You are on page 1of 6

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon VI – Kanlurang Visayas
Dibisyon ng Lungsod ng Cadiz
CNHS-LUNA EXTENSION HIGH SCHOOL
Lungsod ng Cadiz

Guro: DONNA P. PEŇAS Baitang 11

Petsa Linggo: Baitang at Pangkat Asignatura: FILIPINO


/Oras:
9 11-RIZAL
Oktubre 11-BONIFACIO
10 at 12

MARKAHAN: Unang Markahan


I. LAYUNIN

A. Pamantayang Nauunawaan ang mga konsepto, elementong kultural, kasaysayan, at gamit


Pangnilalaman ng wika sa lipunang Pilipino.

B. Pamantayan sa Nakagagawa ng isang sanaysay batay sa isang panayam tungkol sa


Pagganap aspektong kultural o lingguwistiko ng napiling komunidad.

C. Kasanayan sa Natutukoy ang mga kahulugan at kabuluhan ng mga Konseptong Pangwika


Pampagkatuto (F11PT-Ia-85)
Naiuugnay ang mga konseptong pangwika sa mga napakinggan/napanood
na sitwasyong pang komunikasyon sa radio, talumpati, mga panayam at
telebisyon (Halimbawa:Tonight with Arnold Clavio, State of the Nation,
Mareng Winnie, Word of the Lourd )
(F11PN-Ia-86)
Naiuugnay ang mga konseptong pangwika sa sariling kaalaman, pananaw,
at mga karanasan
(F11PD-Ib-86)

II. PAKSA Mga Konseptong Pangwika

III. KAGAMITANG Cartolina, tsalk at pisara,laptop


PANTURO
A.Sanggunian: Internet, modyul

1.Pahina sa Gabay ng
Guro
2.Pahina sa
Kagamitang Mag-
aaral

4.Karagdagang Gamit
sa LR
B.Iba pang Video clip mula sa youtube, at iba pang biswals
Kagamitang Panturo

IV. PAMAMARAAN MGA GAWAING NAKABATAY SA MGA GAWAING


SILID-ARALAN NAKABATAY SA
TAHANAN
A. PAUNANG  Panalangin
GAWAIN  Pagbati
 Pagtsek ng liban at ng di-liban

A. GAWAIN MGA INAASAHAN Gumuwa ng islogan


(Aktibiti) PAUNANG PAGSUBOK patungkol sa
Bago natin talakayin ang ating aralin ngayong araw, Kahalagahan ng Wika
subukan mong sagutin ang mga sumusunod na Rubriks sa
katanungan. Basahin nang mabuti ang direksyon.Handa Pagbuo ng
ka na ba? Slogan
Panuto: Ilagay ang T sa unahan ng bilang kung tama Pagpili ng
ang sinasabi ng pangungusap. Ilagay naman ang M mga salita
kung mali ang pahayag. 40%
1. May masistemang balangkas ang wika. Kaugnayan
sa Paksa
2. Binubuo ng mga tunog at sagisag ang wika. 30%
Orihinalidad
3. Napagkasunduang gamitin ng mga tao ang wika. 20%
Pangkalahata
4. Walang mga tuntuning sinusunod sa paggamit ng
ng Biswal
wika.
10%
5. Ginagamit natin ang wika para makamit natin ang Kabuuan
ating mga kagustuhan. 100%

B. Pagtatalakay Mahusay mong nasagot ang paunang pagsusulit.


(Analisis) Ngayon naman ay talakayin natin ang iba’t ibang
kahulugan ng wika, ihanda mo ang iyong panulat at
kuwaderno upang magtala ng mga salita na iyong
mababasa at napapakinggan.

Ano nga ba ang wika?


- Nagmula sa wikang Malay, samantalang ang
salitang lengguwahe ay nagmula sa Latin
naisinalin sa Ingles bilang language. Ang iba’t
ibang salitang ito ay tumutukoy sa “dila”.

