You are on page 1of 24

ANG SABKATEGORISASYON NG VERB BATAY SA AFIKS NG

TINA SAMBAL

Isang Papel Pananaliksik


na Iniharap kay
DANILYN T. ABINGOSA, MA
Departamento ng Filipino at Ibang mga Wika
Kolehiyo ng mga Sining at Agham Panlipunan
MSU-Iligan Institute of Technology

Bilang bahagi
ng mga Pangangailangan sa
FIL 169 Ponolohiya at Morpolohiya ng Wikang Filipino

ni

DENIS DIONISIUS III S. ORELLANA

Nobyembre 11, 2020


1.0 Introduksyon

Ang Pilipinas ay isa sa mga multilinggwal na bansang may maraming wikang


ginagamit. Bawat wika ay may sariling katangian na makapagsasabing naiiba ito sa
ibang wika. Bagamat magkakahawig ang ilang salita ng iba’t ibang wika sa Pilipinas,
hindi ito magkakatulad dahil mayroon itong sariling set ng tunog, salita at may
sinusunod na patern. Sinabi nina Fromkin at Rodman (1983), na nabubuhay tayo sa
daigdig ng mga salita. Kahit saan man pupunta ay gumagamit tayo ng sarili nating
wika sa paglalahad ng kaisipan at damdamin. Sa pamamagitan ng wika ay
naipararating ng tao ang mga impormasyon na gusto niyang maipabatid sa iba.
Nakikilala rin ang kultura ng isang tao batay sa kaniyang wikang ginamit. Kung sa
gayon, masasabing magkabuhol ang wika at kultura, at hindi kailanman pwedeng
paghiwalayin.
Ayon kay Lachica (1994), dapat tandaan na ang wika ay hindi lamang puro tunog
at pagbigkas. Mayroon din itong sinusunod na regulasyon sa gramar at semantiks.
Dagdag pa, mas nabibigyan halaga ang wika kapag nagagamit ito sa pakikisalamuha
sa kapwa upang mabuo ang panlipunang ugnayan sa pagitan ng bawat tao.
Pinapatunayan lamang nito na buhay at dinamiko ang wika dahil aktibo itong
ginagamit, patuloy na umuunlad at nadaragdagan. Hinggil kay Quakenbush (1998),
pansampu ang Pilipinas sa ranggo ng buong daigdig kung ang pag-uusapan ay ang
bilang ng mga katutubong wika na ginagamit dito. Ang iba’t ibang grupong
etnolinggwistiko ay pinapangunahan ng Tagalog, Cebuano, Hiligaynon, Ilokano,
Bicolano, Samar-Leyte Waray, Kapampangan at Pangasinense. Patunay lamang ito na
may kumplikadong sitwasyong linggwistikal ang bansa.

Ang Tina Sambal ay isa sa mga wikang Sambal ng Central Luzon kasama ang
Ayta Abellen, Ayta Ambala, Ayta Mag-Antsi, Ayta MagIndi, Bolinao at Botolan
Sambal. Tinawag ng mga neytib ispiker ng mga nasabing lugar ang kanilang wika na
Sambali. Ngunit, ginagamit ng mga ispiker ng Botolan Sambal ang terminong
Sambali Tina na nangangahulugang ‘bleached Sambal’ na tumutukoy sa Hilagang
wika (Tina Sambal), dahil karamihan sa mga salita rito ay hiram mula sa Espanyol at
Ilocano. Ayon kina Lewis, M., Simons, G., at Fennig, C. (2015), ang mga taong
Sambal ay etnolinggwistikong grupo na naninirahan sa lalawigan ng Zambales na
may 70,000 na populasyon. Tina Sambal ang wikang sinasalita sa mga munisipalidad
ng Santa Cruz, Masinloc, Iba at Pangasinenseng Infanta ng Central Luzon sa
Pilipinas. Katulad ng iba pang mga wika sa bansa, ang Tina Sambal ay isang
Austronesian, Malayo-Polynesian. Gayunpaman, ang terminong Tina ay itinuturing
na bangkiwi na nangangahulugang biro o paglalaro ng mga salita, sa Sambal
Botolan. Kaya, karamihan sa mga ispeker ng Tina Sambal ay hindi kinilala ang
termino bilang tawag sa kanila. Kaugnay nito, nakatuon ang pag-aaral na ito sa
pagsasabkategorya ng mga verb na bumubuo sa wikang Tina Sambal batay sa verbal
afiks na ikinakabit sa verb rut.

