Professional Documents
Culture Documents
Mahalagang maintindihan sa simula pa lamang ng libro, una, kung ano ang wika at katangian
nito; pangalawa, kung ano ang pinag-aaralan sa wika at paano ito pinag-aralan sa disiplin ng
Linggwistiks. Magbibigay ang chapter na ito ng oberbyu sa wika bilang isang atribyut ng yunik
sa tao at sa Linggwistiks bilang disiplin kung saan mga wika ang pinag-aaralan.
Kung ating babalikan ang tanong na ano nga ba ang wika? Hindi na kailangan
isipin pa na wika ang tulay na ginagamit para maipahayag at mangyari ang anumang mga
minimithi o pangangailangan natin; Sa ating wika tayo nakapagpapahayag ng ating mga
damdamin. Ginagamit ng tao ang wika sa kanyang pag-iisip, sa kanyang pakikipag-
ugnayan at pakikipag-usap sa ibang tao, at maging sa pakikipag-usap sa sarili .Sa
medaling salita ang wika ang behikulo ng ating ekspresyon at komunikasyon na
epektibong nagagamit. Batay sa popular at nagging tradisyunal na depinisyon, ang wika
ay system ng mga arbitraryong vocal-symbol na ginagamit ng mga myembro ng isang
komyuniti sa kanilang komunikasyon at pakikipag-ugnayan sa isat-isa.
1.a.
Ang mga salitang katulad ng nang, si, sa, ng ay may mga espisipik na fangsyon na syang dahilan
para maging tama at makabuluhan ang binuong sentens. Para naman maintindihan ang tinutukoy
na mga fangsyon ng mga salitang ito, tingnan kung tama at makabuluhan pa ang kinalabasan ng
sentens 1.a sa binagong pagkakasunod-sunod ng mga salita nito sa sentens 1b. Kumbenasyon
ang paggamit ng asterisk para sa mga di-gramatikal, hindi tanggap o hindi na naririnig na mga
anyo ng wika.
1.b.
Ang bahagi ng tinutukoy sa itaas na system ng rul dito ay hindi lamang sa paglalagay sa tamang
lugar ng mga salitang nang, si, sa, ng ( i.e., nang paluhod, si Ana, sa simbahan, ng Quiapo) kundi
sa nakapaloob pang mga fangsyon ng mga salitang ito tulad ng ipapakita naman sa sumusunod
na halimbawa:
Sa mga halimbawa,alam natin kung sino ang pinatay at pumatay hindi lamang dahil sa verb
kundi dahil sa paggamit ng mga salitang ni at si. Sa Ingles, ang katumbas ng 2 sentens na ito ay
Cain killed Abel at Abel killed Cain.
Sa Filipino, nalaman natin kung sino ang mamamatay-tao dahil sa paggamit ng ni. Sa Ingles
naman, nalaman natin kung sino ang pumatay at pinatay dahil sa pusisyon sa loob ng
sentens;nasa unahan ng verb ang taong pumatay at nasa hulihan naman nito ang taong
pinatay.Ibig sabihin,iba ang pamamaraan ng Filipino at Ingles para ipakita ang relasyon ng mga
salitang nakapaloob sa sentens. Isang katiyakan nang masasabi na may pamamaraang sinusunod
o nasusunod sa wika na hindi lamang lumalabas sa pagbubuo ng mga sentens kundi sa pagbuo ng
mga salita at sa pagkakasunod-sunod ng mga tunog sa mga salita. Kung sa Ingles lahat ng
sentens ay kelangang may verb, sa mga WP katulad ng tagalog may mga sentens tayong hindi
nangangailangan ng verb, Halimbawa:
Sa pusisyon naman ng mga tunog sa isang salita, sa wikang Ingles, walang salitang pwedeng
magsimula sa tunog na nirerepresent ng sinusulat na ng na pwede lamang Makita sa gitna o sa
hulihan ng mga salita.
Halimbawa:
singing “kumakanta”
Sa tagalog, ang tunog na ito ay pwedeng bigkasin sa simula, sa gitna o sa hulihan ng salita.
Halimbawa:
Ibig sabihin kahit na magkapareho ang tunog, magkaiba ang system o pattern ng mga tunog sa
Ingles at Tagalog kaya naman mapapansin nating hirap bigakasin ng mga neytiv-spiker ng Ingles
ang mga salita sa Tagalog na ngiti, nganga,ngipin.
