You are on page 1of 10

Pangalan : Bagaslao, Joanie A.

Kurso at taon: BSED FILIPINO 3


Pamagat : Wikang Filipino sa makabagong panahon

Background of the study


Ang kakayahan ng mga mag-aaral sa paggamit ng wikang Filipino ay nararapat
lamang na malinang nang lubusang ng mga tagapagturong may sapat na kasanayan.
Ang wika at behikulo sa pakikipagtalastasan. Itoy patuloy na yumayabong at umuunlad
sa pamamagitan ng paggamit nito sa pang-araw-araw na Gawain at maging sa
edukasyon. Ang pangangailangan sa pagpapayaman nito at paging dalisay ay nararapat
na pagtuunan at bigyang pansin sa patuloy na pagsulong buhay.
Ang pagkakaroon ng wikang pambansa ay nagbibigay daan sa pagkakaisa ngmga
mamamayan at nagbibgay tulong sa pag-unlad ng isat isang aspeto sa isang bansa.
Ang sariling wika ay mahalaga at kinakailangan ng isang bansa sapagkat itoang
ginagamit sa pakikipag-ugnayan at pakikipag-talastasan ng bawat mamamayan. Ang
ekonomiya ay hindi lalago o uunlad kung ang mga tao ay hindi nagkakaisa
onagkakaintindihan.
Sinasabi ng maraming mananaliksik at dalubwika na ang wika ay dinamiko.
Umaalinsabay ito sa mabilis na pag-inog ng mundo sang-ayon sa mga pangangailangan
ng liounan at ng sitwasyong pangwika. Sa pagpasok ng bansa sa Ika-12 na siglo,
nababalot ito ng masalimoot ng transpormasyon sa ibat-ibang aspeto ng liounan. Isa sa
sektor na lubos naaapektuhan ng modernisasyon at teknolohiya ito ay ang wika,
particular na ang wikang Filipino. Ang pambansa ng wika ng Pilipinas, ang Wikang
Filipino ay patuloy na dumarsan sa mga pagbabago at Pag-unlad sa harap ng
makabagong Panahon. Sa Panahon ngayon kunag saan ang teknolohiya ay bumabalot
sa pang araw-araw na pamumuhay ng tao.
Ang wikang Filipino sa makabagong panahon ay patuloy na umuunlad at nagbabago.
Gumagamit na din tayo ng isat-isang paraan upang mas mapaikli ang pagbigkas o
paggamit ng ating wika, ilang halimbawa ng pagpapalawak ng bokabularyo ay ang
paggamit ng akronim o ang paggamit ng mga letra na nag prepresenta sa isang salita o
tumatayo ilang kapalit ng salita. Sumunod na halimbawa ay ang pagpapalit ng mga
arkayk na salita, sa pamamagitan nito pinapalitan ng mga makabagong salita ang mga
salita na ginagamit noong unang panahon upang mas madaling gamitin at mas
magandang bigkasin at pakinggan. At ang pinakauso sa panahon ngayon ay ang
paggamit ng mga balbal na salita, ito ang pinakamababang antas ng wika nakaraniwang
ginagamit ng mga kabataan.
Ang wika ay Isang napakahalagang kasangkapan na ginagamit ng tao sa pakikipag-
unawaan sa loob ng Isang bansa. Ito ay kumakatswan sa buong sambayanan ng bansag
Pilipinas at nagpapatunay na nakamit ng mga Pilipino ang kasarunlan mula sa mga
dayuhan na sumakop. Ayon sa mga mananaliksik ang pag-usbong ng makabagong
henerasyon at pagyabong ng ating teknolohiya, unting -unti nang nagbabago ang
kasanayang wika ng Pilipino. Ito ay kinakailangan ng Isang bansa maging ng tao
sapagkat ang wika ay ginagamit sa pakikipag-ugnayan at pakikipagtalastasan ng bawat
mamamayan. Ito ay talagang napakahalaga dahil kung walang ito ang ekonomiya ay
hindi lalago o uunlad kunag nag tao ay hindi nagkakaisa o nagkakaintindihan.
Kaligirang Panliteratura
Ang wikang Pambansa ay Isang mahalagang aspeto ng Kultura at identidad ng bansa
ay naglalarawan ng kasaysayan, kaugalian at pang-araw-araw na pamumuhay ng mga
Pilipino. sa pagsusuri ng literature ukol sa wikang pambansa at pagtuturo ng Filipino, ito
nagsilbing pundasyon ang mga akdang naglalahad ng mga paraan upang mapalalim
ang pag-unawa at pagmamahal ng mga tao sa sariling wika.
Ayon Kay Madula ( 2019 ), ang wika ay napakahalaga para sa isang bansa, ito ay
isang mahalagang salik sa pansariling kaunlaran at pang-araw-araw na pamumuhay ng
isang tao. Ayon namn kay Henry (2014), isang Linggwista, ang wika ay masistemang
balangkas ng sinasalitang tunog na pinili at isinaayos sa paraang arbitraryo upang
magamit sa komunikasyon ng mga taong kabilang sa isang kultura.
Ayon Kay W.B. ( 2014), ang wika ay isang sistema ng komunikasyin sa pangitan ng
mga tao sa pamamagitan ng Pagsulat o pasalitang simbolo.
Ayon sa Pag-aaral naman ni Ortiz ( 2018 ), ang pagpaplanong pangwika at
nakadepende nang malaki sa eleboradyong leksikal. Ito ay tumutukoy sa prosesobv
intelekwalisasyon ng mga terminolohiya. Naisasagawa ito sa pamamagitan ng
pagdaragdag ng mga dating dikilalang sakit sa pamamagitan ng pagbibigay ng
depinisyon, sinonim , antonym at bagong terminolohiya.
Ayon naman Kay Gleans ( 2014 ), Ang makasining ng paraan ng wastong pagpili at
akmang paggamit ng salita sa loob ng pangungusap sa kawili-wili at kasiyang-siyang
pagpapahayag ng diwa.
Batay sa suriang Wikang Pambansa (SWP), itinatag noong Nobyembre 13, 1936 ng
batas pambansa bilang 184 ( binuo ng saligang batas Pambansa asamblea). Ang
kongreso ay gagawa ng mga hakbang tubgo sa pagpapaublad at pagpapatibay ng
