You are on page 1of 7

EPEKTO NG ARAW-ARAW NA PAGGAMIT NG WIKANG FILIPINO SA LOOB NG

SILID ARALAN NG MGA MAG AARAL NG MATALATALA INTEGRATED

NATIONAL HIGH SCHOOL

Isang pananaliksik na ipinasa kay

Gng. Carina Ramos Sancon

Bilang pagpapatupad sa pambahaging pangangailangan sa

Asignaturang Filipino sa Iba’t Ibang Disiplina

Ipinasa ni:

Jay Em B. Caluma

Seksyon:

BS Criminology 1-A

June 2022
Kabanata 1

ANG SULIRANIN AT KALIGIRANG PANGKASAYSAYAN

Panimula

Napakahalaga ng papel na ginagampanan ng wika noon at maging ngayon.

Nagiging tulay ito tungo sa kapayapaan ng bansang Pilipinas. Mas nagkakaintindihan ang bawat

mamamayan dahil madali at malayang naipapahatid ng mga Pilipino ang kanilang

saloobin at kaisipan. Wikang Filipino rin ang nagiging susi tungo sa pagkakaisa ng mga Pilipino

na siyang kadahilanan ng patuloy na pag-unlad ng ekonomiya ng bansa.

Mahalaga ang wika ng isang bansa katulad ng Wikang Filipino. Ito ay sumisimbolo sa

kultura ng mga Pilipino kung sino, ano, at meron sila (Kitkat,2016). Ang isang bansa na

may sariling wika ay nangangahulugang malayang bansa. Ang wika ay isang paraan ng

komunikasyon at dahil dito, nagkakaintindihan ang lahat ng tao (Martha.C,2014).

Maraming iba’t ibang wika dahil sa archipelago ng hugis ng bansang Pilipinas at tinatawag

itong varayti ng wika. Sabi ng marami, Wikang Ingles ang mas mahalaga kumpara sa Wikang

Filipino dahil ang Wikang Ingles ang pangunahing linggwahe na mas ginagamit ng karamihan

kahit saan man magpunta sa mundo. Pero para sa mga Pilipino at sa mga taong mas nakakaintindi

sa kahalagahan ng wikang Filipino, ito ang sumisimbolo sa katauhan bilang isang Pilipino

(Martha.C,2014).

Sa araw-araw na paggamit ng Wikang Filipino ng mga kabataang mag-aaral ngayon,

nauuso na sa kanila ang paggamit ng iba’t ibang paraan upang mas mapaikli ang pagbigkas at ang

baybay ng Wikang Filipino, ilang halimbawa ng pagpapalawak ng bokabolaryo ay ang paggamit

ng akronim o ang paggamit ng mga letra na sumasagisag sa isang salita o tumatayo bilang kahalili

ng isang salita upang mas madaling maintindihan. Nauuso rin sa mga kabataan ngayon ang
pagpapalit ng mga salita sa ginagamit noong unang panahon upang mas magangdang bigkasin at

pakinggan. At ang pinakauso sa panahon ngayon ay ang paggamit ng mga balbal na salita, ito ang

pinakamababang antas ng wika na karaniwang ginagamit ng mga kabataan. Ang mga mag-aaral

sa urban ay gumagamit ng iba’t ibang pagpapalawak ng bokabularyo na nakaaapekto din sa

kanilang pamumuhay maging sa lipunan at ekonomiya.

Ang pag-aaral na ito ay may layuning tulungan ang mga mag-aaral atmga kabataan upang

kanilang malaman kung paano nakakapekto sa loob ng kanilang klase ang araw-araw na

pagsasalita ng Wikang Filipino lalong-lalo na sa paggamit ng Wikang Filipino bilang midyum

sa pagpapahayag at pagpapaliwanag nila ng kanilang mga ideya at opinyon. Mauunawaan rin ng

mga kabataan at mag-aaral ang mga responsableng paraan ng paggamit ng bawat salita sa

paglalabas ng saloobin.

Sa pagpili ng paksang ito, ang mga mananaliksik ay isinaalang-alang din ang kahalagahan

ng pag-aaral na isinagawa. Sinimulan nila ito dahil naniniwala silang masasagot ang bawat tanong

na sumisibolo sa kanilang isipan patungkol sa epekto ng araw-araw na paggamit ng Wikang

Filipino. Gamit ang mga makakalap na datos at impormasyon, ito ang siyang magiging batayan ng

mga kasagutan sa mga suliranin na pinag-aaralan ng mga mananaliksik sa pananaliksik na ito.

Paglalahad ng Suliranin

Ang pananaliksik na ito ay may pamagat na Epekto ng araw-araw na Paggamit ng Wikang

Filipino sa loob ng Silid-aralan ng mga mag aaral ng Matalatala Integrated National High School

na kung saan ito ay naglalayong tugunan ang mga sumusunod:

1. Para sa iyo, ano ang Wikang Filipino?

2. Kailan mo ginagamit ang Wikang Filipino?


3. Ano-ano ang mga positibong epekto ng Wikang Filipino?

4. Ano-ano ang mg negatibong epekto ng Wikang Filipino?

5. Gaano ka importante ang araw-araw na paggamit ng Wikang Flipino?

Balangkas Teoritikal

Ang Wikang Filipino ang ginagamit sa buong kapuluan sa pakikipagkomunikasyon sa iba’t

ibang etnikong grupo. Ang Wikang Filipino ay dumadaan sa isang prosesong paglinang sa

pamamagitan ng paghiram ng mga wika ng Pilipinas at di katutubong wika sa ebolusyon ng barayti

ng wika para sa mga iba’t ibang sitwasyon, ang mga nagsasalita nito ay may iba’t ibang saligang

sosyal at para sa mga talakayang paksa at iskolariling pagpapahayag. Sa mga nagkaroon ng

kaalaman sa mga barayti ng wika, magkakaroon ng mga pagbabago sa atityud o kaugalian ng mga

