You are on page 1of 3

Kaugnay na literatura

Ayon kay Edward Sapir, ang wika ay isang likas at makataong pamamaraan ng paghahatid ng mgak
aisipan, damdamin at mithiin. Ayon naman kay Bienvibinido Lumbrera(2007), "Parang hininga ang wika,
sa bawat sandal ng buhay natin ay nariyan ito. Palatandaan ito na buhay tayo" at may kakayahang
umugnay sakapwa nating gumagamit din nito. Sa bawat pangangailangan natin ay gumagamit tayo ng
wikaupang kamtan ang kailangan natin. Kasabay ng araw-araw na pamumuhay ng bawat
indibidwalkabilang na ang mga pulitiko" propesyonal" at mga simpleng mamamayan ay nakakabit na
sakanila ang paggamit ng wika sa tuwing makikisalamuha at makikipagtalastasan upang kanilang
makamtan ang layunin sa lipunang ginagalawan. Pinapatunayan lamang nito na kapag ginamit at
pinapalaganap ang Wikang Filipino kasabay ng modernisasyon sa kasalukuyan ay maipapalaganap din
ang produkto" kultura" at iba pang ipinagmamalaki ng Pilipinas.

Ayon naman kay J.K Chambers (2008), Malinaw na ang wika ay isangmahalagang kasangkapan na
ginagamit upang maiparating ang mganasasaloob na ideya at damdamin ng isang tao. Hindi
lamang ito isangparaan ng pakikipag-usap niya sa kapwa kundi ginagamit din niya
upangmakipagkaibigan, makipagtalakayan at maibahagi ang kanyang iba’t ibangopinion at kaisipan.
Sa buong kasaysayan, maraming mga bagay, sitwasyonat pangyayari na tumutukoy sa kahalagahan ng
wika sa mga tao, sa kanyangkapaligiran at higit lalo na sa kanyang bansa. Ang wika ay hindi
lamangkumakatawan sa isang tao. Ito ay hindi lamang isang sasakyan para sapagpapahayag
ng mga sariling saloobin, opinyon, mg personal naobserbasyon at halaga ng kanyang mga
katangian bagkus ay isang sisidlanna siyang nagpapahayag ng mga aspeto ng isang komunidad o bansa.
Angwika ay kumakatawan din sa pangunahing pagpaparating sa iba ngpanlipunang
pagkakakilanlan. Sa maikling salita, ang wika ay tumutulong namapanatili ng mga damdamin ng
kultura, sining at pagkabansa ng isang bayan.

Si Carroll (1964) ay nagpapahayag na ang wika ay isang sistema ng mga sagisag na binubuo at
tinatanggap ng lipunan. Ito ay resulta ng unti-unting paglilinang sa loob ng maraming dantaon at
nagbabago sa bawat henerasyon, ngunit, sa aisang panahon ng kasaysayan, ito ay tinutukoy na isang set
ng mga hulwaran ng gawi na pinag-aaralan o natutuhan at ginagamit sa iba’t ibang antas ng bawat
kasapi ng pangkat o komunidad.

Ayon kay Dr. Aurora Batnag (2001) sapagkat ang Pilipinas ay multilinggwal at multicultural, nabubuklod
an gating mga watak-watak na isla n g iisang mithiin na ipinapahayag hinidl amang sa maraming tinig ng
iba’t-ibang rehiyon kundi gayon di nsa isahang midyum na Wikang Filipino. Samakatuwid hindi
matutumbasan ang papel ng wika sa pagtatangkang baguhin ang kalagayan ng lipunan ng isang bansa.

Kaugnay na pag-aaral

Ayon sa pag- aaral nina 0arker at Barker(1993), " ikinukunekta ng wika ang nakaraan" ang
kasalukuyanat ang hinaharap. Iniingatan din nito ang ating kultura at mga tradisyon. Maari raw mawala
angmatatandang henerasyon" subalit sa pamamagitan ng wika" naipapabatid pa rin nila ang
kanilangmga ideya" tagumpay" kabiguan" at maging ang kanilang mga plano o adhikain sa hinaharap. Sa
pamamagitan nito" ang mga sumusunod at susunod pang henerasyon ay natututo o maaaringmatuto sa
nakalipas na karanasan at sa gayo'y maiiwasan ang muling pagkakamali o di naman kaya ay naitutuwid o
matutuwid ang mga dating pagkakamali.

