You are on page 1of 14

KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK

SA WIKA AT KULTURANG FILIPINO


MODYUL 1

Natutukoy ang mga kahulugan at kabuluhan ng mga konseptong pangwika


K to 12 BEC CG: F11PT – Ia – 85

.Naiuugnay ang mga konseptong pangwika sa mga napakinggan/napanood na


sitwasyong pang komunikasyon sa radyo, talumpati, mga panayam at telebisyon
K to 12 BEC CG: F11PN – Ia – 86

1
Pangalan: ______________________________ Petsa:_____________________
Baitang/Seksyon: ________________________ Iskor:______________________

PINAKAMAHALAGANG KASANAYANG PAMPAGKATUTO:

Natutukoy ang mga kahulugan at kabuluhan ng mga konseptong pangwika


 K to 12 BEC CG: F11PT – Ia – 85
Naiuugnay ang mga konseptong pangwika sa mga napanood na sitwasyong
pangkomunikasyon sa telebisyon.
 K to 12 F11PD – lb - 86

ALAMIN NATIN

Isa sa mga pinakadakilang biyaya ng Diyos sa tao ay ang wika. Ito ay isang midyum
upang maibahagi ng isang indibidwal ang kanyang mga iniisip, nakikita, at nadarama sa
paraang pasalita at pasulat.

Sa tulong ng wika, nakabubuo ang tao ng mga paraan upang maiangkop nito ang
kanyang sarili sa lipunang kanyang kinabibilangan. Nakaiisip siya ng mga panuntunan sa
pagtahak niya sa landas ng buhay.
Ang salitang Latin na lingua ay nangangahulugang “dila” at “wika” o lengguwahe.”.
Ito ang pinagmulan ng salitang Pranses na langue nangangahulugan ding dila at wika.
Kalaunan ito’y naging language na siya na ring ginamit na katumbas ng salitang lengguwahe
sa wikang Ingles. Sa maraming wika sa mundo, ang salitang wika at dila ay may halos
magkaparehong kahulugan. Ito marahil ay sa dahilang ang dila ay konektado sa pasalitang
pagbigkas dahil ang iba’t ibang tunog ay nililikha sa pamamagitan ng iba’t ibang posisyon ng
dila. Kaya naman, ang wika ay may tradisyonal at popular na pagpapakahulugang sistema ng
arbitraryong vocal-symbol o sinasalitang tunog na ginagamit sa pakikipagtalastasan sa isa’t
isa.
Halina at tuklasin pa natin ang mga konseptong pangwikang makatutulong upang lalo
mo pang mapaghusay ang iyong kakayahan at kaalaman sa interaksyong komunikatibo.

Ano nga ba ang wika? Subukan mong isulat sa mga bilog ang iyong sariling
pagpapakahulugan.

2
Narito ang iba’t ibang pakahulugan sa wika ayon sa ilang mga dalubhasa at mananaliksik.

Hutch (1991) Edward Sapir Henry Gleason Dr. Jose Villa Virgilio Almario
(1961) Panganiban (2018)
Ang wika ay Ang wika ay isang Ang wika ay Ang wika ay Ang wika, ang una at
sistema ng tunog likas at makataong masistemang pagpapahayag ng pangunahing
o sagisag na pamamaraan ng balangkas ng kuro-kuro at pamanang
ginagamit ng tao paghahatid ng mga sinasalitang tunog damdamin sa pangkultural ng bawat
sa kaisipan, na pinili at pamamagitan ng pangkat ng tao,
komunikasyon. damdamin at isinaayos sa mga salita upang pinakamahalaga ito sa
mithiin. paraang arbitraryo makipag-unawaan lahat ng tinatawag
upang magamit ng sa kapwa tao. Ito natin na intangible
mga taong kabilang ay binubuo ng mga cultural heritage.
sa isang kultura. saliata, parirala, at
pangungusap.

Tulad ng iba pang konsepto, ang wika bilang mahalagang midyum ng komunikasyon
ay nagtataglay rin ng iba’t ibang katangian.

