You are on page 1of 32

ANG ARGYUMENT-STRAKTYUR NG ILANG VERB

SA WIKANG TINA SAMBAL

Isang Papel Pananaliksik


na Iniharap kay
DANILYN T. ABINGOSA, PhD
Departamento ng Filipino at Ibang mga Wika
Kolehiyo ng mga Sining at Agham Panlipunan
MSU-Iligan Institute of Technology

Bilang bahagi
ng mga Pangangailangan sa
FIL 170 Sintaks at Semantiks ng Wikang Filipino

ni

DENIS DIONISIUS III S. ORELLANA

Disyembre 18, 2020


1.0 Introduksyon

Ang Pilipinas ay isa sa mga multilinggwal na bansang may maraming wikang


ginagamit. Bawat wika ay may sariling katangian na makapagsasabing naiiba ito sa
ibang wika. Bagamat magkakahawig ang ilang salita ng iba’t ibang wika sa Pilipinas,
hindi ito magkakatulad dahil mayroon itong sariling set ng tunog, salita at may
sinusunod na patern. Sinabi nina Fromkin at Rodman (1983), na nabubuhay tayo sa
daigdig ng mga salita. Kahit saan man pupunta ay gumagamit tayo ng sarili nating
wika sa paglalahad ng kaisipan at damdamin. Sa pamamagitan ng wika ay
naipararating ng tao ang mga impormasyon na gusto niyang maipabatid sa iba.
Nakikilala rin ang kultura ng isang tao batay sa kaniyang wikang ginamit. Kung sa
gayon, masasabing magkabuhol ang wika at kultura, at hindi kailanman pwedeng
paghiwalayin.
Ayon kay Lachica (1994), dapat tandaan na ang wika ay hindi lamang puro tunog
at pagbigkas. Mayroon din itong sinusunod na regulasyon sa gramar at semantiks.
Dagdag pa, mas nabibigyan halaga ang wika kapag nagagamit ito sa pakikisalamuha
sa kapwa upang mabuo ang panlipunang ugnayan sa pagitan ng bawat tao.
Pinapatunayan lamang nito na buhay at dinamiko ang wika dahil aktibo itong
ginagamit, patuloy na umuunlad at nadaragdagan. Hinggil kay Quakenbush (1998),
pansampu ang Pilipinas sa ranggo ng buong daigdig kung ang pag-uusapan ay ang
bilang ng mga katutubong wika na ginagamit dito. Ang iba’t ibang grupong
etnolinggwistiko ay pinapangunahan ng Tagalog, Cebuano, Hiligaynon, Ilokano,
Bicolano, Samar-Leyte Waray, Kapampangan at Pangasinense. Patunay lamang ito na
may kumplikadong sitwasyong linggwistikal ang bansa.

Ang Tina Sambal ay isa sa mga wikang Sambal ng Central Luzon kasama ang
Ayta Abellen, Ayta Ambala, Ayta Mag-Antsi, Ayta MagIndi, Bolinao at Botolan
Sambal. Tinawag ng mga neytib ispiker ng mga nasabing lugar ang kanilang wika na
Sambali. Ngunit, ginagamit ng mga ispiker ng Botolan Sambal ang terminong
Sambali Tina na nangangahulugang ‘bleached Sambal’ na tumutukoy sa Hilagang
wika (Tina Sambal), dahil karamihan sa mga salita rito ay hiram mula sa Espanyol at
Ilocano. Ayon kina Lewis, M., Simons, G., at Fennig, C. (2015), ang mga taong
Sambal ay etnolinggwistikong grupo na naninirahan sa lalawigan ng Zambales na
may 70,000 na populasyon. Tina Sambal ang wikang sinasalita sa mga munisipalidad
ng Santa Cruz, Masinloc, Iba at Pangasinenseng Infanta ng Central Luzon sa
Pilipinas. Katulad ng iba pang mga wika sa bansa, ang Tina Sambal ay isang
Austronesian, Malayo-Polynesian. Gayunpaman, ang terminong Tina ay itinuturing
na bangkiwi na nangangahulugang biro o paglalaro ng mga salita, sa Sambal
Botolan. Kaya, karamihan sa mga ispeker ng Tina Sambal ay hindi kinilala ang
termino bilang tawag sa kanila. Kaugnay nito, nakatuon ang pag-aaral na ito sa
paggrupo ng ilang verb na bumubuo sa wikang Tina Sambal batay sa semantic na
klasipikasyon at valency ng verb.

1.1 Layunin

Layunin ng pag-aaral na ito na maigrupo ang mga verb na bumubuo sa wikang


Tina Sambal batay sa semantik na klasipikasyon nito. Nilalayon din nitong matukoy
at matalakay ang valency ng verb sa nasabing wika, sa pamamagitan ng pag-uuri nito
bilang one-place na predikeyt, two-place na predikeyt at three-place na predikeyt.

1.2 Metodolohiya

Deskriptibong pamamaraan ang ginamit sa presentasyon at analisis ng datos.


Virtwal na interbyu o pakikipagpanayam ang ginamit sa pangangalap ng datos.

1.2.1 Pangongolekta ng Datos

Virtwal na ininterbyu ng mananaliksik ang informant. May


pagkakataon ding ginamit ang messenger app sa pakikipag-usap sa informant.
Sa pamamagitan ng nasabing app, ay naipapadala ng informant sa
mananaliksik ang mga datos.

