You are on page 1of 27

Ang cellphone, telepono, kompyuter at liham ay

mga paraan sa pakikipagkomunikasyon.


Sa pamamagitan ng mga ito nagkakaroon tayo ng
pagkakataon na makipag-ugnayan sa ating kapwa.
Nasasabi natin ang ating iniisip, nararamdaman at
nararanasan gamit ang mga bagay na ito.
Ngunit ang mas pinakamahalaga sa lahat ay ang
personal mong masasabi sa iba ang iyong
nararamdaman at nagagawa mo lamang ito kung
gagamit ka ng WIKA.
 salitang Latin na Lengua “dila” at “wika” o
“lengguwahe”.
 Ayon sa mga dalubwika, ang wika ay sistema ng
tunog o sagisag na ginagamit ng tao sa komunikasyon.
 Ang pagsasalita ng tao ay tinutukoy na sistema ng
tunog at paraan naman ng ating pagsulat at iba pang
anyo ng sagisag o hudyat na gingamit sa
komunikasyon.
 Sa pasenyas na wika ang tinutukoy na sagisag.
Sa nabanggit na depinison,
tinutukoy rin na ang wika ay para sa tao.
Bagaman ang mga hayop ay mayroon ding
paraan ng komunikasyon, hindi tinatawag na
wika ang mga ito,
samakatuwid, ang wikang tinutukoy sa pagtakay
na ito ay ang ginagamit ng tao sa pakikipag-
ugnayan sa kaniyang kapwa tao.
 Otanes (1996), ang wika ay isang napakasalimuot
na kasangkapan sa pakikipagtalastasan.
Paz, Hernandez, at Peneyra , ang wika ay tulay na
ginagamit para maipahayag at mangyari ang
anumang minimithi o pangangailangan natin. Ito
ay behikulo ng ating ekpresyon at komunikasyon
na epektibong nagagamit.
 GLEASON
“ ang wika ay isang sistematikong balangkas ng
mga tunog at isinasaayos sa paraang arbitraryo na
ginagamit ng taong may iisang kultura”
LUMBERA (2005)
“ ang wika ay tila hininga na sa bawat sandal ng
ating buhay ay nariyan. Palatandaan na buhay tayo
at may kakayahang umugnay sa kapwa tao. Kung
mawawala ang hiningang iyon ay tiyak na walang
saysay ang lahat, ang bansa ay tulad sa estatwa.
SAPIRO
“ ang wika ay isang likas at makataong paraan ng
paghahatid ng kaisipan, damdamin, at mga hangarin sa
pamamagitan ng isang kusang-loob na kaparaanan na
lumikha ng tunog.
HEMPHILL
“ ang wika ay isang masistemang kabuuan ng mga
sagisag na sinasalita o binibigkas na pinagkaisahan o
kinaugalian ng isang pangkat ng mga tao at sa
pamamagitan nito’y nagkakaugnay, nagkakaunawaan at
nagkakaisa ang mga tao.
isang sining tulad ng paggawa ng serbesa o pagbe-bake ng
cake, o pagsusulat.
 naiiba sa mga pangkaraniwang sining dahil ang tao’y may
likas na kakayahang magsalita tulad ng nakikita natin sa
paggakgak ng mga bata; wala kasing bata na may likas na
kakayahang gumawa ng serbesa, magbake ng cake o
sumulat.
 walang philologist ang makapagsasabing ang wika ay
sadyang inimbento; sa halip ito ay marahan at hindi
sinasadyang nalinang sa pamamagitan ng maraming
hakbang o proseso.
1. Ang wika ay behikulo ng kaisipan.
2. Ang wika ay daan tungo sa puso ng isang tao.
3. Ang wika ay nagbibigay ng mga kautusan o
nagpapakilala sa tungkulin at katayuan sa
lipunan ng nagsasalita.
4. Ang wika ay kasasalaminan ng kultura ng isang
lahi maging ng karanasan.
5. Ang wika ay pagkakakilanlan ng bawat pangkat o
grupong gumagamit ng kakaibang mga salitang
hindi laganap.
6. Ang wika ay luklukan ng panitikan sa kanyang
artistikong gamit.
7. Ang wika ay kasangkapan sa pag-aaral ng kultura
ng ibang lahi.
8. Ang wika ay tagapagbigkas ng lipunan.
 Masitemang Balangkas
Lahat ng wika ay may sinusunod na kaayusan o balangkas ng
pagkakabuo.
Ponolohiya ----- Morponolohiya ----- sintaks ------- semantics
Ponema – tawag sa makabuluhang tunog na inirereprisinta ng mga letra
sa Alpabetong Filipino.
Ponolohiya – pag-aaral sa ponema
Kung pagsasama-samahin ang yunit ng tunog makabubuo ng maliit na
yunit ng salita na tinatawag na Morpema.
Morponolohiya – pag-aaral sa mga maliit na yunit ng salita
Sinasalitang Tunog
• ang wika ay tunog na nalikha gamit amg mga component
ng bibig.
• ang nalikhang tunog sa pagsasalita ay itinuturing na
ponema o makabuluhang tunog
Pinipili at Isinasaayo sa paraang Arbitraryo.
• ang wika ay nabubuo batay sa napagkasunduang
termino ng mga tao sa isang komunidad.
• halimbawa:
• Tagalog Ingles Waray
• itlog egg bunay
Kabuhol ng Kultura
• yumayabong at nagbabago ang wika dahil sa taong gumagamit
nito na kabilang sa isang lipunang may umiiral na kultura
Ginagamit sa Komunikasyon
• nabubuhay ang wika dahil sa patuloy na paggamit ditto ng tao sa
• komunikasyon.
Nagbabago
• Dinamiko ang wika. Patuloy ang pagbabago nito saglipas ng
• panahon.
• Katulad ng mga trending na salita ngayon.
• Lowbat, selfie, Netflix and chill at iba pa
Ang wika ay natatangi.
• bawat wika ay may kanya-kanyang katangian na ikinakaiba sa
• sa ibang wika. Walang wikang parehong-pareho.
Ang wika ay may Antas.
• nagiging basehan ang wika upang makilala ang isang tao
• at mauri ayon sa antas ng lipunang kaniyang kinabibilangan
Ang wika ay makapangyarihan.
• kaya nitong magpalaya ng sarili sa kung ano mang nasa isip ng
isang indibidwal
• kaya din nitong magpahinto, magpatino at magpabaliw
LIMANG ANTAS NG WIKA