1. Ang wika ay masistemang balangkas – ang wikang ginagamit ng bawat tao sa


daigdig ay sistematikong nakaayos sa isang tiyak na balangkas.
Halimbawa:
Nagsisikap Bert buhay
upang magtagumpay
Mapapansing batay sa mga salitang nakalahad sa itaas, tayo ay makabubuo ng
pangungusap na:
Pangungusap: Nagsisikap si Bert upang magtagumpay sa buhay.
2. Ang wika ay sinasalitang tunog –tanging ang sinasalitang tunog lamang na
nagmumula sa tao ang maituturing na wika.
3. Ang wika ay arbitraryo – ang wika ay pinili at isinaayos sa paraang
pinagkasunduan sa isang pook. Ang pagbabagong naganap ay dala marahil ng
impluwensya ng ibang bansang naging kaugnay ng isang bansa dahil sa
pampulitika, panlipunan o pang-ekonomiyang karanasan.

3
Tagalog Pampanga Pangasinan Aklan Waray
baliktad baligtad baliktar baliskad balikad
4. Ang wika ay natatangi – ang bawat wika ay may sariling set ng tunog, mga yunit
panggramatika at sistema ng palaugnayan. Ang bawat wika ay may katangiang
pansarili na naiiba sa ibang wika.
Batayang Salita Kahulugan sa Filipino Kahulugan sa Ilocano

1. Tawa Kasiyahan/ katuwaan Bintana

2. Pigsa Bukol na may nana at mata Lakas

Batayang Salita Kahulugan sa Filipino Kahulugan sa


Pangasinan
1. Sabong Sugal Sahog
2. Bulong Mahinang pagsasalita Dahon

5. Ang wika ay nagbabago – ang panahon ay patuloy na nagbabago kaya ang


pamumuhay ng tao ay nagbabago rin dulot ng agham at teknolohiya. Patuloy na
lumalawak ang talasalitaan ng wika kaya kailangang magbago rin ang ortograpiya
at alpabeto maging ang sistema ng palabaybayan.
Halimbawa:
1. Ang talambuhay ay naging bayografi.
2. Ang kaisipan ay naging ideyolohiya.
3. Ang guro ay naging titser.
MGA BATAYANG KONSEPTONG PANGWIKA
1. WIKANG KATUTUBO (Unang Wika)

Ang itinuturing na “wikang katutubo” ay alinman sa mga wikang kinamulatan ng isang


tao na ang mga magulang ay may angkang katutubo sa Pilipinas. Kabilang sa wikang
katutubo ang mga pangunahing wika gaya ng Tagalog o Waray o ang maliit na gaya ng
Higaonon o Ivatan. Ito rin ang tinatawag na “unang wika” ng isang tao—ang kinagisnan
niyang wika sa pamayanang kinalakihan niya.

Sa Batas Republika Bilang 7104 na lumilikha sa Komisyon sa Wikang Filipino, Seksyon


3- Pagpapahayag ng Patakaran, ipinahahayag na patakaran ng Pamahalaan na tiyakin at
itaguyod ang patuloy na pagpapaunlad, pagpapayaman, at pagpapalaganap ng Filipino na
wikang Pambansa ng Pilipinas, at magsasaalang-alang sa mga wikang katutubo at sa iba pang

4
mga wikang ginagamit ng mga Pilipino. Tungo sa layuning ito, ang Pamahalaan ay
magsasagawa ng kinakailangang hakbang upang maisakatuparan ang naturang patakaran.

Sa 1987 Konstitusyon, nakasaad na wikang opisyal ang Filipino, at hanggang


ipinahihintulot ng batas, ang Ingles. Espesipikong iniutos sa Executive Order No. 335 ang
pagsasalin sa Filipino ng “Panunumpa sa Katungkulan” ng lahat pinuno at tauhan ng
pamahalaan at ang pagsasalin sa Filipino ng mga pangalan ng opisina, gusali, at mga karatula
sa lahat ng opisina at pook publiko.