Bumuo ng sariling listahan ng mga verb ang mananaliksik at ginamit


ito sa pagbuo ng sentens. Ipinadala ito sa informant gamit ang messenger app
para tumbasan ang bawat salita sa wikang Tina Sambal. Binubuo ng 76 salita
ang eliciting material na ginamit sa pangangalap ng datos.

1.2.2 Informant

Ginamit na informant sa pag-aaral ang isang neytib ispeker ng wikang


Tina Sambal. Siya ay 48 taong gulang at nagmula sa Santa Cruz, Zambales.
Sa kasalukuyan, siya ay naninirahan sa Brgy. Suarez, Iligan City. Bagaman
nasa Iligan na ang informant, ginagamit pa rin niya ang kaniyang unang wika
sa pakikipag-usap sa loob ng tahanan.

2.0 Presentasyon at Analysis ng Datos

Sintaks ang tawag sa pag-aaral ng sistema ng pag-uugnay-ugnay ng mga


salita upang makabuo ng mga parirala at mga pangungusap. Mahalagang malaman
ang kategoryang leksikal na kilala bilang bahagi ng pananalita sa pagbubuo ng mga
parirala at mga pangungusap. Kabilang sa mga kategoryang ito ang mga salitang
pangnilalaman na binubuo ng nawn, pronawn, verb, adjektiv at adverb at mga
salitang pangkayarian na binubuo ng (1) Mga Pang-ugnay; (a) pangatnig, (b) pang-
angkop, (c) pang-ukol, at (2) Mga Pananda; (a) pantukoy, (b) ang ay bilang inversion
na klitik ng isang pangungusap. Tinatawag na preys ang konstityuwent na pumupuno
ng slot sa klos straktyur (Aikhenvald, 2015). Naiiba ang preys sa klos dahil bahagi
lamang ang preys sa isang klos na binubuo ng isang argyument slot at predikeyt
slot. Sa isang argyument slot, maaari itong punuin ng isang nawn preys (NP) habang
sa predikeyt slot naman ay verb preys ang kadalasang pumupuno rito lalong lalo na
kung isang verbal sentens ang pag-uusapan.
Ang Sentens o pangungusap ay maaaring salita o lipon ng mga salita na
nagsasaad ng buong diwa. Karaniwan itong binubuo ng dalawang bahagi – ang
sabjek at predikeyt. Ang mga wika sa Pilipinas ay predikeyt-inisyal, kung saan
makikita ang predikeyt sa inisyal na bahagi o unang parte ng isang sentens.
Matatalakay din ang verb preys partikular na ang beysik straktyur nito dahil nakatuon
ang pag-aaral na ito sa argyument-strakyur ng ilang uri ng verb sa wikang Tina
Sambal.

Verb Preys (Pariralang Pandiwa)

Katulad sa wikang Filipino, ang beysik straktyur ng verb preys ng Tina


Sambal ay maaaring binubuo ng verb (V) at nawn preys (NP). Ang nawn preys na
kasama ng verb ay ang NP na di nafofokus ng verb, ibig sabihin, ang case marking
nito ay hindi nominative (NOM). Maaari namang uriin ang verb bilang intransitiv at
transitiv.

(a) Intransitiv verb kapag ang isang verb ay nangangailangan ng isang


argyument.
(b) Transitiv verb kapag kailangan ng dalawang argyument ang isang verb
para buo ang diwa ng sentens o pangungusap.
VP S

Af V Pred + Sabj

ni- sag-ili VP + NP

Fig. 1. Halimbawa ng verb preys kapag Fig. 3. Beysik straktyur ng isang


Intransitiv ang verb. verbal sentens.

(1) Ni-sag-ili yay anak.


Perf. Ag- bihis NOM bata
‘Nagbihis ang bata.’

VP V + NP

Fig. 2. Formula ng beysik verb preys sa Tina Sambal.

(2) Na-ngan nin mangga yay lalake.


Perf. Ag- kain GEN.Sg mangga NOM bata
‘Kumain ng mangga ang lalake.’

Makikita sa figyur 1 ang halimbawa ng verb preys ng Tina Sambal kapag ito ay isang
Intransitiv verb. Binubuo lamang ito ng afiks at verb stem. Mapapansin din sa figyur 2 ang
formula ng beysik verb preys na binubuo ng verb (V) at nawn preys (NP). Ang nawn preys na
kasama ng verb ay ang NP na di nafofokus. Kapag ang nawn preys ay di nafofokus ang case
marking nito ay hindi nominative (NOM). Mula sa halimbawa sa (2) makikita na dalawa ang
NP ng verb preys – ang nin mangga ‘ng mangga’ at yay lalake ‘ang lalake’. Ang NP na hindi
nafofokus dito ay ang nin mangga ‘ng mangga’ at ang verb na nangan (kumain) ang bubuo sa
verb preys (VP). Sa figyur 3 naman makikita ang halimbawa ng beysik straktyur ng isang
verbal sentens. Binubuo ang isang sentens (S) ng predikeyt (Pred) na isang verb preys (VP) at
sabjek (Sabj) na isang nawn preys (NP).

