Professional Documents
Culture Documents
Anyo ng Tula?
Ang mga anyo ng tula ay maaaring i-uri sa apat na bahagi na nauna na naming nailimbag
sanakaraang artikulo.Ito ay ang Malayang taludturan, Tradisyonal, May sukat nawalang tugma
at Walang sukat na may tugma.Upang maintindihan ng mabuti, ay iisa-isahinkong ipaliwanag
ang bawat anyo ng tula.
Ang Malayang taludturan
- Isang tula na isinulat nang walang sinusunod na patakaran kunghindi ang ano mang naisin ng
sumusulat.Ito ay ang anyo ng tula na ipinakilala ni Alejandro G.Abadilla. Ayon sa kanya,
maaaring makalikha ng tula na walang sukat at walang tugma. Gnunitdapat manatili ang
karikatan, ito ay ang paggamit ng matatalinhagang pahayag na ipinakilala
niya Sa kanyang tulang “ Ako ang Daigdig”.
Ang tula ay isang uri ng sining at panitikan na kilala sa malayang paggamit ng wika sa ibat ibang
anyo atestilo. Pinagyayaman ang anyo at estilo ng tula sa pamamagitan ng paggamit ng tayutay.
Ang panulaan o tula ay isang uri ng sining at panitikan na kilala sa malayang paggamit ng wika
sa ibatibang anyo at estilo. Pinagyayaman ang anyo at estilo ng tula sa pamamagitan ng
paggamit ng tayutay.Ang mga likhang panulaan ay tinatawag na tula.Ang tula ay may mga
saknong at taludtod.Ang bilang nito ay karaniwang wawaluhin,lalabindalawahin,lalabing-
animin, at lalabing-waluhing pantig. Matalinghaga at ginagamitan din ng tayutay. May tugma
atsukat. Kung minsan ay maiksi o kaya naman ay mahaba.Ang TULA ay isang masining na
pagpapahayag ng buhay na hinango sa guni-guni.Ipinararating ito sapamamagitan ng ating
damdamin at ipinahahayag sa pananalitang imahen ( imagery) o larawang diwa ay tumutukoy
sa mga salita at pahayag o mga bagay na kapag
Ang daigdig ng tula ni Alejandro G.
Abadilla
WALANG kultura na maaaring makatakas sa likas na kalinangan ng mga aspekto nito, kabilang na
ang sa Filipinas. Isang halimbawa ang panitikan, panulaan man o prosa; ito ay dumadaan sa mga
panahon ng pagbabago. Tulad na lamang ng pag-usbong ng modernistang panulaan sa Filipinas sa
pagsisimula ng ika-20 siglo. Ilang Filipino ang nagpakilala ng mga bagong kaisipan at pamamaraan
ng pagsusulat ng tula.
Ito ang itinalakay ni Virgilio Almario, ang “ama” ng maraming kabataang makata ng bansa, sa
kanyang lekturang “Ideolohiya ng Pagtula ni Alejandro Abadilla” at “Bakit Dalawa ang Ama ng
Modernismo sa Filipinas” sa Center for Creative Writing and Studies (UST-CCWS) noong Marso 8.
Inilahad ni Almario ang mga mahahalagang naiambag ni Alejandro Abadilla, kinikilalang Ama ng
Modernismo sa Filipinas, sa panitikang Filipino.
Ayon sa kanya, sa simula ay sinubukan ni Abadilla ang magsulat ng mga maikling kwento, ngunit
hindi niya ito itinuloy at siya ay nagsimulang magsulat ng mga tula. Nagsulat siya para sa Liwayway
hanggang 1933. Naging gerilya siya noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig at nakaranas ng
pagmamalupit ng mga Hapon kaya’t siya’y nabingi.
Hindi nagustuhan ni Abadilla ang mga nakasanayang pamamaraan ng pagtula. Nasabi niya ito:
“Walang makikitang pag-unlad. Marami pa ring mga palsipikadong balagtas, kahit sa balangkas o
anyo.”
Nailimbag ang kanyang koleksyong “Ako ang Daigdig” noong 1940. Nagkaroon ng pag-aalinlangan
sa kanyang mga tula dahil nagtataglay ang mga ito ng malayang taludturan na kaiba sa mga popular
na anyo ng tugma at sukat.
Higit ang bilang ng mga nagduda at hindi tumanggap sa paraan ng pagtula ni Abadilla. Kakaiba sa
karaniwang pagsusulat ang istilong ipinakilala niya, at hindi ito pinanigan at tinangkilik ng maraming
Pilipino.
Hindi nagkamit ng Palanca si Abadilla, ngunit nakatanggap siya ng Cultural Heritage Award noong
1966.
Gayunpaman, makikitang mayroong kabuluhan ang mga nagawa niya para sa panitikang Filipino. Isa
na rito ang pagtula “laban sa umiiral na kombensyon sa panulaang Filipino.” Kabilang dito ang
pagtangging sumunod sa umiiral na tugma at sukat.
Nais din ni Abadilla na maghanap ng bagong tinig na iba sa karaniwang retorika ng mga makatang
tulad ni Balagtas. Umiwas siya sa mga paksang paulit-ulit nang ginagamit sa pagtutula. Gumamit
siya ng malayang taludturan.
Pinoy Haiku: Tanaga, Dalit at Diona
Posted on July 15, 2008 | 23 Comments
Hindi na bago sa pandinig nating mga pinoy ang mga istilong panitikan tulad ng “Haiku” at mga Soneto,
ngunit sa oras na itanong mo kung pamilyar ba ba sila sa Tanaga, Dalit at Diona, ang mga sagot na posible
mong makuha ay, Ha? Ano yun?.
Bago pa man nagsidatingan ang mga mananakop na Espanyol, matagal ng may mahusay na anyong panitikan
ang mga ninunong Pilipino. Ito ay inilalarawan bilang may mataas na antas ng kalidad na nagpasalin-salin sa
mga henerasyon sa pamamagitan ng pasalitang istilo.
Natural na makata ang mga Pilipino, ngunit dahil sa pwersang nag-impluwensya tulad ng pagkontrol ng mga
Espanyol at dantaong pananakop ng iba pang kolonyang bansa, tila nabaon sa limot ang mga istilong sariling
atin.
Tulad ng Haiku, isang anyong panitikan mula pa sa kulturang Hapon, na binubuo ng mga limitadong sukat ay
nagpapakita at mayroong temang suma
saklaw sa kalikasan, karanasan, pamilya at iba pa. Ang pinaka-popular na anyo ng Haiku ay binubuo ng
tatlong maiikling taludtod. Ang unang taludtod ay karaniwang mayroong limang pantig, ang ikalawang
taludtod ay may pipituhing pantig at ang huling taludtod ay may limang pantig muli.
Halimbawa (www.everypoet.net)
grim water tumbles
TANAGA: Ang tanaga ay isang katutubong anyo ng tula na binubuo ng pitong pantig kada taludtod, apat na
taludtod kada saknong na may isahang tugmaan.
Halimbawa:
Sa gubat na madawag
Tala’y mababanaag.
Iyon ang tanging hangad,
Buhay ma’y igagawad.
-Bannie Pearl Mas
ADVERTISEMENT