You are on page 1of 24

KABANATA I

INTRODUKSYON

Ang wika ang pinakamahalagang bagay na dapat taglayin ng isang tao.

Ang wika ang nagbibigay kilanlan at kaluluwa sa isang tao. Malaki ang dulot ng

wika sa isang tao. Walang tao ang walang wika, ito ang sumasalimin sa

kaniyang kultura, paniniwala, at tradisyon na kinabibilangan . Ang wika ang

dahilan kung bakit ang mga tao ay patuloy na nabuhuhay.

Napakahalaga ng ginagampanan ng wika noon hanggang ngayon. Ang wika

ay isang instrumento sa paglikha ng mga makabuluhan at malikhaing isipan. Sa

pamamgitan ng wika ay nakakamit at mas madaling mapabatid ng isang tao ang

kanyang nais at pangangailangan. Ang wika ay isang matibay na sandata sa

pakikipagtalastasan. Tanging ito ang daan upang ang bawat tao ay

magkaunawaan at makapagbahagi ng iba’t ibang ideya. Ang wika ang

nagbibigay daan sa pagkakaisa at pagbubuklod ng mga tao sa isang

pamayanan.

Ang bansang Pilipinas ay maituturing na multilingguwal na bansa dahil sa

pananakop ng mga dayuhan galing sa iba’t ibang bansa. Dahil dito,

naimpluwensahan ang bansang Pilipinas sa paggamit ng iba’t ibang wika.

Natutunan din ng mga Pilipino ang iba’t ibang kultura ng mga banyagang
sumakop sa bansang Pilipinas. Gayunpaman, mas napaunlad at napalamawak

ang ating kaalaman sa iba’t ibang wika,kultura, at tradisyon. Ang mga wika at

kulturang natutunan ng mga ninuno natin sa mga banygang sumakop sa atin ay

nagagamit parin natin ngayon.

Filipino ang pangunahing wika nating mga Pilipino. Ito ang wikang ginagamit

natin sa pang-araw-araw nating talakayan at gawain sa trabaho, paaralan,

bahay, at kahit saan man tayo. Dahil dito ay mas nauunawan natin ang isa’t isa

at mas napapadali nating ipabatid ang ating mga opinyon. Ayon kay

Kitkat(2016), Mahalaga ang wika ng isang bansa katulad ng Wikang Filipino. Ito

ay sumisimbolo sa kultura ng mga Pilipino kung sino, ano, at meron sila. Ito ay

nangangahulugan na ang paggamit ng wikang Filipino ay bahagi ng ating kultura

at pagkakakilanlan. Ang wikang Filipino ang sumisimbolo kung sino at ano

tayong mga Pilipino.

Sa pag-usbong at pagpasok ng modernong panahon ay unti-unti ring

nagbabago ang ating wika. Mas nadadagdagan at nag-iiba ang ating wika.

Maraming wika ang lumalaganap sa kasalukuyang panahon. Dahil dito,

lumalawak ang bokabularyo nating mga Pilipino lalo na ng mga kabataan. Mga

bagong salita ang nabubuo sa mordenong panahon gaya ng mga balbal,

kolokyal, at ang conyo o paggamit ng TagLish- pinaka-sikat at madalas na

ginagamit ng kabataan. Ayon kay Chris Urbano, ang Taglish ay ang paghahalo

ng wikang Inlges at Filipino, at kung ika’y bihasa sa dalawang nasabing wika, ito

ay agad mong maiintindihan kahit ang dalawang wika ay magkahalo. Ang Conyo
ay marahil nanggaling sa mga mestizo na dating nag-aaral sa mga unibersal na

unibersidad. (Raymond Torrecampo, 2015). Sinabi rin ni Torre Ocampo na ang

paglaganap ng conyo sa panahon ngayon ay dahil sa kamangmangan ng ibang

mga Pilipino ukol sa orihinal na kahulgan nito at ang conyo ay isang lengguwahe

lamang na patuloy na nagbabago. Ang paglaganan ng conyo ay nagkaroon ng

malaking epekto sa mga kabataan ngayon.

