You are on page 1of 31

PANITIKAN AT REHIYON

PANITIKAN

 galing sa salitang “pang|titik|an” – titik ay nangangahulugan Literatura


mula sa salitang Latin na “Litterana”
 Nagpapahayag ng mga kaisipan, mga damdamin, mga karanasan, hangarin
at diwa ng mga tao.
 Nagsasalaysay din ito sa pamahalaan, lipunan at mga pananampatalaya at
mga karanasang may kaugnay ng iba’t ibang uri ng damdamin tulad ng
pag-ibig, kaligayahan, kalungkutan, pag-asa, pagkapoot, paghihiganti,
pagkasuklam, sindak at pangamba.

 Noong 1983, para kay Arrogante, isang talaan ng buhay ang panitikan kung
saan nagsisiwalat ang isang tao ng mga bagay na kaugnay ng napupuna
niyang kulay ng buhay at buhay sa kanyang daigdig na kinabibilangan.
Ginagawa ito ng isang tao sa pamamagitan ng malikhain pamamaraan.
 Noong 1995, inilarawan ni Salazar ang panitikan bilang isang lakas na
nagpapagalaw sa lipunan. Dinagdag pa niyang isa itong kasangkapang
makapangyarihan na maaaring magpalaya sa isang ideyang nagpupumiglas
upang makawala. Para sa kanya, isa rin itong kakaibang karanasang
pantaong natatangi sa sangkatauhan.

A. LITERATURA NG REHIYON I
Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union at Pangasinan

Mga Tao at Kultura

Ang Ilokos ay matatagpuan sa hilagang kanlurang bahagi ng Sa kanluran


matatagpuan ang dagat Tsina af pangunahing kabuhayan ng mga tao. Ang
lupain ay tigang at mabato kaya hindi matamnan.

Ang mga Ilokano ay napilitang dumayo sa ibang Ito ang nagbunsod sa


mga Ilokano upang lalawigan upang kumita. mangibang bansa tulad sa
Hawaii, Guam at Estados Unidos. Luzon. Sa pananakop ng mga Kastila ay
nahati ang mga mamamayan Hindi ito naging hadlang upang di sa mayaman
at mahirap. ipagpatuloy ng mga Ilokano ang mga paraan ng kanilang
pagpapahayag ng kanilang kalungkutan at kaligayahan sa pamamagitan ng
duayya, lallay, badeng, arikenken, dallot, dung-aw, pakasaritaan, burbutia at
pagsasao.

Makikita ang panitikan at kultura ng mga ritual at sapita, di-ugma.


Subalit pinilit itong pinalitan ng mga Kastila na ang paksa ay tungkol sa
pananampalatayang Kristianismo. Wikang Kastila at Iloko ang mga ginamit na
salita. Sa pagdating ng mga Amerikano Ingles naman ang pinagamit tr kaya
ang mga makatang Pilipino ay nabusalan ang bibig at napako ang isip. Ito ang
dahilan ng pagtamlay ng panitikan ng lahi. Sa mga Ilokano, ang panitikan ay
kurditan. Pumapangalawa ang panitikang Iloko sa panitikang Tagalog kung
dami ng sinulat ang pag-uusapan. Katunayan, hanggang sa kasalukuyan ay
patuloy pa ring masigla sa pagsulat ang mga Ilokano kahit nasa iba't ibang
bahagi sila ng mundo. Ang samahang GUMIL ang dahilan nito. Sa Hawaii ay
mayroon ding GUMIL HAWAII. Si Juan S. Hidalgo, Jr. ang nagtatag ng
samahang ito. Iba't ibang Anyong Pampanitikang Iloko:

Iba’t- ibang Anyong Pampanitikan

1. Bartia- katumbas ng bugtong.


- Halimbawa:
Langit ngato, langit baba,
danum agtengteng nga Langit sa taas,
langit sa baba, tubig sa gitna
(buko)

2. Pagsasao- katumbas ng salawikain , may aral at bibigkas ng patula.


- Halimbawa:
ti adda siniglot na isu ti adda bukraen na
- Halimbawa:
Ti biag ditoy lubong ugget sasang Agliab biit, intono kuan agawan
Ang buhay sa mundo ay tulad ng bulalakaw Para sumandaling magliyab
pagkatapos ay maglalaho.

3. Arasaas- katumbas ng bulong


- Halimbawa:
Umaykan , dika agbatbati, Puwera dildilaw
- Halimbawa:
Baribari, tagtagari Manganmangan no agpasiduari Baribari,
huwag maingay baka magising ang bantay

4. Badeng- lumang awitin ng pag-ibig na ginagamit ng mga kalalakihang


nanghaharana.
- Halimbawa:
Manang biday ; Pamulinawen; Naraniag a bulan

Manang Biday,
ilukat mo man
Dayta bintanam ikalumbaban
Ta kitaem toy kinayawan
Ay matayakom ni dinak ka sian

Manang Biday,
pakiusap lang
Bintana mo'y iyong buksan
Pagsusumamo'y iyong pakinggan
Ay mamamatay ako pag di kinaawaan.

5. Dallot- isang uri ng pagtatalo ng lalaki at babae na sinasaliwan ng tulali, isang


uri ng palutang iloko.
- awit sa mga kasalan,binyag at ibang pang pagtitipon na sinasaliwan ng
sayaw at pagbibigay ng payo sa bagong kasal.
TULALI- isang plawtang iloko na may 6 na butas.
- Halimbawa:
Da mangngalap ken agsansana(ang mga mangingisda at mag-aasin)
Salin ni Deogracia del Castillo-Santo

6. Dung-aw- panaghoy para sa isang namatay


- Halimbawa:
As-asug daguiti kararrua;
Agtig-ab ti lubong
7. Epiko- mahabng tulang pasalaysay na di kapani-paniwala ang kabayanihan ng
tao.
- Halimbawa: Biag ni lam-ang ni Pedro Bukaneg

8. Arikenken- pahusayan sa isang sagutang patula


- paligsahan ng mga lalaki at babae .
- Ang tema nlia ay tungkol sa karapatan at responsibilidad.

