You are on page 1of 7

Pagsasanay Blg.

1
Panuto: Mangalap ng tatlong kahulugan ng pagbasa na ayon sa mga kilalang
awtor, kunin din ang taon at sangguniang pinagkunan. Pagkatapos
ay bumuo ng sariling kahulugan mula sa tatlong nasaliksik na
kahulugan. (25 pts.)

Unang kahulugan:
Ayon kay Austero et. al., (1999), ang pagbasa ay paraan ng pagkilala at
pagkuha ng mga ideya at kaisipan sa mga sagisag na nakasulat upang
mabigkas ng pasalita. Ito rin ay ang pag unawa sa wika ng manunulat sa
pamamagitan ng pasalita na simbolo.

Ikalawang kahulugan:
Ayon kay Baltazar (1977), ang pagbasa ay kasangkapan sa pagkatuto ng
mga kabatiran ukol sa iba’t ibang larangan ng pamumuhay.Sa katunayan,
90% sa napag-aralan ng tao ay mula sa kanyang karanasan sa pagbasa.

Ikatlong kahulugan:
Ayon kay Bond at Tinker (1967), ang pagbasa ay rekognisyon ng anumang
nakasulat o nakalimbag na mga simbolo na nagiging “stimuli” upang maalala
ang kahulugan ng mga nakalimbag na kaalaman o karunungan mula sa
karanasan ng mga mambabasa.

Sanggunian:
https://www.google.com/url?sa=t&source=web&rct=j&url=https://
www.academia.edu/19956481/
Kabanata_I_Pagbasa&ved=2ahUKEwi95d6TvcD9AhWRRd4KHVnJAgoQFno
ECAsQAQ&usg=AOvVaw2mBuwag-wk7h1AFuSZ3yNR

https://www.google.com/url?sa=t&source=web&rct=j&url=https://
www.academia.edu/33580577/
Ano_ba_ang_pagbasa&ved=2ahUKEwjCwbjbvcD9AhUFRN4KHaQ1BE0QFn
oECAwQAQ&usg=AOvVaw39XRSzJVyUR3MxTFoOWtfZ
https://www.google.com/url?sa=t&source=web&rct=j&url=https://
www.academia.edu/42884457/
Pagbasa_at_Pagsusuri&ved=2ahUKEwjQ5N_nvcD9AhVRCIgKHe37B6kQFn
oECAcQAQ&usg=AOvVaw3IjgBeQn-PbrzK9fu72ZWY
Bagong Kahulugang Nabuo:
Ang pagbasa ay isang proseso na kung saan pinag-iipon nito ang tunog at
simbolo upang makabuo ng salita. Ito rin ay ang paraan ng pagkatuto na kung
saan mas lalong tumatalas ang isip ng mambabasa. Sa pamamagitan ng
pagbasa, nabibigyan nito ng hustisya ang mga bagay na masyadong
komplekado upang intindihin ng tao. Bagamat, nakadepende rin sa sitwasyon
ang depinisyon ng pagbasa. Dahil sa bawat karanasan ng tao at lebel ng
buhay na kanilang hinaharap nagbabago rin ang kahalagan ng pagbasa.
HAlimbawa na lamang kapag ang bata ay marunong ng bumasa,sya lamang
ay nakatuon sa tunog at salita. Pero kapag sya ay umabot na sa kolehiyo ams
nagiging mahalaga sa kanya ang pagbasa at mas nagiging komplekado dahil
ito na ang daan upang sya ay mas matuto at makapasa.
Pagsasanay Blg. 2

Panuto: Punan ng wastong salita ang bawat patlang upang mabuo ang
diwa ng mga pahayag sa ibaba. Piliin ang mga salita sa loob ng kahon.

pag-unawa teksto kaalaman nalita


intelektwal paliwanag utak Coady
pundasyon Goodman siklikal proseso

1. Ayon kay Goodman ang pagbasa ay isang "psycholinguistic guessing


game."

2. Mahalagang papel ang ginagampanan ng pagbasa sa buhay ng isang tao


sapagkat dito nalilinang pang lalo ang kaisipan sa teksto sa iba't ibang
karunungan.

3. Para sa lubusang pag-unawa ng isang teksto, kailangan ang dating pag-


unawa ng tagabasa ay maiuugnay niya sa kanyang kakayahang bumuo
ng mga konsepto o kaisipan.