2. WIKANG OPISYAL
Ang wikang opisyal ang itinadhana ng batas na maging wika sa opisyal na talastasan ng
pamahalaan. Ibig sabihin, ito ang wika na maaaring gamitin sa anumang uri ng
komunikasyon, lalo na sa anyong nakasulat, sa loob at sa labas ng alinmang sangay o
ahensiya ng gobyerno.
Sa 1987 Konstitusyon, nakasaad na wikang opisyal ang Filipino, at hanggang
ipinahihintulot ng batas, ang Ingles. Espesipikong iniutos sa Executive Order No. 335 ang
pagsasalin sa Filipino ng “Panunumpa sa Katungkulan” ng lahat pinuno at tauhan ng
pamahalaan at ang pagsasalin sa Filipino ng mga pangalan ng opisina, gusali, at mga karatula
sa lahat ng opisina at pook publiko.

3. WIKANG PANTURO
Ang wikang panturo bilang opisyal na ginagamit sa pormal na edukasyon. Ito ang wikang
ginagamit sa pagtuturo at pag-aaral sa mga eskuwelahan at ang wika sa pagsulat ng mga aklat
at kagamitan sa pagtuturo sa silid-aralan. Ang itinatag na pambansang sistema ng edukasyon
ng mga Amerikano sa umpisa ng ika-20 siglo ay monolingguwal.
Ang ibig sabihin, may iisang wikang panturo—ang wikang Ingles. Nagsimulang ipagamit
ang Wikang Pambansa bilang wikang panturo sa panahong Komonwelt at para sa edukasyon
ng mga magiging guro ng Wikang Pambansa.
Ayon sa itinadhana ng ating Saligang Batas ng 1987, Artikulo XIV , Seksiyon 7,
“ Ukol sa layunin ng komunikasyon at pagtuturo, ang mga wikang opisyal ng Pilipinas
ay Filipino at hanggang walang itinatadhana ang batas, Ingles, Ang mga wikang
panrehiyon ay pantulong na mga wikang opisyal sa mga rehiyon at magsisilbing pantulong
na wikang panturo roon.
Dapat itaguyod nang kusa at opsiyonal ang Kastila at Arabic.”

5
4. WIKANG PAMBANSA
Isang wikang magiging daan ng pagkakaisa at pag-unlad bilang simbolo ng kaunlaran ng
isang bansa. Ang layunin sa pagkakaroon ng isang wikang pambansa ay ang mabilis na
pagkakaunawaan at ang pagsibol ng damdamin ng pagkakaisa ng mga mamamayan na may
iba-ibang wikang katutubo. Katulong ito ng isang pambansang watawat, pambansang awit, at
iba pang pambansang sagisag sa pagtatatag ng isang pambansang pamahalaan.

Artikulo XIV, Seksiyon 3 NG Saligang Batas 1935

“Ang Kongreso ay gagawa ng mga hakbang tungo sa pagkakaroon ng isang wikang


pambansang ibabatay sa isa sa mga umiiral na katutubong wika. Hangga’t hindi
itinatakda ng batas, ang wikang Ingles at Kastila ang mananatiling opisyal na wika.”

Noong Disyembre 30, 1937, iprinoklama ni Pangulong Manuel L. Quezon ang


wikang Tagalog upang maging batayan ng Wikang Pambansa base sa rekomendasyon
ng Surian sa bisa ng Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134. Magkakabisa ang
kautusang ito pagkaraan ng dalawang taon.

Sa probisyon ng Saligang Batas ng 1987 Artikulo XIV, Seksiyon 6, sinasabing “ Ang


wikang Pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nililinang, ito ay dapat
payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na mga wika sa Pilipinas at sa iba pang
mga wika.