Ang pag-aaral na “Paggamit ng Conyo o Taglish sa Asignaturang Filipino:

Nakatutulong o Nakaaapekto” ay naglalayong maibatid kung ano ang epekto ng

paggamit ng conyo ng mga mag-aaral hindi lamang sa asignaturang Filipino

kundi pati na rin sa pang-araw-araw nilang talakayan. Nais naming malaman

kung mas napapalawak ba ang ang kanilang ideya o mas nakakalimutan nila

ang sariling wika. At mabatid din ang kanilang opinyon ukol sa labis na paggamit

ng conyo.

Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay sumasaklaw lamang sa mga mag-aaral ng

Kidapawan City National High School na nasa baitang labing isa na

sumasailalim sa Science, Technology, Engineering, and Mathematics Strand. Sa

pag-aaral na ito, layunin ng mga mananaliksik na malaman kung ang paggamit

ng conyo o taglish ay nakatutulong o nakaaapekto. Naniniwala ang mga

mananaliksik na magiging mahalaga, makabuluhan, at kapaki-pakinabang ang

pag-aaral na ito sa mga sumusunod:


Sa mga Mag-aaral. Ito ay nakakatulong upang mapalawak ang kanilang

kaalaman sa paggamit ng iba’t ibang wika. Ito rin ay magbibigay daan upang sila

ay magkaroon ng mas epektibong komunikasyon dahil sa paggamit ng

makabagong wika gaya ng conyo.

Sa mga Guro at Propesor. Sa mga guro at propesor, lalo na sa mga nagtuturo

ng asignaturang Filipino, isang malaking tulong ang pag-aaral na ito upang

mabigyan tugon ang isyung paggamit ng conyo sa asignaturang Filipino.

Mababatid din nila kung ano ang masama at positibong epekto ng paggamit ng

conyo ng mga mag-aaral. Malaman ang opinyon sa paggamit ng mga mag-aaral

ng conyo.

Sa Paaralan. Ang paaralan ang may malaking impluwensiya sa mga mag-aaral.

Sa pag-aaral na ito, maaari silang maglunsad ng mga programa na siyang

tutulong sa pagpapaunlad ng wikang Filipino at pagpapayaman ng bokabularyo

ng mga mag-aaral at mga guro. Nais naming malaman ang opinyon ng paaralan

kung sila ba ay sang-ayon o hindi sa paggamit ng conyo ng mga mag-aaral sa

asignaturang Filipino.
Layunin ng Pag-aaral

Ang pangunahing layunin ng pag-aaral na ito ay upang masuri ang

paggamit ng Conyo o TagLish sa asignaturan Filipino ng mga piling mag-aaral

sa STEM-Baitang 11.

Sa pagsasagawa ng pag-aaral na ito, nasagot ang tiyak na layunin;

(a) Malaman ang opinyon ng mga mambabasa patungkol sa paggamit ng

taglish o conyo sa asignaturang Filipino.

(b) Matukoy ang positibo at negatibong epekto ng paggamit ng conyo o

taglish sa asignaturang Filipino.

(c) Matukoy kung nakatutulong o nakaaapekto ba ang paggamit ng conyo

o taglish sa asignaturang Filipino.

Ang pag-aaral na ito ay sumasaklaw lamang sa mga Senior High School

na mag-aaral ng Kidapawan City National High School na nasa baitang labing-

isa na sumasailalim sa Science, Technology, Engineering, and Mathematics

Strand taong 2022-2023. Ang pinagkunan ng mga respondente ay nagmula rin

sa nasabing paaralan na may labing dalawa (12) ang kabuuan.


