You are on page 1of 17

Republic of the Philippines Laguna State Polytechnic University

Province of Laguna

FIL 8_Kulturang
Popular
Takdang Aralin Blg. 1
EDORA DESERIE P BSED 2B-FILIPINO
G. ELY REY ABAD
Unang Bahagi: Bida, Anyo at Pagpapahalaga sa
Pelikulang Filipino

Ang bida, anyo at pagpapahalaga sa pelikulang


Filipino ay magkakaugnay sa usapin ng sosyolisasyon o ang
paraan ng pagtuturo sa manonood ng kalakarang
panlipunan sa pag-iisip at pagkilos. Kadalasan, hindi
hiwalay ang sosyalisasyon ng manood sa pelikula sa
kanyang pagiging mayaman sa lipunan. Halimbawa na
lamang ang pagtayo bago mag last full show para sa
patunghay sa pambansang awit. Hindi bat ipinaalala sa atin
ang medium ng pelikula na tayo ay bahagi ng mas malaking
larangan ng lipunan ?

Bakit tayo napapatayo, bakit tayo napapasunod?


Nagagawa ito ay ng kapangyarihan ng pelikula na lumikha
ng identification ng manonood sa mga imahe ng putting
tabing.

Ang pagkatuto natin sa kalakarang pampelikula at


panlipunan ay nakasandig sa dalawang mahalagang usapi;
ang una ng bida sa pelikula at ikalawa ang anyong
pampelikula
Ang bida o icon sa pelikula ay isang higanteng imahen
na nagpapahiwatig ng isang universe ng kahulugan

Sharon Cuneta bilang bida ng mudo


ng kabataang melodrama

Si Nora Aunor bilang


bida ng adult
melodrama

Si FPJ
bilang bida
ng folklore
na aksyon
Ang Hulmahan

Ang anyong pampelikula o genre ay mga hulmahan o molde na kinalalagyan ng


maraming bida. Ito ay pumapapatungkol sa mga forma o anyo ng maraming pelikula.
Naiiba ang pelikulang bakbakan dahil sa dalawang bagay

Mayroon itong sariling decodable na Ikalawa naiiba ang isang anyong


universe, mga tried and tested na mga pampelikula dahil mayroon pang ibang
kumbensyong bumubuo ng fomula ng genre anyong pampelikula.
(halimbawa ang pag-agos ng luha sa
pelikulang melodrama, o ang pagpapasabog Ang universe ng bomba film ay
ng lumang sasakyan sa pelikulang asksyon: natatangi dahil may iba pang natatanging
universe ng pelikulang, melodrama,
aksyon, bakbakan komedi at iba pa

Una ang kombensyon na bawat anyong pampelikula ay


natatangi. Inaasahan natin sa melodrama, inaapi ang babaeng bida
gaya ng pang-aapi sa lalakeng bida sa pelikulang bakbakan.
Gayumpaman, domestiko ang pang-aapi sa babaeng bida sa
melodrama, panggagaling sa sariling nitong tahanan, pamilya at
komunidad ang puwersang umaapi sa kanya. Samantalang sa
bidang lalake naman ay bakbakan sa puwersang lipunan.

Ang ikalawang pagtatangi sa mga anyong pampelikula ay


ang syoyalisayon batay sa karanasan. Ibigsabihin, kakatwa na ang
ay mahilig sa pelikulang melodrama dahil hindi inaasahan sa lalaki
na umiiyak o maging iyakin kapag itinatapon na ang damit at
gamit ni Ate Guy dahil sa maling pag-aakala ng kanyang ina. Ang
kalakhang fan ng melodrama ay mga babaeng ang sa aksyon para
sa mga lalaking manonood at sa babaeng bida sa melodrama sa
babaeng nanonood.
Ang ikatlong pagtatangi sa anyong pampelikula ay ang
sosyalisayon batay sa henerasyon. Iba ring henerasyon
tumatatanggilik sa mga bida sa pelikula. Adult women ang
tumatangkilik sa pelikula ni Ate Guy, samantalang young women
naman ang tumatanggilik sa pelikula ni ate Shawie. Gayon din,
adult men ang tumatangkilik ng pelikula ni Philip Salvador
samantalang young men ang tumatanggilik sa pelikula nina Bong
at Robin. Gayon din ang kasalukuyang manakanakang musical ay
nakatuon para sa kabataan; gayon din ang mga pelikulang horror
ay nakatuon sa kabataang manonood.

