You are on page 1of 41

BATAYANG

KAALAMAN
SA WIKA
GAWAIN: Blg.1

Panuto: Ano ang pagpapakahulugan mo sa


Wika? Sagutin sa pamamagitan ng masining
na paraan, ang pagguhit. Maging masining
sa paglalahad o paglalarawan. Ibahagi sa
klase ang inyong ginawa.(25 puntos)
WIKA
Ito ay pangunahing kasangkapan ng
komunikasyon.
Nagiging posible ang pag-uunawaan sa
pagitan ng mga tao dahil sa paggamit ng wika
na maaring nasa anyong pasalita o pakilos.

Ito ay instrumento ng pagkakaunawaan para


sa lahat ng mga ugnayang panlipunan.
Ito ay mayaman at malawak na larangan.
Ayon sa aklat nina Mangahis et al.
May mahalagang papel na
ginagam-panan ang wika sa
pakikipagtalastasan. Ito ang
midyum na ginagamit sa maayos na
paghahatid at pagtanggap ng men-
sahe na susi sa pagkakaunawaan.
Ayon kina Pamela C. Constantino at
Galileo S. Zafra,

ang Wika ay isang kalipunan ng mga


salita at pamamaraan ng pagsasama-
sama ng mga ito para magkaunawaan o
makapag-usap ang isang grupo ng mga
tao.
Ayon kay Henry Gleason
Wika ay masistemang
balangkas ng sinasalitang
tunog na pinipili at isinasaayos
sa paraang arbitraryo upang
magamit ng mga taong
kabilang sa isang kultura.
Ayon sa aklat nina Bernales et
al. mababasa ang kahulugan ng
Wika bilang proseso ng pagpapadala
at pagtanggap ng mensahe sa
pamamagitan ng simbolikong cues
na maaring berbal o di-berbal.
Ayon kay Bienvenido Lumbera
Wika ay parang hininga. Gumagamit tayo ng
wika upang kamtin ang bawat pangangailangan
natin.

Ayon kay Alfonso O. Santiago


Wika ang sumasalamin sa mga mithiin, lunggati,
pangarap, damdamin, kaisipan o saloobin,
pilosopiya, kaalaman at karunungan, moralidad
at paniniwala at mga kaugalian ng tao sa lipunan.
Ayon sa diksiyonaryo

Wika ay sistema ng
komunikasyon ng mga tao sa
pamamagitan ng mga pasulat o
pasalitang simbolo.
Ayon sa UP Diksyonaryong
Filipino
Wika ay lawas ng mga salita at
sistema ng paggamit ng mga ito na
laganap sa isang sambayanan na
may iisang tradisyong pangkultura
at pook na tinatahanan.
Sa pangkalahatan, ang WIKA ay kabuuan
ng mga sagisag na binubuo ng mga tunog na
binibigkas o sinasalita at ng mga simbolong
isinusulat.

Sa pamamagitan ng wika, nagka-kaunawaan,


nagkakaugnayan, at nagkakaisa ang mga tao.

Ito ay kasangkapan upang mai- pahayag ng


tao ang kaniyang iniisip,
maibahagi ang kanyang mga karanasan at
maipadama ang kaniyang nararamdaman

– Bawat bansa ay may sariling wikang


nagbibigkis sa damdamin at kaisipan ng
mga mamamayan at sumasalamin sa
kultura at pinagdaanang kasaysayan nito.
GAMIT at
KAHALAGAHAN
ng WIKA
1. Instrumento sa komunikasyon –
mahihirapang magtagumpay ang
isang komunikasyon kung walang
wika sapagkat hindi lamang sa
pagpapalitan ng mensahe ito
ginagamit kundi sa pagkatuto at sa
pagkalat ng karunungan at kaalaman
sa mundo.
2. Mahalaga ang wika sa pagpapanatili,
pagpapayabong at pagpapalaganap
ng kultura - nagkakahiraman ng kultura ang
mga bansa. Kung walang wika, walang
magagamit na pantawag sa tradisyon at
kalinangan , paniniwala at pamahiin, at sa
mga bagay na kaugnay ng pamumuhay at
paraan ng pamumu-hay ng mga tao.
Naipakikilala ang kultura dahil sa wika.
Yumayaman ang wika dahil sa kultura.
3. Wika ay nangangahulugan ng
kalayaan at soberanya ng isang
bansa - kapag may sariling wikang
ginagamit ang isang bansa ito ay malaya
sapagkat nag-aangkin ito ng sariling wikang
lilinang sa pambansang paggalang at
pagkilala sa sarili. Ang wika ay
tagapagpanatili ng pambansang kamulatan
at tagapagbandila ng pagkakakilanlan ng
isang bansa at mga mamamayan nito.
Nagsisilbing tagapag- ingat at
4.