Paglalahad ng Suliranin

Ang pag-aaral na ito ay ginawa upang maipakita at malaman ang

pananaw ng mga mag-aaral ng Senior High School sa Kidapawan City National

High School na nasa baitang labing-isa na sumasailalim sa Science,

Technology, Engineering, and Mathematics Strand taong 2022-2023 ukol sa

paggamit ng Conyo o Taglish sa talakayan at pasulat na paraan sa asignaturang

Filipino. Nias ng mga mananaliksik masagot ang mga katanungan:

a.Ikaw ba ay sumasangayom sa paggamit ng conyo og taglish sa

Asignaturang Filipino?

b. Sa tingin mo ba ano ang mga positibo at negatibong epekto ng labis na

paggamit ng conyo o taglish sa Asignaturang Filipino?

c. Ano ang opinyon mo tungkol sa paggamit ng conyo o taglish sa

Asignaturang Filipino?

d. Madalas ka bang gumamit ng conyo o taglish sa asignaturang Filipino

upang mas mapalawak ang iyong ideya?

Pinili ang mga respondente gamit ang “random sampling”, ang

mananaliksik ay gagamit ng kwestyuner na sasagutin sa pasulat na paraan

upang malikom ang mga kinakailangang datos.


Depinisyon ng mga Terminong Ginamit

Upang lubusang maintindihan ng mga mambabasa at mabigyang linaw sa

mga tatalakayin ng pananaliksik na ito, binigyang katuturan ng mga

mananaliksik ang mga sumusunod na mga terminolohiya na siyang tatalakayin

sa pag-aaral na ito:

Taglish o Conyo. Nagsimula ang conyo sa salitang Espanyol na coño na

nangangahulugang kalapastanganan sa mga Peninsulares mula 1800 hanggang

kasalukuyan. Ngunit sa makabagong henerasyon ito ay pinag halong Ingles at

Tagalog o Taglish. Ito ay isang uri ng wika na nagmula sa Maynila mula sa

paghahalo ng mga wikang Tagalog at Ingles sa pakikipagkomunikasyon.

Code-switching. Ito ang pagpapalit sa pagitan ng dalawa o higit pang wika, o

barayti ng wika sa konteksto ng isang pag-uusap. Maaari itong gamitin ng tuluy-

tuloy o minsanan sa pangungusap at pagsasalitaan.

Multilingguwal. Ito ang kakayahan ng isang tao na makapagsalita at

nakagagamit ng higit pa dalawang wika sa isang pagkakataon.

Asignaturang Filipino. Ang asignaturang Pilipino ay ang mga pinag-aaralan sa

paaralan na ginagamitan ng linguwaheng Pilipino. Pinag-aaralan dito ang mga

kahalagahan ng wikang Pilipino, tamang gramatika ng pagsulat ng wikang

Pilipino, mga kuwento at iba pang akademikong papel na ginagamitan ng

Filipino.
Saklaw at Delimitasyon ng Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay sinasaklaw ang labing dalawang (12) mag-aaral

mula sa anim na seksyon ( seksyon A hanggang seksyon F) sa Akademiyang

Hibla ng Science, Technology, Engineering and Mathematics ng Paaralang

Lungsod ng Kidapawan National Highschool.

Tatalakayin sa pag-aaral na ito ang mga (1) epekto ng paggamit ng

Conyo o Taglish sa Asignaturang Filipino (2) ang mga positibo at negatibong

epekto sa paggamit ng Conyo o Taglish sa Asignaturang Filipino sa loob ng silid-

aralan at (3) matukoy kung nakatutulong o nakaaapekto ba ang paggamit ng

conyo o taglish sa asignaturang Filipino.