2.1 Argyument-straktyur ng ilang uri ng verb

Ang argyument ay tumutukoy sa nawn preys na kinakailangan ng isang


partikular na verb. Ang semantiks naman ay ang pag-aaral ng kahulugan. Mahalaga
ang semantik na klasipikasyon ng mga verb dahil dito nakadepende ang argyument-
straktyur nito. Dumedenpde rin sa argyument-straktyur ng verb ang bilang ng uri ng
argyument na kailangan nito. Ang mga sumusunod ay ang mga uri ng verb batay sa
semantik na klasipikasyon nito at ang uri ng valency ng verb:

2.1.1 Mga Verb na Nagpapahayag ng Gawain (Activity Verb)


Tumutukoy sa mga verb na naglalarawan ng sitwasyon na
maaaring magpatuloy na walang tiyak na wakas o hindi malinaw kung
kailan matatapos ang isang partikular na gawain (Paz, Hernandez at
Peneyra, 2003).

2.1.1.1 One-place na predikeyt


Ito ay uri ng valency ng verb na nangangailangan lamang ng
isang core na argyument na gumaganap bilang agent o tagaganap ng
kilos na isinasaad ng verb.
V + agent ± adjunct

(3) Ampi-ikap yay anak.


Imperf. Ag- laro NOM.Sg bata
‘Naglalaro ang bata.’

(4) Ampa-ngan hi Erica wanin.


Imperf. Ag- kain NOM.Sg Erica ngayon
‘Kumakain si Erica.’

(5) Ampa-mipi yay dalaga.


Imperf. Ag- laba NOM.Sg dalaga
‘Naglalaba ang dalaga.’

( 6) Ampag-pintura yay pintor.


Imperf. Ag- pinta NOM.Sg pintor
‘Nagpipinta ang pintor.’

(7) An-la-lako yay lalake.


Imperf. Ag- lakad NOM.Sg lalake.
‘Naglalakad ang lalake.’

(8) Ampang-alis hi Ben.


Imperf. Ag- walis NOM.Sg Ben
‘Nagwawalis si Ben.’

(9) Ampa-nguyas yay anak.


Imperf. Ag- hugas NOM.Sg bata
‘Naghuhugas ang bata.’

(10) Ampa-lyo la wanin.


Imperf. Ag- ligo NOM.3Pl ngayon.
‘Naliligo sila ngayon.’

Pred Sabj Adjunct

VP NP

Af V Det N

Ampa- ngan hi Erica wanin

Ampangan hi Erica wanin.


‘Kumakain si Erica ngayon’

Figyur 4. Tree diagram ng one-place na predikeyt

Ang mga verb na makikita sa itaas ay mauuri bilang mga verb na


nagpapahayag ng gawain (Activity Verb) at one-place na predikeyt na
nangangailangan lamang ng isang core argyument upang mabuo ang diwa ng sentens.
Makikita sa figyur 4 ang tree diagram ng one-place predikeyt na uri ng valency ng
verb. Binubuo ng verb preys (VP) ang Predikeyt at nawn preys (NP) ang Sabjek
upang mabuo ang isang sentens. Sa halimbawang sentens na (3) Ampa-ngan hi Erica
wanan ‘Kumakain si Erica ngayon’. Ang nawn preys (NP) na hi Erica ‘si Erica’ ang
pumupuno sa argyument slot ng klos na gumaganap ng kilos na isinasaad ng verb.
Habang ang adverb na wanin ‘ngayon’ naman ay maituturing bilang adjunct
argyument dahil hindi ito core argyument. Maaari itong isali sa isang sentens at
maaari ding wala. Maiuuri din ang mga halimbawang verb sa itaas bilang intransitiv
verb dahil nangangailangan lamang ito ng isang core argyument.

2.1.1.2 Two-place na predikeyt


Ito ay uri ng valency ng verb na nangangailangan ng
dalawang argyument (1) agent o tagaganap ng kilos ng verb; at (2)
patient o entidad na naaapektuhan ng kilos ng verb, direk objek o
kaya ang direksyon ng kilos ng verb (Paz, Hernandez at Peneyra,
2003).

V + agent/ patient/ lokasyon/ goal/ theme ± adjunct

(11) Ang-kan-on nin aso yay butol.


Imperf. Pat- kain GEN.Sg aso NOM.Sg buto
‘Kinakain ng aso ang buto.’

(12) P-in-uol-an ni Judy yay mga litrato.


Imperf. Pat- sunog GEN.Sg Judy NOM.Pl litrato
‘Sinusunog ni Judy ang mga litrato.’
(13) Am-plantsa-won ni nanay yay aysing.
Imperf. Pat- plantsa GEN.Sg nanay NOM.Sg damit
‘Pinaplantsa ni nanay ang damit.’

(14) K-in-atli ni Denis yay papel.


Perf. Pat- gupit GEN.Sg Denis NOM.Sg papel.
‘Ginupit ni Denis ang papel.’

(15) Tinayi ni tatay yay panyo.


Perf. Pat – tahi GEN.Sg tatay NOM.Sg panyo
‘Tinahi ni tatay ang panyo.’

(16) Ampa-mipi hi nanay nin kurtina.


Imperf. Ag- laba NOM.Sg nanay GEN.Sg kurtina
‘Naglalaba ng kurtina si nanay.

(17) Ni-nom ya nin gatas nan-on.


Perf. Ag- inom NOM.3Sg GEN.Sg gatas kanina
‘Uminom siya ng gatas kanina.’