9. Mito- naglalaman ito ng buhay ng kanilang bathala at mga anito

Sa kabila ng yaman ng kanilang tradisyon ay nagbago pa rin ang


kanilang panitikan dahil sa impluwensya ng mga banyaga. Kaya noong 19 ng
siglo lumitaw ang kilalang makatang si Leona Florentino, ang itinuturing na
pambansang makatang babae.
Si Leon Pichay ang kinikilalang makata noong ika 20 siglo. Nakasulat
siya ng 400 tula bukod sa dula at nobela.
Lumitaw rin sa panahong ito ang tinatawag na Bukanegan, na hango
kay Pedro Bukaneg na katumbas ni Francisco Balagtas sa Tagalog.
Noong 1872. lumitaw si Matilde de Sinapangan ni P. Rufino Umunlad
lalo ang Redondo, ang kauna- unahang nobelang Iloko, nobelang ito ng Iloko
nang ilathala ang Bannawag, ang katumbas ng Liwayway sa Tagalog.
Ang Comedya ay maituturing na unang dulang Iloko.
Si Nena Crisologo ang pinakadakilang pangalan sa dulang Iloko
sapagkat ang kanyang mga dula ay bumabatikos at nagtatama ng mga
abusong panlipunan.

Juan C. Laya
Bago sumiklab ang ikalawang digmaang pandaigdig ay nakilala C. Laya.
guro, sa katauhan ni Juan ang isang manunulat, at Kaunaunahan siyang
nagkamit ng unang gantimpalang Commonwealth sa pagsulat ng nobelang
pinamagatang "His Native Soil" noong 1940.
Ang kanyang ikalawang nobela ay "This Barangay" noong 1950. mga
Pilipino upang Nagbigay si Juan C. Laya ng inspirasyon sa ipagpatuloy ang
pagsulat.

Carlos P. Romulo
Noong 1951, nakami ni Carlos P. Romulo ang pulitzer prize, isang
gantimpalang pinagkakaloob ng Amerika sa mga mahuhusay na
mananalaysay. Sumikat siya sa nobelang "The United" na umani ng Naging
pangulo siya ng General tagumpay sa Estados Unidos.

Sarita ang tawag sa maikling kwento sa Iloko.


Ang unang sarita ay Ti Langit Ti Inamatayo (Ang Langit ng Pag-asa) na
isinulat ni Isabelo delos Reyes. Nang matapos ang ikalawang digmaang
pandaigdig, biglang sumigla ang mga kwentista.

Sa pagitan ng 1948 at 1952 may 900 na mga kwento ang napalimbag sa


mga peryodikong ang tema ay digmaan, gawain ng mga gerilya, kabuhayan,
pagpatay at pagmamalupit ng mga Hapones.

Iba pang mga akda at manunulat


1. BARBERYA – La Union ( Alberto B. Casuga)
2. NAIPAY A NAMNAMA (Mailap na Pag-asa – Leona Florentino
3. UNIVERSO TI TAENGNA ( Sanlibutang Tahanan, A, SP. Hidalgo Jr.)
4. HULING HABILIN (Kaonoran Ya Bilin) kwentong totoong nangyari – Maria
Magsino

B. LITERATURA NG REHIYON II
Batanes, Cagayan, Isabela, Nueva Viscaya at Quirino

Kalagayang pangkapaligiran Ang mga taga-rehiyong ito ay nagsasalita


ng Ilokano, Itawis, Ibanag at Isanay. Masisipag ang mamamayan dito.
Ginagamit nila ang kanilang ulo sa pagdadala ng kanilang ikabubuhay, ang
pagsusunog.

MGA TULA NG REHIYON II

1. IVATAN- Muyin Paru Ninu Dumheb Ako Dumanis


2. MEDIKO Ni Benigno Ramos
3. ANG DIYOS KO Ni. Benigno Ramos
4. ANG LOYALISTA Ni. Reynaldo A. Duque
5. AWIT NG PAG-IBIG NG ISANG DALAGA (Ibanag)
6. BIUAG AT MALANA (Epiko ng Cagayan)
7. LANGGAM: ANG LIMOT NA NILALANG Sanaysay ni: Benjamin P. Pascual
8. BAGONG TIPAN: Mga Kasabihan

Mga Anyo ng Literatura sa Rehiyon II

 Epiko
 Salomon
 Verzo
 Awit
 Salawikain
 Bugtong

 EPIKO -.Ang isa sa pinaka tanyag na epiko sa Cagayan ay ang kuwento ni


Biuag at Malana o "Biuag anni Malana" sa lokal na dayalekto.
 SALOMON- Ito ay isang epikong inaawit kasabay ng “cinco-cinco” o
instrumentong may limang kuwerdas tuwing Pasko sa harap ng altar.
Anni i ibini wagi?
(What are you sowing, brother?)
Said the farmer: Batu i paddag gunak ku ibini.
(I am sowing pebbles.)
Said Mary: Batu nga imulam, batu nga emmu gataban.
(Pebbles that you sow, pebbles that you reap.)
 VERZO- Ang verzo ay katumbas ng coplas ng mga Espanyol. Ito ay isang awit
na may apat na linya at tugma. Karaniwang ginagawa o nililikha ng versista
ang verso sa mismong okasyon tulad ng kasal at binyag.

Arri ka mavurung ta
Kabaddi ku lalung, kuak
Ku mamayappak, kannak
Ku utun, gukak.

(Worry not my being a small cock,


For when i fly to attack)
• AWIT- Ang mga awit ay mga kantang para sa pag-ibig at madalas ang
mensaheng dinadala nito ay pangako, pagtatapat, paninigurado, mga
pagtuturo at pag-alalay na maibibigay.
PAGAYAYA

Pagayaya ay a metallugaring
I pattaradde tam ngamin,
Pagayaya I palu paggia
Pangawanan ta zigariga,
Pare nakuan tu yao nga gayam,
Makeyawa tam mulamuagang
Kegafuanan na kapawan
Na ziga nganufulotan.

