Professional Documents
Culture Documents
Katangian ng wika
1. Ang wika ay isang masistemang balangkas dahil ito ay binubuo ng mga makabuluhang tunog
(fonema) na kapag pinagsama-sama sa makabuluhang sikwens ay makalilikha ng mga salita
(morfema) na bumabagay sa iba pang mga salita (semantiks) upang makabuo ng mga pangungusap.
Ang pangungusap ay may istraktyur (sintaks) na nagiging basehan sa pagpapakahulugan sa
paggamit ng wika.
Salitang-ugat = tao, laba, saya, bulaklak, singsing, doktor, dentista Panlapi = mag-, -in-, -um-, -an/-han
Fonema = a *tauhan, maglaba, doktora
c. Sintaksis – pag-aaral ng sintaks; sintaks ay ang tawag sa formasyon ng mga pangungusap sa isang
wika. Sa Filipino, maaaring mauna ang paksa sa panaguri at posible namang pagbaligtaran ito.
Samantalang sa Ingles laging nauuna ang paksa. Hal. Mataas ang puno. Ang puno ay mataas. The
tree is tall. (hindi maaaring ‘Tall is the tree.’ o ‘Tall the tree.’)
d. Semantiks – pag-aaral ng relasyon ng salita sa bawat isa sa iisang pangungusap; ang mga salita sa
pagbuo ng pangungusap ay bumabagay sa iba pang salita sa pangungusap upang maging malinaw
ang nais ipahayag. Hal. Inakyat niya ang puno. Umakyat siya sa puno.
2. Ang wika ay binubuo ng mga tunog. Upang magamit nang mabuti ang wika, kailangang
maipagsama-sama ang mga binibigkas na tunog upang makalikha ng mga salita. (Tingnan ang
ponolohiya)
3. Ang wika ay arbitraryo. Lahat ng wika ay napagkakasunduan ng mga gumagamit nito. Alam ng
mga Ilokano na kapag sinabing [balay], bahay ang tinutukoy nito. Sa Chavacano naman ay [casa]
kapag nais tukuyin ang bahay at [bay] naman sa Tausug samantalang [house] sa Ingles. Kung
sakaling hindi naintindihan ng isang tao ang isang salita o pangungusap ng isang wika,
nangangahulugan na hindi siya bahagi ng kasunduang pangkaunawaan. Ngunit kung pag-aaralan at
matututunan niya ang wika, nangangahulugang sumasang-ayon siya sa kasunduan ukol sa naturang
wika.
4. Ang wika ay may kakanyahan. Lahat ng wika ay may sariling set ng palatunugan, leksikon at
istrukturang panggramatika. May katangian ang isang wika na komon sa ibang wika samantalang
may katangian namang natatangi sa bawat wika. Halimbawa Wikang Swahili – atanipena
(magugustuhan niya ako) Wikang Filipino – Opo, po Wikang Subanon – gmangga (mangga) Wikang
Ingles – girl/girls (batang babae/mga batang babae) Wikang Tausug – tibua (hampasin mo), pugaa
(pigain mo) Wikang French – Francois (pangngalan /fransh-wa/)Mapapansin sa wikang Swahili (isang
wika sa Kanlurang Afrika) isang salita lamang ngunit katumbas nang isang buong pangungusap na
yunik sa wikang ito. Sa Filipino lamang matatagpuan ang mga salitangopo at po bilang paggalang. Sa
Subanon naman, mayroong di pangkaraniwang ayos ng mga fonema gayang di-kompatibol na
dalawang magkasunod na katinig sa iisang pantig na wala sa karamihang wika. SaIngles naman, isang
fonema lamang ang idinagdag ngunit nagdudulot ng makabuluhang pagbabago. SaTausug naman
ang pagkabit ng fonemang /a/ ay nagdudulot na ng paggawa sa kilos na saad ng salitang-ugat. Sa
French naman, mayroon silang natatanging sistema sa pagbigkas ng mga tunog pangwika.
5. Ang wika ay buhay o dinamiko. Patuloy na nagbabago at yumayaman ang wika. Nagbabagu-bago
ang kahulugan ng isang salita na dumaragdag naman sa leksikon ng wika.