4 Ang pagbasa ay isa ring kognitibong proseso ng pag-unawa sa


mensaheng nakalimbag o ng anumang wikang nakasulat

5. Ayon kay Dr. James Conan, "Ang pagbasa ay pundasyon ng edukasyon."

6. Ang isang mambabasa ay hindi na kailangang ulitin pa ang pagbasa upang


maunawaan ang nalita/salita maaari na itong mahulaan lalo na kung
mahusay ito sa panghuhula.

7. Ang kakayahang pangkaisipan ay ang panlahat na kakayahang utak ng


isang tagabasa.

8. Ang pagbasa ay isa ring prosesong sikolohikal, pinapakahulugan nito na


magkaugnay ang pagbasa at ang ating intelekwal ..

9. Ang utak ang siyang kumikilos upang maunawaan at mabigyang kaalaman


ang bawat simbolong nakikita ng mga mata.

10. Ang gawaing pagbibigay ng kahulugan ay isang patuloy na prosesong


siklikal buhat sa teksto.
Pagsasanay Blg. 3

Panuto: Isulat sa patlang ang tamang sagot.

William S. Gray 1. Ang Ama ng Pagbasa.

Pagbasa 2. Ito ay isang psycholinguistic guessing game' ayon kay Goodman.

Pagkilala 3. Ito ang unang hakbang sa pagbasa na nangangailangan ng


rekognisyon at pagsasatunog o pagbigkas sa mga ito.

Pag-unawa 4. Ito ay isang proseso na nangangailangan ng masusing


pagkuhang kaisipan o ideya.

Reaksiyon 5. Dito nagaganap ang kakayahang humatol, magpasya ng tama


o mali, makapaglimi sa ideya ng awtor ang isang mambabasa.

Asimilasyon o Integrasyon 6. Ito ang panghuling hakbang sa proseso ng


pagbasa kung saan handa na itong pakinabangan, magamit at maiugnay sa
bagong karanasan sa tunay na buhay.

Teoryang Top-Down 7. Ang tamang pagbasa ayon sa teoryang ito ay


nakabatay sa kung ano ang naunawaan o nakuha ng tagabasa sa
nakaraang karanasan.

Teoryang Iskema 8. Sa teoryang ito, ang unang kailangan sa pag-unawa sa


binasa ay ang dating kaalaman o prior knowledge upang makatulong na
maunawaan ang binasang teksto.

Teoryang Bottom-Up 9. Ito ay tradisyonal na pananaw na nagpapaliwanag


sa proseso ng pagbasa.

Teoryang Interaktibo 10. Ang teoryang ito ay nakatuon sa katotohanang ang


kahulugan o pag-unawa ay makukuha sa pamamagitan ng interaksyon ng
teksto at ng tagabasa at ang kanyang dating kaalaman.
Pagsasanay Blg. 4

I. Panuto: Tukuyin ang mga pahayag sa ibaba. Piliin ang titik ng tamang
sagot at isulat ito sa patlang.

A. Istratehiya Bago Bumasa G. Kaswal


B. Istratehiya Habang Nagbabasa H. Komprehensibo
C. Istratehiya Pagkatapos Magbasa I. Kritikal
D. Anotasyon J. Overviewing
E. Iskaning K. Muling-basa
F. Iskiming L. Basang-tala

F 1. Ang pagbasang ito ay ginagamitan ng mabilisang pagkilos o pagbasa ng


mga mata sa teksto nang di-inuunawa ang binabasa.

E 2. Isang teknik ng pagbasa na ang layunin ay makita at makuha agad ang


isang tiyak na impormasyon o tiyak na sagot ng tanong sa ay
pagbasang di-naunawaan agad sa isang beses na pagbasa kaya't
nangangaisang madaliang paraan.

K 3. May pagbasang di-naunawaan agad sa isang beses na pagbasa


kaya't nangangailangan ito nang paulit-ulit hanggang maunawaang lubo

G 4. Tanging layunin nito ay magpalipas ng oras o panandalian lamang


habang walang ginagawa.

H 5. Tinitiyak sa uri ng pagbasang ito ang bawat detalye ng mga kaisipan,


ideya ng sumulat ay nadaanan, nasuri, nahimay, napahalagahan
at naunawaang lubos.

L 6. Isang teknik ng pagbasang may kasabay na pagtatala ng mga


importanteng salita, pangungusap, pahayag, talata o kaisipan kasama na rin
ang pahina upang di malimutan kung saan banda ito nakita o nabasa.