Mayroong tinatawag na karakter o ang papel ng bida sa pelikula, ang


kanyang ginagamapanang pagkatao. Karaniwan hindi ito hiwalay sa
ikalawang pagkatao Karaniwan, hindi ito hiwalay sa ikalawang pagkatao
ng bida, ang kanyang personality o ang kanyang pagkatao sa labas ng
pinilakang tabing. Ibig sabihin nito, hindi maaring supladita si Ate Shawie
sa tunay na buhay o sa iba pang larangan ng kanyang personal at
komersyal na daigdig-tulad ng mga komersyal para sa McDonald's,
Century Tuna. Super Ferry. at iba pa, o ang kanyang personality sa
kanyang talk show dahil ang register sa atin ng bawat pelikula niyang
ating natunghayan ay siya'y virginal o middle class na malabirhen. Gayon
din, si Ate Guy ay hindi maaring komportableng mayaman dahil sa
kanyang mga pelikula., tadtad ng trials at tribulations ang buhay na
kanyang mga ginagampanan. Ang uri ng sangganong pamomolitika ni
Presidente Estrada halimbawa, ang pagiging dismissive sa usapin ng
lavored friends o cronyism, at sensitibo sa mga isyung kina sasangkutan ng
kanyang pamilya ay hindi naman hiwalay sa pagiging mapagmahal sa
kapamilya at mabuting kaibigan sa kanyang mga pelikula. Sa
usapin ng bida sa pelikula, life ignitates art, and art imitates life.
Hindi magkahiwalay ang mundo ng cellulord at buhay dahil
ito ay orkestradong pinamamayani ng negosyo at estado. Hindi
gaanong binabago ng mga producer ang pormula dahil may
panganib na baka hindi ito kumita. Suriin natin ang mga pelikula
ni Sharon Cuneta. Ano-ano ang mga kumbensyon na
natutunghayan natin sa kanyang mga pelikula?
una, inaapi ang bida, ikalawa, may maaawang
kadalasan ng babaeng tutulong sa bida (isang
kontrabida nawawalang tiyuhing
magpapamana sa kanya
ng limpak limpak na
salapi o isang talent
scout na makaka-
discover sa kanyang pag-
awit sa anderpas ng
Quiapo)

ikatlo, sisikat at
yayaman ang bida
(magiging kapantay
o higit pa sa mga
umaapi sa kanya)

at huli, sa puntong
Ikaapat, gaganti ang
makagaganti na ang
bida (pero
bida,
kailangan i-provoke
patatawarinniya
pa siyang muli ng
ang umapi sa
kontrabida
kanya..
Dito umiinog ang mundo ni Sharon
Cuneta sa melodrama. Ito ang pormula
na humahakot sa fans para panoorin at
gawing box-office hit ang kanyang bawat
pelikula. Ito rin ang pormula na nag-
aakyat ng kita sa producer. Kaya ang
matutunghayan natin sa pagsasanib ng
bida sa anyong pampelikula ay mga
variation na lamang ng pangunahing
sinisimbolo ng ganitong pagsasanib

Ang estado ay bahagi rin ng regularisasyon ng ating pag iisip at pagkilos


batay sa panonood ng sine. Halimbawa na lang, ang usapin ng censorship at
classification Sa pamamagitan ng pagputol ng objectionable portions sa pelikula dati,
at ng klasipikasyon ng mga pelikula batay sa GP (general patronage). PG (parental
guidance) at R (restricted, for adults, ngayon, nire-regulate ng ganitong sistema ang
ating pagkatuto sa usapin ng sexualidad sa pamamagitan ng pagpapahintulot at
pagpapakita ng mga. "bawal na bahagi ng katawan ng babae
Dati, sa panahon halimbawa ni
Marcos ay nauso ang wet-look film
bilang isang variant ng pelikulang
bomba Nauso ito sa panahon matapos ang deklarasyon ng
martial law. Ipinagbawal ng estado ang inaakalang
malalaswang pelikula. tulad ng bomba films. Sumulpot ang
wet-look film el Dito, ang babae ay kinakailangang
nakakamison para maipakita ang bakas ng mga bawal na
bahagi. Kaya madalas isang kumbensyon ng genreng ito
ay ang paliligo ng babar na nakakamison, o ang
panggagahasa sa kanya sa may tabing tubig. Dahil nga
bawal ang pagpapakita ng suso ng kabataa panahon ng
martial law, ang nagulat naman ay ang pagpapakita ng
bakas ng kanvaon sen oað pamamagitan ng basang kamison