(REJOICING )

Happiness is the end


Of our being together
Happiness is the well-being
And elimination of suffering.
May it be that this occasion,
Bring us satisfaction
Which will make us forget
Our hatred and suffering.)

• SALAWIKAIN- Ang mga salawikaing Ibanag o "unoni" sa lokal na dayalekto ay


pwedeng isang prosa o maaari rin itong tula. Ito ay paturo at kinapupulutan
ng aral.
I buruasi nga inikkao, nu ari atazzi, alawa nikaw.
(Borrowed clothes are either loose or tight.)

Awat tu serbi na ru nga kukua, nu marake i pinangngapangngua.


(Wealth is useless if character is worthless.)
• BUGTONG- Ang "palavvun" o bugtong ay ginagamit nang mga Ibanag bilang
isang anyong pang-kasiyahan o kung sa ibang kaso, maaari rin itong isang
anyo ng tagisan ng talino. Ito ay itinuturing na pang-relaks kung pagod
Pira y levu na
Vulauan y unag na - Illuk
(What is golden that is surrounded with silver? - Egg)

C. LITERATURA NG REHIYON CAR


Abra, Apayao, Benguet, Ifugao, Kalinga at Mountain Province

Ang panitikang pasalita ng Cordillerra ay maaring ritwal o di ritwal. Ang


panitikang Cordillera ay binubuo ng mga epiko, awitin, mito,alamat, kwentong
bayan, bugtong at salawikain. Sa mga Ibaloi, ano mang pista ay
nangangailangan ng hayop na kakatayin. Ito’y binubuo ng dalawampung
katao o higit pa para sa Canao, na ang ibig sabihin ay “to burn or feast”

Ang Canao ay isang tradisyon para sa Ibaloi at Kankana-ey sa Benguet.


Isang seremonyang mambunong ang nagsasagawa.

MGA URI NG CANAO

a. KAPE- isinasagawa kung may bagong tayong bahay o pagkatapos ng ilang


araw na pagkalibing sa yumaong kamag-anak.
b. KAYED- ito ay boluntaryo o sapilitang isinasagawa upang mapanatili ang
pagiging puno ng barangay.
c. SABENG- isinasagawa sa bagong mag-asawa ngunit kadalasan ay
mayayaman lamang ang nakakagawa nito.
d. PECHIT- ito ang pinakamataas na uri ng Canao. May dalawang uri ito:
single at double. Ito ay tumatagal ng tatlo hanggang apat na araw.

HUDHUD AT ALIM
(Epiko ng Ifugao)
 Hudhud - Tumatagal nang ilang oras o isang araw ang pag-awit ng
Hudhud. Kinakanta ito ng isang grupo o koro, ang mun-abbuy, na
pinangungunahan ng isang punòng mang-aawit, ang munhaw-e.
o Karaniwang umiikot ang kuwento nito sa mga karanasan ng isang
pambihirang nilaláng, kadalasan ay si Aliguyon, na kabilang sa
uring mariwasa o kadangyan.
o Sinasalamin ng Hudhud ang mga paniniwala’t kaugalian ng
sinaunang lipunan ng mga Ifugaw, at binibigyang-paliwanag ang
mga bagay na kanilang pinahahalagahan. Matatagpuan sa
Hudhud ang paglalarawan sa mga konsepto na kinababatayan ng
mga ugnayang pampamilya, at ng mga ugnayan ng iba’t ibang
grupo sa loob at labas ng ili o nayon.
-
 Alim –

Ang epikong Alim ng mga Ifugao ay nagsasalaysay ng isang panahong


ang lupain ay saganang-sagana. Maging ang mga ilog at dagat ay sagana sa
isda. Ang mga kagubatan ay maraming mga hayop na madaling hulihin.
Walang suliranin ang mga tao tungkol sa pagkain. Pag ibig nilang kumain,
wala silang gagawin kundi pumutol ng biyas na kawayan at naroroon na ang
bigas na isasaing. Ang biyas ng kawayan ay siya ring pagsasaingan. Noon, ang
daigdig ay patag na patag maliban sa dalawang bundok : ang Bundok ng
Amuyaw at ang Bundok ng Kalawitan.

Dumating ang panahong hindi pumatak ang ulan. Natuyo ang mga ilog.
Namatay ang mga tao. Humukay ang ilang natitirang tao ng ilog. Ang tubig ay
bumalong. Natuwa ang mga tao at sila ay nagdiwang. Subalit bumuhos ang
malakas na ulan, umapaw ang mga ilog. Tumaas nang tumaas ang tubig.
Nagsipagtakbo ang mga tao sa dalawang bundok subalit inabot din sila ng
baha. Nalunod na lahat ang mga tao maliban sa magkapatid na sina Bugan at
Wigan.

Nang bumaba na ang baha, nagpaningas ng apoy si Bugan sa bundok ng


Kalawitan. Nakita ito ni Wigan sa kanyang kinaroroonan sa bundok ng
Amuyaw. Pumunta si Wigan kay Bugan. Nalaman nilang silang dalawa
lamang magkapatid ang natirang tao sa daigdig. Nagtayo ng bahay si Wigan
na tinirahan nila ni Bugan. Pagkaraan ng ilang panahon, si Bugan ay
nagdalantao. Dahil sa malaking kahihiyan tinangka ni Bugan na
magpakamatay.

Pinigil siya ng isang matanda. Ito'y bathala ng mga Ifugao, si


Makanungan. Ikinasal ni Makanungan si Wigan at si Bugan. Nagkaroon sila
ng siyam na anak, limang lalaki at apat na babae. Nang dumating sila sa
hustong gulang, ang apat na lalaki ay ikinasal sa apat na babae. Ang bunsong
lalaki na si Igon ang natirang walang asawa. Namuhay silang masagana.

