You are on page 1of 3

Balagtasan

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya


Jump to navigationJump to search

Si Francisco Balagtas, inspirasyon sa paglikha ng balagtasan.


Ang balagtasan ay uri ng pagtatalo ng dalawang magkaibang panig ukol sa isang paksa. Hinango
mula sa pangalan ni Francisco Balagtas, inilalahad ang sining na ito ang isang uri ng panitikan na
kung saan ipinapahayag ang mga saloobin o pangangatwiran sa pamamagitan ng pananalitang may
mga tugma sa huli.
Unang nagsimula ang balagtasan sa Pilipinas noong Abril 6, 1924 na nilikha ng mga pangkat na
manunulat para alalahanin ang kapanganakan ni Francisco Balagtas.[1] Ginawa nila ang unang
balagtasan na may tatlong hanay ng mga makata na ipinapahayag ng isang naka-iskrip na
pagtatanggol. Binatay nila ang anyo sa mas naunang mga uri ng pagtatalo na gumagamit din ng
elemento ng tula katulad ng karagatan, huwego de prenda at duplo.
Kadalasan itong binubuo ng tatlong magtatanghal na may dalawang magtatalo na magkasalungat
ang pananaw at isang tagapamagitan na tinatawag na lakandiwa (lalaki) o lakambini (babae).
Mayroon din mga hurado na siyang maghuhusga kung sino ang mananalo. Inaasahan ang
panitikang ito na patalinuhan ng pagpapahayag ng mga patulang argumento ngunit maaari din itong
magbigay libangan sa pamamagitan ng katatawanan, anghang ng pang-aasar, pambihirang talas ng
isip, at mala-teatrikong at dramatikong pagpapahayag.[2]

Kasaysayan[baguhin | baguhin ang batayan]


Noong Marso 28, 1924, limang araw bago ang kaarawan ni Balagtas, nagpulong ang ilang mga
nangungunang manunulat sa Instituto de Mujeres,(Women's Institution) kalye ng
Tayuman, Tondo, Maynila, Pilipinas para maghanda sa pagdiriwang ng Araw ni Balagtas sa Abril 2,
1925.[2] Tanggapan ni Rosa Sevilla, isang kilalang manunulat, ang gusaling iyon. Dito nila nalikha
ang konsepto ng balagtasan nang may mga ilang nagmungkahi ng makabagong duplo.
Noong Abril 6, 1924, tatlong magkatambal ang lumahok sa unang balagtasan sa Instituto de
Mujeres,ito ay sina Rafael Olay laban kay Tomas de Jesus,Amado V. Hernandez laban kay
Guillermo Holandez. [2] Sa mga lumahok, sina Jose Corazon de Jesus (Huseng Batute),
at Florentino Collantes(Kuntil Butil), isang rin manunula sa Bulacan ang nakatanggap ng
pinakasiglang tugon mula sa madla. "Bulaklak ng Lahing Kalinis-linisan" ang pamagat ng kanilang
paksang kanilang pinagtalunan na sinulat nilang pareho.Ang dalawang ito ang nanomina sa
panglawang paghaharap.
Dahil sa matagumpay na pagtanggap ng publiko kina De Jesus at Collantes, naghanda ang nag-
organisa ng mga ilang pang mga balagtasan na kinakasangkutan ng dalawa. Dahil sa talino ng
dalawa naghanda sila ng balagtasan na walang iskrip noong Oktubre 18, 1925 sa Olimpikong
Istadyum sa Maynila upang lalo pa silang masubok.[1] Ang naging paksa nila ay "Ang Dalagang
Filipina: Noon at Ngayon." Kinuha ni De Jesus ang panig ng kababaihan noon samantalang pinili ni
Collantes naman ang kababaihan ngayon. Sa katapusan ng balagtasan, nanalo si De Jesus at
tinanghal na Unang Hari ng Balagtasan.
Pagkatapos ng pagtatanghal nila De Jesus at Collantes noong 1925 hanggang lumipas
ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig, naging sikat ang balagtasan sa Pilipinas at ninanais ng mga
manunula ang titulong Hari ng Balagtasan.[1] Dahil sa kasikatan ng ganitong anyo ng panitikan,
nagkaroon ng ibang kahintulad na patulang pagtatalo sa ibang wika mula sa Pilipinas katulad
ng Ilokano at Kampampangan maging wikang Ingles o Kastila. Naimbento ng mga Ilokano ang
bukanegan bilang pagkilala kay Pedro Bukaneg, isang Ilokanong makata. Samantalan, nagkaroon
naman ng crisotan ang mga Pampango na hinango nila mula sa manunula at dramatistang si Juan
Crisostomo Soto.

Tungkulin ng balagtasan[baguhin | baguhin ang batayan]


Maliban sa tagisan ng talino at pagbibigay ng aliw sa mga manonood, nagkaroon ang balagtasan ng
isang mas mataas na pampolitika at panlipunang tungkulin.[2] Binibigay ng mga sumasali sa
balagtasan ang kanilang saloobin tungkol sa kasalukuyang pangyayari at suliranin katulad ng
ginagawa ng mga kolumnista at patnugot ng isang pahayagan.[2] Ilan sa mga balagtasan nina De
Jesus at Collantes ang mga pampolitikang paksa katulad ng "Koalisyon at Kontra Koalisyon" na
tumutukoy sa masiglang kampanya ng noong Pangulong Manuel Quezon upang pag-isahin ang
lahat ng partidong pampolitika sa ilalim ng Partido Nacionalista na siyang partido na pamahalaan
noon.

Bago natin suriin ang pagkakaiba at pagkakatulad ng balagtasan sa duplo karagatan at batutian, atin
muna nating silang kilalanin.

Ang Balagtasan ay uri ng debateo pagtatalo ng dalawang magkasalungat na panig tungkol sa isang
paksa. Ipinahahayag ng dalawang panig ang kanilang saloobin sa pamamagitan ng pagtula.
Ang Duplo naman ay isang paligsahan sa pagtula. Ang paksa ng pagtatalo ay tungkol sa nawawalang loro
ng hari o kaya naman ay magsusumbong ang bilyako sapagkat hinmak ng isang bilyaka.
Ang Karagatan ay isang matandang panitikan. Ito ay tulang padula sapagkat ang mga ito ay nasusulat at
ginagampanan it ng tauhan. Batay sa alamat ng singsing ng isang dalaga na nahulog sa gitna ng dagat.

Ang Batutian ay uri ng tulang pantigan na hango sa balagtasan.


Pagkakapareho ng balagtasan sa duplo, karagatan at batutian.
Ang lahat ng ito ay pagtatalong patula. Ginagamitan lahat ng matalaas at mabilis na pagiisip upang
mangatwiran.
Pare-parehon silang may mga tauhan – nagtatalong panig at tagapamagitan.
Pagkakaiba ng balagtasan sa duplo, karagatan at batutian.
Ang Duplo, Karagatan at Batutian ay base sa mg kwento at doon lamang iikot ang kanilang
pagsasagutan. Samantalang ang Balagtasan ay debate na binibigkas ng patula.
Sa Karagatan, ang tawag sa mga nagtatalo ay Bilyako at Bilyaka. Punong Halaman naman ang tawag sa
Batutian. Mambabalagtas naman ang tawag sa mga taong nagtatalo atLakandiwa at Lakambini naman
ang tawag sa tagapamagitan sa Balagtasan.

Read more on Brainly.ph - https://brainly.ph/question/54470#readmore

You might also like