1.1 Layunin

Layunin ng pag-aaral na ito na matukoy kung anong afiks ang ginamit para sa
fokus ng verb na bumubuo sa wikang Tina Sambal. Nilalayon nitong matukoy at
matalakay ang aspek ng verb at mga afiks na ginamit sa fokus sa agent, patient,
benefaktiv at lokatib.

1.2 Metodolohiya

Deskriptibong pamamaraan ang ginamit sa presentasyon at analisis ng datos.


Interbyu o pakikipagpanayam ang ginamit sa pangangalap ng datos.

1.2.1 Pangongolekta ng Datos

Virtwal na ininterbyu ng mananaliksik ang informant. May


pagkakataon ding ginamit ang messenger app sa pakikipag-usap sa informant.
Sa pamamagitan ng nasabing app, ay naipapadala ng informant sa
mananaliksik ang mga datos.

Bumuo ng sariling listahan ng mga verb rut ang mananaliksik.


Ipinadala ito sa informant gamit ang messenger app para tumbasan ang bawat
salita sa wikang Tina Sambal. Binubuo ng 30 salita ang eliciting material na
ginamit sa pangangalap ng datos.

1.2.2 Informant

Ginamit na informant sa pag-aaral ang isang neytib ispeker ng wikang


Tina Sambal. Siya ay 48 taong gulang at nagmula sa Santa Cruz, Zambales.
Sa kasalukuyan, siya ay naninirahan sa Brgy. Suarez, Iligan City. Bagaman
nasa Iligan na ang informant, ginagamit pa rin niya ang kaniyang unang wika
sa pakikipag-usap sa loob ng tahanan.

2.0 Presentasyon at Analysis ng Datos

Morfoloji ang tawag sa pag-aaral ng mga morfim ng isang wika. Morfim


naman ang tawag sa pinakamaliit na yunit ng isang salita. Bawat morfim ay
nagtataglay ng kahulugan na maaaring isang rut o isang afiks. Sa pamamagitan ng
pagsasama-sama ng mga morfim ay may salitang mabubuo. Ang salitang kumain,
halimbawa, ay may dalawang morfim: (1) ang infiks na [-um-] at ang verb rut na
[kain]. Taglay ng infiks na [-um-] ang gumaganap ng kilos na isinasaad ng verb rut.
Habang ang verb rut na [kain], ay nagtataglay din ng sariling kahulugan at hindi na
mahahati pa sa mas maliit na yunit na may kahulugan. Kung hahatiin, ito ay magiging
ka at in na naging mga pantig na lamang na walang kahulugan. Mapapansin din ito sa
ilang halimbawa: uminom, kumanta, lumakad atb.
Nakikilala naman ang isang verb sa pamamagitan ng mga infleksyon nito sa
iba’t ibang aspek ayon sa uri ng kilos na isinasaad nito. (cf. Aspekto, p.155).
Nababago ang anyo ng verb ayon sa isinasaad nitong kilos. Halimbawa sa mga
pangungusap na:
1) Naglaro ang mga bata kahapon.
2) Naglalaro ang mga bata.
3) Maglalaro ang mga bata bukas.
4) Gustong maglaro ng mga bata.

Ang mga verb na naglaro, naglalaro, maglalaro, at maglaro ay may iba’t


ibang anyo sa iba’t ibang aspekto ng mga ito. Kaugnay nito, ang pag-aaral na ito ay
nakatuon sa pagsasabkategorya ng mga verb na bumubuo sa wikang Tina Sambal
batay sa verbal afiks na ikinakabit sa verb rut.

Teybol 1. Sabkategorisasyon ng mga Verb sa Tina Sambal

AGENT PATIENT LOKATIV BENEFAKTIV INSTRUMENTAL THEME


FOCUS FOCUS FOCUS FOCUS FOCUS FOCUS

ma- -on1 pag- ipaN1- ipa- i2-


m- -an1 -an2 ipag- ipaN2- -on2
mi- i1-

2.1 Agent Fokus


Tumutukoy ito sa gumaganap ng kilos na isinasaad ng verb. Ang mga
afiks na ginagamit sa mga verb na nasa Agent fokus ng wikang Tina Sambal
ay ma-, m- at mi-. Makikita sa Teybol 2 ang infleksyon ng afiks na ma- at
ang halimbawa ng verb na maaaring kabitan ng afiks na ito upang
magpahayag ng AGENT fokus.