Para naman kay Vilma Tacbad" komisyner ng KWF mula sa Pampangga, " bagaman Ingles ang wika ng
komersyo hindi pa rin ito ang susisa kaunlaran ng bansa. Binigyan niya ng halimbaawa ang mga bansang
Japan, South Korea, Thailand, at China. di tulad sa bansangPilipinas" ang mga bansang ito ay masasabing
mahina sawikang Ingles. Ngunit hindi ito nagingdahilan upang paunlarin nila ang kanilang bansa. Ang
Japan ang isa sa pinakamayamang bansa sapagkat ginagamit nila ang wikang sarili. Hindi ginamit ng
Japan para umunlad ang wikang Ingles" ani Tacbad. Sa bansang ito na Ingles ang itinuturing na
pangalawang lengguahe"malaking bagay ang paggamit nito sa usaping pang-ekonomiya. Ngunit kung
ikukumpara angPilipinas sa ibang bansa" mas magkakaroon ngmalaking posibilidad na mapaunlad
angekonomiya sa pamamagitan ng paglinang sa kunganong sariling atin" Filipino" ang wikang pambansa.

Ayon nga Leitner (2002), “Ang mass midya ay salamin ng riyalidad, at para sa iba, ay bahagi mismo ng
mga pangyayari sa lipunan. Ang mga ugnayang ipinapahayag sa midya ay kapwa nakasalalay at
humuhubog sa wika at lipunan” Makatotohanan ito sapagkat anumang paraan nang paggamit sa wika ay
masasabing nasasalamin ng midya. Kumplikado ang interaksyon ng mass midya at mga tao sa lipunan.
Kapwa salamin at tagahubog nang midya ang kasanayang indibidwal sa paggamit ng wika.

Ayon sa pag-aaral na isinagawa nnina Norton at Wiburg (2003), ang konsepto ngteknolohiya ay
maitutumbas sa salitang "Technique" na ang ibig sabihin ay ang tamang paraanng pagpili at pagkilala
kaugnay sa mga kaparaanang nagagamit ng tao sa kanyang mga gawain.Ang angkop at tamang pagpili ng
teknolohiya na ating gagamitan sa ating mga klase ay nararapatding isaalang alang nang sa gayon ay mas
epektibo itong mailapat sa bawat aralin. Nagagawakasi nito na mas maging produktibo pa ang kalidad ng
edukasyon ng isang lipunan bukod pa dito mas napapabilis din nito ang akses ng bawat estudyante at
Guro sa impormasyong saanmang dako sa daigdig.

Ayon sa pag-aaral nina Añunuevo at Nocum(2015), kadahilanan ng teknolohiya, malaki at marami ang
naging impluwensya nito sa komunikasyon at wikang Filipino. Sa pag-babago ng panahon, pag-dating o
pag-imbento ng mga bagong salita, mga bagong paraan upang daan sa komunikasyon ng tao. Hindi man
lahat ito ay nakakabuti meron paring parte nito ay nakakatulong sa atin sa pang araw-araw na buhay
upang makipag talakayan o sa pakikipag-usap natin sa kapwa tao. Ito ay naging daan kung saan nagiging
madali ang ating pakikipag komunikasyon sa iba’t ibang tao. Naging paraan din ito upang mapadali ang
paglalahad ng nararamdaman at nasa isipan ng isang indibidwal. Ngunit meron din itong mga panganib
at maling pag-gamit na pwedeng makasira sa komunikasyon ng bawat isa. Na nagiging sanhi ng
pagkakawatak-watak ng pagkakaisa ng bawat indibidwal. Katulad nalang ng pagkakaiba-iba ng mga salita
na naiimbento ng isang grupo sa isang komunidad na nagiging sanhi ng hindi pagkakaintindihan o
pagdidiskriminasyon sa isa’t isa. Ang pag lalahad ng damdamin at isipan sa publiko sa pamamagitan ng
Social Media Sites kung saan nagiging hindi maganda hinggil sa pang pipintas ng iba at pang huhusga.
Base sa pag-aaral nina Casiano et. al(2016), ang kadalasang dahilan na nakapagpabago sa wikang filipino
ay ang teknolohiya at ang pag tuturo ng dayuhang lenggwahe sa mga eskwelahan. Dahil sa mga salik na
ito natutungo ang mga pilipino na kalimutan na ang kahalagahan ng wikang filipino. Ang wika ang syang
laman ng tabloid mula noon hanggang sa panibagong panahongamit nito ang mga salita mulapa sa ting
mga ninuno pero patuloy na binago ang kabihasnan. Apektado ang wika sa pagbago ng panahon dapat
bukas ang ating isip na tanggapin ito dahil ito ang susi ng pagkaka intindihan at pagkaka-isa. Pero sa
panahon ngayon hindi naman talaga na bago ang wika, nadagdagan lang ng panibagong kahulugan para
maka sabay sa pag babago ng ating bansa.

You might also like