You are on page 1of 16

,

KALAGAYAN NG WIKANG FILIPINO SA MAKABAGONG PANAHON


Isang Panukalang Tesis na Ipiniprisinta sa
Lingayen Technological Institute

KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKANG FILIPINO

GRADE 11 FBS NC II
LIDER:
ALEXANDRA S. FERNANDEZ
MIYEMBRO:
ANGELICA REYES
JHORIZE MEJIA
VENUS ALBAO
VHARON BAUZON
ALVIN DUMLAO

OKTUBRE 2019
TALAAN NG NILALAMAN

Pagpapahayag ng Misyon …………………………………………………………… i


Abstrak o Buod ng Pananaliksik ……………………………………………………. ii
Pamantayan sa Pagragrado ………………………………………………………... iii

Mga Bahagi ng Pananaliksik

Pamagat ………………………………………………………………………………. 1

Introduksyon at Kaligiran ……………………………………………………………. 2

Mga Kasalukuyang Suliranin ……………………………………………………….. 3

Rasyonal at Kaugnay na Literatura ………………………………………………… 4

Diskusyon ……………………………………………………………………………... 5

Kongklusyon at Rekomendasyon …………………………………………………... 6

Mga Kalakip na Dokumento o Apendiks …………………………………………... 7

Talaan ng Represensiya ……………………………………………………………. 8


PAGPAPAHAYAG NG MISYON

Ang layunin ng pag-aaral na ito ay maipakita ang pananaw ng mga mag-aaral ng


SENIOR HIGHSCHOOL sa LINGAYEN TECHNOLOGICAL INSTITUTE ang patuloy na
pag-unlad ng Wikang Filipino sa paglipas ng panahon.Magbigay ng sapat na kaalaman
ukol sa epekto ng moderno at makabagong teknolohiya.

i
PAMAGAT

‘’Kalagayan ng Wikang Filipino sa Makabagong Panahon’’

Pinamagatang ‘’KALAGAYAN NG WIKANG FILIPINO SA MAKABAGONG


PANAHON’’ ang pag-aaral na ito sapagkat nakapaloob dito ang pagkakaiba ng wika
noon sa wika ngayon at ang kalagayan nito sa moderno at makabagong
panahon.Patuloy na umuunlad at nagbabago ang wika ngunit maayos at maganda nga
ba ang epekto nito sa ating bansa?Iyan ang tatalakayin ng pag-aaral na ito na
magbibigay linaw sa bawat isa.

1
INTRODUKSYON AT KALIGIRAN

Ang wika ay isang bahagi ng pakikipagtalastasan o pakikipagkomunikasyon na


siyang nagiging daan tungo sa pagkakaisa ng bawat mamamayan.Ang pagkakaroon ng
sariling wika ng isang bansa ay mahalaga at kinakailangan sapagkat ito ang siyang
nananalamin at kumikilala sa kultarang kinagisnan.Sa patuloy na paglipas ng panahon
patuloy rin nagbabago ang wika na dahilan ng paglago o pag-unlad ng isang bansa
ngunit maaari itong magdulot ng pagkalimot sa wikang katutubo o wikang sinauna.
Sa pag-usbong ng modernong henerasyon marami ng nagbago sa Wikang
Filipino gumagamit na tayo ng iba’t ibang paraan upang mapaikli ang bawat salita na
ating binibigkas o winiwika.Halimbawa na rito ang ang mga salitang balbal o kadalasan
ay ginagamit ng mga kabataan o bakla upang makasabay sa uso. Ang paggamit ng
akronim ay mga letrang nagrerepresenta o kapalit ng isang salita.Napadali na ang
pagpapahayag o pagsagap ng mga impormasyon sa loob man o sa labas ng bansa sa
pamamagitan ng media,networking sites kagaya ng facebook,twitter,instagram na
siyang nagiging tulay kung bakit nakakabuo ng mga salitang hindi angkop o nararapat
sa ating wika, kadalasan tinatawag na jejemon,pabebe at mga wikang fliptop.Mabilis
itong kumalat o matutunan ng mga mamamayan sa ating bansa sapagkat laganap ang
iba’t ibang uri ng media.
Ang isyung ito ay labis na nakakaapekto sa ating pamumuhay maging sa lipunan
at ekonomiya.Sa pagsilang ng modernong henerasyon o ang makabagong wika ay
kasabay ng kawalang pansin sa ating Wikang Filipino.Karamihan sa mga mamamayan
ay nasakop na ang kaisipan sa modernong pananalita na nagdudulot ng kalituhan sa
pagkakakilanlan ng bawat isa.