Sa pangangalap ng datos, gagamit ng palatanungan o kuwestiyonaryo ang

mga mananaliksik sa pagsusuri, upang makalakap ng mga awtentik at balidong

mga impormasyon at pananaw mula sa mga respondente o tagatugon. Ang mga

nakalap na datos ay susuriin ng mga mananaliksik at gagamitin para sa pagbuo

ng kanilang resulta.
KABANATA II

MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL AT LITERATURA

Sa kabanatang ito, ilalahad ng mga mananaliksik ang mga literatura at

pag-aaral na kainlang nakalap galing sa intenet at libro na kaugnay sa conyo o

taglish na siyang magdadagdag sa kaalaman ng mga mambabasa ukol

sa paksa ng naturang pag-aaral. Makikita din sa kabanatang ito ang kaugnayan

ng bawat literatura at pag-aaral sa pananaliksik. Ang mga impormasyong

matatagpuan sa kabanatang ito ay ang mga impormasyon na nagsilbing

patnubay sa mga mananaliksik upang mapagtagumpayan ang pagususuri ng

mga datos mula sa mga kalahok ng pananaliksik.

Mga Kaugnay na Pag-aaral

Ang pag-aaral nila Batac, Carlo Antonio R., Sta. Cruz, Steffani Francesca

P., Ponce, Darlyn Jemsenrie M., Sapugay, Marino III C., at Villasor, Vince Kazer

M. noong taong 2018-2019 na may pamagat na “Paggamit ng Code-switching sa

Pagtuturo sa mga Mag-aaral na na sa Ika-11 Baitang sa Unibersidad ng San

Beda T.A. 2018-2019”. Tinalakay nila ang paggamit ng code-switching sa

pagtuturo sa mga mag-aaral.

Sa kanilang pagsasaliksik na ito ay nais nilang mabibigyan ang mga tao ng

kaalaman tungkol sa code-switching at sa paggamit nito. Mabibigyan ng

kaalaman ang gobyemo, lalo na ang Kagawaran ng Edukasyon, sa mga


problema na maaaring makaharap ukol dito at mapaghadaan pa ang mga

susunod na kurikulum. Maaaring umunlad din ang kaalaman at kasanayan ng

mga guro kung saan mas magagampanan nila nang maayos ang kanilangmga

tungkulin at ang mga estudyante sa pagpapakita ng kahalagahan ng wika.

Layunin ng pag-aara nila ang: (1) malaman kung ano ang adbentahe at

disadbentahe ng code-switching sa pagtuturo sa mga mag-aaral ng San Beda

University, (2) malaman kung paano nakakaapekto angcode-switching

saakademikong aspekto, at (3) malaman angkahalagahan ng code-switching sa

pagtuturo. Lahat-lahat, angpag-aaral na ito ay nakapokus lamang sa paggamit

ng code-switching sa mga mag- aaral ng Unibersidad ng San Beda

Sa pagsusuri ng mga datos ay lubos nalaman ng mga mananaliksik na malaki

ang naitutulong ng code switching sa larangan ng edukasyon.Karamihan sa mga

estudyante ay sumasangayon na gamitin ng kanilang mga guro ang code

switching sa pagtuturo upang mas maipahayag nang maayos ang mga

impormasyon na hindi ganon kadaling intindihin. Dahil sa isinagawang pag aaral

na ito ay napatunayan na ang code switching ay napakahalagang gamitin sa

pagtuturo dahil mas nagiging malinaw at klaro ang mga impormasyon na gusto

iparating ng mga guro sa kanilang estudyante. Isinaad din ng mga guro na

mahirap magturo kapag isang lenggwahe lamang ang ginagamit lalo na sa mga

salita o terminong mahirap ipaliwanag sa lisang lenggwahe. Ito ang mga dahilan

kung bakit mahalaga ang Code switching sa pag tuturo ng mga guro sa kanilang

mga estudyante.
Sa isang pananaliksik ng isang mag-aaral sa University of the Philippines

Los Baños, nais alamin ni Liwanag kung gaano kaepektibo ang paggamit ng

Taglish o code-switching bilang midyum sa pagtuturo; pati na rin ang nagiging

epekto nito sa pagkatuto ng mga mag-aaral. Naglalayon din si Liwanag na

alamin kung anong anyo ng code-switching ang umiiral sa mga silid-aralan ng

mga tagatugon pati na rin ang lebel ng pagkakaintindi ng mga mag-aaral sa

pangakademikong aralin.