6. Lahat ng wika ay nanghihiram. Humihiram ang wika ng fonema at morfema mula sa ibang wika
kaya’t ito’y patuloy na umuunlad. Gaya sa Chavacano, binibigkas na ang ‘ka’ na hiniram sa Visaya
bilang kapalit ng ‘tu’ at ‘bo’. Ang Filipino ay madalas manghiram gaya ng paghiram sa mga salitang
*jip, jus at edukasyon+ na mula sa Ingles na *juice+, *jip+ at Kastilang *educadion+.
7. Ang wika at kultura ay magkabuhol at hindi maaaring paghiwalayin. Maraming salita na hindi
maisalin sapagkat wala silang katumbas sa ibang wika. Dahil sa ganitong pagkakataon, napipilitang
humiram ng salita mula sa isang wika sapagkat hindi komon ang salita sa kultura ng wikang
patutunguhan. Halimbawa, walang katumbas ang /malong/ sa Tagalog sapagkat hindi bahagi ng
kultura ng mga Tagalog ang salitang ito. Ang /lamaw/ naman ng Cebuano ay hindi rin matutumbasan
sapagkat iba ang paraan ng paghahanda ng buko ng mga Cebuano sa iba pang komunidad sa bansa.
9. Nasusulat ang wika. Bawat tunog ay sinasagisag ng mga titik o letra ng alfabeto. Ang tunog na
“bi” ay sinasagisag ng titik na ‘b’. Ang simbolong ‘m’ ay sumasagisag sa tunog na “em”.
Pang –interaksyunal
Katangian :
Pang -instrumental
Pang-regulatori
halimbawa :
Pampersonal
halimbawa:
Pang-imahinasyon
Pangheuristiko
Pang-impormatibo
Ang Pagkakaugnayan ng wikaat Lipunan Lipunan – malaking pangkat ng mga tao na may
karaniwang set ng pag-uugali, ideya at saloobin, namumuhay sa isang tiyak na teritoryo at itinuturing
ang sarili bilang isang yunit. (UP Diksyunaryong Filipino)
Wika – pasalita man o pasulat ay isang instrumentong ginagamit ng mga tao sa loob ng lipunang ito
sa pakikipag-ugnayan nila sa isa’t isa at ang relasyong panlipunan ay hindi iiral kung walang wika.
( Sapir)
Dahil sa anumang pahayag, pagkilos o salita ng isang indibidwal ay nagiging makabuluhan lamang
kung ito ay nakakonteksto sa loob ng lipunan at ibinabahagi sa iba pang indibidwal o grupo.
(Constantino)
Malaki ang ugnayan ng wika at lipunan dahil sa kapwa nila naiimpluwensiyahan at nahuhubog ang
isa’t isa.
Nahahati ang lipunan ayon sa antas ng pamumuhay, lahi, kasarian, edad, hanapbuh ay, interes at
iba pang panlipunang sukatan.
Ang mga tao rin sa loob ng lipunan ay nagpapangkat-pangkat batay sa mga salik na nabanggit.
Sa patuloy na pakikipag-usap o interaksyon ng mga grupo ng taong ito sa iba pang mga grupo o
komunidad, nagkakaroon ng mga katangian ang salita nila na naiiba sa mga miyembro ng ibang
grupo.
Dell Hymes (Wood,2004) – isa sa mga kauna-unahang nagbigay ng depinisyon kung ano ang speech
community.
Ito raw ay ang pangkat ng mga taong hindi lamang gumagamit ng wika sa magkakatulad na paraan
kundi nababatid din nila ang patakaran at pamantayan kung paano ginagamit at nauunawaan ang
mga gawaing pangwika.
Ayon naman kay Labov, nagkakaroon daw ng isang speech community kung may isang pangkat ng
mga taong nagkakaunawaan sa layunin at istilo(salita, tunog,ekspresyon)ng kanilang
pakikipagtalastasan sa paraang sila lamang ang nakakaalam at hindi nauunawaan ng mga taong hindi
kabilang sa kanilang pangkat.
Ginagamit ito, sadya man o hindi para tukuyin ang pagkakabilang sa iba’t ibang panlipunang
pangkat o iba’t ibang komunidad ng tagapagsalita o speech community.
Sa pananaw ng mga sosyolingwistiko, may varayti ang wikang ginagamit ng mga tao sa loob ng
isang lipunan.
