You are on page 1of 35

RETORIKA

MABISANG PAGPAPAHAYAG

FILREK030
MA. BEATRIZ H. LAZARTE,LPT
BALARILA

Mag-aaral
ng wika

Federico B. Bala ng
Sebastian dila
RETORIK
A

Isang
sining

May
Kawastuan
pinagsamang
sangkap g Pambarila
Mabisang
Pagpapa-
hayag

May
kalinawan

Maaaring
May pagkaka-
hindi maging
unawaan
mabisa
Mga dapat isaalang-alang sa
pagkakaroon ng kalinawan:
Kasanayan sa
pagbuo ng tama
Diwang
at mabisang
ipapahayag pangungusap o
talata.
DIWANG IPAPAHAYAG:

Tiyak at Kaangkupan Kaayusan ng


lubusang ng paksa o paglalahad
mensahe sa ng diwang
kaala-man
mga nais ipahatid
sa paksang tagapakinig ng
tatalaka- o nagpapaha-
yin. mambabasa. yag.
Kasanayan sa Pagbuo ng Tama at Mabisang Pangungusap o Talata:

KAKIPILAN O
KAISAHAN
KAUGNAYAN

PAGPILI NG
PAGBIBIGAY TUMPAK AT
-DIIN AKMANG SALITA
KAISAHAN:
Hindi dapat pagsamahin ang mga kaisipang
hindi magkakaugnay:

Mali: Nagmumurang kamyas si Mang Pedro, naniningalang pugad sa isang


batambatang dilag at hindi pumapasok sa paaralan.
Tama: Ang nagmumurang kamyas at parang laging may uod sa katawang si Mang
Pedro ay naniningalang-pugad sa isang batambatang dilag.
KAISAHAN:
Ang maraming kaisipan ay lalong lumalabag sa kaisahan ng
pangungusap upang matawag ang pansin ng mambabasa o
tagapakinig sa pangunahing diwang ipinahahayag:

Mali: Ang pamamasyal sa plasa sa gabi, tulad sa pag-uusap sa mga tindahan sa lalawigan
hinggil sa mga kaluluwang nagbabalik at tulad ng paglalaro dama ng mga lalaki kung walang
gawain at pagtataguan ng mga bata kung gabi kahit madilim, ay talagang kaakit-akit.
Tama: Ang pamamasyal sa plasa sa gabi, tulad ng pag-uusap sa mga tindahan sa lalawigan
hinggil sa mga kaluluwang nagbabalik, ay talagang kaaliw-aliw.
KAISAHAN:
May mga pangungusap na binubuo ng mga sugnay
na di malinaw kung alin ang pangunahin at alin
ang panturing.

Mali: Nang kami ay dahan-dahang umalis, siya ay naiidlip.


Tama: Nang siya ay naiidlip, kami ay dahan-dahang umalis.
KAISAHAN:
May mga pangungusap na maiikli't wari'y putol-putol
na pagpapahayag ay mapagsama-sama sa lalong
ikapagiging malinaw ng kaisipang nais ipaunawa.
KAISAHAN:
Mali: Isang gabi noon: Ang langit ay madilim at umuulan pa. Nakakita
ako ng isang taong pumasok sa aming bakuran. Nanaog ako. Isang
bambong na mahaba (itak) ang aking hawak. Sinundan ko sa may likod
bahay ang tao. Ako'y napansin niya. Kumarimot siya ng takbo at siya ay
narapa sa kanyang pagmamadali. Nnag siya ay sumigaw ng: “Huwag mo
akong saktan, ako, ito.” Siya ay bubugbugin ko na. Nakilala kong siya'y
si Edong pala, ang aking pinsan.
KAISAHAN:
Tama: Isan gabi noon, madilim ang langit at umuulan pa. Sa
aming bakuran, may nakita akong isang taong pumasok.
Hawak ang isang mahabang bambong, ako'y nanaog. Sinundan
ko siya sa may likod bahay, ngunit ako ay napansin niya.
Kumarimot siya ng takbo at sa pagmamadali'y narapa siya.
Nang siya'y bubugbugin ko na, siya'y sumigaw ng “Huwag mo
akong saktan, ako ito.” Nakilala ko siya pala'y si Edong, ang
aking pinsan.
KAKIPILAN O KAUGNAYAN:
Ang panuring ay dapat na laging malapit sa
mga salitang binibigyang-turing.

Mali: Nawawala ang aklat kong nasa mesa na bago.