(18) Na-nguyas ya nin pinggan naapon.


Perf. Ag- hugas NOM.3Sg GEN.Sg pinggan kahapon
‘Naghugas siya ng pinggan kahapon.
S

Pred Sabj Adjunct

VP NP

V NP Det N

Af V Det N

-in- -an puol ni Judy yay mga litrato wanin

Pinuolan ni Judy yay mga litrato wanin.


‘Sinusunog ni Judy ang mga litrato ngayon’

Figyur 5. Tree diagram ng two-place na predikeyt

Ang mga verb na makikita sa itaas ay mauuri bilang mga verb na


nagpapahayag ng gawain (Activity Verb) at two-place na predikeyt na
nangangailangan ng dalawang argyument upang mabuo ang diwa ng sentens.
Makikita sa figyur 5 ang tree diagram ng two-place predikeyt na uri ng valency ng
verb. Binubuo ng verb (V) at nawn preys (NP) ang verb preys (VP); at determiner
(Det) at nawn (N) para sa nawn preys (NP). Ang VP ang pumupuno sa Predikeyt
at NP naman sa Sabjek upang mabuo ang isang sentens. Sa halimbawang sentens
na (11) Pinuolan ni Judy yay mga litrato wanin ‘Sinusunog ni Judy ang mga litrato
ngayon. Ang nawn preys na ni Judy ‘ni Judy’ ay ang NP na di nafofokus ng verb.
Habang ang nawn preys na yay mga litrato ‘ang mga litrato’ naman ang
naaapektuhan na entidad sa kilos na isinasaad ng verb. Nagkakaroon ng konstreynt
ang straktyur o order ng argyument kapag may isinisingit na klitik sa sentens. Ang
mga klitik na ito ay maaaring isang pronominal klitik, adverb o kaya ay inversion
na “ay”. Ang adverb na wanin ‘ngayon’ ay maituturing bilang adjunct argyument
dahil hindi ito core argyument. Maaari itong isali sa isang sentens at maaari ding
wala. Maiuuri din ang mga halimbawang verb sa itaas bilang transitiv verb dahil
nangangailangan ito ng dalawang core argyument para makompleto ang diwa ng
sentens.

2.1.1.3 Three-place na predikeyt


Ito ay uri ng valency ng verb na nangangailangan ng
tatlong argyument. (1) agent o tagaganap ng kilos ng verb; (2)
objek o entidad na naaapektuhan ng kilos ng verb; (3) benefaktiv
o tagatanggap ng kilos ng verb, instrument o kaya ay ang
lokasyon/ direksyon ng kilos (Paz, Hernandez at Peneyra, 2003).

V + agent + objek/instrument + benefaktiv/lokasyon/goal/instrument/patient


± adjunct
(19) Impang-linis ni Mark ha siil yay trapo.
Perf. Ins- linis GEN.Sg Mark OBL sahig NOM.Sg basahan
‘Ipinanglinis ni Mark sa sahig ang basahan.’

(20) In-iwa niya nin patatas ang kutsilyo.


Perf. Ins- hiwa GEN.3Sg GEN.Sg patatas NOM.Sg kutsilyo
‘Ipinanghiwa niya ng patatas ang kutsilyo.’

(21) Ipang-alawit niya ha mangga yay kalis.


Perf. Ins- sungkit GEN.3Sg OBL mangga NOM.Sg walis
‘Ipinanungkit niya sa mangga ang walis.’

(22) Ipanglaok ni Teddy nin kape yay kutsara.


Perf. Ins- halo GEN.Sg Teddy GEN.Sg kape NOM.Sg kutsara
‘Ipinanghaloni Teddy ng kape ang kutsara.’

(23) Impang-luto ni nanay nin adobo hi Josh.


Perf. Ben- luto GEN.Sg nanay GEN.Sg adobo NOM.Sg Josh
‘Ipinagluto ni nanay ng adobo si Josh.

(24) Impan-impla ni Emma nin gatas hi Jen.


Perf. Ben- timpla GEN.Sg Emma GEN.Sg gatas NOM.Sg Jen.
‘Ipinagtimpla ni Emma ng gatas si Jen.’
S

Pred Sabj

VP NP

V NP Det N

1NP 2NP
Af V

Det N Det N

Impang- linis ni Mark ha siil yay trapo

Impanglinis ni Mark ha siil yay trapo.


‘Ipinanglinis ni Mark sa sahig ang basahan’

Figyur 6. Tree diagram ng Three-place na predikeyt.

Ang mga verb na makikita sa itaas ay mauuri bilang mga verb na


nagpapahayag ng gawain (Activity Verb) at three-place na predikeyt na
nangangailangan ng tatlong argyument upang mabuo ang diwa ng sentens. Makikita
sa figyur 6 ang tree diagram ng three-place predikeyt na uri ng valency ng verb.
Binubuo ng verb (V) at nawn preys (NP) ang verb preys (VP); at determiner (Det) at
nawn (N) para sa nawn preys (NP). Ang VP ang pumupuno sa Predikeyt at NP naman
sa Sabjek upang mabuo ang isang sentens. Sa halimbawa na makikita sa (15)
Impanglinis ni Mark ha siil yay trapo ‘Ipinanglinis ni Mark sa sahig ang basahan’,
binubuo ito ng tatlong argyument (1) ang nawn preys na ni Judy ‘ni Judy’ na
gumaganap ng kilos ng verb; (2) ha siil ‘sa sahig’ bilang direk objek o ang entidad na
naaapektuhan ng kilos ng verb; (3) yay trapo ‘ang basahan’ bilang instrument na
isinasaad ng kilos ng verb. Nababago ang straktyur ng argyument dahil sa konstreynt
kapag may isinisingit na klitik (pronominal klitik at adverb) sa sentens. Maituturing
naman na isang adjunct argyument ang mga adverb dahil hindi ito core argyument.
Maaari itong isali sa isang sentens at maaari ding wala.