tagapag- palaganap ng mga


karunungan at kaalaman – bawat bansa
ay may kani-kaniyang yaman ng mga
karunungan at kaalaman kung saan ang mga
nakaimbak na karunungan at kaa- laman sa
dila at isip ng sinaunang mamamayan ay
nagagawang magpasalinsalin sa mga
susunod na heneasyon. Naghihiraman din ng
karunungan at
kaalamang nakasulat at nakalimbag dahil
sa naisalin sa sariling wika.

Halimbawa : ang Bibliya, naisalin sa ibat


ibang wika kayat naipakalat ang
Kristiyanismo, Noli Me Tangere at El
Filibusterismo ni Dr. Jose P. Rizal, Anak ni
Freddie Aguilar.
5 . Wika bilang Lingua Franca o
tulay para magkausap at
magkaunawaan ang iba’t ibang grupo
ng taong may kani-kaniyang wikang
ginagamit. – mas nagkakaunawaan
ang mga tao sa isang bansa at
nakabubuo ng ugnayan ang bawat
bansa sa daigdig.
6
6.Wika sa pakikipagtalastasan at
pakikipag-ugnayan tungo sa
pagkakaunawaaan at pagkakaisa –
walang saysay ang sangkatauhan kung
walang wika. Dahil sa wika nagkakaroon ng
diplomatikong pagkakasundo ng bawat
pamahalaan. Ito ay nagreresulta sa isang
maunlad at masiglang sangkatauhang
bukas sa pakikipagkasunduan sa isat isa.
–KALIKASAN
/KATANGIAN
NG WIKA
“Lahat ng nilikha sa mundo ay may katangian o
kalikasang taglay. Tulad ng tao at iba pang mga bagay
sa mundo, nagtataglay rin ng mga katangian o
kalikasan ng Wika.”

Kalikasan ng Wika

1.Ang wika ay masistemang balangkas


- Binubuo ng makabuluhang tunog o
ponema ang wika ay nakalilikha ng mga
yunit ng salita na kapag pinagsama-sama
Sa isang maayos at makabuluhang
pagkakasunod-sunod ay nakabubuo ng mga
parirala, pangungusap at talata.

2. Ang wika ay arbitraryo – ito ay


pinagkasunduan ang anomang wikang
gagamitin ng mga grupo ng tao para sa
kanilang pang-araw-araw na pamumuhay.
Ginagamit ang wika ng pangkat ng
3.

mga taong kabilang sa isang kultura-


magkaugnay ang wika at kultura at
HINDI maaaring paghiwalayin.
KULTURA- nagpapayaman sa wika
WIKA- nagbibigay ng ngalan o salita
sa lahat ng mga gawaing nakapaloob sa
kultura.
Wika ay buhay at Dinamiko- ito ay
4.

sumasabay sa pagbabago ng panahon, ang


wika ay malayang tumatanggap ng mga
pagbabago upang patuloy itong yumayaman
at yumayabong.

- Namamatay ang wika kapag hindi ito


nakasasabay sa pagbabago ng panahon o
kapag hindi tumatanggap ng mga pagbabago.
- Nagbabago ang anyo, gamit, at kahulugan
ng mga salita ayon sa takbo ng panahon at
sa taong gumagamit nito.

- Dahil nagbabago ang wika, may mga


salitang namamatay o hindi na ginagamit
sa paglipas ng panahon, at may
nadaragdag o naisisilang namang mga
bagong salita sa bokabularyo.
Halimbawa:

Hindi na ginagamit Nadagdag


Kasapwego- posporo humataw
Kula, kusot, ( pelikula)
Sayal- palda
Kolong-kolong- playpen
Natikangkang- nadapa
5. Ang wika ay unique o natatangi
- walang wikang magkatulad na
magkatulad ang katangian.
- May kanya-kanya itong lakas at kahinaan.
- May mga salitang mahirap hanapan ng
eksaktong salin o katumbas sa ibang wika
dahil sa magkaibang kulturang
pinagmulan.
7. Kabuhol ng wika ang Kultura- sapagkat
sinasalamin nito ang paraan ng pamumuhay ng
mga tao.