Tama: Nawawala ang bago kong aklat na nasa mesa.
KAKIPILAN O KAUGNAYAN:
Pagsama-samahin ang mga salitang may malapit
na pagkakaugnay sa isa't isa.

Mali: Mahusay sa harap ng kanyang mga kamag-aral bumigkas


si Maria ng talumpati.
Tama: Si Maria ay mahusay bumigkas ng talumpati sa harap ng
kanyang kamag-aral.
KAKIPILAN O KAUGNAYAN:
Gamitin ang tinig balintiyak ng pandiwa kapag
ang simuno ng pangungusap ay hindi siyang
gumaganap ng kilos.

Mali: Ang kanilang guro ay talagang pinag-aaral ng mga


kabataan ngayon.
Tama: Talagang pinag-aaral ng mga guro ang mga kabataan
ngayon.
KAKIPILAN O KAUGNAYAN:
Ang mga magkakasunod na mga kipil ng diwa sa
pangungusap ay dapat ipahayag buhat sa
pinakamababang antas ng kahalagahan.

Mali: Si Benigno Aquino Sr. ay dakila sa mata ng tao, matapang


at matulungin.
Tama: Si Benigno Aquino Sr. ay matapang, matulungin at dakila
sa mata ng tao.
KAKIPILAN O KAUGNAYAN:
Ang kaisipang ipinahihiwatig sa likas na katuturan ng isang
salita ay hindi kailangang ipahayag pa sa pangungusap.
Iwasan ang paggamit ng mga salitang di-lubhang kailangan
sa loob ng pangungusap.

Mali: Ang dalawang magkaibigan ay tapat sa isa't isa.


Tama: Ang magkaibigan ay tapat sa isa't isa.
KAKIPILAN O KAUGNAYAN:
Ilapit ang panghalip na pamanggit sa
pangngalang kinakatawan nito.

Mali: Ang relo ni Edel sa mesa na binili pa sa HongKong


ay nawala.
Tama: Ang relong binili pa ni Edel sa HongKong ay
nawala sa mesa.
PAGBIBIGAY-DIIN:
Sa isang pagpapahayag karaniwang inilalagay sa
may dakong gitna o hulihan ang mga di-
mahahalagang pananalita.

Mali: Ang pagsusulit, samakatuwid ay hindi matutuloy.


Tama: Hindi matutuloy, samakatuwid ang pagsusulit.
PAGBIBIGAY-DIIN:
Ito'y kahawig din ng kakipilan, lamang may panuntunang
sinusunod sa karaniwang pagpapahayag ang pag-aayos ng
mga pananalita upang mabigyang-diin.
Wastong at Angkop
na Gamit ng Salita
Gamit ng Nang at ng
Mga Gamit ng NG Mga gamit ng NANG
• Katumbas ng OF sa Ingles. • Katumbas ng WHEN sa Ingles
Halimbawa:
Halimbawa: nang pumutok ang bulkan
pag-iibigan ng dalawa. nang nagpakasal sa iba
buwan ng Disyembre
• Katumbas ng SO THAT, IN ORDER TO sa
• Pang-ukol na tagaganap ng pandiwa. Ingles.
Halimbawa: Halimbawa:
ginamot ng doktor magsaya nang di tumanda kaagad
pinagsanayan ng mag-aaral magtipon nang may madudukot pagdating
ng kagipitan.
Gamit ng Nang at ng
Mga Gamit ng NG Mga gamit ng NANG
• Pang-abay na NA at pang-akop na NG ay
pinagsasama. Ang NG ay isang anyo ng NA
na kung sumusunod sa isang salitang
• Pang-ukol ng layon ng pandiwa kaugnay ay nagtatapos sa patinig ay
nagiging NG.
Halimbawa: Halimbawa: Tapos nang mag-aral
kumuha ng iksamen Wala nang mga bata
namili ng prutas • Ugat ng pandiwang inuulit o kaya'y pang-
angkop sa pandiwa.
Halimbawa: maglinis nang maglinis
bumasa nang bumasa
Gamit ng May at Mayroon
Gamit ng May Gamit ng Mayroon
• Ginagamit kung ito'y sinusundan ng • Ginagamit kung ang mga bahagi ng
mga sumusunod na bahagi ng pananalitang nabanggit ay nasisingitan ng
pananalita: kataga o panghalip na panao na palagyo.
Mayroon bang pasok?
pandiwa - may tinatanggap Mayroon ka bang aklat?
pangngalan - may tao sa pinto
pang-uri - may mabangong bulaklak • Ginagamit kung nag-iisa at panagot sa
panghalip na: tanong o gamit sa pangngalan.
panao na paari - may kanilang sariling May panauhin ba sila? Mayroon!
bahay
pantukoy na mga - may mga baril sa bulsa • Nangangahulugang “mayaman”
Sila ay mayroon sa aming nayon.
Gamit ng Kung at Kong
Gamit ng Kung Gamit ng Kong
• Katumbas ng IF sa Ingles. • Kong (ko+na) - panghalip na panao, paari
Halimbawa: Halimbawa:
Magtatagumpay ka kung magtitiyaga Ang aklat kong binasa ay kawili-wili.
ka.
Gamit ng Kung Di at Kundi
Gamit ng Kung Di Gamit ng Kundi
• Kung di - katumbas ng if not sa Ingles • Kundi - katumbas ng but sa Ingles
Halimbawa: Halimbawa:
Kung di ka kukuha ng pagsusulit, hindi ka Wala akong pinag-aralan kundi Filipino.
makakapasok.
Gamit ng Pahirin at Pahiran
Gamit ng Pahirin Gamit ng Pahiran
• Pahirin - to wipe off • Pahiran - to apply
Halimbawa: Halimbawa:
Pahirin mo ang pawis mo. Pahiran mo ng Vicks ang likod ng bata.
Gamit ng Subukin at Subukan
Gamit ng Subukin Gamit ng Subukan
• Pahirin - to test, to try • Pahiran - to see secretly, to observe
Halimbawa: Halimbawa:
Subukin mo ang paraang ito. Subukan mo kung ano ang ginagawa nila sa
loob.
Gamit ng Walisin at Walisan
Gamit ng Walisin Gamit ng Walisan
• Walisin - to sweep (precede the object • Walisan - to sweep (precede the name of
to be swept) the place to be swept)