ANTAS NG WIKA AYON SA PORMALIDAD


A. Mga Salitang Impormal o Di Pormal – mga salitang karaniwang ginagamit sa
pakikipag-usap sa mga kakilala o kaibigan. Ito ay nauuri sa tatlo:
1. Balbal (Slang) – ang tawag sa mga salitang karaniwang ginagamit sa mga kalye
kaya’t madalas na tinatawag ding salitang kanto o salitang kalye. Hindi ito
pinahihintulutang gamitin sa pormal na pagtitipon o pagsulat.
Halimbawa:
Amerikano - Kano Pera - Datung
Tigas - Astig Sigarilyo - Yosi

6
2. Kolokyal (Colloquial)- mga salitang di-pormal na ginagamit sa pang-araw- araw
na pakikipag-usap. Madalas na ginagamitan ng pagpapaikli o pagkaltas ng ilang
letra upang mapaikli ang salita o kaya’y mapagsama ang dalawang salita.

P’re mula sa salitang Pare Meron mula sa salitang mayroon


Kelan mula sa salitang kailan Te’na mula sa Tara na
Pa’no mula sa salitang paano Nasan mula sa salitang nasaan

3. Lalawiganin (Provincialism) – mga salitang karaniwang ginagamit sa mga


lalawigan. Mapapansin na ang mga lalawiganing salita ay may taglay na
kakaibang tono o bigkas na maaaring magbigay ng ibang kahulugan.

Halimbawa:
 Tanan mula sa salitang Bisaya na ibig sabihin ay “lahat”
 Ngarud salitang Ilokano na ang ibg sabihin ay “nga”
 Manong at manang salitang Ilocano na ibig sabihin ay “kuya at ate”
 Ambot salitang Bisaya na ang ibig sabihin ay “ewan”

B. Mga Salitang Pormal – mga salitang istandard dahil ang mga ito ay ginagamit ng
karamihan ng mga nakapag-aral sa wika. Ito’y ginagamit sa mga panayam, gawaing-
kapulungan, sa mga aklat at mga sulating pang-intelektwal.

1. Pambansa - ang mga salitang ito ang ginagamit sa mga aklat, babasahin at
sirkulasyong pangmadla.Ito rin ang wikang ginagamit sa mga paaralan at sa
pamahalaan.

2. Pampanitikan – ito ang pinakamataas na uri ng wika. Mayaman ito sa paggamit ng


mga idyoma o tayutay. Kadalasang ginagamit ng mga manunulat, dalubhasa at
mananaliksik.
Halimbawa:

Mabulaklak ang dila - magandang manalita


Di-maliparang – uwak - siksikan
Kaututang- dila - kakwentuhan
Kahiramang suklay - kaibigan