2
MGA KASALUKUYANG SULIRANIN

Sa panahong kasalukuyan, ang wikang ginagamit ay moderno at makabago. Hindi


bago sa kaalaman ng karamihan ang mabuting dulot nito sa bawat mamamayan.Saan
mang sulok ng bansa ay laganap na ang makabagong teknolohiya ngunit mayroong
mga suliranin na kinakaharap ang karamihan sa modernong panahon.Ilan sa mga ito
ang suusunod;

1.Pag-gamit ng mga sikat na wika o salita


Marami ng nagagaya sa larangan ng social media pati sa pag-usbong ng
makabagong teknolohiya kaya marami sa ating mga Pilipino ay hindi marunong o hindi
wasto ang paggamit ng Wikang Filipino.

2.Pag-tangkilik sa Wikang Banyaga


Sa panahon ngayon unti-unti ng nababawasan ang pagpapahalaga at
pagmamahal sa wikang pambansa. Mas pinagtutuunan na ng pansin ang ibang wika
katulad ng ingles,korean,bekimon at iba pa.Nagagamit at mabilis ng natututunan ang
mga kultura ng ibang bansa kaysa sa sariling atin.

3.Maling paggamit ng Wikang Filipino


Marami ang nadagdag at nababago sa Wikang Filipino na siyang dahilan ng
hindi pagkakaintindihan ng bawat mamamayan.

3
RASYONAL AT KAUGNAY NA LITERATURA

RASYONAL
 Ang pag-aaral na ito ay ginawa ng mga mananaliksik upang mailahad ang
kalagayan ng Wikang Filipino sa modernong panahon.Inaasahang magiging
kapaki-pakinabang ang pag-aaral na ito sa mga sumusunod:

 Sa mga mag-aaral- ang pag-aaral na ito ay makakatulong sa kanila upang


kanilang malaman kung paano umuunlad ang wika at ang mga tamang paraan o
salita na kailangan nilang gamitin na makakatulong sa pagtatagumpay ng
kanilang pag-aaral.

 Sa mga mamamayan- ang pag-aaral na ito ay magbibigay sa kanila ng kaalaman


ukol sa kahalagahan ng wika at kung paano ito makakatulong sa pag-unlad ng
bayan

 Mananaliksik- para sa mga mananaliksik ay makakakuha sila ng gabay na may


kaugnay sa kanilang pag-aaral.

 Guro- ang pag-aaral na ito ay makakatulong sa guro upang magkaroon ng sila


kamalayan ukol sa kalagayan ng Wikang Filipino ,na siyang maari nilang ibahagi
sa kanilang mga estudyante.

4
KAUGNAY NA LITERATURA
LOKAL NA LITERATURA

Ayon kay HILL at GLEASON ang wika ay nagbabago.Dinamiko ang wika.Hindi


ito maaring tumangging magbago.Ang isang wikang stagnant ay maaring mamatay
tulad ng hindi paggamit niyon.
Si Carroll (1964) ay nagpapahayag na ang wika ay isang sistema ng mga
sagisag na binubuo at tinatanggap ng lipunan.Ito ay resulta ng unti-unting paglilinang sa
loob ng maraming daang taon at nagbabago sa bawat henerasyon , ngunit sa isang
panahon ng kasaysayan, ito ay tinutukoy ng isang set ng mga hulwaran ng gawi na
pinag-aaralan o natutuhan at ginamit sa ibat ibang antas ng bawat kasapi ng pangkat o
komunidad.
Ayon kay Eward Sapir , ang wika ay isang likas at makataong pamamaraan ng
paghahatid ng mga kaisipan ,damdamin at mithiin.
Ayon kay Dr.Aurora Batnag (kabayan 2001) sapagkat ang Pilipinas ay
multilingguwal at multicultural ,nabubuklod ang ating mga watak-watak na isla ng iisang
mithiin na ipinapahayag hindi lamang sa maraming tinig ng iba’t ibang rehiyon kundi
gayon din sa isahang midyum na wikang Filipino .Samakatuwid hindi matutumbasan
ang papel ng wika sa pagtatangkang baguhin ang kalagayan ng lipunan ng isang
bansa.
Ayon kay Dr. Parmela Constantino sa artikulo niyang Tagalog Pilipino/Filipino:
Do they Differ sa bisa ng Executive Order No 134 na nilagdaan ni Pangulong Quezon
noong ika-30 ng Disyembre ,1937 ay kinilala ang tagalog bilang basehan ng pagbubuo
ng Wikang Pambansa.
Ayon kay Bienvenido Lumbera ang wika ay parang hininga ,sa bawat sandali ng
buhay natin ay nariyan ito.Palatandaan ito na buhay tayo,at may kakayahang umugnay
sa kapwa nating gumagamit din dito.
DAYUHANG LITERATURA