Dalawang klase sa asignaturang Natural Science ang kinuha ni Liwanag

bilang mga tagatugon sa kanyang mga talatanungan na may kabuuang

walumpu‟t anim (86) na mga magaaral. Inalam ni Liwanag kung gaano kataas

ang lebel ng kasanayan ng mga mag-aaral sa Ingles at Tagalog sa pagpupuntos

ng mga mag-aaral sa kanilang sarili ng 1 bilang pinakamataas at 5 bilang

pinakamababa. Bukod dito, tinanong niya ang mga mag-aaral kung anong wika

ang ginagamit ng mga mag-aaral sa asignaturang Natural Science, sa iba pang

mga asignatura at pati na rin sa labas ng pamantasan.

Bilang konklusyon sa kanyang pag-aaral, Taglish ang kadalasang

ginagamit ng mga magaaral at hindi ito nakaaapekto sa akademikong pagganap

at pagsusulit ng mga mag-aaaral. Mas madali ring naipapahayag ng mga mag-

aaral ang kanilang mga ideya gamit ang Taglish kaysa purong Filipino at Ingles.

Bilang rekomendasyon, sinabi ni Liwanag na isama sa mga susunod na


pag-aaral ang study habits ng mga mag-aaral bilang batayan sa akademikong

pagganap ng mga mag-aaral na gumagamit ng Taglish sa klase.

Hindi maiiwasan sa mga talakayan sa paaralan na gumamit ng higit sa

isang wika dahil na rin sa mga salita o terminolohiyang siyentipiko at teknikal na

tinatalakay. Isang malaking tulong ang paggamit ng code-switching sa loob ng

silid-aralan pero maaari rin itong magdulot ng masamang epekto na siyang

inaalam ng mga mananaliksik. Dapat ay magkaroon ng hangganan ang

paggamit ng dalawang wika sa mga talakayan. Hindi na siguro magandang

marinig mula sa mga guro ng asignaturang Filipino ang paggamit ng Ingles sa

pagtuturo at sa mga guro ng asignaturang Ingles ang paggamit ng wikang

Tagalog upang turuan ang mga mag-aaral.

Sa nakaraang taong 2012, si Mignette Marcos Garvida ng Ryerson

University sa Toronto, Ontario, ay naglimbag ng kanyang pananaliksik na

tumatalakay at sumusuri sa epekto ng mga taong conyo sa kultura at ekonomiya

ng Pilipinas, at kung ano ang katayuan nila bilang tao sa ekonomiya. Ang mga

Pilipino ay tuluyan pa ring nagsisikap upang makilala gamit ang mga iba’t

ibang social group (Garvida, 2012). Ang kanyang konklusyon sa kanyang

pananaliksik ay ang conyo ay isang pagkakakilanlan sa kultura, na kung saan

ang mga gumagamit nito ay maituturing na mayroong pagkakaroon ng halata na

paggamit ng dalawang kultura; ang paggamit ng wikang Ingles at Filipino.

Ipinapikita nitong pag-aaral na nito ang kontradiksyon, limitasyon at ang

pagiging dynamic ng ibang Pilipino dahil sa kanilang pagdududa sa kanilang


sarili; ukol sa kanilang sosyal at ekonomikal na katayuan pati na ang galing nila

sa pagsasalita gamit ang isang partikular na wika. Bilang isang estudyante, hindi

nakapagtataka na laganap ngayon ang paggamit ng mga iba’t ibang wika sa

pakikipagkomunikasyon dahil na rin sa impluwensiya na dala ng social media. 

Masasabi nga na ang paggamit ng mga salitang conyo ay tinatanggap na ng

karamihan sa mga Pilipino, ngunit hindi pa rin mawawala ang pagkalungkot at

pagkadismaya, sapagkat hindi na lubusang pinapapahalagahan ang ating

sariling wika; na kung titingnan ay mayroon ding sariling kagandahan.