Dagdag pa, sa panahon ng martial law ni Marcos ay nagpasulpot


ang kanyang administransyon ng mga bagong mito ng pagkabans, tulad ng
Bagong Lipunan, Malakas at Maganda.
Kabatang Barangay, at iba pa na nagbigay diin
sa pagpapahiwatig ng pride sa pagiging
makabagong Filipino. Kaya rin, nabago ang un
ng bomba star. Bago mag martial law, ang mga
bomba star ay mga mestisahin, tulad ina Divina Valencia. Yvonne, at
Rosanna Ortiz Sa panahon ng wet-look film, ang bombo star ay
nagpahiwatig ng brown beauty o kayumangging kaligatan-mga katangian ng
kagandahan na nakabatay sa Filipina beauty morena, oval na hugis ng
mukha, medyo pango, malapad ang labi, at balingkinitan, tulad nina
Elizabeth Oropesa at Gloria Diaz Samakatuwid, hindi hiwalay ang
regularisasyon ng ating pag iisip at pagkilos sa lipunan sa mga
isinisiwalat na kalakaran sa pelikula.

Kung ganito ang kalakarang itinataguyod ng kombinasyong bida at anyong pampelikula, ang
reapirmasyon ng moral na universe sa loob at labas ng pelikula, ano ang ating maaring maging kontrang
pagtingin dito? Natalakay natin na mayroong ibang layon ang pelikula, maliban sa pagiging libangan nito.
Tinuturuan tayo nito.ng paraan ng pagtingin sa mga bagay-bagay sa ating paligid. nireregularisa ang
paraan ng ating pag-iisip at pagkilos Samakatuwid, nireregularisa nito ang ating paraan ng pagdanas ng
mga emosyon at idea.
Romantic Relationship

Isipin na lamang natin, halimbawa, ano ang ating


ideal na romantic relationship? Ano ang mga katangiang
magpapahiwatig nito? Sa ating utak, papasok ang idea ng
pakikipag-holding hands sa someone special; mabango
ang amoy, pati ang hininga, parang Close-up commercial
ang ngiti; makinis ang mukha, alaga ng skin cleanser:
nakajaporms, hip at brand names ang suot: masayang
naglalakad sa park na puno ng makukulay na bulaklak.
magalang ang karelasyon, galing sa muy buena familia,
may looks at breeding. Pero ilan sa atin ang aktuwal na
nagkaroon ng ganitong relasyon.

Malamang, iilan lamang kundi man wala pa. Pero hindi


ba kakatwa na ang ating nosyon ng romantic relationship ay
nauna muna bago ang aktuwal?. Ibig sabihin, napangunahan
o na-mediate ng mga imahen ng sine at iba pang media ang
magiging aktuwal nating karanasan. Ang trahedya nito,
kapag hindi lubusang nakaagapay ang indibidwal sa
pagtanggap ng limitasyon ng kanyang aktuwal na realidad,
ang aktuwal ay parating hindi papasa sa pamantayan ng
ideal o mediated na kondisyon. Kaya parating may
panghihinayang kung bakit hindi pa rin dumarating si Mister
Right o si Miss Perfect. dahil, in the first place, wala nating
perfect na mundo. maliban na nga lang sa mga imaheu sa
sine na ating regular na pinanonood. Pinagkakamali natin
ang imahen bilang aktuwal na realidad, at ang ating realidad
bilang imahen lamang na di natin maranggap-tanggap. Mas
katanggap tanggap ang mga imahen kaysa sa realidad. Kaya
rin, sa maraming mga indibidwal, ang aktuwal ay tinitingnan
na lamang din bilang mga nagmi-mimic o nanggagaya ng
mga imahen ng ideal. Ang buhay natin ay nireregularisa ng
universe ng imahen

Kaya dapat isaalang-alang na pareho ang puwersang panlipunan at


pangkasaysayang humuhubog sa identipikasyong nalilikha ng manonood sa sine at ang
pagkatao ng mamamayan sa labas ng sinchan. Ang panonood ng sine ay hindi lamang
isang libangan sa isang oras at kalahating pagtunghay sa mga imahen at tunog. Ito ay
nagtuturo sa atin ng mga kalakaran ng pag-iisip at pagkilos paano titingnan ang mga
tensyong dulot ng magkatunggaling uri, kasarian at sexualidad, lahi at etnisidad,
henerasyon. relihiyon, at iba pa-na sa maraming bagay ay hindi lamang sumasakop sa mga
problema ng karakter sa pelikula o ng manonood, kadalasan, pati na rin ang ating mga
problema na dulot ng ating kakaiba at kahalintulad na nilalang sa labas ng sinehan.
Ikalawang Bahagi: Retro at Computer Games: Ang Uso sa
Kabataang Subkultura