Halimbawa: Halimbawa:
Walisin mo ang alikabok sa ibabaw ng Walisan mo ang bakuran.
telebisyon.
Gamit ng Pinto at Pintuan
Gamit ng Pinto Gamit ng Pintuan
• Ang pinto (door) ay bahagi ng daanan • Ang pintuan (doorway) ay ang kinalalagyan
na isinasara at ibinubukas. Ginagawa ng pinto. Ito rin ang bahaging daraanan
ito upang ilagay sa pintuan. kapag bukas na ang pinto.
Halimbawa: Halimbawa:
Ibinukas niya ang pinto upang makapasok Hindi pa naikabit ang pinto sa pintuan.
ang mga bagong dating.
Gamit ng Hagdan at Hagdanan
Gamit ng Hagdan Gamit ng Hagdanan
• Ang hagdan (stairs) ay may mga • Ang hagdanan (stairways) ay bahagi ng
baytang at inaakyatan at binababaan bahay na kinalalagyan ng hagdan.
sa bahay.
Halimbawa: Halimbawa:
Mabilis niyang inakyat ang hagdan upang Asan ang hagdanan niyo?
marating ang naghihintay na kasintahan.
Gamit ng Iwan at Iwanan
Gamit ng Iwan Gamit ng Iwanan
• Ang iwan (to leave something) ay • Ang iwanan (to leave something to
nangangahulugang huwag isama. somebody) ay nangangaluhugang
paglalaanan o bibigyan.

Halimbawa: Halimbawa:
Iwan na natin siya sa bukid at saka na Iiwanan ko siya ng perang magagamit niya sa
lamang siya sumunod bukas ng umaga. pagbili ng aklat na gagamitin niya sa klase.
Gamit ng Sundan at Sundin
Gamit ng Sundan Gamit ng Sundin

• Ang sundan (follow where one is going • Ang sundin (follow an advice) ay
or what one does) ay nangangahulugang sumunod sa payo o
nangangahulugang gayahin ang pangaral.
ginagawa ng iba o pumunta sa
pinuntahan ng iba.
Halimbawa: Halimbawa:
Sinundan niya ang ang pagiging Susundin mo ang payo ng iyong mga magulang
manunulat ng kanyang ama. upang ika'y hindi mapahamak.

Susundan ko si Fely sa ilog.


Gamit ng Operahin at Operahan
Gamit ng Operahin Gamit ng Operahan
• Ang operahin ay pagtistis sa organo ng • Ang operahan ay pagtistis sa tao.
katawan.
Halimbawa: Halimbawa:
Ooperahin ang puso ni Aling Dolor sa Inoperahan si Tony sa PGH.
Heart Center

You might also like