Teybol 2. Infleksyon ng ma-

Aspek ma- Halimbawa


Infinitiv ma + stem ma- + nguyas > manguyas ‘maghugas’

Perfektiv na + stem na- + nguyas > nanguyas ‘naghugas’

Imperfektiv ampa- + stem ampa- + nguyas > ampanguyas ‘naghuhugas’

Kontemplativ katulad ng ma- + nguyas > manguyas ‘maghuhugas’


infinitive

Ang stem na nguyas ay nagiging nanguyas kapag nasa aspektong perfektiv,


ampanguyas naman kapag nasa aspektong imperfektiv, manguyas kapag nasa
aspektong infinitiv at kontemplativ. Gayun din sa ibang halimbawa ng mga verb na
maaaring kabitan ng afiks na ma- tulad ng nood ‘nood’ at mipi ‘laba’.

(1) Na-nguyas yan nin plato naapon.


Perf. Agent – nguyas NOM.3Sg GEN plato kahapon
‘Naghugas siya ng pinggan kahapon.’

(2) Na-nood lay nin pelikula naapon.


Perf. Agent-nood NOM.3Pl GEN pelikula kahapon
‘Nanood sila ng pelikula kahapon.

(3) Na-mipi hi nanay nin kurtina naapon.


Perf. Agent-laba NOM.Sg nanay GEN kurtina kahapon
‘Naglaba si nanay ng kurtina kahapon.’

Makikita sa Teybol 3 ang infleksyon ng afiks na m- at ang halimbawa ng verb


na maaaring kabitan ng afiks na ito upang magpahayag ng AGENT fokus.

Teybol 3. Infleksyon ng m-

Aspek m- Halimbawa
Infinitiv m + stem m- + malyo > mmalyo ‘maligo’

Perfektiv n + stem n- + malyo > nmalyo > nalyo ‘naligo’

Imperfektiv ampa- + stem ampa- + malyo > ampamalyo ‘naliligo’

Kontemplativ katulad ng m- + malyo > mmalyo ‘maliligo’


infinitive

Ang stem na malyo ay nagiging nalyo kapag nasa aspektong perfektiv,


ampamalyo kapag nasa aspektong imperfektiv, mmalyo kapag nasa aspektong
infinitiv at kontemplativ. Mapapansin mula sa teybol sa itaas na nagkaroon ng
asimilasyong ganap sa aspektong perfektiv ng verb na malyo ‘ligo’. Sa halip na
nmalyo, naging nalyo ang salita na katumbas sa salitang ‘naligo’ sa Filipino.
Nagkakaroon ng asimilasyong ganap sa isang salita kapag nawawala ang unang
fonim ng nilalapiang salita dahil ito ay napapaloob na sa sinusundang fonim.
(4) N-alyo kami ha ambay naapon.
Perf. Agent-ligo NOM. 1Pl OBL dagat kahapon
‘Naligo kami sa dagat kahapon.’

(5) N-angan yay anak nin tinapay.


Perf. Agent-kain NOM bata GEN tinapay
‘Kumain ang bata ng saging’

Makikita sa Teybol 4 ang infleksyon ng afiks na mi- at ang halimbawa ng


verb na maaaring kabitan ng afiks na ito upang magpahayag ng AGENT fokus.

Teybol 4. Infleksyon ng mi-

Aspek mi- Halimbawa


Infinitiv mi- + stem mi- + sag-ili > misag-ili ‘magbihis’

Perfektiv ni- + stem ni- + sag-ili > nisag-ili ‘nagbihis’

Imperfektiv aNpag- + stem aNpag- + sag-ili > aNpagsag-ili > ampagsag-ili


‘nagbibihis’
Kontemplativ katulad ng mi- + sag-ili > misag-ili ‘magbibihis’
infinitive

Ang stem na sag-ili ay nagiging nisag-ili kapag nasa aspektong perfektiv,


ampagsag-ili kapag nasa aspektong imperfektiv, misag-ili kapag nasa aspektong
infinitiv at kontemplativ. Mapapansin mula sa teybol sa itaas na may naganap na
pagpapalit ng fonim sa afiks sa aspektong imperfektiv ng verb. Mula sa salitang
angpagsag-ili, ito ay naging ampagsag-ili. Napalitan ng fonim na /m/ ang /N/ o /ng/
mula sa unang morfim dahil higit itong naaayon sa likas na hilig ng tao na gawing
madali ang pagbigkas ng isang salita. Gayun din sa ibang halimbawa ng verb na
maaaring kabitan ng afiks na mi- tulad ng ikap ‘laro’.

(6) Ni-sag-ili ya naw-on.


Perf. Agent- sag-ili NOM.3Sg kanina
‘Nagbihis siya kanina.’

(7) Ni-ikap yay mga anak naapon ha gazebo.