Ang uso ay may katangiang mukhang bago, papalit-palit. may


impetus (ang nagpapauso), at may matagumpay na temporal na paglaganap.
Ang uso ngayon ay hindi nanggaling sa wala, mayroong kasaysayan ang uso.
Ang uso ngayon ay hindi rin tiyak na uso bukas, limitado lang ang panahon
ng pagiging uso. Sa postmodernong kultura, ang uso ay pinalalaganap para
sa kabataang subkultura.

Kadalasan, ang uso ng sinauna ay nagkakaroon, ng comeback


sa kasalukuyan. Kung magkaganito, ang radikalidad ng sinauna ay
tumatamlay, nagkakaroon ng buhay sa pamamagitan lamang ng pagiging
kakaiba at hip sa hindi inaasahang adaptasyon ng kasalukuyang henerasyon.
Tulad na lamang ng retro fashion, ang uso ay nanggaling sa sinaunang
pagkakauso ng bagay, ngunit naiiba ang gamit sa kasalukuyan.

Para magawa ito, ang uso ay nagiging interaktibo. Nagkakaroon ng


kakanyahan ang kabataan na i-adopt ang uso para sa sarili nitong
pangangailangan at layunin. Hindi nauubusan ng uso dahil hindi nauubusan ng henerasyon ng
kabataan. At ang kakatwa sa mga henerasyon, pabata nang pabata, palawak nang palawak ang
nagiging sakop ng pagiging kabataan. Tulad ng interaktibidad ng computer games, ang pagpaloob
sa isang bagong kalakaran ng pagiging kabataan ay
nangangailangan ng bagong kakanyahan,
epistemolohiya at panlipunang relasyon.
Ang Revival ng Retro

Ang retro ay revival ng mga sinaunang uso . At dahil maigsi


ang memorya ng tao, ang revival ay humahalaw sa isang kagyat na
nakalipas. Ang isang halimbawa nito'y ang pangongolekta ng bagong
antigo-lumang bote ng Coke. higanteng kutsara't tinidor mula sa
palengke ng Baguio. litrato ng kabataang Nora't Vilma, poster ng
pelikula. romance novels, komiks, at iba pa. Kapansin-pansin sa mga
halimbawang nabanggit ang malaking papel ng media, mass
production, at pop culture sa revival ng retro.

Media ang nagpapalaganap ng mga uso sa anumang panahon,


at maging ang imbensyon ng media ay isang bagong supling nitong
papatapos na siglo. Kasabay ng pag-unlad ng media ay ang pag-unlad
ng teknolohiya ng industriya Pinakamatindi ang mass production sa
siglong ito. Kaya ang nauuso ay iyong kayang maabot ng nakararami,
iyong mass produced na produkto. Napalalaganap nga ito sa
pamamagitan ng commercial, ads, magazines, palabas sa TV at
pelikula. At sa pag-abot sa nakararami, ito ang namamayaning pop
culture-pinaniniwalaan ng marami ang uso bilang mahalagang bahagi
ng kanilang pagkatao.

Ibig sabihin, kapag hindi nakauso ang isang tao, para itong
tuyong bulaklak na tumitiklop. May kulang sa kanyang modernong
pagkatao. Nahihiya ito, dahil nga may itinakda ang media at
industriya ng produksyon kung ano ang kanais nais na standard ng
pagkatao
Nangangailangang manghiram o magnakaw sa postmodernismo dahil
ang ating estetik ay nasa yugto na ng wala nang otentikong bago na maaring
lumabas pa mula sa kosmopolitang kultura. Nasagad na ang balon ng
maaring maging bago. Dahil na rin sa globalisasyon, madali nang kumamkam
ng kultura ung iba. Nangangailangang labis ang postmodernismo dahil
matagal na tayong ginawang bato ng isang kabalintunaan. Habang lalong
dumarami ang mga estilong maaring kamkamin, lalo tayong nalululong na
dagdagan pa ito. Tulad ng addiction, hindi na uubra ang naunang tama;
kailangang dagdagan o dalasan ang ipapasok sa katawan. Lalo kasing
nagiging mahirap paigtingin ang ating damdamin, kaya parating kalabisan
ang paraan para pukawin ito

Hindi na tayo kontento sa isang biniling damit na kumakatawan sa


usong retro. Dine-demand ng retro na baguhin din natin ang ating
wardrobe, maging ang ating pagtingin at attitude sa mundo. Kailangang '60s
ang ating pagkatao para umuso. Ito ay hanggang may lumabas na namang
uso, kung may makitang di lamang mas makasantig ng damdamin ng
mamimili, kundi pati na rin ng bibilhing pagkatao.