Paglipas ng ilang panahon, nakaranas sila ng tagtuyot. Wala silang ani.


Naalala ni Wigan at ni Bugan si Makanungan. Sila'y nanawagan dito at
hinandugan nila ng alay na daga. Patuloy pa rin ang tagtuyot. Naisipan nilang
si Igon ang patayin at siyang ihandog sa Bathala. Natapos ang pagsasalat at
tuyot.

Subalit nagalit si Makanungan sa ginawa nilang pagpatay at


paghahandog ng buhay ni Igon. Isinumpa niya ang mga anak nina Wigan at
Bugan. Sinabi niyang maghihiwa-hiwalay ang magkakapatid - sa timog, sa
hilaga, sa kanluran, sa silangan. Kapag sila'y nagkita-kita, sila'y mag-aaway at
magpapatayan. Kaya't ang mga tribong ito ng mga tao sa kabundukan,
magpahangga ngayon ay naglalaban at nagpapatayan

 Salidomay (kalinga) - Ang artikulong ito ay tungkol sa awiting bayan na


binigyang-kahulugan ng Pilipinang mangangawit na si Grace Nono. Sa
katunayan, ang awiting ito ay isang katutubong awit na nauugnay sa mga
Igorot at Kalinga na mga katutubo ng Cordillera Mountains.

AWITING BAYAN

Sa Bundok

(Ifugao)

Mga kabunduka’y aking inaakyat

Saray ng pala’y kala-kalatkat.

Doon sa malayong timog at silanga’y


Naroon ang bundok ng mga Ipugaw.

Doon sa ibayo ng burol at gubat

Ay bundok na Banal ang namamanaag.

Ano kaya yaong doo’y naghihintay

Sa malayong bundok ng mga Ipugaw?

Sa Bundok

(Ifugao)

Mga kabunduka’y aking inaakyat

Saray ng pala’y kala-kalatkat.

Doon sa malayong timog at silanga’y

Naroon ang bundok ng mga Ipugaw.

Doon sa ibayo ng burol at gubat

Ay bundok na Banal ang namamanaag.

Ano kaya yaong doo’y naghihintay

Sa malayong bundok ng mga Ipugaw?

 Igorot
Chua-ay
Lalaking matapang, lalaking malakas,
Ika’y siya naming tinatawagan… hoy!
Halika, halika’t tinatawag ka…Hoy!
Matapang lumaban, malaks gumawa,
Halika na rito, halika rito…Hoy!
Magpasan ng bigay, dalhin sa bayan…Hoy!

 Kalinga
Papuri
Mga puno! Mga ama nitong lahi!
Mga kawal! Supilin ang mga katunggali!
Pinupiru kayong lahat! Binabati!

 Tinggian
Bati
Bati ko’y magiliw, bati ko’y malambing
Ikaw’y parang araw, ikaw’y nagniningning
Maging iyo’y kapalaran, at pati kaligayahan
Magiliw na parang buwan, at parang gabing malamlam.

 Ifugao
Sa Bundok
Mga Kabunduka’y aking inaakyat
Saray ng pala’y kala-kalatkat.
Doon sa malayong timog at silanga’y
Naroon ang bundo ng mga Ipugaw.
Doon sa ibayo ng burol at gubat
Ay bundok na banal angg namamanaag.
Ano kaya yaong doo’y naghihintay
Sa malayong bundok ng mga Ipugaw?

Sa Bundok

(Ifugao)

Mga kabunduka’y aking inaakyat

Saray ng pala’y kala-kalatkat.

Doon sa malayong timog at silanga’y

Naroon ang bundok ng mga Ipugaw.

Doon sa ibayo ng burol at gubat

Ay bundok na Banal ang namamanaag.


Ano kaya yaong doo’y naghihintay

Sa malayong bundok ng mga Ipugaw?

KWENTONG BAYAN NG IGOROT

 Igorot – halimbawa: Ang Pagkakalikha sa Tao


Ang Lalaking Walang Pangalan
 Tinggian – halimbawa: Ang Buwan at Ang Araw

MITO NG IBALOY

 Si Balitok at Kabigat

D. LITERATURA NG RELIHIYON NCR


Caloocan, Las pinas, Makati, Malabon, Manila, Marikina, Muntinlupa Navotas,
Paranaaque, Pasay, Pasig, Pateros, Quezon City, San Juan, Taguig at
Valenzuela
Ang kalakhang maynila ay kilala ngayon bilang Rehiyong Pambansang
Ulong-Bayan. Ito ay tinatag noong Nov. 7, 1975 sa pamamagitang ng P.D. 824
na pinalabas ng dating Pangulong Ferdinand E. Marcos. Binubuo ito ng
labimpitong lungsod at bayan.

MGA AWTOR AT AKDA

1. JOSE CORAZON DE JESUS “Aking bayan”

BAYAN KO

Ang bayan kong Pilipinas


Lupain ng ginto’t bulaklak
Pag-ibig na sa kanyang palad
Nag-alay ng ganda’t dilag.
At sa kanyang yumi at ganda
Dayuhan ay nahalina
Bayan ko, binihag ka
Nasadlak sa dusa.

Ibon mang may layang lumipad


kulungin mo at umiiyak
Bayan pa kayang sakdal dilag
Ang di magnasang makaalpas!

Pilipinas kong minumutya


Pugad ng luha ko’t dalita
Aking adhika,
Makita kang sakdal laya.