2.1.2 Mga Verb ba Nagpapahayag ng kilos o Galaw (Motion Verb)

Mga verb na nagpapahayag ng pagbabago sa lokasyon na bunga


ng paggalaw. Mauuri bilang (1) kilos na nangyayari sa loob ng isang
mahabang panahon at may terminal endpoint; at (2) kilos na naganap
nang agaran (Paz, Hernandez at Peneyra, 2003).

Two-place na predikeyt

(25) L-im-uob ha kubeta yay babae.


Perf. Ag- pasok OBL kubeta NOM.Sg babae
‘Pumasok sa kubeta ang babae.’
(26) S-im-unil nin lalake yay dalaga.
Per. Ag- sunod GEN. lalake NOM.Sg dalaga
‘Sinundan ng lalake ang dalaga.’

(27) Ki-nan nin babae yay mangga.


Perf. Pat- kain GEN.Sg babae NOM.Sg mangga
‘Kinain ng babae ang mangga.’

(28) D-on-alaw nin doktor yay pasyente.


Perf. Ag- dalaw GEN.Sg doktor NOM.Sg pasyente
‘Dinalaw ng doctor ang pasyente.’

(29) K-in-wa nin anak yay bag.


Perf. Th- kuha GEN.Sg bata NOM.Sg bag
‘Kinuha ng bata ang bag.’

(30) D-in-m-ani ha kungko yay matuntawo.


Perf. Ag- lapit OBL akin NOM.Sg matanda
‘Lumapit sa akin ang matanda.’

(31) Nan-aliw ha tindawan hi Carlo.


Perf. Ag- saliw OBL tindahan NOM.Sg Carlo
‘Bumili sa tindahan si Carlo .’
Three-place na predikeyt

(32) In-awit ni Joy ha kusina yay plato.


Perf. Th- dala GEN.Sg Joy OBL kusina NOM.Sg pinggan
‘Dinala ni Joy ang plato sa kusina.’

(33) Im-basyo hi Pam ha basuwan yay basura.


Perf. Th- tapon NOM.Sg Pam OBL bakuran OBL basura
‘Tinapon ni Pam sa bakuran ang basura.’

(34) In-lipat ni tatay ha kwarto yay TV.


Perf. Th- lipat GEN.Sg tatay OBL kwarto NOM.Sg TV
‘Inilipat ni tatay sa kwarto ang TV.’

Ang mga halimbawa na makikita sa itaas ay ang mga verb na nagpapahayag ng


kilos o galaw (motion verb). Mauuri ito bilang two-place at three-place na predikeyt
dahil kadalasan sa mga verb na nagpapahayag ng kilos o galaw ay nangangailangan
ng dalawa o kaya ay tatlong argyument. Isa sa mga halimbawa na makikita sa itaas ay
ang bilang (25). Ang verb na luob ‘pasok’ ay nangangailangan ng dalawang
argyument kaya mauuri ito bilang two-place na predikeyt. Ang minamarkahan ng
oblique (OBL) case na kubeta ay ang direksyon o patutunguhan ng tagaganap o agent
(ang dalaga) ng isinasaad ng verb. Gayundin ang magiging word order ng argyument
para sa ilang verb tulad ng makikita sa bilang (26) hanggang (31). Ngunit,
nagkakaroon ito ng konstreynt kung may isisingit na kilitk sa sentens na magiging
dahilan upang mabago ang word order nito. Makikita rin sa bilang (32) hanggang (34)
ang mga verb na mauuri bilang three-place na predikeyt dahil nangangailangan ito ng
tatlong core argyument para buo ang diwa ng sentens. Sa halimbawa (32) makikita na
ang minamarkahan ng Genitive (GEN) case ay ang agent o tagaganap ng kilos ng
verb na awit ‘dala’. Ang minamarkahan naman ng Oblique (OBL) case na ha kusina
‘sa kusina’ ay ang direksyon o patutunguhan, habang ang minamarkahan naman ng
Nominative (NOM) case ay ang direk objek na yay plato ‘ang pinggan’ na
naaapektuhan ng kilos ng verb.
May mga uri ng verb din ang maaaring mauuri ng dawala - (1) two-place na
predikeyt at (2) three-place na predikeyt tulad ng makikita sa (29). Ang verb na kuon
‘kuha’ ay pwedeng mangangailangan ng dalawa o kaya ay tatlong core argyument.

2.1.3 Mga Verb na nagpapahayag ng Persepsyon


Tumutukoy ito sa mga verb na ginagamit sa pagpapahayag ng
nakikita, naririnig, nalalasahan, naaamoy at nararamdaman. (Paz,
Hernandez at Peneyra, 2003).