Perf. Agent- ikap NOM.Pl bata kahapon OBL gazebo
‘Naglaro ang mga bata kahapon sa gazebo’

2.2 Patient Fokus

Tumutukoy ito sa pagkasira at pagkabuo ng isang bagay sa pagganap


ng kilos. Ang afiks na ginagamit sa mga verb na nasa Patient fokus ng wikang
Tina Sambal ay –on1. Makikita sa Teybol 5 ang infleksyon ng afiks na –on1 at
ang halimbawa ng verb na maaaring kabitan ng afiks na ito upang
magpahayag ng PATIENT fokus.

Teybol 5. Infleksyon ng –on1

Aspek -on1 Halimbawa


Infinitiv stem + -on supak + -on > supakon ‘basagin’

Perfektiv -in- + stem -in- + supak > sinupak ‘binasag’


Imperfektiv ang- + stem + -on ang- + supak + -on > angsupakon ‘binabasag’

Kontemplativ katulad ng supak + -on > supakon ‘babasagin’


infinitive

Ang stem na supak ay nagiging sinupak kapag nasa aspektong perfektiv,


angsupakon kapag nasa aspektong imperfektiv, supakon kapag nasa aspektong
infinitiv at kontemplativ. Ang safiks na [-on] ay may dalawang anyo, ang alomorf na
-on at -won. Ginagamit ang alomorf na -on kung ang hinuhulapiang salita ay
nagtatapos sa konsonant katulad ng halimbawang verb rut na supak. Mapapansin na
ang nasabing verb ay nagtatapos sa konsonant kaya ginamit ang alomorf na -on para
mabuo ang salitang supakon ‘basagin; babasagin’ na nagpapahayag ng patient fokus.
Sa ibang verb rut tulad ng katli, alomorf na -won ang ginamit dahil ang
hinuhulapiang salita ay nagtatapos sa vawel.
May ibang verb na kinakabitan ng afiks na -on kahit na nagtatapos ang salita
sa vawel tulad ng tayi ‘tahi’. Bagamat nagtatapos sa vawel ang nakasulat na ortografi
ng salita, kung itatranskrayb, sinusundan ito ng glottal stap. Ang glottal stap sa
pagitan ng unang morfim na ‘tayi’ at pinal na morfim na ‘-on’ ay maituturing na
isang konsonant kaya alomorf na -on ang ginamit sa halip na -won upang mabuo ang
salitang tayion.

(8) Supak-on ko yay bote.


Kont. Pat-basag GEN.1Sg NOM bote
‘Babasagin ko ang bote.’
(9) Katli-won niya yay tela.
Kont. Pat- gupit GEN3Sg. NOM tela
‘Gugupitin niya ang tela’

(10) Sira-on ko yay biyay mo.


Kont. Pat- sira GEN.1Sg NOM buhay GEN2.Sg
‘Sisirain ko ang buhay mo’

(11) Tayi-on niya yay aysing mo dilap.


Kont. Pat- tahi GEN.3Sg NOM damit GEN.2Sg bukas
‘Tatahiin niya raw ang damit mo bukas

Teybol 6. Infleksyon ng –an1

Aspek -an1 Halimbawa


Infinitiv stem + -an puol + -an > puolan ‘sunugin’

Perfektiv -in- + stem + -an -in- + puol + -an > pinuolan ‘sinunog’

Imperfektiv ang- + stem + -an ang- + poul + -an > angpuolan > ampuolan
‘sinusunog’
Kontemplativ katulad ng puol + -an > puolan ‘susunugin’
infinitive

Ang stem na puol ay nagiging pinuolan kapag nasa aspektong perfektiv,


ampuolan kapag nasa aspektong imperfektiv, puolan kapag nasa aspektong infinitiv
at kontemplativ. Mapapansin sa itaas na talaan na nagkakaroon ng pagpapalit ng
fonim sa afiks sa aspektong imperfektiv ng verb. Mula sa salitang aNpuolan, ito ay
naging ampuolan. Napalitan ng fonim na /m/ ang /N/ o /ng/ mula sa unang morfim.

(12) Puol-an ni Winnie yay mga ritrato dilap.


Kont. Pat- sunog GEN.Sg Winnie NOM.Pl litrato bukas
‘Susunugin ni Winnie ang mga litrato bukas.’

2.3 Lokativ Fokus

Tumutukoy sa kung saan naganap ang kilos. Ang afiks na ginagamit sa


mga verb na nasa Lokativ fokus ng wikang Tina Sambal ay –an2 at pag-.
Makikita sa Teybol 7 ang infleksyon ng afiks na –an2 at ang halimbawa ng
mga verb na maaaring kabitan ng afiks na ito upang magpahayag ng
LOKATIV fokus.