2. ANDRES BONIFACIO “Pag-ibig sa Tinubuang Lupa


3. EMILIO JACINTO “Liwanag at Dilim”
4. JOSE DELA CRUZ “IBONG ADARNA”
5. CECILIO APOSTOL Kay Rizal
6. FAUSTINO AGUILAR Pinaglahuan
7. INIGO ED REGALADO Buod ng Sampaguitang Walang Bango
8. AMADO V. HERNANDEZ Isang dipang Langit Kung Tuyo na ang Luha mo Aking
Bayan
9. GENOVA EDROSA MATUTE Bangkang Papel
10.LIWAYWAY ARCEO Pag-Uwi LUALHATI BAUTISTA Ang mga Anak ni Mang
Gusting
11.NICK JOAQUIN Tatlong Lahi

KWENTONG BAYAN

1. Ang Pangarap ng Pangit na Prinsesa Ni: Ruth Elynia S. Mabanglo


2. Bayan ko Ni: Jose Corazon de Jesus
AWITING PILIPINO SA KASALUKUYAN

1. MAGKAISA (Tito Sotto, Homer Flores, E. Dela Pena)

E. LITERATURA NG REHIYON III

Pampanga, Bulacan, Bataan, Nueva Ecija, Tarlac, Zambales

Etno-linggwistoko- Tagalog, Ilokano, Kapampangan, Pangasinense

1. Pampanga
Awiting Bayan
a. Basulto – ito’y naglalaman ng mga matatakinghagang salita na
pankaraniwang ginagamit sa pagpastol ng mga kambing, baka, kalabaw,
at iba pang mga hayop
b. Goso – tumutungkol sa moralistikong aspekto ng kanilang kalinangan. Ito
ay may tiyak na aral at inaawit sa saliw sa gitara, biyolin, at tamburin
tuwing Araw ng mga Patay
c. Pamuri – nag-ugat sa salitang “puri” at inihahanay sa isang uri ng awit ng
pag-ibig ng mga Kapampangan
d. Pang-obra – nagpapakita ng pagpapahalaga sa mga gawaing ng mga
kapampangan
e. Paninta – awit bilang pagpaparangal ng mga Kapampangan sa isang
hayop, bagay, lugar o tao na kanilang labis na pinahalagahan. Ipinalalagay
din itong isang awit ng pag-ibig
f. Sapataya – awiting nag-uugnay sa mga kapampangan sa kanilang
paniniwalang politikal. May himig ito ng pangangatwiran o pagtatalo
habang sinasaliwan ng isang sayaw sa saliw ng kastanyente.
g. Diparan – naglalaman ng mga salawikain at kasabihan ng mga
kapangpangan. Ang kanilang paksa ay hango sa katotohanan na kanilang
naranasan sa buhay.

Dula

a. Karagatan – inihahayag sa paraang patula ang pagsasadula ng kanilang


karagatan. Ito ay nag-ugat sa isang kasaysayan ng isang prinsesa na
sadyang naghulog ng singsing sa dagat upang mapakasal sa katipang
mahirap na maninisid ng perlas.
b. Duplo – ito’y nilalaro rin sa lamayan ng mga patay kung saan
nagpapaligsahan ang mga kalahok sa laro sa kanilang husay sa pagtula
c. Kumidya – laging hango sa pag-iibigan ng isang prinsipe at prinsesa. Ang
lanbanan ng mga Kristiyano at muslimang binibigyan ng mahahalgang
bigat dito at laging nagtatapos sa pagtatagumpay ng mga Kristiyano at
pagbibinyag ng mga Muslim sa Kristiyanismo.
d. Zarzuela – mula sa zarzuela ng mga Kastila na nag-ugat sa lugar kung saan
ito ang unang itinanghal sa Espanya, ang Zurzuela de la Provincia de
Guenco.

2. Nueva Ecija
 Ito a may pinakamalawak na lupain sa rehiyon 3
 Tinaguriang palabigasan ng Pilipinas na nasa hilagang-silangang bahagi ng
gitnang Luzon
 Ito ay may kabuuang sukat na 560,220 kilometro parisukat
 1705 – pinangalanang Nueva Ecija ang lalawigan ng isang kastila
nangangalang Cruzan alinsunod sa ngalan ng kanyang bayan sa Espanya,
ang Ecija, Seville

Akdang Panrelihiyon
PASION- Isang akdang panrelihiyon na naglalaman ng buhay at
pagpapakasakit ni Hesukristo
CENAKULO- Isa pang paraan ng pagpapahayg ng akdang ito
 Pagsasabuhay ng paghihirap ni Kristo hanggang sa kanyang
kamatayan

F. LITERATURA NG REHIYON IV
IV-A ( Calabarzon) Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Quezon,
IV-B (Mimaropa) Occoidental Mindoro, Oriental Mindoro, Marindduque,
Romblon at Palawan

Ang Rehiyon IV o katimugang Tagalog ang pinakamalaki sa lahat ng


rehiyon sa bansa. Binubuo ito ng sampung lalawigan. Sa pakikipagkalakalan
nilang ito ay umunlad at yumabong ang wikang tagalog sa pamamagitang ng
panghihiram ng bagong salita. Ang lawak ng wikang ito ang naging dahilan
kung bakit ito ang ginawang batayan ng wikang pambansa.

A. IV-A ( Calabarzon) Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Quezon


MGA KILALANG MANUNULAT

a. Jose Rizal ( Laguna)

o Sa aking mga kababata


o Noli Me Tangere ( Huwag mo akong salingin)
o El Filibusterismo -1891
o Huling Paalam -1896
o Sobre la indolencia de los filipinos ( Hinggil sa katamanran ng mga
Flipino.)
o Ala Juventud Filipina ( Sa kabataan Pilipino)
o Filipinas Dendro de cien anos ( Ang Pilipinas sa loob ng Isangdaang
taon).

b. Teo S. Baylen ( Cavite)

* Bawat Hukay

* Takipsilim at lumang lambat

c. Rev. Fr. Arnel S. Vitor (Rizal)

- Ang tutong

d. Buenaventura S. Medina Jr. ( Cavite)

- kapangyarihan at punong-kahoy

e. Alejandro S. Abadilla (Cavite)

- Ako ang daigdig at sanaysay sa Tula

f. Claro M. Recto (Quezon)

- Noong bata pa ako

g. Clemente M. Bautista
* kilalang komentarista sa estasyon ng DZRH.

* Pinatunayang di lamang sining ng musika at pagguhit ang talento ng


mga taga-Angono Rizal, gayundin sa larangan ng panitik.