One-place na predikeyt

(36) H-in-ingal yay matuntawo.


Perf. Ag- hingal NOM.Sg matanda
‘Hiningal ang matanda.’

(35) L-um-ingi yay babae.


Perf. Ag- lingon NOM.Sg babae
‘Lumingon ang babae.’

(37) Um-inawa hi Pedro.


Perf. Ag- hinga NOM. Sg Pedro
‘Huminga si Pedro.’
Two-place na predikeyt

(38) Nang-angot nin bulak hi Angela.


Perf. Ag- amoy GEN.Sg bulaklak NOM.Sg bulaklak
‘Umamoy ng bulaklak si Angela.’

(39) Nan-away nin Spaghetti hi Bea.


Perf. Pat- tikim GEN. Sg Spaghetti NOM.Sg Bea
‘Tumikim ng Spaghetti si Bea.’

(40) S-in-m-ilap ha kungko yay nakabayo nan-on.


Perf. Ag- tingin OBL akin NOM.Sg binata kanina
‘Tumingin sa kain ang binata kanina.’

(41) Nan-lungo ha radyo hi Gab.


Perf. Ag- kinig OBL radyo NOM.Sg Gab
‘Nakinig sa radyo si Gab.’

Three-place na predikeyt

(42) Ang-kilatis-on ni Ren yay bag nin babae.


Perf. Ag- kilatis GEN.Sg Ren NOM.Sg bag GEN.Sg babae
‘Kinilatis ni Ren ang bag ng babae.’
(43) B-in-iliw ni Jacob yay lupa ni Lovely.
Perf. Ag- masid GEN.Sg Jacob NOM.Sg mukha GEN.Sg Lovely
‘Minasdan ni Jacob ang mukha ni Lovely.’

(44) G-ina-gut-an ni Daniel yay gamot ni Kath.


Perf. Ag- hawak GEN.Sg Daniel NOM.Sg kamay GEN.Ag Kath
‘Hinawakan ni Daniel ang kamay ni Kath.’

(45) Ni-lungo nin maestra yay kwento nin estudyante.


Perf. Ag- kinig GEN.Sg guro NOM.Sg kwento GEN.Sg estudyante

‘Pinakinggan ng guro ang kwento ng estudyante.’

Ang mga halimbawa na makikita sa itaas ay ang mga verb na nagpapahayag ng


persepsyon. Mauuri ito bilang one-place, two-place at three-place na predikeyt.
Makikita sa (35) hanggang (37) ang mga verb na maaaring isang argyument lang
kailangan kaya mauuuri ito bilang one-place na predikeyt. Ang mga halimbawa
naman na makikita sa (38) hanggang (41) ay ang mga verb na mauuri bilang two-
place na predikeyt. Habang makikita naman sa (42) hanggang (45) ang mga verb na
mauuri bilang three-place na predikeyt. Isa sa mga halimbawang verb na
nagpapahayag ng persepsyon at nangangailangan lamang ng isang argyument ay ang
verb na hingal ‘hingal’. Ang verb naman na malngo ‘kinig’ ay nangangailangan ng
dalawang argyument kaya mauuri ito bilang two-place na predikeyt. Isa naman sa
mga halimbawang verb na nagpapahayag ng persepsyon at mauuri bilang three-place
na predikeyt ay ang verb na ga-got ‘hawak’.
2.1.4 Mga Verb na Nagpapahayag ng Emosyon
Ito ang mga verb na ipinapahayag kung ano ang nararamdaman.

One-place na predikeyt

(46) T-um-angis yay anak.


Perf. Ag- iyak NOM.Sg bata
‘Umiyak ang bata.’

(47) Nan-ubsob yay tindera.


Perf. Ag- galit NOM.Sg tindera
‘Nagalit ang tindera.’

(48) K-in-ilig yay babae.


Perf. Ag- kilig NOM.Sg babae
‘Kinilig ang babae.’

(49) In-u-m-lis hi Pedring.


Perf. Ag- tawa NOM.Sg Pedring
‘Tumawa si Pedring.’

(50) S-in-umnop hi Anne.


Perf. Ag- inis NOM.Sg Anne
‘Nainis si Anne.’
(51) Im-agsaw hi Miguel.
Perf. Ag- sigaw NOM. Sg Miguel
‘Sumigaw si Miguel.’

(52) K-im-araka hi Mara.


Perf. Ag- halakhak NOM.Sg Mara
‘Humalakhak si Mara.’

(53) Na-lungkot hi Ian.


Perf. Ag- lungkot NOM.Sg Ian
‘Nalungkot si Ian.’

(54) Na-limo hi Rona.


Perf. Ag- takot NOM.Sg Rona
‘Natakot si Rona.’

(55) Na-liman hi Sofia.


Perf. Ag- gulat NOM.Sg Sofia
‘Nagulat si Sofia.’

(56) Im-ungol yay anak.


Perf. Ag- ungol NOM.Sg bata
‘Umungol ang bata.’

(57) Na-salak yay maestra/o.


Perf. Ag- kaba NOM.Sg guro
‘Kinabahan ang guro.’

Two-place na predikeyt

(58) N-an-ubsob yay babae ha anak.


Perf. Ag- galit NOM.Sg babae OBL bata
‘Nagalit ang babae sa bata.’

(59) Nag-tampo hi nanay kuni tatay.