Teybol 7. Infleksyon ng –an2

Aspek -an2 Halimbawa


Infinitiv stem + -an dokdok + -an > dokdokan ‘sayawan’

Perfektiv -in- + stem + -an -in- + dokdok + -an > dinokdokan


‘sinayawan’
Imperfektiv aN- + stem + -on aN- + dokdok + -an > aNdokdokan >
andokdokan ‘sinasayawan’
Kontemplativ katulad ng lulan + -an > dokdokan ‘sasayawan’
infinitive
Ang stem na dokdok ay nagiging dinokdokan kapag nasa aspektong perfektiv,
andokdokan kapag nasa aspektong imperfektiv, dokdokan kapag nasa aspektong
infinitiv at kontemplativ. Mapapansin mula sa itaas na talaan na may asimilasyong
parsyal na nagaganap sa aspektong imperfektiv. Mula sa salitang aNdokdokan, ang
/N/ o /ng/ ay naging /n/ dahil sa kasunod nitong tunog na /d/ kaya nabuo ang salitang
andokdokan ‘sinasayawan’. Gayun din sa ibang halimbawa ng mga verb na maaaring
kabitan ng afiks na -on tulad ng lulan ‘sakay’ at saliw ‘bili’.

(13) Dokdok-an ko yay stage dilap.


Kont. Lok – sayaw GEN.1Sg NOM stage bukas
‘Sasayawan ko ang stage bukas.’

(14) Lulan-an mi yay eroplano dilap.


Kont. Lok- sakay GEN.1Pl NOM eroplano bukas
‘Sasakyan namin ang eroplano bukas.’

(15) S-in-aliw-an ni tatay yay tindawan.


Perf. Lok-bili GEN.Sg tatay NOM tindahan
‘Binilhan ni tatay ang tindahan

Teybol 8. Infleksyon ng pag-

Aspek pag- Halimbawa


Infinitiv stem + -an pag- + dasal + -an > pagdasalan ‘pagdasalan’

Perfektiv pag- + -in- + stem pag- + -in- + dasal + -an > pinagdasalan
+ -an ‘pinagdasalan’
Imperfektiv ang- + pag- + ang- + dasal + -an > angpagsaliwan >
stem + -an ampagdasalan ‘pinagdadasalan’

Kontemplativ katulad ng pag- + dasal + -an > pagdasalan


infinitive ‘pagdadasalan’

Ang stem na dasal ay nagiging pinagdasalan kapag nasa aspektong perfektiv,


ampagdasalan kapag nasa aspektong imperfektiv, pagdasalan kapag nasa aspektong
infinitiv at kontemplativ. Mapapansin mula sa itaas na talaan na nagkakaroon ng
pagpapalit ng fonim sa afiks sa aspektong imperfektiv ng verb. Mula sa salitang
aNpagdasalan, ito ay naging ampagsag-ili. Napalitan ng fonim na /m/ ang /N/ o /ng/
mula sa unang morfim.

(16) Pag-dasal-an mi yay simba-an.


Kont. Lok- dasal GEN.1Pl NOM simbahan
‘pagdadasalan namin ang simbahan.’

2.4 Benefaktiv Fokus

Tumutukoy ito sa pinaglalaan ng kilos. Ang akifs na ginagamit sa mga


verb na nasa Benefaktiv fokus ng wikang Tina Sambal ay ipa-, ipaN1- at ipag.
Makikita sa Teybol 7 ang infleksyon ng afiks na -ipa at ang halimbawa ng
verb na maaaring kabitan ng afiks na ito upang magpahayag ng
BENEFAKTIV fokus.
Teybol 9. Infleksyon ng ipa-

Aspek Ipa- Halimbawa


Infinitiv ipa- + stem ipa- + nago > ipanago ‘ipag-igib’
Perfektiv impa- + stem impa- + nago > impanago ‘ipinag-igib’
Imperfektiv ampa- + stem ampa- + nago > ampanago ‘ipinag-iigib’
Kontemplativ stem + -an nago + -an > nagoan > tagoan
‘ipag-iigib’

Ang stem na nago ay nagiging ipanago kapag nasa aspektong infinitiv,


impanago kapag nasa aspektong perfektiv, ampanago kapag nasa aspektong
imperfektiv, tagoan kapag nasa aspektong kontemplativ. Mapapansin mula sa teybol
sa itaas na nagkaroon ng pagpapalit ng fonim sa rut verb na nago ‘igib’ sa aspektong
kontemplativ. Mula sa salitang nagoan, ito ay naging tagoan. Napalitan ng fonim na
/t/ ang /n/.

