You are on page 1of 3

JHEVILINE D.

LEOPANDO
College Instructor
+639209796252 /
jhevleopando2212@calauagcentralcollege.edu.ph

LEARNING ACTIVITY # 6
NAME: _
GRADE / SCORE:
COURSE AND YEAR:_ _
DATE:
SUBJECT: FIL 109 – INTRODUKSYON SA PANANALIKSIK _

PLEASE SHADE THE APPROPRIATE TYPE OF ACTIVITY:


 Concept Notes  Laboratory Report  Formal Theme  Practical Activity
 Exercise / Drill  Drawing / Art  Informal Theme  Others:

ACTIVITY TITLE: HAKBANG SA PAGSULAT NG SULATING PANANALIKSIK


LEARNING TARGETS: a. matukoy ang mga katangian ng pananaliksik
REFERENCE(S) Pagbasa at Pagsulat tungo sa Pananaliksik, Tumangan, Alcomtiser Sr. P.
(Title, Author, Pages) pp. 137 – 175

Sa mga sa kolehiyo ng isang pangangailangan ang pagsulat ng pananaliksik na


tinatawag ding ulat sa pagbabasa, siyentipikong ulat at term paper.

Ang Sulatin sa pananaliksik sa pag-aaral at pagbabasa sa isang tanging larawan ng


sosyal, pampanitikan, ang pangkasaysayan, pangkabuhayan o pang-agham. Ang pag-aaral
ay batay sa mahalagang impormasyong nakalap ng ibang taong nagsaliksik na hinggil sa
isang tiyak na paksa. Kaya bunga ng muli't muling pananaliksik at pagsulat ang sulatin na ito.

1. Pamimili ng paksa
Unang dapat gawin ng susulatin sa pananaliksik ang pumili ng paksang pag-aaralan
at sasaliksikin. Mainam na piliin ang paksa ng may kaunting nalalaman ang susulat at
nakawiwili sa kanya.

1. Hindi iyon nanggaling sa Iisang aklat. wala ng pananaliksik na magagawa


kung ang paksa ay sa isang aklat lamang matatagpuan.
2. Iwasan ang paksa Ayon lamang sa sariling karanasan. Wala ring magaganap
na pagsasaliksik kung ang paksa ay nakabatay lamang sa karanasan.
Kailangan dito ay mga aklat na babasahin, susuriin, at sasaliksikin ng paksang
susulatin.
3. Iwasan ang paksa ng walang makukunan ng sapat na materyales na
makukunan ng ebidensya at katibayan
4. Pumili ng paksang hindi napakalawak at hindi rin naman napakakitid ng
larangan. Kung napakalawak nito, limitahan o takdaan ang paksa upang mapag-
aralan ng mabuti. Kung napaka kitid naman ng larawan, baka walang gana
masabi sapagkat limitado ang mga aklat at sangguniang mapagkukunan ng mga
impormasyon at katotohanan.
5. Huwag ring pumili ng paksa na bagong bago sapagkat tiyak na kakaunti pa rin
ang masasangguning aklat ukol dito. Baka mangyari pa nawala ang
nalilimbag ng mga aklat tungkol sa paksang ito.
6. Iwasan din ang paksa ng lubhang kontrobersyal. Wala pa ang katotohanang
naitatatag ukol dito. Ang pananaliksik ay dapat nakasalig sa mga
katotohanan.
7. Pumili ng paksang maaaring bigyan ng sariling palagay at pasya sa halip na
ito'y maging pagsama-sama lamang ng mga nakalap na tala.
JHEVILINE D. LEOPANDO
College Instructor
+639209796252 /
jhevleopando2212@calauagcentralcollege.edu.ph
2. Paghahanda at paghahanap ng bibliyograpi (sanggunian o reference)
Kapag natiyak ng paksang susulatin, susunod na ang paghahanda at
paghahanap ng bibliography na binubuo ng listahan ng mga aklat at iba pang
materyales na masasagguni sa pagsulat.

Bago ang pinal na bibliyograpiya, mabuting gumawa muna ng pansamantalang


bibliograpiya ng mga aklat na sanggunian. Pansamantala itong bibliography sapagkat
itatala rito ang mga aklat at materyales na inaakala mo na gamit sa pagsasaliksik.
Posible na may mga materyales na sa huli ay hindi naman pala ganap na magagamit.

Ang aklatan ang pinakamabuting pook sa paghanap ng pansamantalang


bibliyograpiya. Dito matatagpuan ang mga aklat ukol sa mahalagang isipan. Iyon ay
isang libro, pahayagan, magasin, at iba pang babasahin.

3. Paghahanda ng pansamantalang balangkas


Mahalagang gumawa ng pansamantalang balangkas ng Sulatin pananaliksik. Ito
ay magbibigay ng direksyon at magsisilbing patnubay sa pagpasa at sa pagkuha ng
mga tala. Sa pamamagitan ng pansamantalang balangkas, maiwasan ang pagkuha ng
mga tala na hindi magagamit sa Sulatin.

Dapat malaman ang mga pangunahing isipan ng sulatin. Sa ilalim ng bawat


pangunahing isipan ay gumawa ng mga tanong na masasagot. Ang mga sagot sa
tanong ang mga talang Hahanapin sa pagbabasa at Pagsasaliksik. Maaaring dagdagan
o bawasan ang mga tanong habang patuloy sa pagbabasa at pagkuha ng
impormasyon. Ang ang bubuo sa ipapalaman sa Sulatin.