Perf. Ag- tampo NOM.Sg nanay OBL tatay
‘Nagtampo si nanay kay tatay.’

(60) Na-limo yay masiba ha pulis.


Perf. Ag- takot NOM.Sg magnanakaw OBL pulis
‘Natakot ang magnanakaw sa pulis.’

Ang mga halimbawa na makikita sa itaas ay ang mga verb na nagpapahayag


ng emosyon. Mauuri ito bilang one-place at two-place na predikeyt dahil kadalasan sa
mga verb na nagpapahayag ng kilos o galaw ay nangangailangan ng isa o kaya ay
dalawang argyument. Isa sa mga halimbawa na makikita sa itaas ay ang verb na
tangis ‘iyak’ na mauuri bilang one-place at two-place na predikeyt.
2.1.5 Mga Verb na Nagpapahayag ng Fenomenon

Mga verb na ginagamit sa pagpapahayag ng mga pangyayaring


pangkalikasan o pangkapaligiran. Hindi ito mauuuri bilang one-place, two-
place at three-place na predikeyt dahil zero valency ito. Ibig sabihin, hindi
na ito nangangailangan ng argyument – agent at objek dahil buo na ang
kahulugan nito

Zero-place na predikeyt

(61) Angpan-lindol
Imperf. lindol
‘Lumilindol.’

(62) Angpan-lunop
Imperf. baha
‘Bumabaha.’

(63) K-um-ikidlat
Imperf. kidlat
‘Kumikidlat.’

(64) B-um-abagyo
Imperf. bagyo
‘Bumabagyo.’
(65) Angpang-abagat
Imperf. ulan
‘Umuulan.’

(66) Angpang-urol
Imperf. kulog
‘Kumukulog.’

(67) An-layop
Imperf. lamig
‘Lumalamig.’

(68) An-a-mot
Imperf. init
‘Umiinit.’

(69) Nag-landslide
Perf. landslide
‘Naglandslide.’

(70) Nag-tsunami
Perf. tsunami
‘Nagtsunami.’
Ang mga halimbawa na makikita sa itaas ay ang mga verb na nagpapahayag ng
fenomenon. Mauuri ito bilang zero-place na predikeyt o zero valency dahil hindi na
ito nangangailan ng argyument. Buo na ang diwa ng salita kapag nilalapian ito o
nilalagyan ng afiks.

VP

Af V

Angpang- lunop

Angpanlunop
‘Bumabaha’

Figyur 6. Tree diagram ng Three-place na predikeyt.


2.1.6 Mga Verb na nagpapahayag ng Estado

Tumutukoy ito sa mga verb na ginagamit sa pagpapahayag ng


kalagayan o estado ng isang entidad. Ang mga sumusunod ay ang mga
halimbawa na nagpapahayag ng kalagayan o estado ng isang entidad:

One-place na predikeyt

(71) Tin-magay yay anak.


Perf. Ag- tangkad NOM. Sg bata
‘Tumangkad ang bata.’

(72) T-in-malino hi Karl.


‘Perf. Ag- talino NOM.Sg Karl
‘Tumalino si Karl.’

(73) P-in-muti hi Esmeralda.


Perf. Ag- puti NOM.Sg Esmeralda.
‘Pumuti si Esmeralda.’

(76) Na-balang yay mga aso.


Perf. Ag- wala NOM.Pl aso
‘Nawala ang mga aso.’
(74) Na-byay yay pasyente.
Perf. Ag- buhay NOM.Sg pasyente
‘Nabuhay ang pasyente.’

(76) Na-ti yay pusa.


Perf. Ag- patay NOM.Sg pusa
‘Namatay ang pusa.’

Ang mga halimbawa na makikita sa itaas ay ang mga verb na nagpapahayag


ng kilos o galaw (motion verb). Mauuri ito bilang one-place na predikeyt dahil
kadalasan sa mga verb na nagpapahayag ng estado ay nangangailangan lamang ng
isang argyument. Mauuri naman sa dalawang kategorya ang uri ng verb na ito – (1)
ang mga verb na ginagamit sa pagpapahayag ng kalagayan ng isang entidad; (2) mga
verb na ginagamit sa pagpapahayag ng pamamalagi ng isang entidad. Isa sa mga
halimbawa ng mga verb nagpapahayag ng kalagayan ng isang entidad ay ang
makikita sa (73) Tin-magay yay anak ‘Tumangkad ang bata’. Ang minamarkahan ng
Nominative (NOM) case na anak ‘bata’ ang entidad na naaapektuhan o isinasaad ng
kilos ng verb. Mula rito, masasabing may pagbabagong nagaganap sa tangkad ng
bata. Habang ang halimbawa naman ng isang verb na nagpapahayag ng pamamalagi
ng isang entidad ay ang makikita sa (74) Na-balang yay mga aso ‘Nawala ang mga
aso’. Ang minamarkahan ng Nominative Plural (NOM.Pl) case na aso ‘aso’ ang
entidad na naaapektuhan o isinasaad ng kilos ng verb. Masasabi mula sa pahayag ang
pagkawala o hindi pamamalagi ng entidad na tumutukoy sa mga aso.
3.0 Konklusyon