Mga Kaugnay na Literatura

Ayon kina Albino, Yra C., Romo, at Lovitos (2016) ang paggamit ng conyo

ay maaaring magbigay sa mga nagsasalita nito ng gayong prestihiyo at

kapangyarihan kung saan ang mga bagay na ito ay may mahalagang papel sa

buhay ng mga nagsasalita. Bukod dito, ang nasabing wika ay itinuturing na susi

nila sa pagkakaroon ng mataas na katayuan sa buhay. Tungkol dito, ang buhay

panlipunan ng mga nagsasalita ay malawakang naapektuhan ng conyo dahil

ginamit ito ng mga tagapagsalita bilang sukatan kung ano ang katayuan at uri ng

isang tao.

Ayon kay Garvida (2013) ang pagsasalita ng 'Conyo' ay isang kultural na

pagkakakilanlan kung saan ang mga nagsasalita nito ay mailalarawan na may

malalim na kultural ng pagtitigalawa ng mga damdamin. Hindi ito kusang

ginagamit ng mga nagsasalita ng 'Conyo', tulad ng sa mga sitwasyon ng code-

switching, ngunit sadyang itakda ang kanilang sariling espasyo. Ang ganitong uri

ng diskurso ay malinaw na ginagamit bilang isang diskarte upang magbigay ng


impresyon ng pagiging pribilehiyo sa lipunan at ekonomiya. Ang paglipat sa

pagitan ng mga wika ay malinaw na naghahatid ng maramihan at

komplementaryong pagkakakilanlan na nilikha ng mga nagsasalita nito para sa

kanilang sarili. Lumikha sila ng isang 'social community' na kumukuha sa papel

ng mga stereotype na imahe ng mga Kastila o Amerikano na umiiral sa tanyag

na imahinasyon ng Pilipinas na nagdaragdag ng "lokal na kulay" sa kanilang

pang-araw-araw na diskurso. Direkta silang nakikipag-usap sa iba pang mga

nagsasalita ng 'conyo', nang hindi nangangailangan ng mga paliwanag.

Ayon kay Bautista (2004) sa ating pag-unawa sa sitwasyon ng wika ng

Pilipinas at sa iba't ibang konteksto kung saan sinusunod ang Tagalog at Ingles,

maaari na tayong lumipat sa pag-unawa sa Filipino bilang bilingual. "Ang

ganitong bilingguwalismo ay isang mapagkukunan, at ang paglipat sa pagitan ng

mga wika ay isang karagdagang mapagkukunan".

Ayon kay Lesada (2017) ang Taglish ay produkto ng isang kasaysayan at

masalimuot na sitwasyon ng wika, na sumasagisag sa nagbabagong ugali ng

wika, mga patakaran, mga domain, at mga kultural na phenomena. Malamang

na ang isang sistematikong Tagalog-English code-switching system ay maaaring

hindi kailanman lumitaw kung nagkaroon ng pagbabago sa isa o ilan sa mga

pangunahing salik na ito. Walang alinlangan, ang pag-unawa sa mga

sosyolohikal at sosyolinggwistikong aspetong ito ay nagbibigay-daan sa atin na

makamit ang mas holistic na pang-unawa sa Taglish.

Ayon kina Go, Alic, at Gustilo (2013) ang madalas na paggamit ng Taglish
ay nagpapalawak ng distansya sa pagitan ng mga kasamahan. Gayunpaman,

paminsan-minsan, ginagamit ang intra-sentential switching sa tuwing ginagamit

ang Taglish sa pasalitang diskurso upang maipahayag ang mga ideya na

mahirap ipahayag sa Tagalog. Gayunpaman, madalas ginagamit ang mga

leksikal na paghiram. Kung gayon, maaaring tapusin na ang kasalukuyang pag-

aaral ng piloto ay nagbunga ng mga hindi inaasahang resulta. Bagama't ang

madalas na paggamit ng Taglish ay laganap na ngayon sa mga edukadong tao,

lalo na sa mga maaaring ikategorya sa upper at middle-class bracket, ang

paniwala na ipinilagay ng ilang linguist pati na rin ng mga manunulat at blogger

na ang Taglish ay dapat o itinuturing na ngayon bilang ang lingua franca sa mga

lungsod ng Pilipinas.