Ang iba’t ibang anyo ng wikang ginagamit ng mga speech communities sa isang lipunan ang pinag-
aaralan sa socio-linguistics.
Baryasyon ng Wika
Ang pagkakaiba-iba ng wika ay maiuuri ayon sa dalawang pangunahing dimensyon:
2. Social dialect o sosyolek – baryasyon ng wikang ginagamit ng mga speech communities ayon sa uri,
edukasyon, trabaho, edad at iba pang panlipunang sukatan.
1. heograpiyang lokasyon ng mga speech communities – tumutukoy sa lugar kung saan ginagamit
ang mga partikular na wika na pwedeng pinaghihiwalay ng isang anyo ng tubigan o kabundukan2.
language boundary – bunga ng migrasyon o paglilipat ng komunidad sa ibang lugar, maaaring dahil
sa kalamidad tulad ng lindol o bagyo, giyera o ang unti-unting pagsasama ng dalawang dating
magkahiwalay na komunidad.
Kapag ang dalawang tao ay nag-uusap at gumamit ng magkaibang speech variety at hindi sila
nagkaintindihan, magkaibang wika ang kanilang ginamit.
Samantala, kung ang dalawang nag-uusap ay gumamit ng magkaibang speech variety at nagkaroon
ng kaunting disturbance sa pag- unawa(dahil magkaiba ang punto o pagbigkas ng mga salita o
gumamit ng ibang salita para sa iisang kahulugan), nagsasalita lang sila ng magkaibang diyalekto ng
iisang wika.Hal. Ang Tagalog na sinasalita sa Metro Manila ay may mga diyalekto na: Tagalog-
Bulacan, Tagalog-Batangas, Tagalog-Cavite, Tagalog- Laguna, Tagalog-Quezon, Tagalog-Nueva Ecija.
Idyolek – dayalekto na personal sa bawat ispiker. Ito ay kabuuan ng mga katangian at kagawian sa
pagsasalita ng isang indibidwal. - bawat tao ay may tanging paraan ng paggamit ng wika. (Paz,
2003)Istandard na wika – varayti na ginagamit ng mga nakaaangat sa buhay o mga
maykapangyarihan at hinahangaan o mga may pinag-aralan; nagiging pamantayan ng istatus ng
nagsasalita sa komunidad.
Lingua – franca – wikang komon sa mga tagapagsalita ng iba’t ibang wika sa Pilipinas; makabubuo
ng lingguwistikong varayti o varyasyon sa loob ng wikang ito dulot ng pagiging pangalawa at
pangkalahatang wika nito at ng impluwensya ng mga unang wika.Kaya, may nabubuong Cebuano-
Filipino, Ilokano-Filipino, Hiligaynon- Filipino, Kinaray-a-Filipino, at marami pang iba.
Mga pamamalagay, konseptoat teorya sa varayti ng wika Teoryang sosyo-linggwistiko – batay sa
pamamalagay (assumption) na ang wika ay isang panlipunang penomenon. - nagiging makabuluhan
ang anumang pahayag, aksyon, salita ng isang indibidwal kung ito’y nakakonteksto sa loob ng
lipunan at sinasabi sa ibang indibidwal o grupo. - dahil dito, nakabubuo ng iba’t ibang konteksto ang
paggamit ng wika dahil sa iba’t ibang gawain, papel, interes, saloobin, pananaw ang kasangkot sa
komunikasyon.
2. Teoryang heterogenous – ito ang wikang nagbubunsod sa pagkakaroon ng mga varayti ng wika. -
tinatawag itong linggwistikong varayti ng wika.Hal. Tagalog-Filipino, Ilokano-Filipino, Bicol- Filipino
Naga-Bikol, Legaspi-Bikol, Filipino- English, Singapore-English at marami pang iba.
Diyalekto – varayti ng wika batay sa lugar, panahon at katayuan sa buhay kaya’t may tinatawag na
diyalekton heograpikal, diyalektong temporal, at diyalektong sosyal. - (mula sa salitang Kastilang
dialecto) anyo ng wikang ginagamit sa isang partikular na pook o rehiyon
Dayalek ay wika na katulad din ng bernakular na palasak sa isang pook ng kapuluan. - unang wikang
kinamulatan at ugat ng komunikasyon sa tahanan, pamayanan at lalawigan. - nagsisilbing midyum ng
komunikasyon sa isang pook na kung saan ang nasabing katutubong wika ay nabibilang.