Sa kabuuang resulta ng ginawang pag-aaral, natuklasan na ang mga verb sa


wikang Tina Sambal ay maigugrupo sa anim (6) na kategorya batay sa semantik na
klasipikasyon nito at ito ay ang (1) Mga Verb na Nagpapahayag ng Gawain (Activity
Verb); (2) Mga Verb na Nagpapahayag ng Kilos o Galaw (Motion Verb); (3) Mga
Verb na Nagpapahayag ng Persepyon; (4) Mga verb na nagpapahayag ng emosyon;
(5) Mga verb na nagpapahayag ng Fenomenon; at (6) Mga verb na nagpapahayag ng
estado. Mauuri naman ang mga verb na ito batay sa valency nito. May mga verb na
nangangailangan ng isa, dalawa o kaya ay tatlong argyument para mabuo ang diwa ng
isang sentens na mauuri bilang one-place, two-place at three-place na predikeyt.
Ang mga sumusunod ay ang ilang verb na makikita sa datos na nagpapahayag
ng Gawain (Activity Verb) na mauuri bilang one-place na predikeyt - (1) ikap ‘laro’
(2) lako ‘lakad’ (3) kalis ‘walis’ (4) mi-pi ‘laba’; two-place na predikeyt – (1) katli
‘gupit’ (2) tayi ‘tahi’ (3) plantsa ‘plantsa’; three-place na predikeyt – (1) laok ‘halo’
(2) timpla ‘timpla’. Para sa mga verb naman na nagpapahayag ng Kilos o Galaw
(Motion Verb) na mauuri bilang two-place na predikeyt- (1) luob ‘pasok’ (2) dani
‘lapit’ (3) bisita ‘bisita’; three-place na predikeyt – (1) awit ‘dala’ (2) basyo ‘tapon’
(3) lipat ‘lipat’. Ang mga verb na nagpapahayag ng persepyon na mauuri bilang one-
place na predikeyt ay ang (1) hinawa ‘hinga’ (2) lingi ‘lingon’(3) hingal ‘hingal’;
two-place na predikeyt – (1) angot ‘amoy’ (2) taway ‘tikim (3) tingkap ‘hanap’;
three-place na predikeyt – (1) kilatis ‘kilatis’ (2) ga-got ‘hawak’. Ang sumusunod na
mga verb naman na nagpapahayag ng emosyon na mauuri bilang one-place na
predikeyt ay ang (1) tangis ‘iyak’ (2) ulis ‘tawa’ (3) subsob ‘galit’; two-place na
predikeyt (1) tampo ‘tampo’ (2) limo ‘takot’.
Natuklasan din sa pag-aaral na may mga verb na hindi na nangangailangan ng
argyument at mauuri ang mga ito bilang zero-place na predikeyt o zero valency. Ang
mga sumusunod na verb ay nagpapahayag ng fenomenon na mauuri bilang zero-place
na predikeyt (zero valency) – (1) angpanlindol ‘lumilindol’ (2) angpanlunop
‘bumabaha’ (3) bumabagyo ‘bagyo’ (4) angpangabagat ‘umuulan’. Panghuli ay ang
mga verb na nagpapahayag ng estado na mauuri bilang one-place na predikeyt (1)
tinmalino ‘tumalino’ (2) tinmagay ‘tumangkad’ (3) nabalang ‘nawala’ (4) nati
‘namatay’. Binigyan linaw din sa pag-aaral ang mga fokus ng isinasaad ng verb at
ang pagkakaroon ng konstreynt sa order ng argyument kapag isinisingit ang mga
klitik tulad ng pronominal klitik at adverb. Inirepresenta rin ang morfim to morfim
glossing sa bawat verb na ginamit sa isang sentens upang matukoy ang mga case
marker sa pagpapahayag ng partikular na fokus ng verb. Gumamit din ang
mananaliksik ng tree diagram sa bawat uri ng valency ng verb bilang sandigan sa
pagpapaliwanag ng datos.
MGA REFERENSYA:

Fromkin, V. & Rodman, R. (1978). Introduction to language, 3rd ed. New York: Holt,
CBS College Publishing.

Garcia, L. (1992). Morpoloji. Makabagong Gramar ng Filipino. Quezon, 856 Nicanor


Reyes St.: Rex Book Store.

Lewis, M.P., Simons, G., Fennig, C., (2015) Ethnologue: Language of the
Philippines,Eighteenth Edition. Dallas, Texas: SIL International

Malicsi, J. C. (2013). Gramar ng Filipino. Unibersidad ng Pilipinas: Sentro ng


Wikang Filipino.

Paz, C., V. V. Hernandez at I. U. Peneyra. (2003). Ang pag-aaral ng wika. Lungsod


ng Quezon: Unibersidad ng Pilipinas.

Quakenbush, S. J. (1996). Other Philippine languages in the third millennium.


Philippine journal of linguistics (29), 1 & 2, 1-22.

Santiago, A. O. & Tiangco, N. G. (1985). Morpoloji. Makabagong Gramar ng


Filipino. Quezon, 856 Nicanor Reyes St.: Rex Book Store.

Santos, A.L., et al. (2016). Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang


Pilipino. Malabon City, 105 Engineering Road, Araneta University Village,
Potrero: Mutya Publishing House. Inc.

WikiVisually.(w.p.). Sambal language. Kinuha noong ika-25 ng Setyembre, 2020.


Kinuha mula sa https://wikivisually.com/wiki/Sambal_language

You might also like