Matagal ding pinag aksayan ng panahon ng mga greek filosofer nung mga unang
panahon ang pagtatalo ungkol sa kung anong mayroon bang natural na koneksyon ang isang
simbol sa kung anumang ipinahahayag nito. Sa hinaba-haba ng kanilang pagtatalo, ang lumabas
ay walang natural na koneksyon sa pagitan ng symbol at sa ipinapahayag nitong kahulugan dahil
bunga ito ng kaugalian. Ibig sabihin, arbitrary ang mga symbol tulad ng paggamit ng tagalog
bahay, Kastila casa, Franses miason, Hapon uchi, at Ingles house.
1.2Pagkamalikhain ng Wika
Ang pagakamalikhain ng wika o pamamaraan ng ekspresyon ang sinasabing
pinakamahalagang katangian nito. Ayon kay Chomsky (1965) ang pagkamalikhain ng wika ay
makikita sa kakayahan ng tao lamang at wala sa ibang nilalang. Naipapahayag ng tao sa wikang
kinagisnan at natutunan ang kabuuan ng kanyang karanasan, damdamin at pag-iisip batay sa
hinihingi ng ibat-ibang pagkakataon at mga pangangailangan, maliwanag na dahilan para
sabihing ang wika ay isang katangian na yunik sa tao lamang. May eksperiment na ginagawa
para malaman kung ang komunikasyon nga bang mga hayop ay katulad ng sa wika ng tao, pero
magpahanggang ngayon ay hindi pa ito napapatunayan. Kung may mga hayop na sinasabing
natuturuang magsalita dahil may nabibigkasa silang mga salita o may nasasabi silang ilang
maikling mga sentens, sa mga pagkakataong ito ay kailangang udyukan pa muna sila ng mga
treyner bago nila bigkasin ang anumang salita o sentens na natutunan. Kaiba ng sa tao na ang
paggamit ng kanyang wika ay bunga ng hinihinging sitwasyon o ng pangangailangang kanyang
pinagbabatayan ng gagamiting mga salita at sentens. Halimbawa sa Tagalog, magkaiba ang
kahulugan ng dalawang magkasunod na sentens at depende sa hinihingi ng pagkakataon ang
gagamiting paliwanag tulad sa sitwasyon ng napakagabi nang pag-uwi ng bahay ng isang tao.
Hal.
a. Nagpahatinggabi na ako sa opisina.
b. Hinatinggabi na ako sa opisina.
Sa 4, sinadya ang aksyon; sa 5, hindi. Ibig sabihin, sa panahong maging ganap na ang pagkatuto
ng tao ng kanyang wikang kinagisnan, nasa kanya na hindi lamang ang kakayahang bumuo ng
anumang sentens na ibinabagay nya sa kahit ano pa mang sitwasyon kundi pati na umunawa ng
kahit ano roing sentens na maririnig nya sa unang pagkakataon sa kanyang wika.
Bawat spiker ng wika ay may kakayahang bumuo at umunawa ng mga sentens sa kanyang wika.
May kakayahan din syang magsabi kung tama o mali ang isang sentens. Ang kakayahang ito ang
tinatawag na kanyang linggwistik-kompitens (Chomsky 1965) at meron sya nito dahil nasa
kanyang sabkonsyus ang kabuuan ng pamamaraan ng pagbuo ng salita, sentens, at kombinasyon
ng mga ito. Samakatuwid, ang mga rul sa pagbuo ng mga sentens ang grammar ng isang wika.
Kaugnay nito, mahalagang maintindihan na lahat ng wika ay may grammar at itoy nahahati sa
sumusunod:
Halimbawa:
Querida – kerida
Ang pagbabago sa gramnmar tulad ng pagbabago ng mga tunog o mga pattern ng sentens ay
hindi gaanong napapansin tulad ng pagpasok ng mga hiram na salitasa bokabularyo ng wika. Sa
paglipas ng mahabang panahon, malalaman na nagbago ang isang wika tulad ng nangyari sa
wikang Latin kung saan ang pagbabago ay tumuloy sa pagdevelop ng mhga Romance Languages
tulad ng Kastila, Italyano at Franses.
Linggwistiks
Ang linggwistiks ay ang sayantific na pag-aaral ng mga wika ng tao.
Linggwist - ang taong ang pangunahing inters sa pag-aaral ng wika ay ang maanalays at
madeskrayb ang nakapaloob na system ng rul sa wika sa sistematikong paraan.
Mayroon ding mga linggwist na may inters na pag-aralan ang kasaysayan o historical-
development ng mga system ng wika pati na rin ang namamagitang relasyon ng mga ito sa isat-
isa.