4. Pangangalap ng mga datos


Sa paggamit ng mga aklat at iba pang materyales sa pansamantalang
bibliograpi, kumuha ng mga tala sa mga sinasangguning mga aklat na mahalaga sa
paksang tinatalakay sa sulatin.

Tatlong uri ng datos:


1. Kapag lagom ang tala isulat ang tala sa sariling pananalita nang
hindi nababawasan ang kahulugan ng orihinal.
2. Kapag hawig naman, malayang ipinahahayag ang tala sa pagbibigay
paliwanag sa sinasabi ng orihinal.
3. Sa tuwirang sipi, kopyahin ang mga salita sa aklat at panipi.

5. Pagpapahalaga sa mga nakalap na materyales


Dapat matutong magpahalaga ng manunulat ng pananaliksik sa mga nakalap
niyang mga tala yun ang mahalaga at makatutulong para sa sinusulat na Paksa?

1. Isaalang-alang ang kadalubhasaan na nga awtor. Ang Tala mula sa


aklat na ng awtor ay lubhang kilala sa larangang iyon ay mahalaga.
2. Petsa ng pagkalimbag. ang mga taga na hango sa pinakabagong
aklat ay mahalaga kaysa mga aklat ng luma na.
3. Uri ng magasing babasahin. ang mga artikulo sa mga
Lingguhang babasahin ay mas masaklaw ang pagtatalakay kaysa sa
mga pang-araw-araw na babasahin. lalo na masaklaw ang pagtalakay sa
mga buwanang babasahin at pantaunang ng babasahin. masaklaw ang
pagtalakay paksa, higit na mahalaga ang makukuhang pala.
4. Mahalaga ang totoong tala kaysa sa mga pangyayari at opinyon.
5. May pangunahing at pangtulong na sanggunian. Higit na mahalaga
ang pangunahing sanggunian gaya ng talaarawan, sa lupa, talambuhay,
mga dokumento at iba pa sapagkat mas malapit ang mga ito sa
katotohanan. ang pagtulong sa sanggunian ay talakayin sa
pangunahing sanggunian.
JHEVILINE D. LEOPANDO
College Instructor
+639209796252 /
jhevleopando2212@calauagcentralcollege.edu.ph
6. Higit na mahalaga ang orihinal na artikulo kaysa sa mga halaw
at lagom nito.

6. Pagsulat ng pangwakas na balangkas


Pagkakalap ng mga tala sunod na ang pagpaplano kung saan sa sulatin ng
pananaliksik, tiyakin kung paano pagsusunod-sunurin ang nakalap na mga tala at
impormasyon.

Bilang patnubay sa gagawing balangkas, mahalaga ang isang masaklaw na


pangungusap sa thesis. Napapadali nito ang sunod-sunod na pag aayos ng mga tala
ang nasa index card ng pansamantalang bibliograpiya. Kapag naisaayos na ang
mga isipan, isunod na ang paggawa ng balangkas batay sa unang balangkas o kaya'y
pagpapabuti sa pansamantalang balangkas upang pagbatayan ng sulatin.

Hindi pa talaga pangwakas ang balangkas na ito. Mabuting bigyang puwang ang
pagbabago sa balangkas upang lalo pa itong mabuti kapag sinusulat na ang
pananaliksik.

7. Pagsulat ng burador
Pagkatapos paggawa ng pangwakas na balangkas maaari nang simulan ang
pagsulat ng burador ng Sulatin. Dahil hindi naman ito malikhaing pagsulat, Hindi na
kailangan maghintay pa ng inspirasyon bago pa sumulat.

Ano mang pagsulat ay mangyari pang simulan sa simula. Ngunit sa pananaliksik,


maaaring magsulat kahit na hindi muna sa simula lalo na at nahihirapang gawin ang
pasimula. Maaaring magsimula sa katawan at saka na lamang balikan ang
pasimula.

8. Pagrerebisa ng burador
Ito ang pinakahuling hakbang para mapabuti ang pagkakasulat ng pananaliksik, sa
pagrerebisa isinasaalang-alang ang mga ito:
1. Ang nilalaman. Alamin kung may kaisahan ang komposisyon. tingnan kung
may pagkakaugnay ugnay ang mga isipan minahal at kung ang mga
pangunahing isipan ay sinusuportahan ng mga katulong naisipan.
2. Paraan ng pagkakasulat. alamin kung nakatatawag ng pansin ang
pasimula. Nasabi ba sa pasimula ang pagpapakilala sa paksa? Pansinin ang
mga talata may pagkakaugnayan ba at nagkakatulungan para maihayag ang
diwa ng Sulatin? Gumamit ng tamang bantas? Tamang baybay ng mga salita?
3. Ang dokumentasyon. Ang matapat na pagsulat na magbigay galang ang
manunulat sa pinagkunan ng akda sa pamamagitan ng pagbanggit nito sa
kanyang sinulat.

9. Pangwakas na bibliography (sanggunian o reference)


Upang higit na maging kapaki-pakinabang sa mambabasa, nangangailangan
ang bawat masinop na ng pampananaliksik ng bibliyograpi. Tatak ito ng masinop at
maingat na pagsulat at ng malawak na kaalaman sa paksa.

GAWAIN. Magsaliksik ng isang teorya at kopyahin ito. Ilakip ang sangguniang pinagkunan ng
impormasyon. Isalin ang teorya ayon sa tatlong uri ng pangangalap ng datos: (GOOGLE
CLASSROOM)

(1) lagom

(2) hawig

(3) tuwirang sipi

You might also like