(17) Ipa-nago mo ya nin lanom paysan.


Kont. Ben- igib GEN.2Sg NOM.3Sg GEN tubig mamaya
‘Ipag-iigib mo siya ng tubig mamaya.’

Teybol 10. Infleksyon ng ipag-

Aspek ipag- Halimbawa


Infinitiv ipag- + stem ipag- + dasal > ipagdasal ‘ipagdasal’
Perfektiv ipa- + -m-+ stem ipa- + -m- + dasal > impadasal ‘ipinagdasal’
Imperfektiv ampa- + stem ang-ipag- + dasal > ampanago ‘ipinagdadasal’
Kontemplativ Katulad ng ipag- + dasal > ipagdasal ‘ipagdadasal’
infinitive

Ang stem na dasal ay nagiging impadasal kapag nasa aspektong perfektiv,


ang-ipagdasal kapag nasa aspektong imperfektiv, ipagdasal kapag nasa aspektong
kontemplativ at infinitiv.

(18) Ipag-dasal mi yay talakaka nya.


Kont. Ben- dasal GEN.1Pl NOM kapatid GEN.3Sg
‘Ipagdadasal naming ang kapatid niya.’

Teybol 11. Infleksyon ng ipaN1-

Aspek ipaN1- Halimbawa


Infinitiv ipaN- + stem ipaN- + luto > ipaNluto ‘ipagluto’
Perfektiv ipaN- + -m- + ipaN- + -m- + luto > impaNluto ‘ipinagluto’
stem
Imperfektiv ang- + ipa- ang- + ipaN- + luto > ang-ipaNluto ‘ipinagluluto’
+ stem
Kontemplativ katulad ng ipaN- + luto > ipaNluto ‘ipagluluto’
infinitiv

Ang stem na luto ay nagiging impaNluto kapag nasa aspektong perfektiv,


ang-ipaNluto kapag nasa aspektong imperfektiv, ipaNluto kapag nasa aspektong
infinitiv at kontemplativ. Ginamit ang afiks na [ipaN-] upang magpahayag ng
benefaktiv fokus. Ilan din sa halimbawang verb na maaaring kabitan ng afiks na ito
ay ang verb na saliw ‘bili’. Kapag kinakabitan ito ng prefiks na [ipaN-] ay mayroong
asimilasyong ganap at pagpapalit ng fonim na nagaganap. Sa halip na ipaNsaliw, ito
ay naging ipanaliw. Napalitan ang fonim na /N/ ng /n/ at nawala ang unang fonim na
/s/ ng nilalapiang salita dahil ito ay naasimila o napapaloob na sa sinundang fonim.

(19) IpaN-luto ni Clara nin biko hi Mara.


Kont. Ben-luto GEN.Sg Clara GEN biko NOM.Sg Mara
‘Ipagluluto ni Clara ng biko si Mara’

(20) Ipa-naliw ko hiya nin pa-mangan dilap.


Kont. Ben-saliw GEN.1Sg NOM.3Sg GEN pagkain bukas
‘Ibibili ko siya ng pagkain bukas.’

Teybol 12. Infleksyon ng i1-

Aspek i1- Halimbawa


Infinitiv i- + alsa i- + alsa > ialsa ‘kargahin’

Perfektiv -in- + stem -in- + alsa > inalsa ‘kinarga’

Imperfektiv ang- + stem + -on ang- + alsa + -won > ang-alsawon ‘kinakarga’

Kontemplativ katulad ng i- + alsa > ialsa ‘kakargahin’


infinitive

Ang stem na alsa ay nagiging inalsa kapag nasa aspektong perfektiv, ang-
alsawon kapag nasa aspektong imperfektiv, i-alsa kapag nasa aspektong infinitiv at
kontemplativ. Ginamit ang afiks na -i upang magpahayag ng benefatik fokus.
(21) I-alsa ni Badong hi Inday.
Kont. Ben-karga GEN.Sg Badong NOM.Sg Inday
‘Ikakarga ni Badong si Inday.’

2.5 Instrumental Fokus

Tumutukoy sa bagay na ginamit sa pagganap ng kilos. Ang akifs na


ginagamit sa mga verb na nasa Instrumental fokus ng wikang Tina Sambal ay
ipa- at ipaN2-. Makikita sa Teybol 13 ang infleksyon ng afiks na ipaN2- ang
halimbawa ng verb na maaaring kabitan ng afiks na ito upang magpahayag ng
INSTRUMENTAL fokus.