Ayon kina Barker at Barker (1993),ikunukunekta ng wika ang nakaraan,ang


kasalukuyan at ang hinaharap.Iniingatan din nito ang ating mga kultura at mga
tradisyon. Maari raw mawala ang matatandang henerasyon,subalit sa pamamagitan ng
wika,naipapabatid pa rin nila ang kanilang mga ideya,tagumpay,kabiguan at maging
ang kanilang mga plano o adhikain sa hinaharap.Sa pamamagitan nito,ang mga
sumusunod at susunod pang henerasyon ay natututo o maaring matuto sa makalipas
na karanasan at gayo’y maiiwasan ang muling pagkakamali o di naman kaya ay
maituwid ang mga dating pagkakamali.Masasabi kung gayon na sa pamamagitan ng
wika ay umuunlad tayo sa mga aspektong intelektwal,sikolohikal at kultural.
Antonio Piaffeta noong 1525 ,mas maaga pa daw napormalisa ang Wikang
Filipino ngayon kaysa sa kasaysayan ng bansa .May mga pamiliyar na salita ang lugar
sa kahit saang dako ng Pilipinas .Katulad na lang ng mga salitang buhok at ngipin ibig
sabihin nito ay nagkakaisa na tayo noon pa man sa usapin tungkol sa wika.
Aram Noam Chomsky(1928) ,lahat ng tao may Language Acquisition Device
(LAD),idinagdag niya na everyone is born with some sort of universal grammar in their
brains-basic rules which are similar across all language. Ayon kay Archibald A.Hill sa
kaniyang papel na What is Language?Ang wika raw ay ang pangunahin at
pinakalaboreyt na anyo ng simbolikong gawaing pantao.
Ang simbolong ito ay ng mga tunog na nalilikha ng aparato sa pagsasalita at
isinasaayos sa mga klase at pattern na lumilikha sa isang komplikado at simetrikal na
istruktura . Ang mga simbolong ito ay mayroon ding kahulugang arbitaryo at kontrolado
ng lipunan.
DISKUSYON

