You are on page 1of 5

TULA

Tula
-ay isang pagbabagong-hugis ng buhay.
-isang paglalarawan ng buhay na hinango sa guniguni na pinararating sa ating damdamin
at ipinahahayag sa pananalitang nag-aangkin ng tumpak na aliw-iw at lalong mainam sa
mga sukat at tugma.

Uri ng Tula
1. Tulang Liriko.
-Itinatampok dito ng makata ang kanyang sariling damdamin at pagninilay at hindi gaano
ang mga panlabas na pangyayari at tagpo sa buhay o ang kalagayang kinaroroonan.

Ang mga uri nito ay ang mga sumusunod:


a. Awit -Ang karaniwang paksa nito ay pag-ibig, kawalang pag-asa o pamimighati,
pangamba, kaligayahan, pag-asa at kalungkutan.
b. Soneto - Ito ay tulang may 14 na taludtod, hinggil sa damdamin at kaisipan, may
malimaw na kabatiran sa likas na pagkatao.
c. Oda-Ito ay nagpapahayag ng isang papuri ng isang panaghoy o ng iba pang masiglang
damdamin, walang tiyak na bilang ng pantig o taludtod sa isang saknong.
d. Elehiya - Nagpapahayag ito ng damdamin o guniguni tungkol sa kamatayan o kaya'y
tula ng pananangis lalo na sa paggunita sa isang yumao. Ang halimbawa ay tula ni Jose
Corazon De Jesus na "Isang Punong Kahoy".
e. Dalit - Ito ay mga awit na pumupuri sa Diyos o sa Mahal na Birhen.

2. Tulang Pasalaysay
-Naglalarawan ito ng mga mahahalagang tagpo o pangyayari sa buhay na natatagpuan sa
mga taludtod na nagsasaaysay ng isang kwento.

Uri ng Tulang Pasalaysay


a. Epiko o Tulang Bayani - Ito ay nagsasalaysay ng kabayanihang halos hindi
mapaniwalaan sapagkat nauukol sa mga kababalaghan.
Halimbawa nito ang
 epiko n mga Ilokano na "Biag ni Lam-ang."

b. Korido - Ito ang tulang nagtataglay ng walong pantig sa bawat taludtod. Karaniwang
mahaba at may mahusay na banghay ng mga pangyayaring isinasalaysay. May himig
mapanglaw at malimit na may paksang kababalaghan at maalamat at karamihan ay hiram
sa paksang Europeo.
Halimbawa:
 "Ibong Adarna"
c. Awit - Ito ay nagtataglay ng labindalawang pantig sa bawat taludtod. Higit na masigla
ito kaysa korido. May malambing at marikit na pangungusap at nangangailangan ng
malalim na kaisipan.
Halimbawa: "Florante at Laura."

3. Tulang Pandulaan

- Sadyang ginawa ito upang itanghal.

- Naglalarawan ito ng mga tagpong lubhang madula na maaaring makatulad ng, o


dili kaya'y naiiba sa nagaganap sa pang-araw-araw na buhay. Patula ang usapan
dito.

- Saklaw ng uring ito ang nga komedya, trahedya, melodramang tula, dulang parsa.

4. Tulang Patnigan

- Tulang sagutan na itinatanghal ng mga nagtutunggaliang makata ngunit hindi


paraang padula, kundi sa tagisan ng mga katwiran at tagisan ng mga talino sa
paraang patula.

Apat na Uri ng Tulang Patnigan


a. Balagtasan - Tagisan ito ng talino sa pagbigkas ng tula, bilang pngangatwiran sa isang
paksang pagtatalunan. Ito'y sa karangalan ni Francisco "Balagtas" Baltazar.

b. Karagatan - Ito ay isang laro sa tula o isang paligsahan sa pagtula na kabilang sa


tinatawag na "libangang itinatanghal" na ang taglay na pamagat ay nanggaling sa isang
alamat ng singsing ng isang dalaga na nahulog sa dagat.

c. Duplo - Ito ay isang laro sa tula o isang paligsahan sa husay sa pagbigkas at


pangangatwiran nang patula. Hango ang pangangatwiran sa Bibliya, mga salawikain at
mga kasabihan.