Cambridge Dictionary
- Isang sistema ng komunikasyong nagtataglay ng
mga tunog, salita at gramatikang ginagamit sa
pakikipagtalastasan ng mga mamamayan ng
isang bayan o sa iba’t ibang uri ng gawain.
Ayon kay Thomas Carlyle
- Ang wika bilang saplot ng kaisipan; gayunman,
mas angkop marahil sabihin ang wika ay ang
saplot-kalamnan, ang mismong katawan ng
kaisipan ng bawat isa.
Ayon kay Henry Gleason Allan Gleason
- Ang wika ay masistemang balangkas ng
sinasalitang tunog na pinili at isinaayos sa
paraang arbitraryo upang magamit ng mga
taong kabilang sa iisang kultura.
Ayon kina Pamela Constantino at Galileo Zafra
- Ang wika ay isang kalipunan ng mga salita at
ang pamamaraan ng pagsasama-sama ng mga
ito para magkaunawaan o makapagkomyunikeyt
ang isang grupo ng mga tao.
Ayon kay Archibald A. Hill
- Ang wika ay pangunahin at pinakaelaboreyt na
anyo ng simbolikong gawaing pantao.
Ang Wikang Pambansa
-May humigit kumulang 150 wika at dayalekto ang
umiiral sa ating bansa.
-Ang wikang ito ang magbubuklod sa atin bilang
mamamayan ng bansang Pilipinas at tatawaging
wikang pambansa.
Taong 1934
-Iminungkahi ng grupo ni Lope K. Santos na ang
wikang pambansa ay dapat ibatay sa isa sa mga
umiiral na wika sa Pilipinas.
-Ito ay sinusugan ni Manuel L. Quezon na noo’y
Pangulo ng Pamahalaang Komonwelt ng Pilipinas.
Ang Wikang Opisyal
-ay ang wikang maaaring gamitin sa anumang uri
ng komunikasyon
Ang Wikang Panturo
-ito ay opisyal na wikang ginagamit sa pormal na
edukasyon.
Makikita sa ibaba ang pahayag ni G. Gerome Nicolas
C. Paglalahat Dela Peña, isang guro, makata, manunulat at
(Abstraksyon) tagapagtanggol ng wika patungkol sa paksang “ The
Filipinologist”. Basahin mo itong maigi at pagkatapos
itala o isulat kung paano ginamit ang konsepto ng wika
sa dayagram upang makabuo ng sariling
pagpapakahulugan sa wika na batay sa araling
tinalakay. Makikita mo din ang rubriks na iyong
isasaalang-alang sa pagtataya sa pagbuo ng iyong
kahulugan. Maligayang Pagsagot!
1. “Ang Filipinolohiya ay isang disiplina na ang
pangunahing layunin ay mabuo tayo muli bilang nasyon
o bayan.”

2. “Aralin nating muli ang ating indigeneous identity,


ating mga kultura.”

3. “ Sa pamamagitan ng pananaliksik muli kong


nababalikan ang integral na bahagi ng ating kasaysayan
at upang maintindihan natin ng lubos ang nagaganap
na penomenon sa kasalukuyan.”

4. Inter-disciplinary hindi lamang sa wika at panitikan


kundi pati sa larangan ng media, pelikula, print media,
nag-aaral din kami ng sosyolohiya na may kinalaman sa
pilosopiyang Filipino lalo na sa panahon ng Fake News.”

Rubriks sa Pagtataya
Lalim ng Repleksyon 40
Organisasyon 40
Presentasyon 20
Kabuuan : 100

Pagkatapos ay sagutan ang mga katanungan:


1. Batay sa iyong sariling karanasan, paano mo
masasabing ang wika ay masistemang balangkas
ng sinasalitang tunog na pinili at isinaayos sa
paraang arbitraryo upang magamit ng mga
taong kabilang sa iisang kultura?
- Magbigay ng halimbawa
2. Sa iyong papanaw tama ba ang sinabi ni
Archibald A. Hill na ang wika raw ay
pangunahin at pinakaelaboreyt na anyo ng
simbolikong gawaing pantao?Patunayan.
3. Batay sa iyong kaalaman, paano mo
masasabi na ang wika ay ang mga salita at
ang pamamaraan ng pagsasama-sama ng mga
ito para magkaunawaan o makapagkomyunikeyt
ang isang grupo ng mga tao.

