukatan sa Paghatol:
o Nilalaman - 40%
(nauugnay sa paksa, elemento ng tula)
o Ortograpiya - 30%
(kawastuhan ng baybay, paggamit ng bantas,
atbp.)
o Orihinalidad at Pagkamalikhain - 20%
(disenyong nauugnay sa nilalaman, maka-
bagong paraan ng paglalahad ng iskrip
at nilalaman)
o Organisasyon - 10%
(maayos at malinaw ang pagkakasunod ng
mga ideya)

KABUUAN 100%
TEKS-TOK

Ang TEKS-TOK ay nagmula sa dalawang salita na TEKSTO at


TIKTOK. Ito ay kombinasyon ng mga musika, teksto at bidyo. Ang
TEKS-TOK ay isang patimpalak na may layuning hubugin ang
talento ng bawat mag-aaral sa magkakaibang aspekto.

MEKANIKS SA PAGLAHOK:

1. Ang kalahok o mga kalahok ay bukas para sa lahat basta’t may


mga kalahok ang bawat departamento.
2. Ang tema ng paligsahan ay ang temang mula sa Komisyon ng
Wikang Filipino (KWF), “Filipino at mga Katutubong Wika sa
Dekolonisasyon ng Pag-iisip ng mga Pilipino”.
3. Ang entri ay kinakailangang:
 Limang (5) salita na ibanag/ybanag na madalas gamitin at
nakasalin sa Filipino.
 Malikhain, nakakaakit ang himig, tunog, ritmo, musika, at
angkop sa temang “Filipino at mga Katutubong Wika sa
Dekolonisasyon ng Pag-iisip ng mga Pilipino”.
 Hindi bababa sa tatlong (3) minuto at hindi rin lalagpas sa apat (4)
na minto ang buong entri.
 Hindi gagamit ng bulgar na mga salita o nakakasakit na mga
salita.
4. Ang limang salitang ibanag/ybanag ay gagamitin sa pangungusap
at isasalin muli sa Filipino ang nagawang pangungusap na
ibanag/ybanag.
5. Sa TEKS-TOK kinakailangang ang indayog ng gagawing bidyo ay
kahalintulad nang sa Tiktok ngunit ito ay nasa pampaaralan na
anyo.
6. Iwasan ang daring at revealing na mga kasuotan na walang
kinalaman sa tema.
7. Ang entering lalabag sa mekaniks ay imablido at diskwalipikado.
8. Ang lahok ay maisusumite bago dumating ang Agosto 27, 2021,
ganap na 5:00 ng hapon.
9. Panukatan sa Paghatol:
o Musical Content - 20%
(nakakaakit na himig, musika at ritmo)
o Content - 40%
(nauugnay sa tema ang bigat ng mensahe)
o Orihinalidad at Pagkamalikhain - 40%
(makabagong tunog, kakaibang paggamit
ng istraktura, instrument, at mga tinig o
vocals)

KABUUAN 100%
POSTER MAKING
Ang poster ay isang mabisang paraan ng paghahatid o
pagbibigay ng impormasyon. Ito ay may pangunahing ideya na
nais ihatid sa mga tumitingin. Nakatutulong din sa pagtawag
ng pansin ang mga hugis, itsura, istilo, at laki ng mga letra.

MEKANIKS sa PAGLAHOK
1. Ang patimpalak ay bukas sa lahat basta’t may kinatawan
ang bawat departamento.
2. Lahat ng interesado ay maaaring gumawa ng kanilang
katha buhat sa tema.
3. Maaaring gumamit ng anumang materyales “medium” sa
kanilang likha sa isasalarawan sa isang illustration board
na may sukat na “30 x 40”.
4. Ang paggawa ay kailangang nakabidyo upang malaman
kung sariling gawa ba o hindi.
5. Panukatan sa Paghatol:
o Kaugnayan sa Paksa - 30%
o Pagkamalikhain - 30%
o Pagkaorihinal - 30%
o Pangkalahatang anyo - 10%

KABUUAN 100%

You might also like