Teybol 13. Infleksyon ng ipaN2-

Aspek ipaN2- Halimbawa


Infinitiv ipaN- + stem ipaN- + laok > ipaNlaok ‘ipanghalo’
Perfektiv impaN- + stem impaN- + laok > impaNlaok ‘ipinanghalo’
Imperfektiv ang-impaN- + ang-impaN- + laok > ang-impaNlaok
stem ‘ipinanghahalo’
Kontemplativ katulad ng ipaN- + laok > ipaNlaok ‘ipanghahalo’
infinitive

Ang stem na laok ay nagiging impaNlaok kapag nasa aspektong perfektiv,


ang-impaNlaok kapag nasa aspektong imperfektiv, ipaNlaok kapag nasa aspektong
infinitive at kontemplativ.. Ang stem na trapo ay nagiging ipinarapo kapag nasa
aspektong perfektiv, ang-ipinarapo kapag nasa aspektong imperfektiv, ipanarapo
kapag nasa aspektong infinitive at kontemplativ. Gayundin sa ibang halimbawa ng
mga verb na maaaring kabitan ng afiks na [ipan-] tulad ng linis ‘linis’ at trapo
‘punas’.

(22) IpaN-laok mo nin tambong-tambong yay sandok.


Kont. Ins-halo GEN.2Sg GEN binignit NOM sandok
‘Ipanghahalo mo ng Binignit ang sandok.

(23) IpaN-linis mo nin carpet yay vacuum cleaner dilap.


Kont. Ins-linis GEN.2Sg GEN carpet NOM vacuum cleaner bukas
‘Ipanglilinis mo ng carpet ang vacuum cleaner.

(24) Ipa-narapo ko yay panyo ha salamin.


Kont. Ins- punas GEN.1Sg NOM panyo OBL salamin
‘Ipangpupunas ko ang panyo sa salamin’

Makikita sa Teybol 14 ang infleksyon ng afiks na ipa- at ang halimbawa ng


verb na maaaring kabitan ng afiks na ito upang magpahayag ng INSTRUMENTAL
fokus.
Teybol 14. Infleksyon ng ipa-

Aspek ipa- Halimbawa


Infinitiv ipa- + stem ipa- + nulat > ipanulat ‘ipangsulat’
Perfektiv impaN- + stem impa- + nulat > impanulat ‘ipinangsulat’
Imperfektiv ang-impaN- + ang-ipa- + nulat > ang-ipanulat
stem ‘ipinangsusulat’
Kontemplativ katulad ng ipanulat- + nulat > ipanulat ‘ipangsusulat’
infinitive

Ang stem na nulat ay nagiging impanulat kapag nasa aspektong perfektiv,


ang-ipanulat kapag nasa aspektong imperfektiv, ipanulat kapag nasa aspektong
infinitive at kontemplativ.

(25) Ipa-nulat moy ha pisara yay chalk.


Kont. Ins- sulat GEN.2Sg OBL pisara NOM chalk
‘Ipangsusulat mo sa pisara ang chalk.’

2.6 Theme Fokus

Tumutukoy sa focus ng verb nang hindi nasisira o naaapektuhan ang


bagay na isinasaad ng kilos. Ang akifs na ginagamit sa mga verb na nasa
Instrumental fokus ng wikang Tina Sambal ay i2-, at –on2 . Makikita sa Teybol
15 ang infleksyon ng afiks na i2- at ang halimbawa ng verb na maaaring
kabitan ng afiks na ito upang magpahayag ng THEME fokus.
Teybol 15. Infleksyon ng i2-

Aspek i2- Halimbawa


Infinitiv i- + stem i- + sara > isara ‘isara’
Perfektiv in + stem in- + sara > insara ‘isinara’
Imperfektiv ang- + stem ang- + -in- + sara > ang-insara ‘isinasara’
Kontemplativ katulad ng i- + sara > isara ‘isasara’
infinitive

Ang stem na sara ay nagiging insara kapag nasa aspektong perfektiv, ang-
insara kapag nasa aspektong imperfektiv, isara kapag nasa aspektong infinitive at
kontemplativ. Gayundin sa ibang halimbawa ng verb na maaaring kabitan ng afiks na
[i-] tulad ng lipat ‘lipat’.

(26) I-sara ko yay tindawan paysan.


Kont. Th-sara GEN.1Sg NOM tindahan mamaya
‘Isasara ko ang tindahan mamaya.’