Ang wika ay isang bahagi ng pakikipagtalastasan na ginagamit sa paaraw-


araw,kalipunan ito ng mga simbolo, tunog, at mga kaugnay na bantas upang
maipahayag ang nais sabihin ng kaisipan. Tinatayang nasa pagitan ng 6,0 Ayon kay
Archibald A.Hill sa kaniyang papel na What is Language?Ang wika raw ay ang
pangunahin at pinakalaboreyt na anyo ng simbolikong gawaing pantao. Ang simbolong
ito ay ng mga tunog na nalilikha ng aparato sa pagsasalita at isinasaayos sa mga klase
at pattern na lumilikha sa isang komplikado at simetrikal na istruktura . Ang mga
simbolong ito ay mayroon ding kahulugang arbitaryo at kontrolado ng lipunan.
00 hanggang 7,000 ang mga wika sa daigdig, depende sa kung gaano katiyak
ang pangahulugan sa "wika", o kung paano ipinag-iiba ang mga wika at mga diyalekto.
Ang siyentipikong pag-aaral ng wika ay tinatawag nalingguwistika. Nag-ugat ang
salitang wika mula sa wikang MALAY Samantalang nagmula naman sa Kastila ang isa
pang katawagan sa wika: ang salitang lengguwahe. Tinatawag ding salita ang wika.
Katulad ng language - tawag sa wika sa Ingles - nagmula ang salitang lengguwahe sa
salitang lingua ng Latin , na nangangahulugang "dila", sapagkat nagagamit ang dila sa
paglikha ng maraming kombinasyon ng mga tunog, samakatuwid ang "wika" - sa
malawak nitong kahulugan - ay anumang anyo ng pagpaparating ng damdamin o
ekspresyon, may tunog man o wala, ngunit mas kadalasang mayroon.
Pinakapaayak sa mga anyo ng wika ang paggamit ng mga salita o pagsasalita.
Subalit kabilang din rito ang pagsusulat, mga wikang pasenyas, larangan ng musika,
sining ng pagpipinta,pagsasayaw , at maging ang matematika. "Wika" ang lahat ng mga
ito kung gagamitin ang malawakan na kahulugan ng wika. Sa ilang pagkakataon,
tinatawag ding dila(piguratibo), salita,diyalekto , o lingo sariling-wika ng isang grupo
ang wika.
Ang wika ay malaking epekto sa pagpapaunlad at pagpapatatag ng ekonomiya
sa isang bansa.Ito ay isang instrumento na ginagamit sa ugnayan at transaksiyon ng
bawat tao sa isang ekonomiya.Kung wala ito magkakaroon ng hindi pagkakaunawaan
at maaaring humantong sa pagbagsak ng ekonomiya ang bansa.Masasabi na sa
pamamagitan ng wika ay umuunlad ang isang bansa sa apektong intelektuwal,kultural
at sikolohikal.
Sa pagbabago ng henerasyon, marami na ang nagbago sa ating ekonomiya
lalong-lalo na patungkol sa ating wika .Nagkaraon na ng mas maring barayti ng wika at
nagsisimula ng lumikha ng panibagong lenggwahe.Lengguwahe na nakakasanayan ng
karamihan na taliwas sa Wikang Filipino na siyang dapat pinapahalagahan at pinag-
aaralan.

5
KONGKLUSYON AT REKOMENDASYON

KONGKLUSYON
Batay sa kinalabasan o resulta ng mga nakalap na datos sa pananaliksik na
ito,narito ang kongklusyon sa isinagawang pag-aaral.
 Sa paglipas ng panahon nagbabago at umuunlad ang Wikang Filipino na
kailangan tanggapin at gawing benepisyal para sa ekonomiya at sa bawat
mamamayang Pilipino.
 Mahalaga na makita ng kabataan ang importansya ng Wikang Filipino sapagkat
sila ang pag-asa ng bayan at ang wika ang magiging tulay upang mas mapalago
ang ekonomiya ng bansa.
 Masasabing hindi lahat ng mamamayang Pilipino ay sapat ang kaalaman tungkol
sa Wikang Filipino ngunit ang mga pangunahing kaalaman na mayroon ay
kailangang linangin upang mas maunawaan at mahalin pa ang Wikang Filipino.
 Sa pagtatapos ng pag-aaral,masasabing ang teknolohiya ay isang salik o dahilan
kung bakit nakaligtaan ng karamihan ang wastong paggamit ng Wikang Filipino.

REKOMENDASYON
Matapos ang masusing pagkalap ng mga datos na kinakilangan, nabuo ang mga
sumusunod na mungkahing solusyon,suhestiyon at rekomendasyon upang mas lalong
mapabuti ang ideya ng paksa sa pananaliksik:
 Higit pang mapauunlad ang Wikang Filipino kapag ito’y ginagamit ng wasto.
Iwasan ang paggamit ng mga salita gaya ng balbal upang maging pormal ang
pakikipagkomunikasyon sa iba gamit ang Wikang Filipino.
 Patuloy na paunlarin ang Wikang Filipino sa pamamagitan ng patuloy na
pagbabahagi ng mga sapat na kaalaman sa mga kabataan sa kasalukuyan.
 Gamitin ang mga impormasyon na makalap sa pag-aaral/pananaliksik na ito
bilang gabay sa paggawa ng mga teorya na maka-ambag sa paggawa ng paksa
na pwedeng makatulong sa pagpapayabong sa Wikang Filipino.
 Pag-aralan ang ginawang pananaliksik ng mga mananaliksik upang mas
mapalawak at madagdagan ang kaalaman, para sa mas malinaw na
kongklusyon ng pag-aaral na ito.