7
PAGSASANAY
I.Panuto: Isulat sa iyong sagutang papel ang titik ng pinakaangkop na sagot sa bawat
katanungan.
1. Ano ang tawag sa wikang ginagamit ng isang tao sa pamayanang kanyang kinalakhan?
a. Wikang Opisyal c. Wikang Pambansa
b. Unang wika d. Wikang Panturo
2. Alin sa mga sumusunod ang wikang ginagamit sa mga transaksyon at komunikasyon
sa pamahalaan?
a. Lingua franca c. Wikang Pambansa
b. Wikang Opisyal d. Wikang Panturo
3. Ayon sa kanya, ang wika ay sistema ng mga tunog na isinaayos sa paraang arbitraryo.
a. Edward Sapir c. Henry Allan Gleason Jr.
b. Paz Hernandez d. Lope K. Santos
4. Ito ang diyalektong pinagbatayan ng Wikang Filipino.
a. Ingles c. Ilocano
b. Waray d. Tagalog
5. Ang layunin nito ay ang pagkakaroon ng mabilis na pagkakaunawaan at ang pagsibol
ng damdamin ng pagkakaisa ng mga mamamayan.
a. Lingua franca c. Wikang Pambansa
b. Wikang Opisyal d. Wikang Panturo
6. “Ang wikang Pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nililinang, ito ay dapat
payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na mga wika sa Pilipinas at sa iba pang
mga wika”. Ito ay ayon sa __________”.
a. Saligang Batas ng 1987 Artikulo XIV, Seksiyon 6
b. Artikulo XIV, Seksiyon 3 NG Saligang Batas 1935
c. Executive Order No. 335
d. Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134
7. Iniuutos sa batas na ito ang pagsasalin sa Filipino ng “Panunumpa sa Katungkulan”
ng lahat pinuno at tauhan ng pamahalaan at ang pagsasalin sa Filipino ng mga
pangalan ng opisina, gusali, at mga karatula sa lahat ng opisina at pook publiko.
a. Saligang Batas ng 1987 Artikulo XIV, Seksiyon 6
b. Artikulo XIV, Seksiyon 3 NG Saligang Batas 1935
c. Executive Order No. 335
d. Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134
8. Ang tawag sa wikang opisyal na ginagamit sa pormal na edukasyon.
a. Lingua franca c. Wikang Panturo
b. Wikang Pandaigdig d. Wikang Opisyal
9. Ayon sa kanya ang wika ay sistema ng tunog o sagisag na ginagamit ng tao sa
komunikasyon
a. Hutch c. Henry Gleason
b. Sapiro d. Charles Darwin
8
10. Ito ang Wikang Pambansa ng Pilipinas.
a. Filipino c. Ingles
b. Tagalog d. Ilocano
II. Panuto: Ipaliwanag ayon sa sariling pang-unawa ang mga inilahad na konseptong
pangwika ng ilang dalubhasa. (K to 12 BEC CG: F11PT – Ia – 85). Isulat ito sa iyong
sagutang papel.
Dalubhasa sa pag-aaral ng wika Sariling Paliwanag
1. Dr. Jose Villa Panganiban
2. Edward Sapir
3. Henry Gleason Jr.
4. Virgilio Almario
III. Panuto: Panoorin ang mga sumusunod na video at pagkatapos ay sagutin ang mga gabay
na tanong. K to 12 BEC CG: F11PN – Ia – 86
1. Word of the Lourd: Coronaversary
Mar 17, 2021
https://www.youtube.com/watch?v=wYVrcy_R3Wc
2. Bawal ang Pasaway: Mga plano ni Mayor Vico Sotto para sa mga informal
settler sa Pasig City, alamin
Aug 21, 2019
https://www.youtube.com/watch?v=c1VXdn5Qr6I
1. Anong uri ng wika ang ginamit ng mga hosts ng bawat programa? Naging epektibo
ba ito upang mahikayat nila ang mga manonood na maging interesado sa paksang
kanilang tinalakay?
2. Angkop ba ang wikang ginamit ng hosts at ng mga bisita? Ilarawan ang paraan ng
kanilang pananalita.
3. Iugnay ang wika na kanilang ginamit sa wikang ginagamit mo sa kasalukuyan
kapag kausap mo ang iyong kaibigan, pamilya at mga guro. Gamitin ang kasunod
na mga bilog.

Wikang Wikang ginamit sa Wikang


ginagamit mo napanood na ginagamit mo
sa kaibigan panayam/ video sa pamilya

Wikang Wikang ginagamit


ginagamit mo mo sa matatandang
sa pakikipag- miyembro ng
usap sa mga lipunan
guro
9
LAGUMANG PAGSUSULIT
I-A. Panuto: Isulat ang TAMA kung ang pangungusap ay nagpapahayag ng katotohanan at MALI
naman kung ito’y taliwas sa mga konseptong pangwikang tinalakay.
________1. Iprinoklama ni Pangulong Manuel L. Quezon ang wikang Tagalog upang
maging batayan ng Wikang Pambansa base sa rekomendasyon ng Surian
sa bisa ng Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134.
________2. Balbal ang tawag sa mga salitang karaniwang ginagamit sa mga kalye
kaya’t madalas na tinatawag ding salitang kanto o salitang kalye.
________3. Ang wika ay may tradisyonal at popular na pagpapakahulugang sistema
ng arbitraryong vocal-symbol o sinasalitang tunog na ginagamit sa
pakikipagtalastasan sa isa’t isa.
________4. Ang mga pormal na uri ng wika ay ginagamit lamang ng mga nakapag-
aral o edukado.
________5. Pinaiikli o kinakaltas ang ilang letra ng mga salitang kolokyal.
I-B. Panuto: Bilugan ang salitang balbal at pampanitikan na ginamit sa usapan at ibigay ang
kahulugan nito.
1. “Cyril, may tipar kina Jane kagabi”.
Kahulugan: _____________________________