KABATANA III
METODOLOHIYA

Ang nilalaman ng kabanatang ito ay ang mga pamamaraang ginamit ng

mga mananaliksik sa pag-aaral. Sinasaklaw nito ang disenyo ng pag-aaral,

tungkulin ng mga mananaliksik, paraan ng pangangalap at pag-aanalisa ng mga

datos at etikal na konsiderasyon na kailangang isaalang-alang ng mga

mananaliksik.

Disenyo ng Pananaliksik

Ang pag-aaral na ito ay gagamitan ng deskriptibong pagsusuri at

pagsisiyasat sa mga nakalap na datos at impormasyong kinakailangan sa pag-

aaral. Ilalarawan dito ang iba’t ibang sagot ng mga mag-aaral batay sa mga

tanong na sinagot nila. Sa pamamagitan ng pasulat na surbey ay susuriin ang

kanilang sagot. Ang mga mananaliksik ay hahayaang gumamit ng conyo o

taglish sa paang mga napiliping respondente. Pagkatapos nito ay susuriin kung

ang kanilang mga sagot upang malaman ng mga mananaliksik kung ang

paggamit ba ng conyo o taglish sa asignaturang Filipino ay nakatutulong o

nakaaapekto.

Tungkulin ng mga Mananaliksik

Mangangalap ang mga mananaliksik ng mga balidong mga impormasyon o

datos sa pamamagitan ng paggamit ng sarbey sa mga napiling mga mag-aaral

na pagbibigyan ng mga kuwestiyonaryo o palatanungan ukol sa pag-aaral.


Mga Kalahok sa Pag-aaral

Ang mga mag-aaral ng baitang ika-labing isa na nabibilang sa STEM ng

Lungsod ng Kidapawan National Highschool ang napiling magiging respondente

sa pag-aaral na ito.

Ang mga mananaliksik ay gumamit ng Stratified Random Sampling sa

pagpili ng mga respondente. Nakatalagang sumagot ang napiling labing

dalawang (12) mga respondente sa talatanungan o kuwestiyonaryo ukol sa

aming pag-aaral upang makalakap ng mga balidong datos. Ang mga

mananaliksik ay hahayaang gumamit ng conyo o taglish sa pagsulat ang mga

napiliping respondente.

Paraan ng Pangangalap ng Datos

Ang mga nagawang kwesyuner ng mga mananaliksik ay ibibigay sa mga

napiling tagatugon. Ang mga kwesyuner ay naglalalaman ng mga katanungan

patungkol sa paksa ng pag-aaral. Ang mga napiling tagatugon ay isa-isang

sasagutin ang apat na katanungan sa pamamagitan ng pagsulat sa papel na

ibibigay ng mga mananaliksik..Ang mga kasagutan ng mga napiling tagatugon

ay susuriin at sisiyasatin ng mabuti ng mga mananaliksik. Ilalahad sa bahaging

ito ang siyang magsisilbing representasyon ng pinagsama-samang kasagutan

ng mga tagatugon. Ang interpretasyon ng mga datos ay magmula sa kaalaman

ng mananaliksik patungkol sa paggamit ng taglish o conyo sa asignaturang

Filipino.
Paraan ng Pag-aanalisa ng mga Datos

Ang mga mananaliksik ay bumuo ng isang talatanungan na ginamit sa

paglikom ng mga datos.

