Professional Documents
Culture Documents
Sa aklat na Balarila ng Wikang Pambansa (1939;1944) ni Lope K. Santos (kilala rin sa tawag
na Balarilang Tagalog at Matandang Balarila) ay may sampung bahagi ng pananalita. Ang
mga ito ay pangngalan, panghalip, pandiwa, pang-uri, pang-abay, pantukoy, pangatnig, pang-
ukol, pang-angkop at pandamdam. Sinimulan itong ituro sa mga paaralan sa Pilipinas noong
1940 matapos maipahayag ng dating Pang. Manuel Quezon ang Tagalog bilang siyang saligan ng
wikang pambansa.
1. Mga nominal
a. Pangngalan (noun) - mga salitang nagsasaad ng pangalan ng tao, hayop, bagay, pook,
katangian, pangyayari, atbp.
b. Panghalip (pronoun) - mga salitng pnghalil sa pangngalan.
2. Pandiwa (verb) - mga salitang nagsasaad ng kilos o nagbibigay-buhay sa isang lipon
ng mga salita
3. Mga panuring (mga modifier)
a. Pang-uri (adjective) - mga salitang nagbibigay-turing o naglalarawan sa pangngalan at
panghalip
b. Pang-abay (adverb) - mga salitang nagbibigay-turing o naglalarawan sa pandiwa,
pang-uri at kapwa nito pang-abay