Dayalek – varayti o subordineyt ng wika at ito’y sinasalita sa loob ng mas maliit na grupo.Hal. Ang
Tagalog ay isang wika na sinasalita sa Metro Manila. Ang mga dayalek nito ay Tagalog-Batangas,
Tagalog-Cavite, Tagalog- Nueva Ecija, Tagalog-Laguna, Tagalog- Bulacan at Tagalog-Quezon.
Hal. Tagalog- Marinduque na hindi maikakaila na mas malayo sa ibang mga diyalekto ng Tagalog.3.
Social dialect – naiiba sa heograpikal na diyalekto dahil ito ang sinasalita ng iba’t ibang uri ng tao sa
lipunan.
Instrumental •tumutulong sa tao para maisagawa ang mga gusto niyang gawin. •Tumutugon sa
mga pangangailangan ng tao gaya ng pakikipag-ugnayan sa iba.
•maisasagawa niya ang anuman at mahihingi ang iba’t ibang bagay sa tulong ng wika.
Regulatoryo May gamit ding regulatori ang wika na nangangahulugang nagagamit ito sa pagkontrol
sa mga ugali o asal ng ibang tao, sitwasyon o kaganapan.
• Kabilang dito ang pagbibigay ng mga patakaran o palisi at mga gabay o panuntunan, pag-aaproba
at/o di-pagpapatibay, pagbibigay ng pahintulot at/o pagbabawal, pagpuri at/o pambabatikos,
pagsang-ayon at/o di-pagsang- ayon, pagbibigay paalala, babala at pagbibigay panuto.
• Ang pagbibigay ng direksyon gaya ng pagtuturo ng lokasyon, direksyon sa pagluluto ng isang ulam,
direksyon sa pagsagot ng pagsusulit at direksyon sa paggawa ng anumang bagay ay mga halimbawa
ng tungkuling regulatoryo.
Interaksiyonal
• ginagamit ito sa pagpapanatili ng mga relasyong sosyal, katulad ng pagbati sa iba’t ibang okasyon,
panunukso, pagbibiro, pang-iimbita, pasasalamat, pagpapalitan ng kuro-kuro tungkol sa isang
partikular na isyu.
• Nasa anyo ito ng iba’t ibang pangungusap na padamdam, pagmumura, paghingi ng paumanhin,
pagpapahayag ng mga pansariling damdamin (tuwa, galit, gulat, hinanakit, pag-asa, kagustuhan), at
iba pang pansariling pahayag.
Imahinatibo
Heuristiko
•ginagamit ito ng tao upang matuto at magtamo ng mga tiyak na kaalaman tungkol sa mundo, sa
mga akademiko at/o propesyunal na sitwasyon.
• Nakapaloob din dito ang pakikinig sa radyo, panonood ng telebisyon, pagbabasa ng pahayagan,
magasin, blog at mga aklat kung saan nakakukuha tayo ng impormasyon.
Impormatibo
Ang wika ay instrumento upang ipaalam ang iba’t ibang kaalaman at insight tungkol sa mundo.
Ang ilang halimbawa nito ay pag-uulat, panayam, pagtuturo, pagpapaliwanag, pagsagot, pagtuturo
at pagsusulat ng pamanahunang papel o tesis.
Pagpapahayag ng Damdamin (EMOTIVE) Saklaw nito ang pagpapahayag ng mga saloobin, damdamin
at emosyon.
Paggamit bilang Sanggunian (REFERENTIAL) Ipinapakita nito ang gamit ng wikang nagmula sa aklat
at iba pang sangguniang pinagmulan ng kaalaman upang magparating ng mensahe at impormasyon.
Paggamit ng kuro-kuro (METALINGUAL) Ito ang gamit na lumilinaw sa mga suliranin sa pamamagitan
ng pagbibigay ng komento sa isang kodigo o batas.
Patalinghaga (POETIC) Saklaw nito ang gamit ng wika sa masining na paraan ng pagpapahayag gaya
ng panulaan, prosa, sanaysay atbp.