6
PAMANTAYAN NG PAGRAGRADO

PAMANTAYAN PUNTOS ISKOR

1 TIYAK AT MALINAW ANG SULIRANIN NG 25%


PANANALIKSIK

2 TAMA ANG PAGKAKASUNOD-SUNOD SA 20%


MGA BAHAGI O PANANALIKSIK

3 TAMA ANG PAGGAMIT NG 30%


WIKA/GRAMATIKA

4 MAHUSAY ANG KABUUANG NILALAMAN 25%

KABUUAN 100%

iii
TALAAN NG REPRESENSIYA

Sa pag-aaral na ito nakalikom ang mga mananaliksik ng kaalaman sa mga


sumusunod na internet jounals / internet sites;

 https://tl.wikipedia.org/wiki/Wikang_Filipino
 https://www.researchgate.net/publication/317234596_Wikang_Filipino_Hini
nga_Kapangyarihan_at_Puwersa

 https://siningngfilipinongblogspot.com/2019/09/batayang.kaalaman.sa.kom
unikasyon.html/
 https://www,languagelinks.org/onlinepapers/wika6.html
 r https://d1apagsilangngmakabagongwika.blogspot.com/2015/09/pagsilang-
ng-mga-makabagong-wika-dulot.html
 https://www.slideshare.net/armialeonardo/thesis-wikang-filipino-sa-
makabagong-panahon

8
ABSTRAK O BUOD NG PANANALIKSIK

Sa modernong panahon malaki at marami na ang naging impluwensiya nito sa


komunikasyon at Wikang Filipino.Sa paglipas at pagbabago ng panahon, pag-imbento
ng mga bagong salita,mga bagong paraan upang mapabilis ang
pakikipagkomunikasyon ng tao.Kasabay ng pag-unlad ng wika ay siyang pag-unlad ng
ating bansa .Hindi man lahat ng ito ay nakabubuti ,mayroong parte nito ay nakatutulong
sa atin sa pang araw-araw na buhay upang makipag talakayan o makipag-ugnayan sa
kapwa mamamayan.Naging daan ito upang mapadali ang paglalahad ng mga
nararamdaman, impormasyon,at mga kaisipan ng isang indibidwal .Ngunit mayroong
itong mga panganib at maling pag-gamit na maaaring makasira sa komunikasyon ng
bawat isa .Na nagiging sanhi ng hindi pagkakaintindihan ng bawat indibibwal.Katulad na
lang ng pagkakaiba-iba ng mga salita na naiimbento ng isang grupo sa isang
komunidad kagaya na lamang ng mga salitang balbal na sikat sa mga kabataan na
nagdudulot ng diskriminasyon sa isa’t isa.Ang paglalahad ng damdamin at kaisipan sa
publiko sa pamamagitan ng social media sites kung saan hindi nagiging kaaya-aya o
maganda hinggil sa pagpipintas ng iba at sa panghuhusaga.Hindi masama ang pag-
unlad ngunit kinakailangang gamitin ng wasto ang Wikang Filipino tungo sa panahong
makabago.

ii
MGA KALAKIP NA DOKUMENTO O APENDIKS
Liham na Pahintulot

Oktubre 18,2019
Bb.Maureen C. Abad
Komunikasyon at Pananaliksik sa
Wika at Kulturang Filipino
Linagayen Technological Institute
Munisipalidad ng Lingayen

Mahal naming guro,

Kami po ay mga mag-aaral ng 11-FBS NC II na kasalukuyang nagsusulat ng


pamanahong papel tungkol sa kalagayang ng Wikang Filipino, sa Makabagong
Panahon.
Kaugnay nito maari po ba namin kayong makapanayam upang mabatid namin ang
ilan pang impormasyon o kaalaman patungkol sa Wikang Filipino?Ang panahong
igagawad ninyo sa amin ay lubos na makakatulong upang higit naming maunawaan
ang kalagayan ng Wikang Filipino sa kasalukuyan.
Maraming salamat po at nawa’y makamit namin ang positibong tugon ninyo
kaugnay ng kahilingang ito!

Lubos na sumasainyo,
Mga Mananaliksik

You might also like