Ang wika ay nahahati sa iba’t ibang antas na ginagamit ng taobatay


sa kanyang pagkatao, sa lipunang kanyang ginagalawan,lugar na
tinitirhan, panahon, katayuan at okasyong dinadaluhan.
• Ang wika ay mayroong limang antas. Ito ay ang mga sumusunod:

1. Balbal- ito ang pinakamababang antas. Ito ay binubuo ngmga


salitang kanto na sumusulpot sa kapaligiran / ginagamit
salansangan.
2. Kolokyal- ito ang wikang sinasalita ng pangkaraniwang tao ngunit bahagya ng
tinatanggap sa lipunan. Ang mga ganitong salita ay natural na phenomenon ng
pagpapaikli ng mga salita upang mapabilis ang daloyng komunikasyon

3. Lalawiganin- kabilang sa antas na ito ang mga salitang katutubo sa lalawigan.

4.Pambansa- salitang madalas gamitin sapagkat nauunawaan ng buong bansa. Ito ay


isang wika na natatanging kinakatawan ang pambansang pagkakilanlan ng isang lahi
o bansa. Ang mga salitang itoginagamit sa mga aklat, babasahin
at sirkulasyong pangmadla. Ito rin ang wikang ginagamit sa paarala at sa pamahalaan.
5.Pampanitikan – Ito ang antas na may
pinakamayamanguri. Madalas ito ay
ginagamitan ng mga salitang may ibapang
kahulugan. Idyoma, eskima, tayutay, at
iba't ibangtono, tema, at punto ay ginagamit
sa pampanitikan.
DAGHANG
SALAMAT !!!
- TEACHER WELA

You might also like