2. “Dehins ako nakarating sa usapan namin kaya tuloy nagalit ang grupo sa akin”
Kahulugan: _____________________________
3. “ Ang pag-iisang – dibdib nina Johnny at Jenny ay nagdulot ng kasawian kay
Andrew”.
Kahulugan: _____________________________
4. “ Wala na akong kyona, saka na lang tayo mag-milk tea”.
Kahulugan: _____________________________
5. “ Malabong magkatampuhan ang dalawang iyan, palibhasa’y magkakiskisang
siko sila mula pa pagkabata”.
Kahulugan: _____________________________
II. Panuto: Piliin ang tamang sagot mula sa mga pagpipilian sa bawat aytem.Isulat lamang ang titik o
letra ng mapipili mong sagot sa hiwalay na papel o notbuk.
______ 1. Ginagamit ang Wikang Filipino upang magkaintindihan ang mga Pilipinong may
iba’t ibang Unang wikang kinagisnan. Ang Filipino rito ay ginagamit bilang______.
a. Wikang Pambansa b. Wikang Opisyal
c. Lingua Franca d.Wikang Panturo
_______2. Alin sa mga sumusunod na wika ang ginagamit bilang wikang panturo sa mga paaralang
Pang-sekundarya?
a. Tagalog at Bisaya b. Maranao at Bisaya
c. Ingles at Filipino d. Ingles at Kastila
_______3. Ipinahahayag sa Sek.7 artikulo bilang ______ ng Saligang batas ng 1987 na ang Wikang
Opisyal sa Pilipinas ay Filipino hangga’t walang ibang itinatadhana ang
batas,gagamitin din ang Wikang Ingles.
a. XV b. XII
c. XIV d.XVI
_______4.Ito ang pinakamataas na uri ng wika. Mayaman ito sa paggamit ng mga
idyoma o tayutay. Kadalasang ginagamit ng mga manunulat, dalubhasa at
mananaliksik.
10
a. Balbal b. Pampanitikan
c .Kolokyal d. Lalawiganin
_______5. Ito ang pinakamababang uri ng wika na kadalasang tinatawag ring salitang
kanto o salitang kalye.
a.Balbal b.. Pampanitikan
c.Kolokyal d. Lalawiganin
III. Panuto: Sagutin sa iyong pinakapayak na pananalita ang bawat katanungan. Gamitin ang rubriks
na nasa ibaba upang magkaroon ng batayan sa pagtugon.

5 4 3 2 1
Pamantayan Napakahusay Mahusay Katanggap- Mapaghuhusay Nangangailangan pa ng
Puntos
tanggap pantulong na ideya
Nilalaman
*Lawak at lalim ng
pagtalakay
Balarila
*Wastong gamit ng wika
* Paglimita sa paggamit
ng hiram na salita
Hikayat
*Lohikal na pagkakaayos
at pag-uugnay ng mga
ideya
KABUOAN

1. Bakit kinakailangan ng ating bansa na magkaroon ng isang wikang pambansang magagamit at


mauunawaan ng nakararaming Pilipino?
2. Sa paanong paraan sinuportahan ni dating Pangulong Manuel L. Quezon ang pagkakaroon ng
wikang Pambansa? Nararapat ba ang parangal sa kanya bilang “Ama ng Wikang Pambansa”?
Ipaliwanag.
3. Sakaling ikaw ay mabibigyan ng pagkakataong mamili ng batayang dayalekto para sa
pagkakaroon ng pambansang wika, alin sa mga sumusunod na dayalekto ang pipiliin mo?
Maglahad ng mga dahilan.
1.Ilocano 3. Cebuano
2.Pangasinan 4. Tagalog