I 7. Sa teknik na ito, nasusukat ang kakayahan sa paglikha ng bagong


kaisipan, pagtuklas ng mga solusyon sa problema, nakapagbigay
na ng reaksyon batay sa sariling pananaw at paniniwala at
nagagamit sa tunay na buhay.

A 8. Ang istratehiyang ito ay may layuning maihanda sa gawaing pagbasa na


may pag-unawa ang kaisipan at damdamin ng estudyante tungo
sa pagkatuto sa bagong kaalaman.

C 9. Layunin ng bahaging ito na makapagsagawa na ng mga kaukulang


aksyong o reaksyon hinggil sa tekstong nabasa.

B 10. Layunin ng istratehiyang ito na magabayan ang mga mambabasa na


maunawaan at mabuod ang mga impormasyong nabasa mula sa
teksto.
II. Panuto: Isulat ang tamang salita sa bawat patlang. Piliin ang salita sa
kahon.

bokabularyo naiisip pahayag


metakognitibo kamalayan naisusulat
pangungusap nasasabi pagbasa
komprehensyon palabigkasan pabalat

1. Ang metakognitibo na kasanayan ay tumutukoy sa kaalaman at


pagkontrol sa sariling pag-isip at mga gawain sa pagkatuto ng mga
estudyante.

2. Mahalaga sa isang estudyante ang malinang ang kahusayan sa pagbasa o


tinatawag na kamalayang metakognitibo,

3-5. Kung ano ang naiisip ko, nasasabi ko. Kung ano ang sinasabi ko,
naisusulat ko. Kung ano ang naisusulat ko, nababasa ko.

6. Ang bokabularyo mga salitang alam na nakaimbak sa isipan ng isang tao.

7. Ang palabigkasan ay tumutukoy sa pag-aaral ng tamang pagbigkas at


pagbaybay ng mga salita ang at kakayahang makarinig ng mga tunog ng
iba't ibang letra o salita.

8. Ang ideyang densiti ay ang katangian ng bawat pangungusap ng isang


talataan sa isang akda.

9. Ang monitoring komprehensiyon ay kailangang isagawa upang matiyak at


matukoy kung gaano kalawak ang antas ng pagkaunawa sa binasa.

10. Huwag husgahan ang aklat sa pabalat.


Pagsasanay Blg. 5

Panuto: Tukuyin kung anong teknik ang isinasaad sa pahayag. Isulat ang
sagot sa patlang. Titik lamang ang isulat.

A. Basang- tala E. Iskaning


B. Kaswal F. Iskiming
C. Komprehensibo G. Muling- basa
D. Kritikal

F 1. Ang pangkat nina Jay ay nagtungo sa silid- aklatan upang mangalap ng


babasahin na gagamitin sa kanilang pananaliksik.

D 2. Bilang pagtatapos ng semetre ang kanilang guro ay nagbigay ng mga


babasahin nang sa gayun ay makabuo sila ng isang pamanahong
papel.

E 3. Tinitingnan ni Andrew sa mga nakatala kung siya ba ay nakapasa sa


"bar examination”.

G 4. Lubhang hindi maunawaan ni Chris ang kanyang binabasa dahil sa mga


salitang ginamit ng manunulat kaya makalimang beses niya itong binasa.

D 5. Ipinabasa kay Julia ang akdang Sa Bagong Paraiso ni Abueg para


sumulat ng bagong kaisipan at magbigay ng sariling pananaw na
iuugnay niya sa mga kabataan sa ngayon.

A 6. Habang nagbabasa ng lathalaing pangkasaysayan si Angelie ay inililista


niya ang mahahalagang kaisipan.

B 7. Sa tuwing araw ng Sabado ang libangan ni Delcie ay magbasa ng mga


nobela sa kadahilanang kinahiligan na niya ito.

C 8. Sa akdang "Sinag sa Karimlan" ang kanyang sinuri ang dulog


pormalistiko, moralistiko at istaylistiko

C 9. Masinsinang binabasa niya ang paksang kanyang iuulat sa kadahilanang


kailangan na maipahayag nang malinaw na malinaw ang paksa.

B 10. Walang pagkakaabalahang gawin si Lynn sapagkat bakasyon kaya ang


kinigigiliwan niya ay magbasa ng mga akdang tuluyan gaya ng
maikling kwento, mitolohiya, alamat at sanaysay.

You might also like