You are on page 1of 3

MALA-MASUSING BANGHAY ARALIN

KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULRURANG PILIPINO


Unang Markahan/Grade 11 – GAS

Petsa: Ika – 10 ng Hunyo, 2019 (d2) Oras: 2:00 am - 3:00 am

I. LAYUNIN
Pagkatapos ng talakayan ang A. Naipapaliwanag ang kahulugan ng wika;
mga mag-aaral ay inaasahang: B. Napapahalagahan ang kahulugan at gamit ng wika; at
C. Nakakalahok ng buong sigla sa mga gawain sa silid-aralan.

II. PAKSANG ARALIN


A. Paksa Wika
B. Sanggunian Internet, Curriculum Guide at aklat (PLUMA - Komunikasyon at
Panananliksiksa Wika at Kulturang Pilipino) pahina 10-11
C. Kagamitan Chalk, laptop at kagamitang pampagtuturo
D. Stratehiya Collaborative Learning
III. PAMAMARAAN
A. PAGGANYAK Pagbabali-aral

B. AKTIBITI Talasalitaan:
 Wika
 Lingua
 Behikulo
 Instrumento
 Dila at Wika

C. ANALISIS Batay sa iyong mga sagot, mahirap nga bang wala ang wika? Bakit?

 Ang wika ay isang nakapahalagang instrumento ng komunikasyon.


Mula sa pinagsama-samang makabuluhang tunog, simbolo, at
tuntunin ay nabubuo ang mgsa salitang nakapagpapahayag ng
kahulugan o kaisipan.
 Ito ay behikulong ginagamit sa pakikipag-usap at pagpaparating ng
mensahe sa isa’t isa. Nagkakaintindihan, nakapagbibigay tayo ng
ating opinyon at ideya dahil sa wika.
 Ang wika ay maaring gamitin sa dalawang paraan, pasalita man o
pasulat.
 Ang lingua ay nangangahulugang “dila”at “wika” o “lengguwahe”.
Pinagmulan ng salitang Pranses na langue na dila at wika rin ang
kahulugan. Kalaunan ay naging language ito sa wikang Ingles.
 Mga dalubhasang nagbigay ng kahulugan ng wika. Ayon kina Paz,
Hernandez at Peneyra ang wika ay tulay na ginagamit para
maipahayag at mangyari ang anumang minimithi o pangangailangan
natin.
 Ayon kay Henry Allan Gleason, Jr., ang wika ay masistemang
balangkas ng mga tunog na pinili at isinaayos sa pamaraang
arbitraryo upang magamit ng mga taong nabibilang sa isang kultura.
 Sabi naman ni Cambridge Dictionary ang wika isang Sistema ng
komunikasyong nagtataglay ng mga tunog, salita, at gramatikang
ginagamit sa pakikipagtalastasan.
 Ayon naman kay Charles Darwin na isang siyentipiko ang wika ay
isang sining tulad ng paggawa ng serbesa o pagbe-bake ng cake o
ng pagsusulat.
 Samakatuwid, ang wika ay lubhang mahalaga upang ang mga tao ay
magkakaunawaan at magkaroon ng maayos na komunikasyon.
Tatalakayin ng guro ang kahalagahan ng wika para sa karagdagang
kaalaman. Magtatanong din ito kung may ideya ba sila tungkol sa
kahalagahan nito sa pakikipag-ugnay sa kapwa tao.

D. ABSTRAK Batay sa iyong mga sagot, mahirap nga bang wala ang wika? Ano-ano ang
posiblen g mangyari kung walang wikang mauunawaan ng lahat at ang
bawat isa’y may wikang tanging siya lang ang nakakaunawa? Magglahad ng
tatlong hinuha.

Kung kaya’t mahalaga ba ang wika sa bawat tao? Magbigay ng mga


kahalagahan nito.

E. APLIKASYON Papangkatin ang klase sa dalawang grupo. Bawat pangkat ay bibigyan ng


isang sitwasyon na kanilang isasadula gamit ang wika sa
pakikipagkomunikasyon at ipakita ang kahalagahan nito.

RUBRIKS: Ang isang grupo ay dapat nakapagpapakita ng isang sitwasyon


na mayroong mabisang komunikasyon na ginagamitan ng wika at
ipaliwanang ang kahalagahan nito sa sitwasyon isinadula. Pagkatapos ay
iugnay ito sa isa sa mga dalubhasang nagbigay ng pakahulugan sa wika.

Unang grupo: Isang pamilyang naninirahan sa isang bahay.


Ikalawang grupo: Isang estudyanteng may problema sa pamilya na
dinadamayan ng kanyang mga kaklase.

IV. PAGTATAYA
Panuto: Sagutan ang mga katanungan at ipaliwanang ito. Isulat ito sa kalahating papel.

1. Ano-ano ang kahalagahan ng wika sa buhay nga tao? Magbigay ng dalawang kahalagahan.
2. Kung ikaw ang tatanungin ano ang pagpapakahulugan sa wika ang iyong ibibigay?

V. TAKDANG ARALIN
Panuto: Basahin at unawain ang pahina 12-15.

MALA-MASUSING BANGHAY ARALIN


KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULRURANG PILIPINO
Unang Markahan/Grade 11 – GAS

Petsa: Ika – 07 ng Hunyo, 2019 Oras: 2:00 am - 3:00 am


VACANT TIME

INIHANDA NI:
SHELLY L. LAGUNA
Guro SINIYASAT NI:
EDDIE D. ARAYAN
Principal 1

You might also like