Isang wikang pambansa na batay sa Isa sa mga umiiral na katutubong wika.
Mula pa noong Panahon ng mga sinaunang Griyegong Pilosopo ay itinuturo at
pinag-aaralan na ang signing ng sayusay. Nauukol ito sa mga maganda at kaakit-akit na
pagpapahayag, maging pasalita man o pasulat.Tulad din ng ibang wika, ang wikang
Filipino ay may kagandahan ito at ayon Kay Cassanova (2018).
Ayon kay Carroll ( 2016), nagpapahayag na ang wika ay isang sistema ng mga
sagisag na binubuo at tinatanggap ng lipunan. Ito ay resulta ng unti-unting paglilinang sa
loob ng maraming dantaon at nagbabago sa bawat henerasyon, ngunit, sa isang
panahonng kasaysayan, ito ay tinutukoy na isang set ng mga hulwaran ng gawi na
pinag-aaral natutuhan at ginagamit sa isat- isang antas ng bawat kasapi ng pangkat o
komunidad.
Ayon kay Dr. Pamela Constantino sa artikulo niyang tagalog Pilipino/ Filipino ; Do
they differ sa bisa ng executive order No. 134 na nilagdaan ni Pangulong Quezon noong
Ika-30 ng Disyembre 1937 ay kinilala ang Tgalog bilang basehan ng pagbubuo ng wikang
Pambansa.
Sa Pag-aaral naman ni Ayon kay Dr. Batnag (2014), sapagkat ang Pilipinas ay
multilinggwal at multicultural, nagbubuklod ang ating mga watak-watak na isla ng iisang
mithiin na ipinapahayag hindi lamang sa maraming tinig ng isat- isang rehiyon kundi
gayon din sa isahang midyum na wikang Filipino. Samakatuwid hindi matutumbasan
ang papel ng wika sa pagtatangkang baguhin ang kalagayan ng lipunan ng isang bansa.
Ayon kay Barker (2015), ikinukunekta ng wika ang nakaraan, ang kasalukuyan at ang
hinaharap. Iniingatan din nito ang ating kultura at mga tradisyon. Maaari raw mawala
ang matatandang hehnerasyon, subalit sa pamamagitan ng wika, naipapabatid pa rin
nila ang kanilang mga ideya, tagumpay, kabiguan, at maging ang kanilang mga plano o
adhikain sa hinaharap. Sa pamamagitan nito, ang mga sumusunod at sumusunod pang
henerasyon ay natututo o maaaring matuto sa nakalipas na karanasan at sa gayon ay
maiiwasan ang muling pagkakamali o di naman kaya ay naitutuwid o matutuwid ang
mga dating pagkakamali. Masasabing sa pamamagitan ng wika ay umuunlad tayo sa
mga aspektong intelektwal, sikolohikal,at kultural
Sa Pag aaral naman Nina Cullarin at Rosales (2014) , mapanghamon sapagkat
napakaraming balakid ang susuungin ng mga nagmamalasakit sa wikang Filipino upang
maisakatuparan ang adhikaing ito. Ang wika ay Isang likas at makatang pamamaraan ng
paghahatid ng mga kaisipan, damdamin at mithiin.
Statement of the problem
Ang Pag-aaral na ito ay ginawa upang maipakit ang pananaw ng mga mag-aaral sa
kurson B.S Education major in Filipino sa patuloy na Pag-unlad ng wika sa pagipas ng
Panahon. At sila ay tinatankng ng mga sumusunod na aspeto:
1. Ano ang propayl ng respondents ayon sa sumusunod na aspeto:
Mga mag-aaral
1.1 Gulang
1.2 Kasarian
2. Ani ang epekto ng pag-unlad ng wikang Filipino sa kasalukuyan?
3. Ano ang Salik na nakakaapekto sa Pag-unlad ng wikang Filipino?
4. Naging epektibo ba nag Pag-unlad ng wikang Filipino sa kasalukuyan?
5. Mahalaga ba ang Pag-unlad ng wika?
6. Ang paglipas ba ng Panahon ay Isa din sa mga naging dahilan sa Pag-unlad ng wika?
Methodolohiya
Sa kabanatang ito ay iprinisinta ang paraan ng pananaliksik, mga pukod ng Pag-aaral,
mga instrumentong pananaliksik.
Disenyo ng pananaliksik
Ang Pag-aaral na ito ay isinagawa ayon sa disenyong pamamaraang deskriptibo-
analitik na pamamaraan. Tatangkaing ilarawan at suriin sa Pag-aaral na ito ang Pag-
unlad ng Wikang Filipino sa makabagong panahon, sa unang antas ng kursong B.S
Education major in Filipino sa taong panuruan 2014-2015 sa ICCT College ng Pilipinas.
Paraan ng Pananaliksik
Ang Pag-aaral na ito ay isasagawa sa pamamagitan ng pagsasarbey. Ang mga
mananaliksik ay maghahanda ng sarbey kwestyuner na naglalayong makahanap ng
mga datos upang malaman ang mga Salik sa Pag-unlad ng wikang Filipino sa
makabagong Panahon. Magsasagawa din ng pangangalap ng mga impormasyon ang
mga mananaliksik sa ibat-ibang hanguan , isa sa aklatan tulad ng aklat , dyaryo, magasin
at pamanahunang papel. Kukuha din ang mga mananaliksik ng impormasyon sa internet.
Mga pukos ng Pag-aaral
Ang mga oiling mga respondante sa Pag-aaral na ito ay ang mga unang antas ng
kursong B.S Education major in Filipino sa taong panuruan 2014-2015 sa ICCT College ng
Pilipinas.
Sa kasalukuyan ay may limampung repsondente ang kinuha kung saan ang
mananaliksik ay gagamit ng quota sampling. Ang mananaliksik ay magbabahagi ng
animnaoong sarbey kwestyuner at ang unang limampung respondante na unang
makapsgtapos ang siyang automatikong maging respondante.
Instrumento ng Pananaliksik
Ang sarbey kwestyuner ay ginamit upang maipakita ang mga datos na kinakailangan
sa Pag-aaral. Ang mga katanungan at pinapasagot sa mga mag-aaral sa unang baitang
ng B.S Education major in Filipino.