IV. Panuto: Panoorin ang video ng isinagawang Presidential Debates 2016,


https://youtube.com/watch?v=EfagynCwfdE&feature=share. Suriing mabuti ang pahayag ng mga
magkakatunggali sa eleksyon. Tukuyin kung alin sa mga antas ng wika ang kanilang ginamit. Itala
ang mga eksaktong pangungusap at ibigay ang sariling pananaw tungkol sa kanilang mga tinuran.
(Gawing batayan ang rubriks sa ibaba sa pagpapahayag ng sariling reaksyon).

11
Pangalan ng Tagapagsalita Eksaktong Antas ng Wikang Sariling Reaksyon sa
Pahayag Ginamit ng Pahayag ng
Tagapagsalita Tagapagsalita

JEJOMAR BINAY

MIRIAM DEFENSOR-
SANTIAGO
RODRIGO ROA DUTERTE

GRACE POE
MAR ROXAS

Pamantayan sa Pagmamarka ng Sariling Reaksyon (Ikaapat na kolum)

Kraytirya Napakahusay Mahusay Nalilinang Nagsisimula


(5 puntos) (4 puntos) (3 puntos) (2 puntos)
Nilalaman Kumpleto at Kumpleto ang May ilang Maraming kakulangan
komprehensibo nilalaman ng kakulangan sa sa nilalaman ng
ang nilalaman ng pahayag. Wasto nilalaman ng pahayag.
pahayag. ang mga pahayag.
impormasyon.
Presentasyon Mahusay na Maayos na Hindi gaanong Hindi maayos ang
nailahad ang nailahad ang maayos ang paglalahad ng opinyon.
opinyon. opinyon paglalahad ng Hindi maunawaan ang
Nauunawaan ang opinyon. nilalaman ng pahayag.
nilalaman ng Hindi gaanong
pahayag. nauunawaan ang
nilalaman ng
pahayag.
Organisasyon Organisado at Malinaw ang May bahaging di- Maraming bahagi ang
malinaw ang paglalahad ng mga malinaw sa hindi malinaw sa
paglalahad ng mga kaisipan paglalahad ng mga paglalahad ng kaisipan
kaisipan kaisipan.

Kabuoang Iskor

12
Susi sa Pagwawasto:
PAGSASANAY
I. 1. B II. Sariling paliwanag ng mag-aaral
2. B tungkol sa konseptong pangwika
3. C
4. D III. Sariling sagot ng mag-aaral
5. C
6. A
7. C
8. C
9. A
10. A
7

Sanggunian:

Internet

https://www.youtube.com/watch?v=wYVrcy_R3Wc

https://www.youtube.com/watch?v=c1VXdn5Qr6I

https://youtube.com/watch?v=EfagynCwfdE&feature=share.

https://philnews.ph/2021/02/12/ano-ang-konseptong-pangwika-halimbawa-at-kahulugan-nito/

https://www.ateneo.edu/grade-school/news/features/ang-kahalagahan-ng-pagtuturo-ng-wikang-
filipino-sa-mga-bata

Aklat

1. Vega, Sheilee Boras, PhD. - Ang Wikang Filipino, Bilang Wikang Panlahat Ang
Kasaysayan ng Wikang Pambansa Tungo sa Pagpaplanong Pangwika 1935-2010.
Komisyon sa Wikang Filipino, Quezon City, 2010.

2. Dinglasan, Resurreccion Doctor, PhD. Retorikang Filipino, Rex Book Store, Manila, 2003.

3. Tumangan, Alcomister P., Bernales, Rolando A., Dante C. & Mangonon, Isabela A.Sining ng
Pakikipagtalastasan: Pandalubhasaan.Valenzuela City: Mutya Publishing House Inc. 2000.

13
14

You might also like