Ang talatanungan ay may nakasulat na apat na katanungang sitwasyunal

na siyang sasagutin ng mga respondente sa pamamagitan ng pasulat na

pagsagot upang malaman ang opinyon ng mga mag-aarala at mabatid ang

positibo at negatibong epekto ng paggamit ng conyo o taglish sa asignaturang

Filipino

Ang pag-aaral na ito ay isasagawa ng mga mananaliksik na ginamitan ng

"descriptive survey" o deskriptibong pagsusuri sa mga nakalap na datos at

impomasyong kailangan sa pag-aaral.


MGA SANGGUNIAN

Pananaliksik

Albino, Y. C., Romo, K. B., & Lovitos, A. H. R. (2016). The nature of conyo in

Davao City: A language inquiry. International Journal on Studies in

English Language and Literature, 4(1), 72-78.

Garvida, M. M. (2013). “Conyo Talk”: The Affirmation of Hybrid Identity and

Power in Contemporary Philippine Discourse. Lingue e Linguaggi, 8, 23-

34.

Bautista, M. L. S. (2004). Tagalog-English Code Switching as a Mode of

Discourse. Asia Pacific Education Review, 5(2), 226-233.

Lesada, J. (2017). Taglish in Metro Manila: An Analysis of Tagalog-English

Code-switching (Doctoral Dissertation).

Go, M. A., & Gustilo, L. (2013). Tagalog or Taglish: The Lingua Franca of Filipino

Urban Factory Workers. Philippine ESL Journal, 10, 57-87.

Mga Website

https://salitangkonyo101.wordpress.com/

https://www.coursehero.com/file/102662120/Pagbasa-Researchdocx/?

fbclid=IwAR1PK-

oez_Sx5gxLjOiVSZWBS_6l3iSlUzoaKAVfoZGGiz9QdqblfwHBbTc
https://issuu.com/hernandezserohijosyanez/docs/

hernandez__et._al.___let_s_make_tus?

fbclid=IwAR2ftAwCBZwzkaHxY3EvpCkyHh5OmgSjK-E8lV-

spBB2__p6PQJQ0MYQcNE

https://www.academia.edu/35993094/

PANANALIKSIK_SA_FILIPINO_UKOL_SA_SALITANG_KONYO

https://philnews.ph/2020/09/11/bakit-bansang-multilinggwal-ang-pilipinas-

paliwanag/

https://www.scribd.com/doc/142715320/Paggamit-Ng-Code-Switching-Sa-

Pakikipagkomunikasyon-ng-mga-Piling-Mag-aaral-sa-Mary-and-Jesus-School-

Inc-Bustos-Bulacan
APENDISES
APENDIKS A

TALATANUNGAN

Sagutin nang pasalita ang mga sumusunod na katanungan ayon sa wikang

palagay mong gamitin. Salamat.

1..Ikaw ba ay sumasangayom sa paggamit ng conyo og taglish sa

Asignaturang Filipino?

2. Sa tingin mo ba ano ang mga positibo at negatibong epekto ng labis na

paggamit ng conyo o taglish sa Asignaturang Filipino?

3. Ano ang opinyon mo tungkol sa paggamit ng conyo o taglish sa

Asignaturang Filipino?

4. Madalas ka bang gumamit ng conyo o taglish sa asignaturang Filipino

upang mas mapalawak ang iyong ideya?


Paggamit ng Conyo o TagLish sa Asignaturang Filipino:
Nakatutulong o Nakaaapekto

Isang Papel Pananaliksik


na Ipinasa kay
EVA ROSE O. GABO
Mataas na Paaralan ng Lungsod ng Kidapawan
Lungsod ng Kidapawan

Bilang Bahagi ng Pangangailangan


Sa Asignaturang Filipino
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino

Mga Meyimbro
Ambia, Benjamin T.
Goyena, Leo R.
Coronel, Vianalaureis Milcah M.
Rama, Dizzeus Leira C.
Villarosa, Angel Christ’l B.
ENERO 2022

You might also like