Timeline
Ang Pag-aaral ay inaasahang matapos sa loob ng ilang buwan, kung saa nagn mga
sumusunod ay ang mga itinakdang tagal ng bawat bahagi ng pananaliksik.
Bahagi ng pananaliksik. Tagal / Buwan
Background. January 22- 26
Literature review January - February 29-2
Statement of the problem. February 5-9
Methodology February. 12-16
References:
• Apao, G., (2021). Kahalagahan ng wikang Filipino sa edukasyon.
https://www.academia.edu/36247768/kahalagahan_ng_wikang_filipino_sa_edukasyon
• Bata, C. M., (2015). Wikang lokal at Filipino sa Pananaliksik: Isang Naratibong
Sosyolohikal. https://scholar.google.com/scholar?HL=tl&as_sdt
• Constantino, R., (2015). Intelektuwalismo at wika: Daluyan journal ng wikang Filipino.
https://journals.upd.edu.ph/index.php/article/view 4939
• Dayag, A.M., (2017). Komunikasyin at Pananaliksik tungo sa wika at Kulturang Pilipino.
https://www.stemsanjuangroup8.wordpress.com/komunikasyon_at_pananaliksik_tungo
_sa_wika_at_kulturang_pilipino
• Erezo, J.Y., (2021). Antas ng kasanayan sa sayusay sa paggamit ng wikang Filipino ng
mga estudyante sa pribadong paaralan. https://www.ejournals.ph/article.php?I'd=19397/
• Francisco, G., (2018). Ano ba ang kahalagahan ng Pag-aaral ng wikang Filipino sa
tersyarya. https://dlsudmcco.wordpress.com/ 2015 /11/25/ano_ba_ang_kahalagahan_ng
pag-aaral_ng wikang_filipino_sa_tersyarya/
• Flores, M.L., (2015) Nahuhuli at Panimulanh pagtatangkal; Pilosopiya ng wikang
Pambansa/Filipino. https://scholar.google.com/scholar?hltl&as_sat=0%2c5&/
• Metrillo, A., (2018). Paggamit ng wikang Filipino ng mga mag-aaral sa Paaralan.
https://www academia.edu./401674481/paggamit_ng_wikang_filipino_ng mga_mag-
aaral_sa_paaralan.

You might also like