Ang usapin ng retto, samakatuwid, ay usapin ng estilo. Ang


pinagkakaiba ng bawat usong sumusulpot ay sa ginamit na estilo. Kahit pa
dekada '80. halimbawa, ang pinaghahalawan ng kasalukuyang retro, iba-iba
ang magiging estilo sa paggamit nito. Iba ang konsepto ng retro ng mga
maykayang nakabibili ng retro mula sa designer stores ng Shangri-La Plaza.
Iba rin ang sa mga kasapi ng Eraserheads o estudyante ng UP, maging ang
sa mga namimili sa Central Market. Iba tin ang retro na isinisilbi sa mga nasa
Pinatubo relief center na nakatatanggap ng mga donasyon ng mga mas
nakaaangat na bansat indibidwal. Gayon din, iba ang interpretasyon ng
gamit sa lalaki't babae, bakla at lesbiana.
Kung iba't iba na nga ang gamit sa isang retro,
ano pa kaya kung sabayan ng maraming uso, gaya ng
ipinapanga landakan sa postmodernismo't
multinasyonalismo? Ang usapin ng retro, kung gayon,
ay itinatakda ng estilong nakakamit mula sa pagbili't
pagtangkilik ng uso. Ibig sabihin, hindi retro ang
bagay kung hindi ito nabibili

Nagkakaroon ng kamularan sa retro kapag napabili at


napatangkilik ka ng sinaunang luma, mulat sa isip na ito'y retro. Sa
kasalukuyan, hindi retro ang isang bagay hangga't ito'y hindi ginawa
para sa may eksklusibong layunin na maging retro. Hindi lang simpleng
naging hippieng kulelat. kailangan talagang naging misyon sa buhay na
naging ganito kahuli. Bukod dito, kailangang handang maitransforma
ing katawan at pagkatao sa anomang bagay na mauso. Kung hindi
handa, napo-fossilize ang uso, at kapag nagkaganito, hindi na ito retro.

Ang patuloy na paghabol sa usong retro'y manga ngailangan ng


kahandaaang itransforma ang identidad tungo sa bago, at kahandaang
bumili nitong mga marka ng bagong identidad. Walang katiyakan kung
ano ang mananatiling bago at uso bukas.

Bagama't nakapapagod, patuloy na tinatransforma ang identidad


ng kabataang iba namang retro ang henerasyong kaulayaw ng retro.
Patuloy ang pagtatanghal ng iba't ibang lumang uso sa bawat pag-inog
ng mundo.
Computers Games

Kung ang retro fashion ay


mga binatilyo at dalagita ang
tinatarget na market, ang
computer games naman ay mas
batang edad, mga pre-schoole.
Wala na ang mga bata sa
lansangan o sa kakaunting
playround sa Maynila. Sa mga
may bata ay naglalaro ng
Wrestling Mania O Moratal
Combat.

Ang Computer Games ay training


ground sa isang lipunang lumalangoy sa
batis ng impormasyon at technological
age. At dahil ito ay malawakang gamit ng
mga bata sa panggitnang uri, ang
computer games ay bahagi ng nagaganap
na pambansang pagbibilang-yaman.
Ibigsabihin, pati ang mga mas mababang
antas ng lipunan ay nagkakaroon din ng
panaginip na makamit ganitong mga
palatandaan ng panggitnang uring
pagsulong sa buhay.

Ang uso at interaktibo ang siyang naghuhudyat ng kabataang


subkultura. Ito ang nagpapamahagi ng identipikasyon para magkaroon ng
panlipunang relasyon ang kabataan, na kahit hindi sila magkakakilala, pareho
ang kanilang isinusuot nilalaro, ginagawa at isinasakatuparang layunin.
Sanggunian
Tolentino, R. B. (2004).Kulturang
Popular. Anvil Philippines.

You might also like