MAY DAIGDIG SA KARAGATAN

a. Ligaya Tiamson Rubin

Taga- Angono , Rizal

Kasalukuyang nagtuturo sa U.P

Tagapangulo ng Departamento ng Filipino at Literatura.

B. IV-B (Mimaropa) Occoidental Mindoro, Oriental Mindoro, Marindduque,


Romblon at Palawan

Ang Ambahan at Urukan ng MINDORO


Ambahan- tulang paawit na ginagamitan ng iskrip, paksa nitoy panunuyo
at pag-ibig.
Urukan- tulang paawit na puspos ng mga salita ng karunungan at
katutubong ulat ng mga matatanda
- sinasaliwan ng gitara, plawta, lira o anumang “string instrument”.

Ambahan I

Kawayan sa may inwag

Labong una naragdag

Poon danga lungalag

Paggamot di mabayad

Ambahan II
Ako gabay putyukan

Ako dayo mangaptan

Baliti nan-gubayan

Nakan kis-ab sugutan

Bunglo kasagunsunan

Ho bay si dis mangaptan

Sa sanga panulusan

Bilog bag-o sangbayang,

Panubong

- Isang tulang paawit bilang pagpaparangal sa isang dalagang may kaarawan


o panauhin sa kanilang baryo.
- Ang panubong ay pamutong o putungan sa mga tagalog na ang kahulugan
ay pagpuputong ng mga bulaklak sa dalagang may kaarawan
- May 3 bahagi ito, karaniwan ang tagaputong ay binata:

1. sisimulan ang pag-awit sa tarangkahan ng bahay ng dalaga.


2. pag-umaakyat na sa haggdan ang dalaga.
3. sa loob ng bahay

ANG KARUNUNGAN BAYAN NG REHIYON IV

 BUGTONG
 SALAWIKAIN
 SAWIKAIN
 PALAISIPAN
 BULONG
 KASABIHAN
 KAWIKAAN
 PANUDYO
 AWITING BAYAN

MANUNULAT
N.V.M. Gonzales
- kilalang makata, mamamahayag, manunulat at isang guro
- isinulat ang mga sumusunod at naisalin sa ibat ibang wika sa india
> warm hand
> children of the asa-covered
loom.
- noong ipinagbawal ang wikang ingles sa panahon ng hapon
> lungsod nayon at dagat-
dagatan

G. LITERATURA NG RELIHIYON V
Albay, Camarines Sur, Camarines Norte, Catanduanes, Masbate at Sorsogon

Ang rehiyon V o Bikol ay matatagpuan saTimog Silangan ng Luzon.


Binubuo ito ng mga limang lalawigan. Kakaunti ang nalalaman sa Panitikang
Bikol na nasusulat sa katutubong wika maliban sa “Daragang
Magayon”at”Sarong Banggi” Karamihan sa mga akdang nasusulat sa Wikang
Bikol ay hindi nalimbag at kalat-kalat pa, bagamat mayamn ito sa bugtong,
salawikain, awiting bayan at kwentong bayan.

Ang unang palimbagan ay ang Imprenta de Nuestra Senora de Pena


Francia na matatagpuan sa palasyo ng Obispo ng Nueva Caceres at ang
Imprenta y Libera Mariana ni. Mariano Perfecto.

URI NG PANITIKAN

 Ariwaga o Sasabihon ( kasabihan )- binubuo ng 2 – 4 na taludtod na may


sukat at tugma.
 Tigsik o Toast – binubuo ng pagbigkas ng isang maikling tula bilang
parangal o papuri sa isang tao o bagay.
 Patodan o Paukod ( bugtong ) Awiting Bayan

AWITING BAYAN

 SARONG BANGGI
Sarong banggi sa higdaan
Nakadangog ako
hinuni rin sarong gamgam
Sa loba ko katorogan
Bako kundi simong boses iyo palan
Dagos akon bangon si saykuyang matas iminukat
Duman sa kadikloman ako nangalagkalag
Aso ituon ko si sakuyang mata paitaas
Simong lawog nahiling ko maliwanag

Poon kaidtong banggi na mahiling taka


An sakuyang puso pirmeng nagdudusa
Lawag mong magayon an sakong giromdom
Di malilingawan sagkod noarin pa man.

An dangog siring kan niyog na kon mapisay dai na mabibilog.

 BUDIAO
 MAPAIT NA LUHA Ni: Manuel Fuentabello
 ANG MANGMANG AT ANG PARI (Salin sa Filipino ni A.P Tumangan mula sa
salin sa Ingles. Kwentong Bayan sa Bikol.)

EPIKO NG BICOL

 Ibalon

MGA MANUNULAT
1. Aguilar Celedonio V – Camalig, Albay; Marso 6, 1923

Isang manunulat ng tula sa Weekly Women‟s Magazine noong 1950

Shaken Shadows noong 1966 at This Season and Night

2. Alejandra, Clemente Bulocon – canaman, Camarines Sur; Nob. 23, 1985

Isa siyang poet at playwright

Isa rin siyang manunulat ng Samahang Bikol

Darorroaggoyog (Just Hum to Yourself) 1927

Madaling Isip (In Short)

siya rin ang sumulat ng dulang Prinsipe Lizardo at Prinsipe Fernando

panalo noong 1926 sa pagsasalit ng Mi Ultimo Adios ni Rizal.