D. PAGLALAPAT: Panuto:Ang buong klase ay hahatiin sa apat na


(Aplikasyon) grupo.Bawat grupo ay bibigyan ng mga papel na
kung saan nakasulat ang nakaatas sa kanilang
konsepto ng wika. Ang gagawin lamang ay isadula
ang mga konseptong ito batay sa kung ano ang
isinasaad ng pangungusap.
Rubriks:
Kaangkupan ng mga detalye- 5
Kagandahan ng pagpepresenta-3
Kooperasyon-2
Kabuaan-10
Unang Pangkat- Cambridge Dictionary
- Isang sistema ng komunikasyong nagtataglay ng
mga tunog, salita at gramatikang ginagamit sa
pakikipagtalastasan ng mga mamamayan ng
isang bayan o sa iba’t ibang uri ng gawain.
Ikalawang Pangkat- Ayon kay Henry Gleason Allan
Gleason
- Ang wika ay masistemang balangkas ng
sinasalitang tunog na pinili at isinaayos sa
paraang arbitraryo upang magamit ng mga
taong kabilang sa iisang kultura.
Ikatlong Pangkat- Ayon kina Pamela Constantino at
Galileo Zafra
- Ang wika ay isang kalipunan ng mga salita at
ang pamamaraan ng pagsasama-sama ng mga
ito para magkaunawaan o makapagkomyunikeyt
ang isang grupo ng mga tao.
Ikaapat na Pangkat- Ayon kay Archibald A. Hill
- Ang wika ay pangunahin at pinakaelaboreyt na
anyo ng simbolikong gawaing pantao.

Panuto:Basahin at unawaing mabuti ang bawat


pahayag. Kung ito ay tama, isulat ang salita TAMA at
E. EBALWASYON kung mali, isulat ang MALI. Isulat ang sagot sa
isangkapat na papel.
1. Napagkasunduang paggamit ng wika ang ibig sabihin
ng arbitraryo sa wika.
2. Ang anyong simbolikong gawaing pantao ayon kay
Hill ay ang pakikinig,
pagbabasa, pagsulat at panonood.
3. Ang mamamayang gumagamit ng wika ay ang mga
taong naninirahan sa isang
lugar.
4. Lumilikha ng mga tunog ang wika.
5. Nababatay sa mga kultura ang wika ng ginagamit ng
mga tao sa isang lugar.
6. Matatawag na isang lipunan ang isang grupo kung
wala silang isang wikang
ginagamit.
7. Anomang anyo na pagpaparating ng damdamin o
ekspresyon, may
tunog man o wala ang wika.
8. Maituturing na wika ang anomang tunog na
maririnig.
9. Magbubuklod sa isang lipunan na mayroong
maraming kultura ang wika.
10. Nagpapakilala sa isang lahi o bansa pati ang
kasarinlan nito ang wika.
F. KASUNDUAN:
Bilang isang mag-aaral, paano mo maiuugnay ang mga
konseptong pangwika sa mga napakinggang sitwasyon
sa radyo, talumpati at panayam batay sa kasalukuyang
pangyayari sa bansa kahulugan ng wika sa
kasalukuyang pangkomunikasyon ng bansa?

V. MGA TALA

VI. PAGNINILAY

#mag-aaral na
nakakuha ng 80%
sa ebalwasyon

#mag-aaral na
nakakuha ng 80%
pababa

Mga
mahahalagang
natutunan

Inihanda ni:

DONNA P. PEŇAS

GURO SA FILIPINO

You might also like