MGA URI NG DULA

Ayon kay Arrogante (1991), ang dula ay isang pampanitikang panggagaya sa


buhay upang maipamalas sa tanghalan. Sa pamamagitan ng dula,nailalarawan ang buhay
ng tao na maaaring malungkot,masaya,mapagbiro, masalimuot at iba pa.

Ang Dula
 ito ay isang paglalarawan ng buhay na ginaganap sa isang tanghalan
Mga Uri ng Dula:

1. Trahedya
 nagwawakas sa pagkasawi o pagkamatay ng mga pangunahing tauhan.

Halimbawa:
Moses, Moses
Jaguar
Kahapon, Ngayon, Bukas (sarswela)
Sinag Ng Karimlan
Anghel ni Noel De Leon
Ang Trahedya Sa balay ni kadil na isinulat ni Don pagurasa

2. Komedya
 ang wakas ay kasiya-siya sa mga manood dahil nagtatapos na masaya sapagkat ang
mga tauhan ay magkakasundo.

Halimbawa:
• Sa Pula, Sa Puti
> Plop! Click

3. Melodrama
 kasiya-siya din ang wakas nito bagamat ang uring ito'y may malulungkot na bahagi
Halimbawa:
Sarin Manok ni Patrick c. Fernandez

4. Parsa
 ang layunin nito'y magpatawa at ito'y sa pamamagitan ng mga pananalitang
katawatawa

Halimbwa:
Karaniwang Tao by: Joey Ayala

5. Saynete - mga karaniwang ugali ang pinaksa dito.

Maikling kwento

Ang maikling kwento ay isang masining na anyo ng panitikan na naglalaman ng


isang maiksing salaysay tungkol sa isang mahalagang pangyayari na kinabibilangan ng
isa o ilang tauhan. Nag-iiwan ito ng isang kakintalan sa isip ng mga mambabasa.
Mga uri ng Maikling kwento

Kwentong Makabanghay

 - Ito ay isang uri na nagbibigay diin sa mga maayos na daloy na mga pangyayari o
tinatawag ding banghay.

Kwentong katutubong kulay

 Ito naman ay tumutukoy sa mga kapaligiran, tradisyunal, kultura at hanapbuhay ng


mga lokal o mga nakatira sa mga tinutukoy o nasabing pook.

Kwento ng kababalaghan

 Isa sa mga uri na ang kontento ng kwento ay may elemento ng puro katatakutan at
hindi kapanipaniwala na kung nasa Ingles ay tinatawag na horror.

Kwento ng Tauhan

 Ito naman ay isang uri nito na kung saan ang interes at diin ay nasa pangunahing
tauhan o protagonista.

Kwento ng katatawanan

 Ito naman ay isang uri na ang diin niya ay magpatawa at bigyang aliw at saya ang
mga mambabasa ng kwentong ito.

Kwento ng Pag-ibig

 Ito naman ang kwento na kung saan ang diin ay ang pag-iibigan ng mga pangunahing
tauhan at ang katambal nito.

Kwento ng Kaisipan o Sikolohiko

 Isang uri ng kwento na sulok ang pag-iisip ng tauhan at inilalahad ito sa mga
mambabasa.

Kwento ng Pakikipagsapalaran

 Nasa balangkas ng pangyayari ang interes ng kwento ng pakikipagsapalaran.


Kwentong Bayan

 Inilalahad dito ang mga kwentong pinag-uusapan sa kasalukuyan ng buong bayan.

Kwento ng Kapaligiran

 Ito naman ang kwento na ang paksa ay ukol sa kalikasan, kapaligiran at lipunan

Kwento ng Madulang Pangyayari

 Ito ang mga salaysayin kung saan binibigyang diin ang kapanapanabik at
mahahalagang pangyayari na nakapagpapaiba o nakapagbago sa tauhan.

You might also like