3. Arrieta, Nicolas Serrano – Camagong, Oas, Albay; Disyembre 6, 1862

dalawa sa kanyang nobela ay ang “An Dahas ni Pagcamoot o Duang Puso”


(The Power of Love in Two Hearts) at ang “An Agos na Magtood” (Go With the
Flow)

sumulat din siya ng mga dula tulad ng “Zarzuela Bicolana” (Bicol Sarswela),
“An Marhan na Sorsogon” (The Good Sorsogon), “Pantinople y Adriana”
(Pantinople and Adriana), at “Orontis” (Orientas)

4. Bobis, Merlinda Carullo – Tabacco, Albay; Nobyembre 25, 1959

“Kantada ng Babaeng Mandirigma” (daragang Magayon) isang epiko (Cantata


of the Warrior Woman) 1993
5. Fuentabella, Manuel Tria – Sangay, Camarines Sur; Oktubre 11, 1889

manunulat sa Bicol at Spanish

“Maski Nanok ang Pagtorog Ko” (Though Fast Asleep)

“Mayda Baya Ranga” (Come, Oh Comfort), “An Pana” (The Arrow)

O Obispong Namomotan” (O Beloved Bishop), “An Santong Kundiman” (Our


Song),

“Luhang Mapait” (Bitter Tears)

6. Perfecto, Mariano – Ligao, Albay; 1850; Naga, Camarines Sur

An Parabareta (Newspaper)

Almanaque Bikolnon (Bicol Alamanac)

“An Pagguiao can mga Pastores can Pagcamondag ni Jesu Duman sa Protal sa
Belen” (The awakening of the Shepherds during the Birth of Jesus in the
Manger)

7. Salazar, Antonio Bufete – Malinao, Albay;ang kanyang mga isinulat na tula ay


“An Pagtubod” (By Belief)

Tota Pulchra (Absolutely Beautiful), “Sa Bicolandia” (In Bicolandia)

Tonog na Gikan sa Langit (Voice from Heaven)

Nagsalin din siya ng Noli Me Tangere at El Filibusterismo at ilang tula ni Jose


Rizal sa Bicolano

8. Manalang-Gloria, Angela

Nagsimula siyang magsulat ng mga pansanay na sulatin sa silid-aralan. Sa


gulang na labing- anim, nakapaglathala na siya ng kanyang mga tula sa
Women‟s Outlook.
Naimpluwensiyahan siya ng kanyang guro sa Ingles, C.V. Wickers, na siyang
pumatnubay sa kanya sa pagiging makataya. nakilala ang pangalan niya sa pagiging
makata sa kolehiyo nang magwagi siya sa Literary Contest at nalathala ang kanyang
tula sa Sunday Tribune, Philippine Collegian, Literary Apprentice at herald Mid-Week
Magazine.

H. LITERATURA NG RELIHIYON VI
Aklan, Antique, Capiz, Guimaras, Iloilo at Negros Occidental (Kanlurang
Bisaya)

Ang Hiligaynon ay ang wikang Iloilo, Antique, Panay, Capiz, Negros at


Aklan. Gayunman, may dayalekta ang mga lalawigang ito., Ilonggo sa Iloilo;
Hinaraya sa Antique; Panay sa Capiz; at Aklanon sa Maragtas, Haraya at
Lagda.

ANIM NA ANYO NG PANITIKAN NG MGA SINAUNANG ILONGGO


 AMBAGAN- tulang pasalaysay tungkol sa buhay
 BALAK- awit ng pag-ibig
 SIDY- awit ukol sa bayaning ginagamit sa pananapatan sa bahay-bahay ng
mga namamalimos.
 AWIT- ukol sa pag-ibig at iba-ibang gawain
 DRIGES O HAYA- panaghoy sa isang namatay
 ANOGON- awit sa panghihinayang sa pagyao ng minamahal

BICAL- masaya at mapanuksong awit.

SABI- ang tawag sa pangkalahatang tawag sa tula ng mga nasa kanluranng


bisaya.

Si Eriberto Gumaban ang kinikilalang AMA NG PANITIKANG BISAYA.


NAGAHIGUGMA SA IYA DUTA- unang sarswelang hiligaynon na isinulat ni
Salvador Ciocon.

EPIKO NG BISAYA

Apat na nakilalang epiko ng mga bisaya: Haraya, Lagda, Maragtas, at


Hinilawod. Sa apat, ang Hinilawod lamang ang pinaka malapit sa epiko..

 EPIKONG HINILAWOD Itinuturing na pinakamatanda at pinakamahabang


epiko ng panay.
 Ang KODIGO NI CALANTIAO ay isa sa matatagpuan sa Lagda. Ang Kodigo ni
Clantiao ay nalalaman ng mga batas na dapat sundin ng mga mamamayan
at namumuno.

MGA ALAMAT

 Ang Bundok ng Kanlaon Si Maestro Julian Felipe at


 ang Pambansang Awit ( Maikling Talambuhay ni Manuel Principe Bautista)
 Ang alamat ng Patay na Sapa sa San Nicholas

TULANG BAYAN AT AWITING BAYAN

 AKO SI DON PEPE ( Aklanon )


 AWIT SA DIYUS-DIYOSAN
 Si Pilemon
Si Pilemon, si Pilemon
Namasol sa karagatan
Nakakuha, nakakuha
Sang isdang tambasakan
Guibaligya, guibaligya
Sa merkado nga guba
Ang binta nya’y wala
Ang binta nya’y wala
Guibakal sang tuba.
 Dadansoy

I. LITERATURA NG RELIHIYON VII


Cebu, Negros Oriental, Bohol at Siquijor (Gitnang Bisaya)

Ang panitikang Cebuano ay malawak at maunlad. Binubuo ito ng mga


panitikanng tuluyan at patula. Ang pagpapatawa At pagtatalo ay ginagawa sa
patulang paraan tualad ng Duplo, Balitaw at Kulisi.

Ang pasyon, senakulo, o penitensya ay inaawit o isinasadula sa Mahal


na Araw. Ang sinulog ay ginagawa bilang pasasalamat kay Kristo Nino at ang
Gozo na sinasalaysay sa buhay ng mga santo at santa.

 ANG PULUHAN ( Vicente Sotto ) isinalin sa ingles ni Teresita Maceda


 STO. NINO CEBU TINAWID NI PILANDOK ANG ILOG ( Salin ni A.P.
Tumangan mula sa salin sa Ingles. Kwentong-bayan ng mga Maranaw

I. TIGMO O BUGTONG SALIN

1. Gipalit ko bisan ug mahal, (I bought it and it’s costly,


Apan magpulos lamang ug magbitay. But I use it for hanging
only

Sagot: HIKAW
2. Na-ay kaban sa pari (There’s a priest trunk,
Ukbon dili mauli. But when opened it, could not be
closed.

