You are on page 1of 6

MALA-MASUSING BANGHAY ARALIN

Ikalabing-isang Baitang – GAS


Filipino – XI

Petsa: Ika – 16 ng Setyembre, 2019 Oras: 1:20 am – 2:20 Pm

I. LAYUNIN
A. Natututukoy ang kahulugan ng hugot lines bilang
sitwasyong pangwika sa iba pang anyo ng kulturang
Pagkatapos ng talakayan
popular;
ang mga mag-aaral ay
C. Napapahalagahan ang kaugnayan ng hugot lines sa
inaasahang:
wikang Filipino at gamit nito sa lipunan; at
C. Nakabubuo ng mga halimbawa ng hugot lines sa
paraang pasadula.
II. PAKSANG ARALIN
A. Paksa Sitwasyong pangwika sa iba pang anyo ng kulturang
popular (HUGOT LINES)
B. Sanggunian Curriculum Guide, Aklat-PLUMA (p. 62-63) at Internet
(https://drive.google.com/drive/folders/1251PZN7zN_-
Ph1iAqkakfQbwWCEfAA_A?fbclid=IwAR2gpPdpiFzBet2
z4OEXByrPtm_T7CbMNJ7-4PUPr8Hx2fio5y10hNj_d60)

C. Kagamitan LCD projector (Kompyuter / Laptop), Speaker, Flashcards at


kagamitang pampagtuturo

D. Stratehiya Pangkatang Pagkatuto, Love Team Strategy


(Pamaraang Pagtatambal)
III. PAMAMARAAN
Panimulang Gawain:
Panalangin
Pagtala sa mga lumiban

A. PAGGANYAK
Pagbalik-aral:
Ang guro ay magtatanong tungkol sa huling paksang
tinalakay.
Anong paksang tinalakay nating sa nakaraang
pagkikita?
Magbigay ng maikling paliwanag ng sitwasyong
pangwika sa telebisyon, radyo at dyaryo, at
pelikula.
Anong wika ang madals gamitin sa tatlong
sitwasyon?
B. AKTIBITI Pagpapakita:
Ang guro ay magpapakita ng video tungkol sa pelikulang
“Hello Love, Goodbye” na makikitaan ng mga hugot
lines.
Pagkatapos ipanood ng guro sa klase ay magtatanong
siya ng iilang katanungan.
Ano ang napansin ninyo sa videong napanood?
Ipaliwanag.
Bakit lumitaw ang hugot lines sa pelikula? Ano
ang kahulugan nito batay sa iyong dating
kaalaman?
Pagkatapos ng tanungan ay magbibigay pa ng
karagdagang halimbawa ang guro.
C. ANALISIS Fact or Bluff:
Pangkatang Gawain: Ang klase ay ipapangkat sa
dalawang pangkat. Ang bawat pangkat ay bibigyang ng
dalawang flashcards na may nakasulat na FACT at
BLUFF. Kung ang binanggit ng guro na pahayag hinggil
sa paksa ay totoo o tama, itataas nila ang FACT. Kung
mali naman ang pahayag na binanggit ng guro ay bluff
ang kanilang itataas. Ang pangkat na makakukuha ng
pinakamataas na puntos ang mananalo.

Tawag sa mga linya ng pag-ibig na


nakakakilig, nakatutuwa, cute, cheesy o
minsa’y nakakainis ay PICK-UP lines. BLUFF
Ang hugot lines ay tinatawag ding love lines
o love quotes na nagpapatunay na ang wika
nga ay malikhain. FACT
Karaniwang nagmula sa kilos ng ilang tauhan
sa pelikula o telebisyon na nagmarka sa
puso’t isipan ng mga manonood. BLUFF
May mga pagkakataon na nakakagawa rin ang
isang tao ng hugot line depende sa damdamin
o karanasang pinagdadaanan nila sa
kasalukuyan. FACT
Minsan ay nakasulat sa Taglish subalit
madalas ay Filipino ang gamit ng salita sa
mga ito. BLUFF

Love Team Strategy:


Hakbang sa Love Team Strategy o Pamaraang
Pagtatambal

a. Hatiin ang klase sa dalawang pangkat, ang grupo


ng lalaki at ang grupo ng babae.
b. Ibibigay sa mga lalaki ang unang bahagi ng hugot
lines sa videong kanilang napanood kanina at iyong mga
binigay na halimbawa ng guro na nakasulat sa
construction paper.
c. Ibigay naman sa mga babae ang mga karugdong ng
hugot lines.
d. Nakahanay ang mga babaeng may hawak ng
construction paper na sinusulatan ng mga karugtong na
hugot lines na hawak ng mga lalaki. Isa-isang lalapit
ang mga lalaki upang hanapin ang kanilang katambal.
Nakadepende sa tamang karugtong na mga pahayag
ang kanilang magiging katambal.
e. Lahat ng hugis puso ay may magkaparehong sukat
upang magkaroon ng kahirapan ang aktibiti.
e. Kung mahanap na nila ang kanilang katambal ay
sabay nila itong ididikit sa pisara.
f. Dalawang punto ang ibibigay ng guro. Pipili siya ng
tatlong pangkat na unang natapos o nakadikit sa pisara,
agad na makakukuha ng 10 puntos. Pagkatapos ay
aalamin kung tama ang kanilang mga dinikit, 20 puntos
ang makakukuha ng tama.

D. ABSTRAK Paglalahat:
Upang masukat ang pagkatuto ng mga mag-aaral. Ang
bawat pangkat ay pipili ng iisang representate upang
magbigay ng maikling buod sa harapan ng klase.

G1: Bilang mag-aaral, paano mo mabibigyang


kahulugan ang hugot lines? Magbigay ng halimbawa.
G2: Ano ang kaugnayan o gamit ng hugot lines sa
lipunan? Sa reyalidad? Sa wikang Filipino?

E. APLIKASYON Pagsasadula:
Babalik ang klase sa kanilang GRUPO kanina sa fact or
bluff na laro upang bumuo ng isang dula na
kinapapalooban ng hugot lines. Magbibigay ang guro ng
paksang kanilang bibigyan ng hugot lines. Bubunot ang
dalawang pangkat kung aling sitwasyon ang kanilang
gagawan ng hugot at isasadula.
Bibigyan ng limang minute ang bawat pangkat upang
maghanda sa pagsasadula. Pagkatapos ay may tatlong
minute sila upang isadula ang mga sitwasyong napili na
may mga hugot lines.

SITWASYON:
1-Pamilya
2-Pag-ibig
3-Pag-aaral
IV. PAGTATAYA
Pagbuo:
Panuto: Bumuo ng tatlong hugot lines gamit ang wikang Filipino at tatlo rin sa wikang
kinagisnan mo (hal. Kamayo, Hiligaynon at iba pa.) sa mga paksang pamilya, pag-
ibig, kaibigan, pag-aaral at kabataan. Isulat ito sa kalahating papel.

V. TAKDANG ARALIN
Pagsasaliksik:
Panuto: Magsaliksik tungkol sa SITWASYONG PANGWIKA SA IBA PANG ANYO NG
KULTURANG POPULAR hinggil sa pick-up lines. Magbigay ng dalawang halimbawa nito.
Isulat ang nasaliksik at halimbawa sa kwaderno.

Inihanda ni:

Bb. SHELLY L. LAGUNA


Grade 11 – Adviser

You might also like