(27) I-lipat mi yay tent dilap.


Kont. Th-lipat GEN.1Pl NOM tent bukas
‘Ililipat namin ang tent bukas.’

Makikita sa Teybol 16 ang infleksyon ng afiks na -on at ang mga halimbawa


ng verb na maaaring kabitan ng afiks na ito upang magpahayag ng THEME pokus.
Teybol 16. Infleksyon ng –on2

Aspek -on2 Halimbawa


Infinitiv stem + -on awit + -on > awiton ‘dalhin’

Perfektiv -in- + stem -in- + awit > inawit ‘dinala’

Imperfektiv ang- + stem + -on ang- + awit + -on > ang-awiton ‘dinadala’

Kontemplativ katulad ng awit + -on > awiton ‘dadalhin’


infinitiv

Ang stem na awit ay nagiging inawit kapag nasa aspektong perfektiv, ang-
awiton kapag nasa aspektong imperfektiv, awiton kapag nasa aspektong infinitiv at
kontemplativ. Gayundin sa ibang halimbawa ng mga verb na maaaring kabitan ng
afiks na [on-] tulad ng tigo ‘galaw’ at pulot ‘pulot’.

(28) Awit-on ni Bea yay tsinelas dilap.


Kont. Th-dala GEN.Sg Bea NOM tsinelas bukas
‘Dadalhin ni Bea ang tsinelas bukas.’

(29) Tigo-on ko yay baso paysan.


Kont. Th- galaw GEN.1Sg NOM baso mamaya
‘Gagalawin ko ang baso mamaya.’

(30) Pulot-on nin anak yay tibukol.


Kont. Th-pulot GEN bata NOM pera
‘Pupulutin ng bata ang pera.’
3.0 Konklusyon

Sa kabuuang resulta ng ginawang pag-aaral, natuklasan na may tatlong (3) afiks


na ginagamit sa mga verb na nasa Agent fokus ng wikang Tina Sambal ito ay ang
ma-, m- at mi-; dalawa (2) para sa Patient fokus, -on1 at –an1; dalawa (2) para sa
Lokativ fokus, pag- at –an2; tatlo (3) para sa Benefaktiv fokus, ipaN1-, ipag- at i1-;
dalawa (2) para sa Instrumental fokus, ipa- at ipaN2; at dalawa (2) rin para sa Theme
fokus, ang mga afiks na i2- at –on2. Ang lahat ng mga afiks na ito ay ginagamit upang
magpahayag ng partikular na fokus ng verb sa wikang Tina Sambal.
Bawat verb na isinabkategorya ay nababago ang anyo batay sa aspek nito.
Kapag nasa aspektong perfektiv, maaaring ikabit ang mga afiks na [-in-] at [na-].
Habang sa aspektong imperfektiv ginagamit naman ang mga afiks na [ang-] , [pa-],
[pag-] at [paN-]. Parehong afiks lang din ang ikinakabit sa aspektong kontemplativ at
infinitive batay sa infleksyon nito. Binigyan linaw sa pag-aaral ang mga pagbabagong
morpoponemiko na nagaganap sa pagbuo ng mga salita. Inirepresenta rin ang morfim
to morfim glossing sa bawat verb na ginamit sa isang sentens upang matukoy ang
mga case marker sa pagpapahayag ng partikular na fokus ng verb.
MGA REFERENSYA:

Fromkin, V. & Rodman, R. (1978). Introduction to language, 3rd ed. New York: Holt,
CBS College Publishing.

Garcia, L. (1992). Morpoloji. Makabagong Gramar ng Filipino. Quezon, 856 Nicanor


Reyes St.: Rex Book Store.

Lewis, M.P., Simons, G., Fennig, C., (2015) Ethnologue: Language of the
Philippines,Eighteenth Edition. Dallas, Texas: SIL International

Quakenbush, S. J. (1996). Other Philippine languages in the third millennium.


Philippine journal of linguistics (29), 1 & 2, 1-22.

Santiago, A. O. & Tiangco, N. G. (1985). Morpoloji. Makabagong Gramar ng


Filipino. Quezon, 856 Nicanor Reyes St.: Rex Book Store.

Santos, A.L., et al. (2016). Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang


Pilipino. Malabon City, 105 Engineering Road, Araneta University Village,
Potrero: Mutya Publishing House. Inc.

WikiVisually.(w.p.). Sambal language. Kinuha noong ika-25 ng Setyembre, 2020.


Kinuha mula sa https://wikivisually.com/wiki/Sambal_language

You might also like