Pilipino sa wikang pambansa. Ang kamalayan ng bawat isa sa atin na mayroon tayong malaki at

mahalagang papel sa pagpapaunlad ng Wikang Filipino. Magiging mas aktibo na ang mga

partisipasyon ng lahat sa iba’t ibang gawain at mas ikalalago ang isang barayti ng wika kaya mas

gagamitin at tatangkilikin ang wikang Filipino ng iba’t ibang Pilipinong nagsasalita nito. Isang

bagong istratehiya ito upang magamit sa iba’t ibang paksa at gawaing pag-aralan saliksikin ng mga

mag-aaral at guro sa ano mang antas ng pag-aaral.

Ang wika ay hindi lamang kumakatawan sa isang tao. Ito ay hindi lamang isang paraan

para sa pagpapahayag ng sariling saloobin, opinyon, mga personal na obserbasyon at halaga ng

kanyang mga katangian ay isang sisidlan na siyang nagpapahayag ng mga aspeto ng isang

komunidad o bansa. Ang wika ay kumakatawan din sa pangunahing pagpaparating ng panlipunang

pagkakakilanlan. Sa maikling salita, ang wika ay tumutulong namapanitili ang mga damdamin ng

kultura, sining at pagkabansa ng isang bayan (Martha.C,2014).


Batayang Konseptwal

Ang komseptwal na balangkas o “conceptual framework” ng pag aaral na ito ay ginamitan

ng input-process-output model. Ang input ay nag lalaman ng mga datos na kailangan upang

malutas ang suliranin. Ang proseso namn ay nag Sagawa ng sarbey upang makakuha ng

impormasyon. Ang mga impormasyong nakolekta ay sinuri at pinag-aralan ng mananaliksik. Ang

awtput naman ay nag lalaman ng naging resulta o kinalabasan ng isinagawang pananaliksik.

Input Proseso

1. Para sa iyo, ano ang Wikang • Interbyu o sarbey

Filipino? • Questionnaire

2. Kailan mo ginagamit ang • Dokumentasyon

Wikang Filipino? • Analysis


3. Ano-ano ang mga positibong

epekto ng Wikang Filipino?


Awtput
4. Ano-ano ang mga negatibong
Epekto ng Araw-araw na Paggamit ng
epekto ng Wikang Filipino?
Wikang Filipino sa Loob ng Silid Aralan ng
5. Gaano ka importante ang araw-
mga mag aaral ng Matalatala Integrated
araw na paggamit ng Wikang Filipino?
National High School.

Pigura 1: Input, Proseso at Awtput ng Suliranin


Saklaw at Limitasyon

Ang pananaliksik na ito ay nakatuon sa mga mag-aaral ng Matalatala Integrated National

High School. Kinabibilangan ito ng 423 na mag aaral , pinili sa paraang random, na may edad na

13-18 taong gulang.

Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang pananaliksik na ito ay mahalaga upang matukoy ang mga epekto ng araw-araw na

paggamit ng wikang Filipino sa loob ng silid-aralan ng mga mag-aaral. Nais naming maging tulay

o makapagbigay ng impormasyon sa mga mambabasa, estudyante, guro at mananaliksik.

Sa Administrasyon. Upang mapagtanto nila na dapat ay bigyang halaga parin ang

paggamit ng sariling wika dahil kung minsan ay pinagbabawalan tayong gumamit ng ating sariling

wika at mas iniimplementa pa ang paggamit ng mga dayuhang linggwahe tulad ng ingles.

Sa mga Guro. Upang magamit nila ito bilang basehang materyal sa kanilang pagtuturo sa

mga estudyante. Ito rin ay makapagbibigay impormasyon para sa kanila na mas maintindihan ng

mabuti ang kanilang itinuturo sa mga estudyante at bigyang diin ang pagturo ng kahalagahan ng

pagsasalita ng Wikang Filipino.

Sa mga Mag-aaral. Upang magpagtanto ang kaakibat na epekto sa paggamit at

pagkahilig ng wikang pandayuhan. Upang mas biyang halaga ang paggamit araw-araw at

pagtangkilik ng sariling wika.

Sa mga Mambabasa. Upang makapagbigay kaalaman o impormasyon sa mga epekto ng

paggamit ng Wikang Filipino sa pag aaral.

Sa mga susunod na mga Mananaliksik. Upang sila ay mabigyan ng ideya sa mga

posibleng pag-aaral na may kaugnayan sa paksa na ito at upang makapagtipon pa sila ng mas
maraming ulat at impormasyon ukol sa epektong paggamit ng wikang filipino sa pag-aaral.

Magagamit din ito bilang estratehiya na maging matagumpay ang kanilang pananaliksik.

Katuturan ng mga Salitang Ginamit

Upang mas mapaiging maunawaan ang mga nilalaman ng pag-aaral naito, ang mga

sumusunod na salita ay binigyang kahulugan:

Archipelago - isang uri ng anyong lupa na binubuo ng mga isla.

Balbal- ito ang di pamantayang paggamit ng mga salita sa isang wika ng isang partikular na grupo

ng lipunan.

Bokabularyo- ito ay maihahalintulad sa isang diksyunaryo. Ito ay naglalaman ng mga

salitang alam at pamilyar sa atin.

You might also like