You are on page 1of 4

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon VIII (Silangang Bisayas)
Dibisyon ng Leyte
MATALOM NATIONAL HIGH SCHOOL
San Isidro, Matalom Leyte
School I.D 303405

GRADE 11 HUMSS- APHRODITE TIME: 9:40- 10:40 (M-TH)


GRADE 11 HUMSS- APOLLO TIME: 10:40-11:40 (M-TH)
GRADE 11 HUMSS- ATHENA TIME: 3:00- 4:00 (M-TH)

BANGHAY ARALIN SA
KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO

I. Layunin

Pamantayan Pangnilalaman: Nauunawaan ang mga konsepto, elementong kultural,


kasaysayan, at gamit ng wika sa lipunang Pilipino.
Pamantayan sa Pagganap: Nakagagawa ng isang sanaysay batay sa isang panayam tungkol sa
aspektong kultural o lingguwistiko ng napiling komunidad.
Mga Kasanayang Pampagkatuto: Naiugnay ang mga konseptong pangwika sa sariling
kaalaman, pananaw,at at mga karanasan - F11PS-Ib-86

II. Paksa at Kagamitan

Paksa: Mga Konseptong  Pangwika ( Reguster, Barayti, Homogenous, Heterogenous)


Sanggunian: Komunikasyon at Panaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino ni Magdalena O.
Jocson Pahina     :  38-47
Kagamitan: Laptop, Slide Presentation, video clip,  Larawan.

III. Pamamaraan

A. Panimulang Gawain
 Pagbati 
 Pagsasaayus ng mga nagkalat na upoan at pagpapapulot ng mga punit na papel
 Pagtala ng mga Lumiban
 
1. Balik aral
Tanong: 
Paano magagamit ang kaalaman sa modernong teknolohiya (paggamit sa
Facebook,Google, at iba pa) sap ag-unawa sa mga modernong pangwika?
Bakit mahalaga ang kaalaman sa modernong teknolohiya sap ag-unawa sa mga
konseptong pangwika?

2. Pagganyak
a. Magpapakita ang guro ng isang adbertisment. 
b. Adbertisment ito tungkol sa gatas ng sanggol.
c. Pahalagahan ito sa pamamagitan ng pagsagot sa mga tanong .
https://www.youtube.com/results?
search_query=+reel+time+presentsgatas+ng+ina

Mga Pokus na tanong:


1. Tungkol saan ang adbertisment?
2. Anong mga salitang maggpapatibay na isa nga itong adbertisment ?
3. Paano ginagamit ang mga salita sa adbertisement? May panghihiram ba ng mga salita o
wala?

B. Pamamaraan ng Pagkatuto

a. Paglinang na Gawain
Pangkatang Gawain 
      ReAction!

 Papangkatin ang klase sa Tatlong Pangkat


 Bawat Pangkat ay Babasahin ang tekstong pinamagatang “Pagkahilig ng mga Pinoy sa
Imported at Epekto Nito sa Ekonomiya”
 Susuriin kong tiyak at pili ang mga salitang ginamit upang sa espasyo para sa ulo ng balita at
sa detalye ng teksto
 Bibigyan lamang limang minute ang bawat pankat
 Gagayahin ang pormat sa ibaba.

Pagsuusri:_____________
Pangkat:______________

b. Pagsusuri
Mga Gabay na Tanong
1. Ayon sa Teksto, ipaliwanag bakit natatanging mamimili sa buong mundo ang mga
Pilipino?
2. Bigyang-pagpapakahulugan ang huling bahagi ng tekst na “ Marahil ang pagsasama-
sama at pagkakaisa nating lhat ang maghatid sa atin sa tagumpay.”
3. Sa kassalukuyan , ano ang ginagawang hakbang ng ating pamahalaan upang mapaunlad
ang ekonomiya ng bansa ? magbigay ng patunay.

c. Paghahalaw
Konseptong Pangwika 

 Register – ay  barayti batay sa gamit


 Barayti-isang maliit na grupo o pormar o makabuluhang katangian na nag-uugnay sa 
particular na uri ng katangian.
 Homogenous – ipinapahayag na may iisang katangian ang wika tulad ng language universal
 Heterogenous- iba iba ang wika dahil sa lokosyong heograpiko , pandarayunan , sosyo-
ekonomiko.

3.Paglalapat

Gawain 1:  Pang-isahang Gawain

Makabuluhang Hambingan!
Panuto: Ihambing ang sumusunod na konseptong pangwika. Gamitin ang talahanayan sa pagsagot sa
iyong sagutang papel.

Bilingguwalis Multilingguwalis
Homogeneous Heterogeneous mo mo
na Wika na Wika
Gawain 2.     Pangkatang Gawain 
Talento Mo , Ipapalabas MO!

1. Papangkatin ang klase sa tatlong pangkat


2. Bawat pangkat ay gagawa ng isang advertisement gamit ang iba’t ibang Konseptong
Pangwika
Pangkat 1: Adbertisment tungkol sa Diabetes
Pangkat 2: Adbertisment tungkol sa Kamatis Power!
Pangkat 3: advertisement tunkol sa Calcium Plus
3. Bawat pangkat ay bibigyan ng limang minuto  3 minuto sa paghahanda at 2 minuto sa
pagtatanghal.
Pagtataya sa ginawang Gawain:   
5 puntos – Napakaayos at naging napakamahusay ang ginawang pagtatanghal ng pangkat.
 4 puntos-   Maayos at mahusay  ang ginawang pagtatanghal ng pangkat.
3 puntos -  Bahagyang maayos at hindi gaanong mahusay ang ginawang pagtatanghal ng 
                              pangkat.
 2 puntos  - kailangang linangin pa ang mga kasanayan sa pagiging maayos ang ginawang 
    pagtatanghal ng pangkat.

IV. Ebalwasyon
Panuto :  Sagutin  ang mga tanong . Isulat sa sagutang papel.

1. Ano ang kahalagahan ng konseptong panwika?


2. Bakit mahalagang maiugnay ang mga konseptong pangwika sa sariling pananaw?
3. Paano maiuugnay ang mga konseptong pangwika sa sariling pananaw?
4. Bilang isang mag-aaaral, ano ang iyong magagawa upang mas maipalaganap
pa ang paggamit ng wikang Filipino sa isang multilingguwal na komunidad?

V. Takdang Aralin
Panuto: Pumili ng isa sa mga paksang nasa kahon at sumulat ng isang talumpating nagbibigay
opinyon at nanghihikayat sa iyong sariling posisyong sa isyung binigyang-pansin. Maaari mong i-
access ang link upang mas mapatibay ang iyong gagawing awtput. Isaaalang-alang ang rubrik sa
pagtataya ng susulating talumpati.Maaari mo itong isulat sa iyong sagutang papel o ‘di naman kaya’y
i-post sa facebook, google classroom at iba pang online platforms na sasabihin ng iyong guro.
Mga Pagpipilian:
Walang akses sa Online May akses sa Online 
Implementasyon ng MTBMLE sa paaralan https://www.youtube.com/watch?v=2UjTp4Htc4U
Pagtanggal sa asignaturang Filipino bilang https://www.youtube.com/watch?v=P-iZ9vpfzpg
core subject sa Kolehiyo
Namamatay na wikang katutubo https://www.youtube.com/watch?v=zS2PiTGPY7w

Prepared by: Reviewed by:

FLORDILYN N. DICHON EDNA P. PAGAY


Shs Teacher II Master Teacher I

Approved by:
EULOGIO M. RUALES, ED.D
Principal III

You might also like