You are on page 1of 2

Republic of the Philippines

Department of Education
National Capital Region
Division of City Schools
PARAÑAQUE NATIONAL HIGH SCHOOL-TAMBO
NAIA Road, Brgy. Tambo, Parañaque City

NAME: ISKOR:
GRADE 8 - MAPAGBIGAY
PRELIMENARY EXAMINATION
FILIPINO 8
I. Panuto: Basahin ang mga sumusunod na salaysay. Bilugan ang letra ng tamang sagot. Bawal magbura at
palitan ang mga naunang sagot.

1. Mga maikli ngunit makabuluhang pahayag na karaniwang may matulaing katangian. Naglalaman ito ng mga
aral, karunungan o katotohanan.
A. Bugtong C. Tula
B. Salawikain D. Epiko

2. Mga uri ng palaisipan na nasa anyong patula.


A. Bugtong C. Tula
B. Salawikain D. Epiko

3. Mahabang tulang nagsasalaysay ng pakikipagsapalaran o mga ginawa ng isa o higit pang bayani o
maalamaat na mga nilalang.
A. Bugtong C. Tula
B. Salawikain D. Epiko

4. Ang pangunahing paksa sa kuwento ni Matabagka ay:


A. Pagiging bayani, matapang at matalinong karakter ng tauhang babae .
B. Pagiging bayani ng isang lalaking tauhan.
C. Pagtatanggol sa bayan laban sa kasamaan.
D. Pakikidigma laban sa iba’t ibang uwri ng Diyos at Diyosa.

5. Alin sa mga sumusunod ang hindi pangunahing konsepto ng mga kuwentong epiko?
A. Ang mga karakter ay matatapang, makisig at itinuturing na mga bayani.
B. Ang mga kaganapan ay possible at maaaring mangyari sa tunay na buhay.
C. Mayroong mga kababalaghang kaganapan.
D. Ang mga tauhan ay may mga kapangyarihan.

6. Alin sa mga sumusunod na tulang panitikan ang isinulat ni Andres Bonifacio?


A. Ang Katapusang Hibik ng Pilipinas C. Pag-ibig sa Tinubuang Lupa
B. Ang Tunay na Sampung Utos ng Diyos D. Ang Cadaquilaan ng Dios

7. Sistema ng pagsusulat ng mga sinaunang ninuno ng mga Pilipino.


A. Alpabetong Filipino C. Alpabetong Amerikano
B. Baybayin D. Alibata

8. Alin sa mga sumusunod na salawikain ang nagpapahayag ng pagmamahal sa sariling bayan?


A. “Aanhin pa ang damo kung patay na ang kabayo.”
B. “Ang di lumingon sa pinanggalingan ay daig pa ng malansang isda.”
C. “Kung may tiyaga, may nilaga.”
D. “Aanhin mo ang palasyo kung ang nakatira ay kuwago.”

9. Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng bugtong?


A. “Ang bulsang laging mapagbigay, hindi nawawalang ng laman.”
B. “Ang iyong kakainin, sa iyong pawis manggagaling.”
C. “Batong marmol na buto, binalot ng gramatiko.
D. “Di lahat ng kapaitan ay tanda ng kasamaan.”

10. Alin sa mga sumusunod ang sagot sa bugtong na “ Sa maling kalabit, may buhay na kapalit.”
A. Posporo B. Sandok C. Baril D. Pako
II. Panuto: Basahin at sagutan ang mga sumusunod na bugtong at piliin ang tamang sagot sa loob ng
kahon. Isulat ang letra sa tabi ng bawat numero. Bawal magbura at palitan ang mga naunang sagot.

A. Sumbrero B. Zipper C. Bote D. Pako E. Kamiseta


F. Aklat G. Kandila H. Yoyo I. Papel J. Unan
K. Kalendaryo L. Baso M. Ngipin N. Posporo O. Singsing

_______1. Nagtago si Pedro nakalabas ang ulo.


_______2. Bumili ako ng alipin, mataas pa sa akin.
_______3. Isa ang pasukan, tatlo ang labasan.
_______4. Dumaan ang hari, nagkagatan ang mga pari.
_______5. Kung kalian mo pinatay, saka pa humaba ang buhay.
_______6. Dikin ng hari, palamuti sa daliri.
_______7. Malambot na parang ulap, kasama ko sa pangarap.
_______8. Ako’y aklat ng panahon, binabago taun-taon.
_______9. Itapon mo kahit saan, nag-iiba ng pangalan.
_______10. Nagbibigay na, sinasakal pa.
III. Panuto: Tama o Mali. Isulat ang salitang “tama” kung ang salaysay ay tugma. Kung ito ay mali, palitan
ang mga nakasalungguhit na salita upang maging tugma at tama ang salaysalay. Bawal magbura at
palitan ang mga naunang sagot.

_______________1. Maikiling tula na Pag-ibig sa Tinubuang Lupa ay isinulat ni Jose Rizal.


_______________2. Ang kuwentong “Pahayag” ay isinulat ni Emilio Jacinto.
_______________3. Ang kuwetong “Walang Sugat” ay tungkol sa digmaan.
_______________4. Sa kuwentong “Paglalayag sa Puso ng Isang Bata”, ang guro ay nakapulot ng aral sa bata.
_______________5. Ang kuwentong “Payahag” ang tungkol sa pag-iibigan.

IV. Panuto: Isalin sa baybayin ang mga sumusunod sa pangungusap o salita. Maaring tumingin sa sarililng
index card na may nakasulat na baybayin bilang gabay. Bawal manghiram sa kaklase.

1. Panitikang Pilipino

2. Binabati ka namin Pedro sa iyong tagumpay.

3. Tayo ay magka-isa.

4. Humungi ng tulong sa pulis

5. Ang babaeng nanakawan.

IV. Panuto: Ipaliwanag ang mga sumusunod na salaysay.

1. “Walang mahalagang hindi inihandog ng may pusong mahal sa Bayang nagkupkop; Dugo, yaman, dunong,
katiisa’t pagod, buhay ma’y abuting magkalagut-lagot.” (5 points)

2. ”Ang kaligayahan ay wala sa langit, wala rin sa dagat ng hiwaga ng tubig, ang kaligayahan ay nasa iyong
dibdib na inaawitan ng aking pag-ibig” (5 points)

You might also like