- Nahihinuha ang kulturang kinabibilangan ng


mga tao dahil sa wikang ginagamit.

- Ayon kay Ricardo Ma. Nolasco, lingguwista at


dating Tagapangulo ng Komisyon ng Wikang
Filipino, may bentahe ang pagkakaroon ng
maraming wika at kultura sa isang bansa.
Bukod sa nabibiyayaan tayo ng maraming
katutubong wika ay mayroon pa tayong Wikang
pambansa, at Wikang internasyonal

- Ang pagtutulungan ng mga wikang ito – lokal


at dayuhan- ay siyang nagpapatotoo kung gaano
ka-linguistically diverse at culturally diverse ang
ating bansa, “ ISANG BAGAY NA DAPAT
NATING IPAGBUNYI AT IAPAGMALAKI.”
Iba pang kaalaman Hinggil sa
Wika:
Wika, Diyalekto, Bernakular
Bilingguwalismo
Multilingguwalismo
Wikang Pambansa
Wikang Panturo
Wikang Opisyal
– Wika- Ang wika ay isang bahagi ng 
pakikipagtalastasan na ginagamit araw-araw.
Kalipunan ito ng mga simbolo, tunog, at mga
kaugnay na bantas upang maipahayag ang nais
sabihin ng kaisipan.
– Diyalekto - Ang diyalekto ay isang natatanging
uri ng wika na ginagamit sa isang rehiyon o
lugar. Ang mga diyalekto ay tinatawag
ding wikain o salitang bernakyular
–Bernakular - Ang salitang bernakular ay
tumutukoy sa anumang  wika o diyalektong ginagamit
sa pagsasalita araw-araw ng karaniwang mga tao sa
isang partikular na lugar. 
–Billinguwalismo - Ang bilingguwalismo ay
tumutukoy sa paggamit o pagkontrol ng tao sa
dalawang wika na tila ba ang dalawang ito ay kanyang
katutubong wika. 
–  Multiliguwalismo – Ang ating bansa ay binubuo
nang madaming wika. Mula sa ating wikang ginagamit
Wikang Panturo

–Ang wikang panturo


ay ang wikang
ginagamit sa pormal na
edukasyon.
Wikang Panturo

–Ito ang wika ng talakayang


guro-mag-aaral na may
kinalaman sa mabisang
pagkatuto dahil dito nakasalalay
ang kaalamang matututuhan sa
klase.
Wikang Panturo

–FILIPINO at INGLES
ang mga opisyal na
wika at wikang panturo
sa mga paaralan.
Wikang Opisyal

–Itinadhana ng batas na
maging wika sa opisyal na
talastasan ng pamahalaan.
Wikang Opisyal

• Ginagamit
sa opisyal na
komunikasyon ng estado sa
kanyang mga mamamayan at
ibang bansa sa daigdig.
Wikang Opisyal
• Bago maging opisyal ang isang wika,
 maraming pag aaral ang isinagawa upang
malaman kung ano ang pinaka karapat
dapat na wika para sa bansa. Tiniyak ng
gobyerno na tama ang pagpili ng wika para
sa buong kapuluan at at nagbigyan daan ito
sa pamamagitan ng pagsaalang-alang ng
ibat' ibang salik.
– Tinatawag na opisyal na wika ang isang
wika na binigyan ng natatanging pagkilala
sa konstitusyon bilang wikang gagamitin
sa mga opisyal na transaksyon ng
pamahalaan .

– Artikulo IV, Seksyon 7, ang wikang opisyal


ng Pilipinas ay Filipino hanggat walang
ibang itinatadhana ang batas, Ingles.
–Dalawa ang opisyal na wika sa Pilipinas
a. Filipino- opisyal na wika sa pag-akda ng
mga batas at mga dokumento ng
pamahalaan.
b. Ingles- bilang isa pang opisyal na wika sa
pakikipag-usap sa mga banyagang nasa
Pilipinas at sa pakikipagkomunikasyon sa
iba’t ibang bansa sa daigdig.

You might also like