Sagot: ITLOG

3. Ako, apan dili ko magamit (I own it but I don’t use it.)


Laing tao ang mogamit

Sagot: PANGALAN

II. SANGLITAN O SALAWIKAIN


1. Ang mga natulog Naanod sa sulog.

Ang hipong natutulog

Natangay ng agos.

2. Ang kabugnaw sa pulong


Sa kalayo makapalong.
Ang lamig ng salita
Sa apoy ay makakapuksa.

III. AMBAHAN O AWITING BAYAN

DANDANSOY

Dandansoy, baya-an ta ikaw,


Mauli ako sa payaw,
Ugaling kon ikaw hidlawon,
Ang payaw imo lang lantawon.

Dandansoy, kon imo apason,


Bisan tubig di magbalon
Ugaling kon ikaw uhawon
Sa dalan magbubon-bobon.
TUBA

Dandansoy, inom tuba laloy


Dili ko mainom, tuba pait aslom
Ang tuba sa baybay
Patente mo anay
Talaksan nga diutay
Puno sang laway.

IV. BALAK O TULA

BAHANDI SA NASOD

Garbo ko kay ako nay dugong Pilipino

Kay kita mga isog ug utukan nga tawo


Sama lang ni Jose Rizal na us aka henyo
Miski patay na sa, nagpabiling ilado.

Pag abot sa mga bahandi sa atong nasod


Ang Pilipinas dili magpaulihi gayod
Ang mga tao diri wala lang gyud nasayod
Na kini maoy hatag sa atoang balaod.

Klase-klaseng isda diri naa kay Makita


Nindot nga bulak sa lasang naa usab kita
Mga bukid na pirting dagkua ug tag-asa
Labi na ang atong dagat na pagka tin-awa.

V. WAYANG ORANG at WAYANG PURNA – isang puppet show na


sinasaliwan ng brassgong sayaw na galaw ng leeg, kamay, mata at pabigla-
biglang paghakbang. Tumatalakay ito sa pagpaparusa ng mga Bathala sa mga
Datu/Sultan dahil sa kalupitang ginagawa sa mga babae.

VI. KUNDU O EPIKO


LABAW DONGGON (BUOD)

Si Labaw Donggon ay anak ni Anggoy Alunsina at Buyung Paubari. Siya


ay napakakisig na lalaki na umibig kay Abyang Ginbitinan. Binigyan nya ng
maraming regalo ang ina ni Abyang Ginbitinan na si Anggoy Matang-ayon
upang pumayag lamang na makasal ang dalawa. Inimbita niya ang buong
bayan sa kanilang kasal. At hindi nagtagal ay umibig siyang muli sa isang
magandang babae na nagngangalang Anggoy Doronoon. Niligawan niya ito at
hindi nagtagal ay nagpakasal.

At muli ay umibig si Labaw sa isa pang babae na nagngangalang Nagmalitong


Yawa Sinagmaling Diwata. Ngunit ang babae ay nakasal na kay Buyung
Saragnayan na katulad nya na may kapangyarihan din.

“Patayin mo muna ako bago mo makuha ang aking asawa,”sabi ni Buyung


Saragnayan sa kanya.

“Handa akong kalabanin ka,”sagot ni Labaw.

Naglaban sila ng maraming taon gamit ang kanilang mga kapangyarihan


ngunit hindi mapatay ni Labaw si Saragnayan. Mas malakas ang
kapangyarihan ni Saragnayan kaysa kay Labaw.

Natalo si Labaw at siya ay itinali at ikinulong sa kulungan ng baboy ni


Saragnayan. Samantala, ang kanyang mga asawa na sina Abyang Ginbitinan at
Anggoy Doronoon ay nanganak sa kanilang panganay. Tinawag ni Abyang ang
kanyang anak na Asu Mangga at si Anggoy Doronoon na Buyung Baranugun.
Gustong Makita si Labaw ng kanyang dalawang anak at nagpasya na hanapin
siya. Sa tulong ng bolang Kristal ni Buyung Barunugun ay nalaman nila na
bihag siya ni Saragnayan. Ang dalawang magkapatid ay nagtagumpay sa
pagpapalaya sa kanilang ama na napakatanda na at ang kanyang katawan ay
nababalutan na ng mahabang buhok.
“Kailangan nyo munang malaman ang sikreto ng kapangyarihan ni Saragnayan
bago ninyo siya labanan,”sabi ni Labaw sa kanyang dalawang anak.

“Opo ama,”sagot ni Baranugan. Ipapadala ko sina Taghuy at Duwindi kay


Abyang Alunsini upang itanong ang sikreto ng kapangyarihan ni Saragnayan.
Nalaman ni Baranugan kay Abyang na ang hininga ni Saragnayan ay itinatago
at pinangangalagaan ng isang baboy ramo sa kabundukan. Siya at si Asu
Mangga ay nagtungo sa kabundukan upang patayin ang baboy ramo. Kinain
nila ang puso nito na siyang buhay ni Saragnayan.

Biglang nanghina si Saragnayan. Alam niya kung ano ang nangyari. Nagpaalam
na siya kay Nagmalitong Yawa. Handa na siya upang kalabanin ang dalawang
anak ni Labaw. Si Baranugun lamang ang humarap sa kanya sa isang
madugung laban. Napatay siya ni Baranugun sa isang mano-manong laban.
Pagkatapos ng laban ay hinanap nila ang kanilang ama. Nakita nila na siya ay
nakasilid sa lambat ni Saragnayan. Natakot sila sa mga kapatid ni Saragnayan.
Pinatay silang lahat ni Baranugun at pinalaya si Labaw sa lambat.

You might also like